NegOr Q3 Filipino7 Module3 v2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

7

Filipino 7
Ikatlong Markahan – Modyul 3
TULA AT IBA’T IBANG URI NG
PAGPAPAKAHULUGAN

Pansuplementong Modyul sa Filipino 7


Para sa Ikatlong Markahan
Tula at Iba’t ibang Uri ng Pagpapakahulugan

NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tula at Iba’t Ibang Uri ng Pagpapakahuluhan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Palma T. Divinagracia


Editor: Clinton T. Dayot, Roshelle G. Abella
Tagasuri: Clinton T. Dayot, Ritchel Elnar, Corazon S. Despojo, Isabel B. Pusalan,
Ronalyn D. Rodriguez, Susan T. Sonlit
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta?

Sumasabay ang wika sa mabilis na pag-usad ng panahon; nagbabago man


ang anyo o may natatalikdan, ngunit ito ang patunay na ang buhay ay puno ng
kulay. Ang mga iba’t ibang uri ng tula at awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan ang ilan sa mga patunay na ang ating wika ay nananatiling makulay
hanggang sa ngayon; isang modernong panahon na puno ng mga inobasyon.

Dahil napag-aralan na natin ang kahalagan ng mga bagay na ito sa


nakaraang leksyon, mahalaga ring maintindihan natin nang lubusan ang mga
pagpapakahulugan ng mga salitang ginagamit sa mga panitikang ito. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga paraan ng pagkilala sa kahulugan ng salita
tulad ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito, mas nalilinang ang
iyong kakayahan sa pagsusulat at makatutulong ito sa pagbuo mo ng iyong
sariling tula o awitin.

Halina’t tuklasin ang mga mahahalagang impormasyon na nakalaan sa


araling ito para sa iyo. Tara na. Aral na!

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng


pagpapangkat batay sa konteksto ng pangungusap , denotasyon at
konotasyon , batay sakasingkahulugan at kasalungat nito.
F7PT-IIIa-c-13, F7PT-IIIh-I-16, F7PT-III-11

2. Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at


palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan. F7PU-IIIa-c-13

1 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakatutukoy ang mga kahulugan ng m ga salita batay sa pagpapangkat,
konteksto ng pangungusap , denotasyon at konotasyon, batay sa
kasingkahulugan at kasalungat nito;
2. Nakababasa at nasusuri ang bawat paraan ng pagkilala sa kahulugan ng
mga salita upang masagot ang mga nakalaang katanungan;
3. Nakasusulat ng sariling bersyon ng tula/ awiting panudyo, tugmang de
gulong, at palaisipan; at
4. Nakatutukoy ang kahalagahan ng pagkilala ng kahulugan ng salita tungo
sa pagpapayaman ng wikang Filipino.

SUBUKIN

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng
Tamang sagot at isulat sa inyong kuwaderno .

1. Ito ay tumutukoy sa karaniwang kahulugan na mula sa diksyunaryo o salitang


ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag .
A. denotasyon B. konotasyon C. kasingkahulugan D. konteksto

2. Ito ay pahiwatig at hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan


ng isang tao o pangkat ng iba .
A. denotasyon B. konotasyon C. kasingkahulugan D. konteksto

3. Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang may angkop na mga miyembro?


A. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Jeepney driver, Ferdinand Marcos
B. itim, dilaw, mansanas, asul
C. aso, pusa, elepante, liyon
D. lapis, ballpen, kutsara, papel

4. Ang kanyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig.


Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na ito?
A. nakabibingi B. nakalilito C. umuungol D. umaakit

2 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
5. Nagpatawing-tawing ang dahon habang nahuhulog ito mula sa sanga ng kahoy
dahil sa lakas ng hangin. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ayon sa
konteksto ng pangungusap nito?
A. Nagpaanod-anod C. Nagpatangay-tangay
B. Lumilipad D. Sumasabay-sabay

6. Ito ay isang awitin na karaniwang may paksa ng pag-ibig, pangamba,


pamimighati, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan na maaring ginawa upang
maging panukso sa kapwa.
A. awitin/tulang panudyo C. korido
B. tugmang de Gulong D. tulang panukso

7. Ito ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng


dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y nakabatay sa mga kasabihan o salawikain.
A. awitin/tulang panudyo C. tugmang de gulong
B. awiting bayan D. tulang panukso

8. Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.


A. sawikain C. tugma
B. bugtong bayan D. palaisipan

9. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang may angkop na miyembro?


A. mangga, malunggay, upo, atis
B. kamote, ubas, ube, gabi
C. talong, malunggay, okra, kalabasa
D. palay, mais, trigo, saging

10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de gulong?


A. ang de’ magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana
B. isda ko sa Marivelis, nasa loob ang kaliskis
C. Palda, pantalon, jacket, at Pajama
D. bata batuta! isang perang muta!

11. Ang pahayag na “Ang hindi magbayad sa pinanggalingan ay hindi makararating


sa paroroonan” ay isang uri ng________?.
A. awiting panudyo C. tugmang de gulong
B. tugmang panudyo D. tulang nakakatawa

12. Ang akdang “Sitsiritsit Alibangbang” ay isang uri ng __________?.


A. Tulang Nakakatawa C. Tugmang de Gulong
B. Tugmang Panglansangan D. Awitin/Tulang Panudyo

3 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
13. Alin sa mga salitang ito ang hindi kasali sa pangkat?
LIYON, ASO, IBON, KALABAW, BAKA, BABOY, TIGRE
A. ibon B. kalabaw C. tigre D. liyon

14. “Noong binili mo ito ay kulay itim. Noong ginamit mo ito ay naging kulay pula.
Noong itinapon mo ay kulay puti”, ano ito?
A. uling B. apoy C. sigarilyo D. posporo

15. Ano ang angkop na kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap na


ito: Nilagay ni Jose ang mga pinggan sa batalan upang ito ay mahugasan at
magamit?
A. Lamesa B. lababo C. kusina D. tubig

TUKLASIN

Hulaan Mo!
1. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, at
nang aking kainin ito ay naging tatsulok. Ano ito?

2. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.

Dugtungan Mo!
Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto sambitin ang ____ sa tabi tayo ay hihinto.
Huwag kang magdekwatro ang _____________ko’y di mo kuwarto.
Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga ___________ ay naghahabol ng hininga.

AYUSIN MO!
Panuto: Ayusin mo ang mga salita na nasa loob ng kahon. Pangkatin ang mga
salitang nakasulat sa kahon batay sa kung saang kaisipang nakatala sa
ibaba maaaring iugnay ang mga ito.

Buhay ginto kagandahan halaga sigla


diwa hiyas katangian panghalina

Kayamanan Kaluluwa Kariktan

4 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
SURIIN

Sa bahaging ito ng aralin ay pag-aaralan mo ang iba’t ibang uri ng tula tulad
ng tulang panudyo, tugmang de gulong at palaisipan pati na rin ang mga halimbawa
nito. Matututuhan din dito ang limang paraan ng pagbibigay kahulugan ng mga
salita.

➢ Tugmang de gulong - Ito ay mga paalala na maaaring makita sa mga


pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y ito’y batay
sa nakatutuwa, lalo na’t ang karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay sa
mga kasabihan o salawikain na dati nang batid ng mga Pilipino.
Halimbawa:
God knows Hudas not pay

➢ Awitin/tulang panudyo - Ito ay isang awitin na karaniwang may paksa ng pag-


ibig, pangamba, pamimighati, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan na maaring
ginawa upang maging panukso sa kapwa.
Halimbawa:
Pedro Panduko matakaw sa tuyo
nang ayaw maligo pinupok ng tabo

➢ Palaisipan - Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng


lumulutas nito.
Halimbawa:
Hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako -- telepono/cellphone

May iba’t ibang paraan sa pagkilala ng kahulugan ng salita:


1. Pagpapangkat – Ito ay isang paraan ng pagkilala ng kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng pagsasama-sama o paglilipon ng mga salitang magka-ugnay
ang kahulugan sa isa’t-isa o di kaya ay nabibilang sa isang mas malawak na ideya
o paksa.
Halimbawa:

Bayani prutas kulay hayop


Jose Rizal Saging Pula Baboy
Andres Bonifacio Mansanas Asul Unggoy
Juan Luna Langka Itim Isda
Emillio Aguinaldo Dalandan Dilaw Ibon
Apolinario Mabini Ubas Berde Ahas

5 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
2. Konteksto ng pangungusap – Sa paraang ito, nagagamit ang mga “context
clues” na makikita sa pangungusap. Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan
ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
A. Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
(Ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan na “pagsikat” ay
mahihinuhamulasamgasalitang “nagliwanag ang paligid…” at “araw”
nanagpapahiwatig ng matindingilaw o pagkasilaw)

B. Makitid ang tulay kaya mahirap tawirin.


(Ang kahulugan ng salitang sinalungguhitanna “Makitid” ay
mahihinuha mula sa mga salitang “mahirap tawirin” na nagbibigay
ideya sa mambabasa na ang tulay ay maaring hindi malapad)

3. Denotasyon at Konotasyon – Ito ang dalawang dimensyon sa


pagpapakahulugan ng mga salita.

A. Denotasyon – karaniwang kahulugang mula sa diksyunaryo o salitang


ginagamit sa pinakakaraniwan o simpleng pahayag.

Halimbawa:
1. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang hardin.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)

2. Lumalaki na ang puno na aking itinanim sa likod ng aming bahay.


(isang uri ng halaman na lumalaki ng mataas)

B. Konotasyon - ibang kahulugan ng isang salita na maaaring hindi nakikita sa


diksyunaryo o maaring pansariling kahulugan ng isa o pangkat ng tao na iba
sa karaniwang kahulugan.

Halimbawa:
1. Maraming magagandang bulaklak na anak si Mira. (babae)
2. Ang kanyang anak ay mabait dahil nanggaling ito sa mabuting puno.
(magulang/ angkan)

4. Kasingkahulugan – ito ay ang pagkakatulad o pagkakapareho ng kahulugan ng


dalawang magkaibang salita.
Halimbawa:
1. maganda – marikit
2. hanapbuhay – trabaho
3. tuwa – galak
4. dekorasyon – palamuti
5. aralin – leksyon

6 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
5. Kasalungat– Ito ay ang kabaliktaran ng kahulugan ng dalawang salita.
Halimbawa:
1. pinapansin – binalewala
2. masaya – malungkot
3. lumimot – nakaalala
4. ngiti – simangot
5. baluktot - tuwid

PAGYAMANIN

A. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tula sa ibaba.

Buhay ng Tao
Zephalexia
(https://steemit.com/poetry/@zephalexia/tula-buhay-ng-tao)

Ang buhay ng tao ay parang gulong


Madalas dala nito’y hilong talilong
Minsan Malaya minsan nakakulong
May pagkakataong kailangan ng tulong

Sa umagang maririnig ang tilaok ng manok


Ikay babangon kahit andiyan pa ang antok
Mga bago ng opportunidad sayoy kakatok
Haharapin mo na muli kayraming pagsubok

Nariyan din ang iba't ibang uri ng tao


May makakaaway , di makakasundo
Makakasalamuha at may makikilala
Magiging kaibigan siyang makakasama

Meron din namang sadyang mapanghusga


Na para bang alam ang tunay na istorya
Ngunit nandiyan pa rin ang mga mabubuti Sa
panahon ng kagipitan iyong kakampi

Sa araw araw na puno ng karanasan Mga


paghihirap ay hind imaiiwasan
Pero ang mga tao sadyang maparaan
Gagawin lahat anu mang pagdaanan

7 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
Kahit Anu pa man ang ating suungin
Lahat ng itoy dapat nating kayanin
Nang ang tagumpay ay ating kamtin
Huwag makalimot sa Diyos manalangin

Pagkatapos mong basahin ang tula sa itaas, itala ang mga sinalungguhitang
salita at tukuyin ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga ito. Ang una ay
nakalaan para sa iyo.

SALITA O LIPON NG
DENOTASYON KONOTASYON
MGA SALITA

Hal. isang mabilog na Walang kasiguruhan


aparatong may
Gulong kakayahang umikot o
uminog sa kaniyang aksis

B. Part 1. Hanapin sa mga salitang nasa Kolum B ang kasingkahulugan ng nasa


Kolum A. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

Kolum A Kolum B
____ 1. Maganda A. Malungkot
____ 2. Maligaya B. Marikit
____ 3. Masalapi C. Mayaman
____ 4. Malumbay D. Masarap
____ 5. Malinamnam E. Masaya

8 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
Part 2. Hanapin sa loob ng kahon at pagpangkat-pangkatin ang mga salitang
may kaugnayan ang kahulugan sa isa’t-isa. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

Guro Batis Bintana Sampaguita Langka


Pinto Gumamela Nars Chico Dagat
Durian Hagdan ilog Doktor Rosas
Waling-waling Peras Inhenyero Bukal bubong

C. Tukuyin ang kahulugan ng mga mahihirap na salita ayon sa kontekstong


pangungusap nito.

1. Gagawin niya ang lahat upang matupad ang kanyang adhikain.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Si Francisco Amorsolo ay isang bantog na pintor na kilala sa kanyang mga
magagandang obra.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Nawala ko ang aking bulsiko na sinisidlan ko ng aking pera.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Hinugusan niya ang mga kubiertos pagkatapos naming kumain.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Magkatukayo kami ng aking ama kaya nagkakalituhan kami pag tinatawag kami
ng aking ina.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
ISAISIP

Sa leksyong ito, napag- aralan ang limang paraan


ng pagkilala sa kahulugan ng isang salita: konteksto ng
pangungusap, pagpapangkat, denotasyon at konotasyon,
kasingkahulugan at kasalungat.

Ang mga paraang ito ay makatutulong sa isang


mambabasa at manunulat na tulad mo upang epektibong
maunawaan ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang
maari mong makatagpo sa hinaharap.

Panuto: ISAGAWA

Sumulat ng sariling tula/awiting panudyo na may dalawang saknong lamang


at apat na taludtod bawat saknong. Pumili ng kahit na anumang paksang nais mo.
Narito ang rubrik sa iyong gagawing komposisyon:

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan


ng Pagsasanay
(10) (8) (6)
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal
makahulugan makahulugan lalim ang ang kabuuan ng
ang kabuuan ng ang kabuuan ng kabuuan ng tula. tula.
tula. tula.

Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1-2 Wala ni isang


simbolismo/ simbolismo/ simbolismo na pagtatangkang
pahiwatig na pahiwatig na nakalito sa mga ginawa upang
nakapagisip sa bahagyang mambabasa. makagamit ng
mga nagpaisip sa Ang mga salita simbolismo.
mambabasa. mga ay di-gaanong
Piling-pili ang mambabasa. pili.
mga salita at May ilang piling
pariralang salita at
ginamit. pariralang
ginamit.

10 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa inyong kuwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa karaniwang kahulugang mula sa diksyunaryo.


A. denotasyon B. konotasyon C.kasingkahulugan D. kontekstuwal

2. Ito ay pahiwatig at hindi tuwirang kahulugan na maaring pansarilingkahulugan


ng isang tao o pangkat ng iba.
A. denotasyon B. konotasyon C.kasingkahulugan D.kontekstuwal

3. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang hindi kabilang sa pangkat:


MAGANDA, MATANGKAD, KUMAKAIN, MATABA, MATIYAGA, PAYAT
A. Maganda at kumakain C. Matangkad at Matiyaga
B. Matiyaga at Kumakain D. Payat at Mataba

4. Ang kanya ng boses ay nagtataglay ng kapangyariha ng Bumabalani sa


pandinig. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na ito?
A. Nakakabingi B. Nakakalito C. Umuungol D. Umaakit

5. Nagpatawing-tawing and dahon habang nahuhulog ito mula sa sanga ng kahoy


dahil sa lakas ng hangin. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ayon sa
konteksto ng pangungusap nito?
A. Nagpaanod-anod C. Nagpatangay-tangay
B. Lumilipad D. Sumasabay-sabay

6. Bakit mahalagang pag – aralan ang mga paraan ng pagkilala sa kahulugan ng


salita?
A. dahil itoy gabay sa wastong pag – uunawa
B. dahil ito ay tulong sa pakikipagtalastasan
C. dahil ito ay panlaban sa kamangmangan
D. dahil ito ay tulong sa wastong pagsulat

7. Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig. Ano angkonotasyon
ng mga salitang nakasalungguhit ?
A. mahirap at walang pera ang pamilya
B. mayaman o maramingpera ang pamilya
C. maramingginto ang pamilya
D. maraminggintongkutsara ang pamilya

11 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
8. Si Ana ay nagpahinga sa Beranda. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakahilig ?
A. Kusina B. Balkunahe C. Sala D. Palikuran

9. Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka


sa pagkilos at pagsasalita. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon
sa pangungusapnito?
A. Kayamanan B. Kapayapaan C. Kalayaan D. Katapangan

10. Ang bagwis ng Angel ay tumitingkad sa tuwing ito ay nasisinagan ng araw. Ano
ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ?
A. balahibo B. mata C. damit D. pakpak

11. Ang pahayag na “aanhin pa ang gasolina kung ang dyip ko ay sira na” ay isang
uri ng ___________.
A. tugmang nakakatawa C. palaisipan
B. tugmang de gulong D. tugmang panudyo

12. Isang uri ng suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito?


A. Awiting Panudyo C. Palaisipan
B. tugmang de gulong D. Puzzle

13. Ano ang kasingkahulugan ng salitang BATLAG?


A. Kotse B. Motor C. Bisekleta D. Eroplano

14. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng salita ang may angkop na miyembro?
A. Selpon, Laptop, Lapis, Notebook, Kompyuter
B. Isda, Gulay, Talaba, Tahong
C. Pulis, Guro, Doktor, Nars, Basketbol
D. matamis, maasim, maalat, mapait

15. Ano ang kasalungat ng salitang marikit?


A. Masaya B. Mabaho C. pangit D. Nakakabighani

REFLEKSIYON

Sa iyong journal sumulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng araling ito


para sa iyong sariling pag –aaral lalo na sa pagkilala sa iba’t ibang paraan ng pagkuha
ng kahulugan ng mga salita at pagprepserba ng panitikan para sa pagpapayabong at
pagpapayaman ng ating wika.

12 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

13 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
MGA SANGGUNIAN

De Leon, Mavict. “Mga Salitang Magkasingkahulugan.” Published on April 24 ,


2014. https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/mga-
salitangmagkasingkahulugan-33891029

Gabion, Rosemarie U.” Ibat – ibang Paraan ng Pagkilala sa kahulugan ng Wika.


“Last modified August 5,2015 .https://www.slideshare.net/roseluvgabz/ibat-
ibangparaan-sa-pagkilala-ng-kahulugan

Ki. “Mga Halimbawa ng Palaisipan.” February 17 , 2020.


https://philnews.ph/2020/02/17/palaisipan-halimbawa-10-mga-halimbawa-
ngpalaisipan/

Santos, Mark Stiven O. “Tugmang De Gulong.”January 15 ,2020 .


https://www.tagaloglang.com/tugma-de-gulong/

Zephalexia. “Tula : Buhay ng Tao ( Filipino Poetry ).” 2018 .


https://steemit.com/poetry/@zephalexia/tula-buhay-ng-tao Para sa mga
katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

14 NegOr_Q3_Filipino7_Module3_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like