Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

KWARTER 3
ARALIN 2
Uri ng Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig
Gender roles- ito ay gampanin o tungkulin batay sa kasarian.

Feminismo- ito ay ang pamamayani ng babae sa lipunan.

Binukot- mga babae na itinatago sa mata ng publiko at itinuturing na prinsesa.

Gender Roles sa Pilipinas

IBA’T – IBANG PANAHON


KATAYUAN NG
KABABAIHAN AT
KALALAKIHAN
PANAHONG PRE- • Pag-aari ng mga lalaki. Binukot – mga babae sa Panay na itinatago
KOLONYAL hanggang sa magdalaga.
• Lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa ayun sa Boxer
Codex-dokumento noong 1595
• Ang babae ay maaring patayin kapag nakitang kasama ng ibang lalaki
• Kapwa pinapayagan ang lalaki at babae na hiwalayan ang kanilang mga
asawa
• Maaring bawiin ng lalaki ang mga ari-arian na ibinigay niya sa kanilang
pagsasama
• Ang babae ay walang makukuhang anumang pag-aari
PANAHON NG KASTILA • Babae -pinalaki bilang tagasilbi sa tahanan o simbahan
• Kilala bilang mahiyain at malinis ang pagkatao
• Walang oportunidad na nakapag-aral kaya mababa ang pinag-aralan
PANAHON NG • May kababaihan na nagpakita ng kanilang kabayanihan tulad ni
REBOLUSYON Gabriela Silang – nag- alsa laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol
• Marina Dizon katipunera na tumulong na labanan ang mga Espanyol
noong Rebolusyong 1896
PANAHON NG MGA • Nagdala ng ideya ng kalayaan , karapatan at pagkakapantay pantay
AMERIKANO • Maramng kababaihan ang nakapag-aral sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan
• Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan
• Maaring bomoto ang babae sa bisa ng plebesito noong Abril 30,1937.
Naging simula ng pakikilahok sa mga isyu ng politka.
PANAHON NG HAPONES • Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Ang kababaihan ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga
Hapones
• Hindi ligtas ang babae dahilan sa iniiwan ang tahanan upang makapag-
aral
Hindi ligtas ang babae dahilan sa iniiwan ang tahanan upang makapag-
aral
KASALUKUYANG • May trabaho man o wala ang babae ay inaasahang gumawa ng mga
PANAHON gawaing bahay
• Babae,lalaki at LGBT ay marami ng pagkilos at batas na isinusulong
upang pagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan.
Gender Roles sa Africa at Kanlurang Asya

Sa mga rehiyong ito sa mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng
komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo pinayagan ng ilang bansa sa
Africa at kanlurang Asya na makaboto.

Sa kaharian ng Saudi Arabia, nanatili pa rin ang paghihigpit sa kababaihan. Noong taon 2015 pa lamang sila
pinayagang makaboto. May pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag-anak ng lalaki (asawa, magulang o kapatid). Pinipigilan din ang paglalakbay ng mga
kababaihan nang mag-isa dahil sa malaking banta ng pang-aabusong sekswal at pisikal.

Lumabas sa datos ng World Health Organization na may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na
walang benepisyong medikal ang FGM sa mga kababaihan ngunit patuloy pa rin ang ganitong gawain dahil
na rin sa impluwensya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan.

Ang Female Genital Mutilation (FGM) ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan, bata man o
matanda nang walang anumang benepiyong medikal. Isinasagawa ito sa paniniwalang mapapanatili nito nang
walang bahid-dungis ang babae hanggang sa siya ay maikasal. Wala itong basehang panrelihiyon at
nagdudulot ito ng impeksyon, pagdurugo, at hirap sa pag-ihi at maging kamatayan. Maituturing ang gawaing
ito na paglabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan.

Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso rin ng gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod rito, ayon sa inilabas na ulat ng United
Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya
mismo ng mga miyembro ng LGBT.

PAANO NGA BA NAGSIMULA ANG KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS?


PANAHONG PRE-KOLONYAL
• Ika-16 hanggang ika-17 siglo nababanggit ang mga Babaylan
• Babaylan lider- ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon tulad ng priestess atshaman
• Asog lalaking Babaylan sa Visayas. Nagbibihis babae at nagbabalat –kayo na babae upang ang kanilang
dalangin ay pakinggan ng espiritu
• Pinagkalooban ng panlipunang pagkilalang simbolo bilang “tila-babae.”
• Ilan sa mga babaylan ay kasal sa lalaki at may relasyong seksuwal

PANAHON NG MGA ESPANYOL


• Nag-iba ng gampanin ang mga babaylan dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
• Ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensyonal na
oryentasyong sekswal pangkasarian

DEKADA 60
• Umusbong ang Philippine Gay culture sa bansa.
• Maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad tulad ng akda ni Victor Gamboa at
Henry Feentra, Lee Sechrest at Luis Flores
• Umiral ang mga konsepto tungkol sa LGBT mula sa magkakasamang impluwensya ng interpretasyon ng
mga taong LGBT na nakaranas mangibang –bansa

DEKADA 80
• Ladlad anatolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton
Remoto at J. Neil Garcia 1993 , A Different Love: Being Gay in the Philippines- sinulat ni Margarita Go-Singco
Holmes.
• Lesbian Collective - samahan na sumali sa matsa ng International Women’s Day Marso 1992 ang kauna-
unahang demonstrasyon na nilahukan ng mga LGBT.

DEKADA 90 – KASALUKUYAN
• Simula ng LGBT movement sa Pilipinas tulad ng ProGay Philippines 1993, Metropolitan Community
Church 1992, UP Babaylan-pinakamatandang organisasyon ng mga LGBT
• Sumulpot ang mga lesbian organization gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates
Philippines (LeAP)
• Akbayan Citizen’s Action Party unang partido politikal na kumonsulta sa LBGT- Lesbian,Bisexual,Gay and
Transgender community.
• LAGABLAB-Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network unang LGBT lobby group1999
• Ang Ladlad-politikal na partido ni Propesor Danton Remoto noong Setyembre 21,2003.Sa simula hindi
pinayagan ng COMELEC na tumakbo sa halalan .Abril 2010 ganap ng pinayagan ng Kataas- taasang
Hukuman ng Pilipinas na lumahok sa halalan.
• Gay Pride March- noong 2004 ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas.

ATING TANDAAN:
Ang mga Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender o LGBT ay nagsimula pa noong Panahong Pre-Kolonyal, Sa
ngayon sa Pilipinas ay tinotolerate na ang kanilang hanay. Hindi man lubos ang pagtanggap sa kanila o may
nararanasan silang diskriminasyon ngunit may laya na silang maging totoo sa sarili.Sa pagdaan ng panahon
nagkaroon sila ng lakas ng loob na ipagtanggol ang kanilang karapatan pantao.

PAANO NGA BA NABAGO ANG PAPEL NG MGA KALALAKIHAN AT KABABAIHAN SA LIPUNAN


SA PILIPINAS?

NOONG UNANG PANAHON SA KASALUKUYAN


KALALAKIHAN • Haligi ng tahanan • Hindi lahat ng kalalakihan ay
• Malakas at matapang inaasahang magtrabaho para sa
• Naghahanapbuhay para sa pamilya pamilya.Marami na rin ang mga
• Pinuno o lider tinatawag na house husband sa
• Nagpapatakbo ng negosyo kailangang sitwasyon.
• Sila ang laging nangunguna sa mga • Marami nang mga kalalakihan ang
desisyon sumasang ayon sa pagtatrabaho ng mga
• Responsableng ama ng tahanan kababaihan
• Hindi nagpapakita ng kahinaan sa • Bukas ang isipan sa pagtanggap na
ibang tao maaring ang hanapbuhay na para sa
• Nasusunod sa mga pagdedesisyon mga kababaihan dati ay maaari na
din nilang gawin.

KABABAIHAN • Ilaw ng tahanan • Ang mga kababaihan ay mayroong


• May pusong mahina, emosyonal at pantay na karapatan at oportunidad
mahinhin sa paghahanapbuhay katulad ng sa mga
• Walang silbi sa lipunan ang salita kalalakihan. .
• Hanapbuhay ay pagluluto , paglalaba • Ang kalalakihan at kababaihan ay
at pag-aalaga ng anak pareho ng may pantay na karapatan
• Laging nakaasa sa kinikita ng lalaki • Maging sa pamumuno ay maaari ng
• Alipin o mababa ang pagtingin magtulungan
• Nakapirmi sa tahanan. • Ang kababaihan ay maaring ng
• Itinuturing na mababa. mamuno at magkaroon ng posisyon
• Ang kababaihan ay malakas ang
kaisipan at laging palaban

You might also like