Buod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Mariel R.

De Vera

Teacher: Marielle Faith Busa

BUOD NG TALUMPATI AT SINTESIS


Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan

ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat,

tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang

paniniwala.

 Layunin ng okasyon- Maaring ito ay magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante, mapaliwanag


tungkol sa isang isyu sa isang komunidad para may matutuhan ang mga tagapakinig, at iba pa.
 Layunin ng manunumlumpati- Bukod sa layunin ng okasyon, dapat din tiyakin ng tagapagtalumpati
sa kaniyang sarili. Kung iisa lang siyang magsalita, maaring ang layunin ng okasyon ay siya na rin
niyang maging layunin.
 Manonood- Ang manonood ay hindi lamang tagpakinig. Pangunahing salik din sila sa nilalaman at
estilo ng talumpati.
 Tagpuan ng talumpati- Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras, at sa daloy ng programang
kapapalooban ng talumpati.

Uri ng talumpati batay sa nilalaman:

1. Talumpating Impormatib- Magbigay impormasyon sa manonood o tagapakinig.


2. Talumpating Persuweysib- Layunin nito ang manghikayat.

Uri ng talumpati batay sa pamamaraan:

1. Impromptu/Biglaan- Talumpating ibibigay nang biglaan.


2. Ekstemporanyo/Pinaghandaan- May maikling panahon na binibigay.

Dumako naman tayo sa pagbabalik aral ng Sintesis.

Sintesis/buod - ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sintesis: Binabasa dito ang kabuuang anyo at nilalaman ng teksto.
pinapadali nito ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama.
kinakailangan Isaalang - alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye. Maaari ding
isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: una, gitna at wakas.
Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.

Sekwensiyal- Ito ang Pagsusunod-sunod ng pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng panandang


naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod. Kronolohikal- Ito ang Pagsusunod-sunod ng impormasyon at
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari. Prosidyural- Ito ang Pagsusunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa.

You might also like