Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Macainan, Yexiah Venice A.

10-Einsten

Episode 101

Makikita sa episode na ito na sumama si Basilio kay Simoun. Nais ni Simoun na pasabugin ang
lugar kung saan gaganapin ang kasal upang mamatay ang lahat na nandon kahit na ang mga
inosente. Inutos niya kay Basilio na patayin ang mga taong ayaw humawak ng armas at
maghimagsik. Layunin nila na magkaroon ng himagsikan at paghihiganti sa mga nang-aabuso
sa kanila at sa kanilang mga minamahal. Sa huli ay kasama rin dito ang tatay ni Juli kahit na
tutol dito ang kaniyang mga kasama.

Episode 102

Sa episode na ito ay makikita na itutuloy talaga ni Simoun ang kaniyang plano. Nakita ni Basilio
sa labas si Isagani na gusto pumasok, ngunit pinigilan niya ito. Dahil sa nagpupumilit si Isagani
pumasok ay nasabi ni Basilio ang plano nila ni Simoun. Kaya naman pumasok si Isagani upang
ipaalam ang mangyayari sa mga bisita upang sila’y iligtas. Nalaman din ng lahat na si Simoun
at Ibarra ay iisa. Kaya naman ay iniligtas nila ang mga inosente at namatay sa huli si Simoun.

Episode 103

Sa episode na ito makikita ang mensahe ni Klay sa mga tauhan ng El Filibusterismo. Sinabi rito
ang mga naging papel ng bawa’t tauhan upang mabuo ang kwento. Masasabi rin na hindi lahat
ng bayani ay nasulat sa kasaysayan ngunit hindi dapat ito maging hadlang upang pasalamatan
pa rin sila sa kanilang ginawa para sa ating bansa. Sa huli ay bumalik na si Klay sa kaniyang
mundo.

Episode 104

Sa episode na ito pinakita kung gaano kahalaga at kung bakit hindi natin dapat kalimutan ang
ating kasaysayan. Ang pagaaral ng kasaysayan ay pagbalik tanaw sa ating nakaraan, pagtuklas
sa ating pinanggalingan at pag giging maalam sa ating makulay na tradisyon at kultura.
Mahalaga ito sa pagbuo hindi lamang ng isang bansa kondi mahalaga din ito sa pag buo ng
ating pagkatao.
Episode 105

Makikita sa episode nito ang pagtatapos ni Klay sa kolehiyo at ang pagiging doktor nito. Kitang
kita na sobrang tuwa si Klay dahil pumunta nag kaniyang tatay sa kaniyang graduation at dahil
nagkaroon siya ng oportunidad na makapag-aral at trabaho sa ibang bansa. Pinakita rin dito
ang multiverses ng bawa’t tauhan sa kwento sa totoong mundo. Sa pagtatapos ay nagkita na
nga muli si Klay at Fidel sa totoong mundo, at katulad nga ng sinabi nila ay “Wala nang babu”
dahil nahanap na nila ang isa’t-isa.

You might also like