4th Quarter Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MARIA CLARA LOBREGAT NATIONAL HIGH SCHOOL

TICKWAS DUMALINAO ZAMBOANGA DEL SUR


4TH SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 8

PANGALAN__________________SEKSYON_____________SCORE________

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

1. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa sa Europe bago nagsimula ang
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. alyansa C. kapatiran
B. pagkakaibigan D. sanduguan

2. Alin sa sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy sa


pagpapahusay, pagpaparami ng armas, at pagpapalakas ng mga sandatahang lakas
ng mga bansa sa Europa?
A. Imperyalismo C. Militarismo
B. Kolonyalismo D. Nasyonalismo

3. Saang kontinente nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Africa C. Europe
B. Asia D. North America

4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang


Digmaang Pandaigidg?
A. paglusob ng Germany sa Belgium
B. pagpapalabas ng Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria
Hungary, Russia at Turkey
D. pagpaslang sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si Archduke
Francis Ferdinand
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang halimbawa ng epekto sa ekonomiya
pagkatapos ng mga digmaan?
A. Paghina ng industrialisasyon at pananalapi
B. Pagiging malaya mula sa mga mananakop
C. Pagtatag ng samahang Liga ng mga Bansa
D. Paglakas ng Central Powers sa larangan ng pamamahala

6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga mahalagang pangyayari sa Unang


Digmaang Pandaigdig?
A. pagkakatatatag ng United Nations
B. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo
C. pagkakatatag ng Allies at Central Powers
D. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa

7. Sino ang nagpasikat ng katagang “Sa alinmang digmaan, walang panalo lahat ay
talo?”
A. Lloyd George
B. Woodrow Wilson
C. Neville Chamberlain
D. George Clemenceau
8. Alin sa mga sumusunod na sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy
sa madaling paraan ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa
pamamagitan ng pag-impluwensiya sa mga kalakaran ng ibang estado?
A. imperyalismo C. militarismo
B. kolonyalismo D. nasyonalismo 9. Ano-anong bansa ang
bumubuo sa Triple Entente?
A. France, Italy, Russia
B. Russia, Germany, Italy
C. France, Great Britain, Russia
D. Germany, Austria-Hungary, Italy

10. Paano naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagbubuo ng mga
alyansa?
A. Nalagay sa panganib ang isang bansa
B.Nagkaroon ng pagkakampihan sa mga bansang sangkot
C.Pinahina nito ang sandatahang lakas ng isang bansa
D.Mas napalawak ang ugnayan ng mga bansa sa pakikipagkalakalan

11. Alin sa sumusunod ang maaring magdulot ng pinakamatinding pinsala sa ari-


arian at imprastruktura?
A. digmaan C. kahirapan
B. epidemya D. pagkalugi

12. Anong imperyo sa Gitnang Silangan ang bumagsak pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Hapsburg C. Ottoman
B. Hohenzollern D. Romanov

13. Aling pahayag ang hindi nagsasaad ng tamang hinuha tungkol sa epekto ng
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Nasira ang mga ari-arian.
B. Napahinto nito ang gawaing pangkabuhayan.
C. Maraming tao ang mandarayuhan sa ibang bayan.
D. Tumaas ang bilang ng mga taong nasugatan at namatay.

14. Ano ang mahihinuha kapag naantala ng digmaan ang aktibong kalakalan sa
buong mundo?
A. Tataas ang presyo ng mga bilihin
B. Bababa ang presyo ng mga bilihin
C. Tatamlay o mahihinto ang kalakalan
D. Kaunting produkto ang mapagpipilian

15. Kung ikaw ay isang lider na nakaligtas sa Unang Digmaang Pandaigdig, alin ang
nararapat unang bigyang-pansin?
A. pagsali sa iba’t ibang pandaigdigang samahan
B. payagan ang lahat ng dayuhang mamumuhunan na papasok sa bansa
C. palawakin ang teritoryo upang madagdagan ang mga hilaw na sangkap at
mapabilis ang pag-unlad
D. pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya na nakatuon sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao
Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit ikinagalit ng Germany ang mga
probisyon sa Kasunduan ng Versailles maliban sa
A. pagbayad ng Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
B. pinalitan ang lahat ng kolonya ng Germany bilang Mandated Territory
C. pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng mga delegado ng magkabilang panig
D. paniniwala ng Germany sa labis na pang-aapi batay sa nakasaad na mga
probisyon ditto
2. Alin sa sumusunod ang hindi napagtagumpayan na maisakatuparan ng Liga
ng mga Bansa?
A. Pinangasiwaan nito ang ibat ibang mandato. B. Pinagbawalang gumawa ng
mga armas ang Germany. C. Napigilan nito ang digmaan sa pagitan ng Finland at
Swede. D. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng
digmaan.
3. Alin sa mga pinuno ang hindi kasama sa tinaguriang “The Big Four?”
A. David Lloyd George B. Woodrow Wilson C. Edward Grey D. Vittorio Emmanuel
Orlando
4. Anong kasulatan ang binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 na
naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma?
A. Kasunduan sa Paris C. Liga ng mga Bansa B. Labing apat na puntos D. Lihim na
pakikipag- ugnayan
5. Alin ang hindi kabilang sa lihim na kasunduan na nilagdaan ng mga alyadong bansa
maliban sa Great Britain at France pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pabagsakin ang imperyong Ottoman B. Hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central
Powers. C. Lubhang pahinain ang hukbong sandatahan ng Germany. D. Pagbabayarin
ang Germany ng malaking halaga bilang reparasyon sa mga bansang napinsala.
6. Sinong pinuno ng bansang alyado ang nagmungkahi na muling magtatag ng isang
samahang pandaigdig na ipapalit sa Liga ng mga Bansa upang matamo ang
pangmatagalang kapayapaan ng mga bansa?
A. Franklin Roosevelt B. Joseph Stalin C. Winston Churchill D. Woodrow Wilson 12
7. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig? A. ASEAN C. NATO B. League of Nations D. United Nations
8. Kailan naitatag ang United Nations o Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa?
A. Ika-24 ng Oktubre, 1945 B. Ika-26 ng Oktubre, 1945 C
. Ika-25 ng Oktubre, 1945 D. Ika-27 ng Oktubre, 1945
9. Alin sa sumusunod na sangay ng mga Bansang Nagkakaisa ang siyang nagbibigay
ng mga payo ng advisory tungkol sa mga legal na katanungan na isinumite dito sa
pamamagitan ng mga awtorisadong internasyunal na ahensya at nagpapasya sa mga
kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa?
A. General Assembly B. Security Council C. International Court of Justice D. Trusteeship
Council
10.Ilang mga bansa ang nagtulong-tulong sa pagbalangkas ng United Nations Charter o
Karta ng mga Bansang Nagkakaisa noong ika-26 ng Hunyo, 1945?
A. 50 C. 70 B. 60 D. 80
11.Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga alituntunin o batayan ng isang bansa
upang mapabilang sa United Nations o Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa?
A. Ang pagiging kasapi ay magiging epektibo sa petsa ng resolusyon para sa
pagpapatibay ng kanyang pagiging miyembro. B. Ang estado ay magsumite ng isang
aplikasyon at sulat na pormal na nagsasabi na tinatanggap nito ang obligasyon sa ilalim
ng charter. C. Anumang rekomendasyon para sa pagpasok ay dapat matanggap at
sangayunan ng 4 na boto mula sa 15 na mga miyembro ng estado. D. Ang
rekomendasyon ay ipapakita sa General Assembly para sa pagsaalangalang. Ang 2/3 na
karamihan sa boto ay kailangan sa Assembly para sa pagtanggap ng isang bagong
estado.
12.Sino ang naging unang-halal na Sekretaryo-Heneral ng mga Bansang Nagkakaisa?
A. Franklin Roosevelt B. Trygve Lie B. Joseph Stalin C. Winston Churchill
13.Saan naganap ang kumperensiya ng United States, Great Britain at Soviet Union
upang mapagkasunduan na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo
ang Axis?
A. Dumbarton Oaks B. San Francisco C. Moscow D. Yalta
14.Anong sangay ng United Nations ang may tungkulin ng pagpapasiya sa mga usapin
ukol sa pandaigdig na kapayapaan at seguridad, pagtanggap sa bagong kasapi?
A. Economic and Social Council B. International Court of Justice C. General Assembly D.
Secretariat
15.Alin ang hindi kabilang sa mahalagang pangyayari noong Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente B. pagpapalakas ng hukbong militar ng
mga bansa C. pagtatatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa D. pagkakaroon ng
diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa
MARIA CLARA LOBREGAT NATIONAL HIGH SCHOOL
TICKWAS DUMALINAO ZAMBOANGA DEL SUR
4TH SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 9

PANGALAN__________________SEKSYON_____________SCORE________

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng
pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng
isang bansa.
A. kaunlaran B. katuparan C. kaginhawaan D. katagumpayan
2. Alin sa mga salik na ito ang nagagamit nang mas episyente upang mas marami pa
ang mga malilikhang produkto at serbisyo?
A. kapital B. yamang- tao C. likas na yaman D. teknolohiya at inobasyon
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na pagkamakabansa?
A. pagnenegosyo B. tamang pagboto C. pagsali sa kooperatiba D. pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino
4. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya?
A. Ito ay nagdudulot ng pansariling kaunlaran. B. Ito ay nagpapaunlad sa ekonomiya ng
bansa. C. Ito ay nagpapaasenso sa kabuhayan ng mamamayan. D. Ito ay nagbibigay ng
magandang benepisyo sa ibang bansa.
5. Ang mga mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa pagtamo ng kaunlaran ng
bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang dito?
A. tamang pagboto B. tamang pagbabayad ng buwis C. pagtangkilik sa produktong
dayuhan D. pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan
6. Sino ang naniniwala na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang
yaman ng buhay?
A. Fajardo at Dy B. Todaro at Smith C. Benjamin Castro D. Feliciano Fajardo
7. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng abilidad bilang pagkilos tungo sa pambansang
kaunlaran?
A. pagnenegosyo B. tamang pagboto C. pagtulong sa kapwa D. pakikilahok sa
pamamahala ng bansa
8. Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking hamon sa taong 2020 hanggang sa
kasalukuyan, binago nito ang pamumuhay ng tao at ekonomiya. Sa iyong palagay, may
pag-asa pa ba tayong uunlad muli?
A. Wala, dahil bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. B. Mayroon, dahil hindi tayo
pababayaan ng gobyerno. C. Wala, dahil limitado ang galaw o kilos ng bawat tao para
maghanapbuhay. D. Mayroon, kung magkakaisa tayong lahat upang labanan ang
pagkalat ng virus.
9. Ano ang iyong pananaw sa aspetong tradisyunal na ang pag-unlad ang binibigyang
halaga?
A. pagbabago sa lipunan B. pagkamit ng kalayaan C. pagkakaroon ng pagkakaisa sa
buong bansa D. patuloy sa pagtaas ng antas ng income per capita
10. Sa usaping pagsulong, alin sa mga sumusunod na pahayag ang tinutukoy ni Fajardo
na nagbibigay ng totoong pag-unlad?
A. pag-alis B. pagsukat C. paghawak D. pagbahag
11. Alin sa mga pahayag ang HINDI nagpapakita ng katuturan tungkol sa
Sektor ng Agrikultura?
A. nagbibigay ito ng kita
B. nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao
C. nagpoproseso ng mga hilaw na materyal
D. ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain

12. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa dahil malaking bahagi nito
ang kumakatawan sa mga gawaing agrikultural. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?
A. Pinagmumulan ng hilaw na materyal
B. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino
C. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
D. Nakagagawa ng produkto gamit ang makina

1
CO_Q4_AP 9_ Module 2
13. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.
B. Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.
C. Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.
D. Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga
produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang
pamilihan.

14. Ang patakarang ito ay ukol sa reporma sa lupa na naglalayong ipamahagi


ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga
magsasakang walang sariling sakahan?
A. Republic Act 3844
B. Republic Act 1400
C. Republic Act 6657
D. Presidential Decree 2

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng kakulangan


sa makabagong kagamitan at teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?
A. Mabagal na pagsasaka
B. Kalabaw pa rin ang gamit sa pag-aararo
C. Pagkakaroon ng kakompetensya ang mga lokal na produkto.
D. Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga
lumang kagamitan
16. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor
ng agrikultura?
A. Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal
B. Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon. C.
Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao.
D. Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga
pangangailangan
17. Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may
kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?
A. aquaculture
B. thrawl fishing
C. munisipal na pangingisda
D. komersyal na pangingisda

18. Anong sub-sektor ng agrikultura nabibilang ang aquaculture?


A. pagsasaka
B. paggugubat
C. pangingisda
D. paghahayupan

19. Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?


A. pagtotroso
B. pangingisda
C. paghahalaman
D. paghahayupan
20.Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
A. Bureau of Customs
B. Department of Agriculture
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Environment and Natural Resources

21. Ang impormal na sektor ay kinabibilangan ng mga __________


A. Uri ng hanapbuhay sa mga bansang papaunlad pa lamang B. Regular na
hanapbuhay para sa bansang maunlad na C. Solusyon sa problema ng hanapbuhay sa
mga bansang apektado ng kahirapan D. Mahihirap na mamamayan sa mga bansang
walang pag-unlad.
22. Paano inilarawan ng International Labor Organizarion (ILO) ang Impormal na sektor?
A. Ito ay mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batas
B. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng industriya at pasok sa itinakda ng batas
C. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng agrikultura at pasok sa itinakda ng batas
D. Ito ay mga hanapbuhay na hindi pormal dahil dahil hindi pasok sa itinakda ng batas
23. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang katangian ng impormal na sektor? A. Hindi
nakarehistro sa pamahalaan B. Rehistrado sa pamahalaan C. Nagbabayad ng buwis D.
Nakapaloob sa pormal na balangkas ng pamahalaan
2 4. Ano ang ibang katawagan sa impormal na sektor ayon kay Cielito Hablito sa kayang
artikulo sa Philippine Daily Inquirer A. Underground economy C. Black economy B. Hindi
na maghihirap ang bansa D. Tiger economy
2 5. Ang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997 ay naglalayon
na______________
A. I-ahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor B. Kumilala
sa ambag at kakayahan ng kababaihan C. Tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod
ang mga manggagawa D. Proteksyunan ang mga kababaihan
26. Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalakas ng programa ng edukasyon
upang masolusyonan ang mga suliranin sa Impormal na sektor. Isa rito ang pagpapatag
at pagpapalawak ng mandato ng TESDA. Ano ang mga programang nakapalood sa
ahensyang ito? A. Magkaloob ng libreng matrikula sa kolehiyo B. Magbigay ng suporta
sa edukasyong teknikal at bokasyunal C. Tumulong sa mga nais pumasok sa Senior
High School D. Wala sa nabanggit
27. Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at
itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat
kung sila ay dumanas sa sakit, kapansanan, old age, panganganak at kamatayan.
A. Social Reform Act C. Social Security Act B. Labor Code D. Magna Carta
28. Ang Self Employment Assistance Kaunlaran Program (SEA-K) ay isa sa programa ng
DSWD para mapaunlad ang _____________. A. Mahirap na pamilya B. May
kapansanan C. Magulong pamilihan
29. Bakit PINIPILING pumasok ang ilan MGA TAO sa impormal na sektor? A. Makaligtas
sa buwis C. Makapasyal B. Mapabilis ang paghahanapbuhay D. Makaiwas sa gulo
30. Ano ang posibleng epekto ng pag iral ng impormal na sektor?
A. Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis B. Paglaganap ng maraming rehistradong
negosyante C. Para sa mga mamimili D. Maraming buwis na makolekta
31. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig,
isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries. B. Ito ay larawan ng pagiging
industriyalisado ng bansa. C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa
pamahalaan. D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang
tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa Social Reform and Poverty
Alleviation Act o RA 8425?
A. Pagkakaroon ng konkretong programa upang labanan ang kahirapan B. Pagbuo ng
isang ahensya ng pamahalaan na tututok sa mga suliranin ng kahirapan
C. Pagbalangkas ng mga suportang pampinansyal sa impormal na sektor D. Pagbibigay
ng bahay at lupa sa mga informal settlers
33. Itinadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod ang
kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng
pagtatatag ng Social Security System (SSS)? A. RA 8282 C. RA 8888 B. RA 5678 D. RA
6614
34. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang hindi kabilang sa impormal na sektor?
A. Tindero ng sorbetes C. Tsuper B. Sidewalk vendor D. Pharmacist
35. Ano ang nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor?
A. Kahirapan C. Bisyo B. Ambisyon D. lahat ng nabanggit

You might also like