Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum

Using the Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum, identify the following:

1. Main topics from Grade 1-6


 Grade 1- Ako, ang aking Pamilya at Paaralan
 Grade 2- Aking Komunidad, Noon at Ngayon
 Grade 3- Ang mga Lalawigan sa Aking Rehiyon
 Grade 4- Ang Bansang Pilipinas
 Grade 5- Pagbuo ng Pilipino bilang Nasyon
 Grade 6- Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa

2. Main themes of the Araling Panlipunan Curriculum

 Tao, Kapaligiran at Lipunan


 Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
 Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
 Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
 Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
 Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo
 Ugnayang Panrehiyon at Pangmundo

3. Approaches included in the Curriculum Guide

 Pamaraang Tematiko/Konseptwal/Paksain/ Konseptwal


 Pamamaraang Pasiyasat
 Integrasyon, Interdisiplinaryo, Multidisiplinaryo
 Konstruktibismo
 Magkatuwang na Pagkatuto
 Pagkatutong pangkaransan at Pangkonteksto

4. Skills and Competencies expected to be Achieved

 Pagsisiyasat
 Pagsusuri at interpretasyon ng datos
 Pagsusuri at interpretasyon ng impormasyon
 Pagsasaliksik
 Komunikasyon
 Pagtupad sa pamantayang pang-etika

5. Key Stage Standards from Grade 4-6

 Naipamamalas ang mga kakayahan bilang batang produktibo, mapanagutan at makabansang


mamamayang Pilipino gamit ang kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip,
matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng
pinagkukunang-yaman at pakikipagtalastasan at pag-unawa sa mga batayang konsepto ng
heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo sa pagpapanday ng
maunlad na kinabukasan para sa bansa.
6. Grade Level Standards from 1-6

BAITANG PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


Naipamamalas ang kamalayan at pag-unawa sa sarili bilang kasapi ng pamilya at paaralan
1 at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago, interaksyon, distansya at direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal
at kasapi ng pangkat ng lipunan komunidad.
Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa kasalukuyan at nakaraan ng
2 kinabibilangang komunidad, gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago,kapangyarihan, pamumuno at pananagutan, pangangailangan at kagustuhan,
pagkakilanlan, mga simpleng konseptong heograpikal tulad ng lokasyon at pinagkukunang-
yaman at ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga labi ng kasaysayan.
Naipamamalas ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga ng mga komunidad ng
3 Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa (a) katangiang
pisikal (b) kultura; (c) kabuhayan; at (d) pulitikal, gamit ang malalim na konsepto ng
pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal.
Naipagmamalaki ang pagka- Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa
4 pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga kasanayan sa
heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at
pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas
5 at mga sinaunang lipunan hanggang sa mga malalaking pagbabagong pang-ekonomiya at
ang implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit ang batayang
konsepto katulad ng kahalagahang pangkasaysayan (historical significance), pagpapatuloy
at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang mamamayang
mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa at
may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa
pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.
Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas
6 mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, tungo sa pagbuo ng tiyak na
pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas Naipamamalas ang malalim na
pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas base sa pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang
sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga ito, mula sa iba-
ibang panahon, tungo sa pagbuo ng makabansang kaisipan na siyang magsisilbing basehan
ng mas malawak na pananaw tungkol sa mundo

7. Kind of citizens does the Araling Panlipunan curriculum envision

 Nilalayon ng AP kurikulum na makalinang ng kabataan na may tiyak na pagkakakilanlan at papel


bilang Pilipinong lumalahok sa buhay ng lipunan, bansa at daigdig.
Matatag Kurikulum

Using the Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum, identify the following:

1. Main topics from Grade 1-6


 Grade 1-3- SiKaP (Sibika, Sining at Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan)
 Grade 4- Ang Bansang Pilipinas
 Grade 5- Pagbuo ng Pilipino bilang Isang Nasyon
 Grade 6- Mga Hamon at Pagtugon sa Pagkabansa

2. Main themes of the Matatag Kurikulum

 Tao, Lipunan at Kapaligiran


 Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
 Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
 Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
 Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
 Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo
 Ugnayang Panrehiyon at Pangdaigdig

3. Approaches included in the Curriculum Guide

 Pamaraang Tematiko/ Konseptwal/Paksain/ Konseptwal


 Pamamaraang Pasiyasat
 Integrasyon, Interdisiplinaryo, Multidisiplinaryo

4. Skills and Competencies expected to be Achieved

 Konstruktibismo
 Magkatuwang na Pagkatuto
 Pagkatutong Pangkaranasan, Pangkonteksto

5. Key Stage Standards from Grade -6

Bilang pamantayan sa programa ng Araling Panlipunan, inaasahan na ang mga mag-aaral ay


makapagpamalas ng pag-unawa sa mga konsepto at isyung pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-
ekonomiya, pangkultura, pampamahalaan, pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang nalinang
sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at larangan ng Araling Panlipunan kabilang ang pananaliksik,
pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-
kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang
pananaw upang maging isang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo, makakalikasan,
makabansa at makatao na papanday sa kinabukasan ng mamamayan ng bansa at daigdig.
6. Grade Level Standards from 4-6

BAITANG PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


4 Naipamamalas ang pag-unawa at pagmamalaki sa pagka-Pilipino na pinagbubuklod ng
iba’t ibang kultura batay sa mga konsepto ng heograpiya, kasaysayan, ekonomiya,
pamamahala at pagpapahalaga tungo sa pagpapaigting ng kamalayang makabansa
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng Pilipinas, mga
5 sinaunang lipunan hanggang ika-19 na siglo gamit ang mga batayang konsepto ng
heograpiya, kasaysayan, agham pampolitika, ekonomiks, at mga kaugnay na kaisipan tungo
sa pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan at nasyonalismo
Naipamamalas ang pag-unawa at paglalapat ng kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas mula
6 1872 hanggang kontemporanyong panahon, gamit ang mahahalagang kaisipan sa
heograpiya, kasaysayan, kultura, karapatan at responsibilidad, pamumuno at pagsunod,
ekonomiya, likas-kayang pag-unlad at pamumuhay sa lipunang Pilipino tungo sa pagbuo
ng pambansang pagkakilanlan at nasyonalismo

7. Kind of citizens does the Araling Panlipunan curriculum envision

Ang Araling Panlipunan ay itinuturing na isang mahalagang haligi ng kurikulum dahil ang
pangunahing layunin nito ay upang linangin ang mga mag-aaral na Pilipino na maging mapanuri,
mapanimdim, produktibo, at responsableng miyembro ng lipunan na may matibay na kakayahang sibiko
na malalim na nakaugat sa isang malalim na pag-unawa sa pagkakakilanlan ng kultura at pagmamahal sa
bansa, habang nagtataglay din ng pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga na may kaugnayan sa mga
isyung panlipunan.

You might also like