Esp Iv-Alido LP - Klon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Western Mindanao State University

College of Teacher Education


Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA ESP IV


GUIDED SILENT READING

PST: Date of Teaching: February 08, 2023


Notario, Kaeth Laurence O. Pass on: February 07, 2023

Mentor:
Ma’am Kristine Samosa-Alido

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV


I. Layunin

Sa pagtatapos ng 30-minutong klase sa pagbabasa, ang mga mag-aaral sa Baitang


IV-Alido ay dapat na magawa ang mga sumusunod na may hindi bababa sa 85% na
antas ng kasanayan:
a. nasasabi ang kahalagahan ng paggalang sa kultura ng mga pangkat-etniko
sa bansa;
b. nakikilala ang iba’t ibang pangkat etniko sa bansa;
c. i-unlock ang mahihirap na salita sa pamamagitan ng iba't ibang mga
pahiwatig(clues);
d. natatandaan ang mga mahahalagang detalye tungkol sa kuwento; at
e. nasasagot ang mga tiyak na tanong tungkol sa kuwento.

II. Paksa
Paksa: Kultura ng mga pangkat-etniko, mahalagang malaman.
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao IV, pp. 207-218.
III. Mga materyales
Mga Larawan, Teksbuk, Worksheet, Cartolina, Marker, Baskets, Easter eggs

IV. Pamamaraan

Paghahanda

Magandang umaga! (Magandang umaga rin!) Kumusta kayo? (mabuti!) Bago kayo
maupo, pakipulot ang lahat ng papel sa ilalim ng iyong mga upuan at mesa. (Pupulot
ang mga mag-aaral ng basura) tapos na ba kayo? (Opo) Maaari na kayong umupo,
Handa na ba kayo para sa aralin ngayon? (Opo) Magaling!

A. Pagganyak

Ngayon ay may ipapakita akong mga larawan, (2 pangkat etniko, akel mga known)

Kilala niyo ba ang mga nasa larawan? (Mga pangkat-etniko) Tama! Ito ay mga
pangkat-etniko na matatagpuan dito sa Pilipinas. Sino makakapagpangalan sa unang
pangkat-etniko sa larawan? () sa pangalawa?() Mahusay! Masaya ako na kilala niyo
ang mga pangkat-etniko na aking pinakita. Kayo mga bata, alam niyo ba kung saang
pangkat-etniko kayo nabibiliang? (Opo/Hindi po) Para sa mga nagsabi ng opo, anong
pangkat-etniko kayo nabibilang? (Tausug, Yakan, Zamboangueno atbp.) Mahal niyo ba
at ipinagmamalaki ang inyong kinabibilangang pangkat? (opo) Magaling! Dapat lang na
mahalin at ipagmalaki natin ang ating kinabibilangang pangkat dahil ito ay parte ng
ating sarili at kultura.
B . Paglalahad
Ngayong araw babasahin natin ang kwentong pinamagatang "Maipagmamalaking
T’boli si Tatay ". Ang kwentong ito ay tungkol sa unang pagbisita ng magkapatid na
Abegail at Hadji sa probinsiya ng kanilang tatay sa South Cotabato, Handa na ba ang
lahat? (Opo) Magaling!

C. Pagbibigay ng pagganyak na tanong


Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji sa South Cotabato. Ang probinsiya
ng kanilang tatay. Sa daan pa lamang ay excited na ang magkapatid sa kanilang
pupuntahan. Sinabi kase ng kanilang nanay na marami silang makikita na ikakasiya
nila.

Ngayon, ano ang nais niyong malaman tungkol sa kwento?

1. Ano-ano ang kanilang makikita sa pagpunta nila sa south cotabato?


2. Ano ang naging reaksiyon ng magkapatid sa kanilang mga nalaman at nakita sa
probinsiya ng kanilang tatay?

D. Pag-aalis ng balakid
Bago tayo magsimula, Mayroon akong ilang pangungusap na gumamit ng malalalim
at banyagang salita na makikita niyo sa kuwento na pwedeng bago sa inyong pandinig.
Pakinggan muna habang binabasa ko ang mga ito.

Marami silang palamuti sa kanilang katawan.


Magigiliw ang mga tagapangasiwa ng resort.
Wiling-wili si Abegail sa kaniyang nakikita.

Basahin nating lahat. Ano kaya ang kahulugan ng nga nakasalunguhitan na salita?
Gagamitin kong muli ang mga salitang ito sa pangungusap at pipiliin niyo lamang ang
letra ng tamang kahulugan nito. Handa na ba? magaling

1. Ang gaganda ng mga palamuti tuwing pasko..


a. Abubot/Dekorasyon
B. Pangkulay

2. Ang aking Ina ay nagtatrabaho bilang tagapangasiwa ng isang resort.


a. Tagalinis
b. Tagapamahala

3. Wiling-wili si Asher sa rides na sinakyan niya.


a. Naiinis
b. Gustong-gusto

Nakuha niyo ba ang mga tamang sagot mga bata? Magaling. Paalala wag kalilimutan
ang nga salitang ito dahil magagamit ito upang lubos na maintindihan ang ating kwento

E. Pag-aalala sa Pamantayan
Bago tayo magsimula sa pagbabasa, ano ang mga bagay na kailangan natin
alalahanin habang nagbabasa tayo? (Ang una po ay maupo ng matuwid) Tama, ang
pangalawa? (hawakan ang aklat ng dalawang kamay sa ibabaw ng pupitre) At ang
pangatlo? (mga mata lamang ang gamitin sa pagbasa) Ano pa? (ma'am itikom ang
bibig) (ma'am bumasa ng matulin hangga't maaari) Yun lang ba? (di po, meron pa) Ano
pa? (unawain ang binabasa at pagkabasa itiklop bg marahan ang aklat) Okay,
magaling mga bata. Kayo ay handang-handa na sa pagbasa.

F. Pagbabasa muli sa pagganyak na tanong


Bago tayo magsimulang magbasa, ano nga ulit ang mga tanong na gusto niyong
malaman sa kwento? (Ano-ano ang kanilang makikita sa pagpunta nila sa south
cotabato? Ano ang naging reaksiyon ng magkapatid sa kanilang mga nalaman at nakita
sa probinsiya ng kanilang tatay?) Tama, ang mga katanungan na iyan ay ang nais natin
tuklasan sa babasahin na kwento. Handa na ba kayo? (opo) Magaling.
G. Pagpapasa ng aklat
Ngayon ay ipapasa ko na ang mga aklat na gagamitin natin, bago ang lahat maaari
niyo bang ipaalam sa akin na handa na kayo? (opo) Sumigaw lamang ng "handang-
handa na po" kung kayo ay totoong handa na sa pagbabasa. (handang-handa na po)
Okay, talagang handa na kayo at ipapasa ko na ang mga aklat. Uunahin ay ang mga
nasa harapan. Kumuha ng isa at ipasa sa likod ang mga sobrang aklat. Sa mga hindi
nakatanggap, itaas lamang ang kanang kamay at sabihing, "wala pa po ako" ng
mabigyan ko. (opo) Walang nagtataas ng kamay, lahat na ba ay may aklat? (opo)
Magaling.

H. Pagbabasa ng tahimik

“Maipagmamalaking T’boli si Tatay”

I. Pagsasagot sa mga tanong

Pagkatapos niyong basahin ang kuwento, Ano-ano ang kanilang makikita sa pagpunta
nila sa south cotabato? (Nakita nila ang mayamang kultura ng mga t’boli. Ano ang
naging reaksiyon ng magkapatid sa kanilang mga nalaman at nakita sa probinsiya ng
kanilang tatay?(Masaya at namangha ang magkapatid sa kanilang mga nakita)

1. Ilarawan ang kultura ng mga T’boli pagkatapos nilang matanghal na hinangaan ng


nanay nina Hadji at Abegail. (May sayaw sa panliligaw, pagkakasal, paglalaban,
pagwawagi, at pag-ibig atbpa.) 2. Humanga rin ba ang magkapatid na Hadji at Abegail
sa kultura ng mga T’boli na kanilang nasaksihan? Paano nila ipinakita ito? (Oo, sa
pamamagitan ng pagpupuri at pagsasabi ng mga magagandang salita). Ngayon, bakit
mahalaga maunawaan at igalang ang kultura ng mga pangkat-etniko sa bansa? (Dahil
ang kultura ay nagpapakilala sa atin at sa bansa) Tama! Dahil kultura ang isa sa
nagpapakilala ng isang bansa sa buong daigdig. Ang kultura ay nagpapakulay at
nagpapakilala rin sa pagkamamamayan ng mga taong nakatira sa isang bansa.Ano
ang ating dapat gawin para di makalimutan ang kultura ng ating pangkat-etniko?
(isabuhay araw-araw.) Tama! Tandaan natin na ang pagpapahalaga at pagsasabuhay
sa ating kultura ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bansa. Mayaman
at makulay ang kulturang Pilipino.

V. Paglilitis

Ngayon naman ay magakaroon tayo ng maiksing pagsusulit. May inihanda ako ritong
mga worksheets para sagutan. Kumuha ng isa at ipasa. Sinong makakapagbasa ng
panuto?(ako) magaling! Naintindihan ba ng lahat? (opo) simulan na ang pagsagot.

Part I.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kaganapan base sa kwentong
“Maipagmamalaking T’boli si Tatay”. Isulat ang S kung sang-ayon sa pahayag at DS
kung hindi sang-ayon.

_S_1. Kailangang ipagmalki natin ang kinabibilangan nating pangkat-etniko.


_DS_2. Ang kultura ng ating ninuno ay masyado ng makaluma at kailangan ng palitan.
_DS_3. Dapat nating itago ang pangkat-etniko na ating kinabibilangan.
_S_4. Para di makalimutan ang ating kultura ay kailangan natin itong isabuhay.
_S_5. Dapat lang na mahalin at igalang natin ang kultura ng mga pangkat-etniko.
Part II.
Panuto: Isulat ang iyong saloobin ukol sa tanong.

1. Kung ikaw si Hadji o si Abegail, paano mo maipagmamalaki ang yaman ng inyong


kultura nang malaman mo na ikaw pala ay isang T’boli?

You might also like