Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan –
Aralin 1: Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na makapagpapakita ng pagpapahalaga


sa mga magagaling at matatagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan nang:
6.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
6.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan; at
6.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa Pagtatagumpay ng mga
Pilipino. (EsPPPP-IIIc-d-35)

Maraming Pilipino ang nakilala sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan, sa pagawit


at pagsayaw, sining at teatro, pamumuno, at gayundin sa pag-unlad ng negosyo. Halos
lahat sila ay nagsimula sa hirap, nagtiis, at nagsikap upang maging matagumpay sa
kasalukuyan.

Narito ang iba pang mga magagaling at matatagumpay na Pilipino:

JERICHO ROSALES
Nagsimula siya sa mahirap na buhay. Bago siya naging sikat na
artista, nagbebenta siya ng isda upang may makain ang kaniyang
pamilya. Naging drayber din siya at nagtrabaho sa isang fast food
chain. Tapos sumali siya at nanalo sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga noong
1996. Nang maging artista na siya, lalo pa siyang nagsikap. At ngayon,
may sarili na rin siyang business na pagupitan.

PIA WURTZBACH
Tatlong beses siyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kahit na ilang beses na
siyang natalo, hindi pa rin siya sumuko. Kaya naman noong 2015,
natupad din ang kaniyang pangarap at kinoronahan na Miss Universe.

SEN. MANNY PACQUIAO


Galing din siya sa salat na pamilya. Labing-apat na taong gulang lamang
siya nang makipagsapalaran siya sa Maynila. Iba-iba ang naging trabaho
niya roon upang maitawid ang kaniyang gutom. Ngayon, isa na siya sa
mga hinahangaang personalidad sa buong mundo! Higit sa lahat,
nananatili pa rin siyang mapagkumbaba at maka-Diyos.

HIDILYN DIAZ
Mula sa salat na pamilya, siya ay nagpursigi at naging Champion
Weighlifter na nagwagi ng kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa
2018 Asian Games at silver medal noong 2016 Olympics.
ISKO MORENO
Dating tagakolekta ng basura at nagbebenta sa junk shop. Siya ay
nadiskubre ni German “Kuya Germs” Moreno at nagbago ang kaniyang
kapalaran. Naging artista siya at ngayo’y pulitiko na kasalukuyang
alkalde ng Maynila.

TONY TAN CAKTIONG


Isang Pilipinong bilyonaryo. Siya ang nagtayo at may-ari ng sikat na fast
food chain na Jollibee. Nagsimula siya sa pagnenegosyo ng ice cream
hanggang sa dinagdagan ng fries, burger, at iba pa.

Mayroon din tayong mga magigiting na Pilipinong nagsakripisyo para sa ating bayan.

DR. JOSE RIZAL


Ating pambansang bayani na sumulat ng akdang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na gumising sa diwa ng mga Pilipino upang lumaya mula
sa mga Kastila.

MELCHORA AQUINO
Kilala bilang “Tandang Sora”. Bagama’t siya’y matanda na, kinupkop at
pinakain niya ang mga Katipunero noong panahon ng himagsikan.

GREGORIO DEL PILAR


Isa sa mga matatapang na bayaning nagbuwis ng buhay. Siya ang
pinakabatang heneral na lumaban noong Digmaang Pilipino-Amerikano.

You might also like