Mark Joven Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa mga naggagandahang at nagwagwapuhan kong tagapakinig isang maganda at

mapagpalang araw sa inyong lahat. Ako si Mark Anthony Joven at nais kong ibahagi
ang aking talumpati tungkol sa mga batang lansangan.
Minsan sa lugar na di kalayuan may mga bata sa lansangan na kung saan sa murang
edad ay natutong maghanap buhay, para mabuhay, sila ang mga bata na sa murang
edad ay agad nang natuto sila ang mga bata na hindi nakakaranas pumasok ng
paaralan sila yung mga bata na gusting matutong sumulat at bumasa ngunuit handa
nilang talikuran ang lahat.

Ngunit ano nga ba ang mga dahilan sa kabila ng mga paghihirap na ito. Ang mga
batang lansangan ay nagiging biktima ng masalimuot na karansan sa ating bansa. Isa
sa mga dahilan nito ang ang kawalan ng sapat na pera at oportunidad para sa
edukasyon at ito ay ang nagiging dahilan sa pagtataksil sa kanilang mga anak sa
lansangan upan mabawasan lamang ang kinilang responsibilidad.

Kaawa-awa ang mga batang ito at hindi manlang nila naransan ang pagmamahal ng
isang magulang at kapwa. Matatawag ba na “kabataan ang pundasyon ng isang
republika” kung ang tawag natin sa mga batang ito ay isang salot sa ating Lipunan
walang silbe, kahihiyan at minsan ang sinsisisi pa natin sakanila ang kanilang
kapanganakan?

Hayaan ninong imulat ko sa inyo upang maipahayag ang sigaw ng bawat Kabataang
napag iwanan ng panahon. Ayon sa batas, sinasabi nitong bawat bata ay may
Karapatan. Karapatang makhawak ng libro at lapis, magbigyan ng pagmamahal ng
isang magulang, proteksyon, at matustusan ang kanilang pangangailangan at
masilayan ang kagandahan ng mundo, ngunit bakit ganito! Wala parang aksyon sa
isyong ito patuloy parin ang pag dami ng mga batang napapabayaan ang
napagkakaitan ng edukasyon. Ang mga tao bay nag-iisip o sadyang mahina lang ang
utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito
ay pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo dahil sa pagkakamali?

Ang epekto nito sa kasalukuyan ay nagdudulot ng malawakang isyu sa Lipunan.


Karamihan sa kanila ang napapariwara sa mga droga, krimen at iba -pa. Ang kanilang
kamangmangan sa edukasyon ay naglalagay sa kanila sa mas mababang posisyon sa
Lipunan, na nagging hadlang sa kanilang pangarap at pag-unlad. At sa kawalan ng
edukasyon ay nagudulot rin ng kawalang ng oportunidad sa kinahaharap.
Kaya naman aking mga kamag-aral huwag nating hayaan na umiral o gumawa tayo ng
kalokohan lalo na ang paggagawa ng bata kung hindi pa tayo handa, hintayin natin na
tayo ay makapag tapos ng pag-aaral at maabot ang ating mga pangarap. At maari din
naman na kapag tayo ay naka kita ng mga batang nakakaranas ng kahirapan ay
tulungan natin sila kahit sa maliit na bagay lamang

You might also like