Kon. Fil Finals Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KONTEKSTUWALISADONG FILIPINO (FINALS, REVIEWER)

ANG MAS MATAAS NA ANTAS NG PAG-IISIP


(HIGHER ORDER THINKING SKILLS)
1. APLIKASYON
- Ginagamit ang impormasyon sa bagong sitwasyon
2. KOMPREHENSIYON
- Nauunawaan ang mga nakuhang impormasyon ngunit hindi ito iniuugnay sa ibang sitwasyon
3. EBALWASYON
- Tinatasa ang halaga ng ideya
4. SINTESIS
- Pinapalawak ang mga kasalukuyang ideya at bumubuo ng sarili o bagong kaisipan
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
1. KORAPSIYON
- Tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.
- Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang indibidwal na nasa posisyon na lumalampas sa
kanyang kapasidad na lumamang para sa sariling kapakinabangan
- Intensyong pagnanakaw ng alinmang kalakaran tungo sa sariling interes
* Ibang katawagan sa korapsyon
AREGLO
- pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit hindi katanggap-
tanggap
BARYA-BARYA
- maliit na paglalagay
AYOS
- katulad din ng areglo
KUMISYON
- kabayaran sa transaksyong iligal
BACKER
- maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta kapalit ang
particular na presyo
LAKAD
- pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon, partikular sa pagkuha ng permit o
lisensya
LUTONG-MAKAW
- Katawagan sa pagdedesisyong mas pinaboran ang isang panig nang walang batayan
TONGPAT
- halagang idinadagdag sa tunay na halaga ng isang produkti o serbisyo na
magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transakyon
PADULAS
- perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon
* Dalawang uri ng Korapsyon
Petty o Maliitang Korapsyon
- walang ibang magawa kundi gawin ang maling bagay upang makaahon nag kaunti
Grand o Malakihang Korapsyon
- paggamit sa mataas na posiyon upang kumita sa malaking paraan
* PORMA NG KORAPSYON
Panunuhol
- pagbibigay benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang tao.
palihim na nag-aabot ng regalo, pang-aaliw, pagbibigay ng trabaho, pautang para
makapag-udyok.
Pangingikil
- paggamit ng pananakot, paninira o iba pang pagbabanta upang mapuwersang
makipagtulungan ang isang tao pagtanggap ng anumang kabayaran sa aksyon ng
isang tao.
* PAANO MAIIWASAN ANG KORAPSYON SA ATING BANSA?
- Matalinong pagpili ng mamumuno
- Mabigat at agarang parusa sa mga gumagawa ng korapsyon

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON


* PAKSA
- FORUM AT SIMPOSIUM
- PANAYAM O INTERBYU
- PAGSALITANG PAG-UULAT
- FOCUS GROUP DISCUSSION
- PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON
(simposium-purely lecture
seminar- may hands on activities na may participation si Listener
paksa-dito iikot ang komunikasyon
panayam- pagtatanong o pagkuha mo ng information ng kausap mo (dapat useful ang
information na yun, dapat relevance yun sa buhay mo. kasi kung hindi, chismis ang tawag
don)
Focus Group Discussion - BRAINSTORMING!)
* Ano ang FORUM?
- Masusing pag-uusap tungkol sa Isang paksa na humihinging opinyon sa miyembro o
kasapi
* Paano nakikilahok sa ganitong Pag-uusap?
- Maghanda para sa talakayan
- Magbigay ng opinyon sa parang may pasasaalang-alang
- Magkaroon ng positibong kontribusyon
- Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon
- Magtala
* Simposyum
- Pangkatang talakayan sa isang tiyak na napapanahong isyu
- Kadalasan ginagawa sa paaralan at mayroong mga tiya na tagapagsalita
* Panayam o Interbyu
- Pagkuha ng impormasyon sa taong kausap sa pamamagitan ng pagtanong-tanong
* DALAWANG URI NG INTERBYU (Batay sa anyo)
Pormal
- Kalimitang kinakapanayam ang ma propesyunal, nagkamit ng karangalan, lider, at
mga tong may kaukulang karanasan sa napiling disiplina. Usapang pangnilalaman.
Di-Pormal
- Ang tagapanayam at kinakapanayam ay tila nagkukwentuhan o nagtatalakayan
lamang. Usapang kamustahan.
* DALAWANG URI NG INTERBYU (Batay sa layunin)
Informative Interview
- Panayam na lubos na nakakakuha ng mahahalaga at napapakinabangan na
impormasyon
Opinion Interview
- Pagkuha ng komentaryo mula sa kilala o sikat na awtoridad.
Feature Interview
- Paikipanayam sa isang bantog na tao upang makakuha ng kaalaman mula sa
kanyang karanasan na mgiging kawili-wili sa kapwa.
Group Interview
- Pagkuha ng mga impormasyon sa mga grupo ng tao, maaring kilalang mga tao o
ordinaryong mga tao.
* Pasalitang Pag-Uulat
- Pag-uulat sa parang pagsasalita sa harapan ng maraming tao
* Gabay sa PASALITANG PAG-UULAT
- Paggamit ng simple ngunit naaayong mga salita
- Pagkontrol sa emosyon
- Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig
- Epektiong tagapakinig
* Focus Group Discussion
- Ito ay gawaing kooperasyon na nangangahulugang tulong-tulong sa pagbuo ng mga
ideya.
Ang RADYO at TELEBISYON
- Ang dalawang midyum na ito ay ginagamit upang mas mapalawak ang komunikasyon
sa paraang ang mga ito ay naglalaman ng mga programang nagahatid ng
impormasyon, aliw at himpilan na may malakas na impluwensya sa mga tagapanod.

You might also like