Sino Ang Mga Mangyan para Sa Akin - 110046

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sino ang mga Mangyan para sa Akin?

Isa sa mga maituturing na pangunahing pinagmulan ng lahi ng mga dakilang


Mindoreño ang mga tinatawag na tribo ng Mangyan. Sila ang pundasyon ng paniniwala,
tradisyon, at kultura ng bawat Mindoreño sa lupaing ito. Sa walong iba’t-ibang uri ng
tribong Mangyan, masasabing sila ay may kanya-kanyang makukulay na pamumuhay
na kadalasan ay sa kabundukan. Ang mga tribong Mangyan ay ating mga kapatid na
siyang nagpapakita ng ating sariling pagkakakilanlan bilang isang mamamayan ng
lalawigan ng Mindoro.
Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, hindi maiiwasan na makasalamuha tayo
ng ating mga kapatid na Mangyan sapagkat ayon sa mga iniulat na impormasyon, ang
iba’t-ibang tribo ay naninirahan sa iba’t-ibang bahagi ng ating lalawigan. Isa na dito ay
ang isang tulad ko na naninirahan sa bayan ng Naujan partikular na sa lugar malapit sa
kabundukan ng Halcon kung saan maraming tribo ng Alangan Mangyan ang
naninirahan. Sa aking obserbasyon, ang mga Alangan Mangyan ay tunay na mga
masisipag at madiskarte sa buhay sapagkat marami akong nakikita na bumababa sa
kapatagan upang magtrabaho tulad ng paghahayupan, pagsasaka, at pagtulong sa
mga Tagalog sa kanilang mga hanapbuhay o gawaing bahay. Sila rin ay masayahin at
madaling pakisamahan dahil likas na sa kanila ang pagiging palakaibigan lalo na sa
mga may edad na. Sa kabilang banda, kabaliktaran naman nito ang sa mga kabataang
Alangan Mangyan sapagkat napansin ko na noong mga panahong kami ay pumapasok
pa sa paaralan, sila ay umiiwas sa mga tulad kong Tagalog dulot na rin siguro ng
pagkakaroon ng diskriminasyon sa ibang mga mag-aaral.
Sa puntong ito, masasabi kong ang mga Mangyan ay kaisa sa bawat isa sa atin.
Maaaring meron silang pagkakaiba sa ating pamumuhay ngunit tayo ay pare parehong
mga anak ng bayang ito. Nararapat lamang nating huwag silang iwasan o “i-
discriminate” sapagkat sila ay ating mga kapatid. Sila ang mga taong naging susi upang
magkaroon ng makulay na buhay at kasaysayan ang ating minamahal na lupain. Sila
ang pinagmulan ng lahing Mindoreño kaya’t nararapat lamang natin itong buong pusong
ipagmalaki at pahalagahan dahil hindi natin maaabot kung anong meron tayo ngayon
kung wala ang tulong at presensya nila.

You might also like