Aktibiti 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Regalario, Sophia Ann E.

Bachelor of Science in Criminology 2-C

Komunikasyon sa ilalim ng New Normal

(Pormal na Sanaysay)

Sa panahon ngayon na kung saan limitado lamang ang bawat galaw, hindi natin maikakaila na
nagdulot ito ng matinding pagbabago na nakaka-apekto sa ating pang araw-araw. Totoo ngang
tila huminto ng panandalian ang mundo simula ng lumaganap ang pandemya dahil sa tinawag na
"Nationwide Lockdown", na hindi lamang sa Pilipinas nangyari kundi sa ibat-ibang panig ng
mundo rin. Ang pagkakaroon ng pandemya ay isa sa mahirap na kinakaharap ng mga tao
ngayon. Kaakibat nito ang makabagong pagsasanay na nakaka-apekto sa iba't-ibang aspeto ng
buhay ng mga tao gaya na lamang sa larangan ng medisina, sa ekonomiya ng ating bansa at
maging sa edukasyon. Hindi biro ang naging resulta ng pandemya sapagkat nag-iwan ito ng
matinding bakas na nagpahirap sa mga tao upang kumilos at mag trabaho ng normal para
magkaroon ng makakain sa pang araw-araw. Sa pag pasok nito, mga bagong batas at alituntunin
at regulasyon ang ipinatupad, naging mahigpit ang gobyerno sa paglabas ng mga tao. Kasabay ng
paghihigpit dito ay ang pagkawala ng personal na pakikipagsalamuha o pakikipagkomunika ng
mga tao tungo sa ibang tao. Dahil rito ay tila mas lalong tumaas ang porsyento ng mga tao na
maglaan ng oras sa social media.

Para sa kaalaman ng lahat, ang ugnayang social media sa pagitan ng pag aaral ng mga estudyante
ay napakahalaga sapagkat malaki ang ginagampanan nitong papel na kung saan mas mapapadali
ang mga guro at estudyante na makipag usap sa isa't - isa at magbahagi ng mga gawain. Ang
papel ng Social Media para sa mga layuning pang-edukasyon ay naging mas makabuluhan, dahil
pinahuhusay nito ang kasanayan sa komunikasyon ng mga mag-aaral, at ang paraan ng
komunikasyon na ito ay nagbibigay-daan sa kanila na makipagtulungan at makipag-usap sa
kabila ng mga hadlang na dala ng COVID-19.
Ang salitang social media ay isang daluyan ng komunikasyon na nagbibigay-daan hindi lamang
sa mga guro at mag-aaral kundi sa lahat buong daigdig na makipag-usap sa pamamagitan ng
maraming online learning application habang sumusunod sa mga regulasyon sa social distancing.
Isa ang Messenger sa pinakasikat at kilala na online messaging na ginagamit ng mga tao
ngayong umusbong ang pandemya. Ito ay isang aplikasyon sa telepono na ginagamit upang
makipag-usap o makipag-interak gamit ang chat o pagtawag sa ating mga kamag-anak, kaibigan,
kaklase at iba pa. Kapansin-pansin ang mga artikulong nagsasabi na higit sampung porsyento
ang itinaas ng mga gumagamit ng aplikasyon na ito, magmula lamang nung nagsimula ang
pandemya. Napakalaking tulong nga naman ng aplikasyong ito, sapagkat komunikasyon ang isa
sa pinakamahalaga sa satin. Sa tulong nito ay nagagawa pa rin nating makausap ang mga taong
kahit malayo sa atin. Bukod pa rito, ang aplikasayong messenger ay isang plataporma para sa
mga mag-aaral at guro upang talakayin ang kanilang mga konsepto at suriin ang mga ito sa
kanilang mga kapantay. Ito rin ay isang angkop na paraan para sa mga mag-aaral na madaling
makatanggap ng feedback mula sa kanilang mga kaklase.

Kaakibat ng pandemya ang makabagong pagsasanay sa mga paraan na maaari nating gawin
upang magpatuloy pa rin ang buhay sa gitna ng hamon ng new normal. Ang messenger, bilang
isang tool, pati na rin ang mga tampok nito, ay kailangan at lubhang mahalaga para sa mga mag-
aaral para maipaglatuloy ang kanilang edukasyon. Kasabay nito, naging epektibong kapaki-
pakinabang ang messenger sa pagpapahusay ng pagganap ng pag-aaral, pagbabahagi ng
kaalaman, at pakikipagtulungan ng mga mag-aaral sa isa't-isa. Ang aplikasayong messenger ay
nagbibigay ng isang plataporma sa pag-aaral para sa mga mag-aaral kung saan madali silang
nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapantay, guro, at mga espesyalista sa paksa. Tunay nga
naman na malaking tulong ang aplikasayong Messenger, dahil rito mas napapadali ang
pakikipag-usap ng mga estudyante sa kapwa nila at guro. Sa kabilang banda, sa pag gamit ng
aplikasayon, hindi maiiwasan ang mga negatibong dulot nito sa mga gumagamit. Tandaan na
may mga dulot ito na maaaring maka apekto sa kanilang pag aaral. Nawa'y panatilihin at itatak
sa ating isipan ang tamang paggamit nito at alamin kung paano maglimita sa pag gamit at
maging maingat sa mga kakausapin rito.
Bagong Sistema ng Edukasyon na dulot ng Pandemya
(Di Pomal na Sanaysay)

Ang pandemya ng Covid-19 ay tumama sa halos lahat ng bahagi ng mundo noong 2020.
Naapektuhan ang pandaigdigang krisis sa iba't ibang sektor, kabilang ang edukasyon rito kung
saan ang mga interes sa paggamit ng mga online na platform para sa pagtuturo at pag-aaral sa
mga tagapagturo at mag-aaral ay mas tumaas nang husto. Bagama't maraming institusyon at
tagapagturo sa buong mundo ang nagpakilala ng ilang anyo ng mga online application sa
pagtuturo at proseso ng pag-aaral. Dahil sa tinatawag na "new normal" ay nagkaroon ng
makabagong paraan ang mga guro kung paano mas maipapalawak ang pagtuturo sa mga
estudyante sa harap ng problema sa kalusugan. Isa sa mga paraang ito ay ang paglalagay o pag
upload ng bidyo ng kanilang mga tatalakayin sa isang online aplikasyon na Youtube, kung saan
mapapanood ng mga mag aaral ang kanilang paksa kahit gamit lamang ang kanilang selpon. Ang
aplikasayong YouTube ay isang magandang opsyon para sa edukasyon sa panahon ng pandemya
bilang tugon sa pagsasagawa ng social distancing na humihiling sa bawat tao na umangkop sa
bagong normal.

Alam na nating lahat na ang aplikasyong Youtube ay napapanooran ng ibat ibang bidyo na
iniuupload ng mga creators. Kahit na anong tema o paksa ng bidyo ay mayroon dito katulad ng
lyrics sa isang kanta, vlogs ng mga sikat na tao, pagluluto, kpop, kdrama, at kahit ang balita ay
mayroon narin sa Youtube. Dahil narin sa gamay na ng mga tao ang pag gamit nito ay naging
paraan narin ng mga guro upang magturo ng mga lesson. May mga guro na naguupload ng video
ng lesson sa kanilang channel sa Youtube at isinisend sa kanilang mga estudyante upang
kanilang mapanood at makatulong sa kanilang pagrereview sa mga exam at quiz. Higit pa rito,
hindi lamang ito nakakatulong sa pag aaral, nagsisilbi rin itong pampalipas oras at libangan ng
mga tao para manood ng mga bidyo na nakakaaliw at nakakatawa. Ang nasabing aplikasayon ay
isang epektibong paraan para maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag aaral sa kabila
ng pamdemya.
Sa kabuuan, patunay ngang malaki ang naitutulong ng aplikasayong YouTube sa mga bawat
mag-aaral at guro para maisagawa ang naudlot na edukasyon. Tiyak na epektibong paraan ito
para para mag aaral na nahihirapan sa sistema ng online class, sa tulong ng youtube, maaari
nilang panoorin at ulit-ulitin ang mga bidyo ng lesson nang sa gayon maintindihan at matutunan
nila ng husto ang lesson na tinalakay. Karagdagan rito, ang paggamit ng YouTube bilang isang
plataporma ng pag-aaral ay may kakayahan na tulungan ang mga estudyante na maapunlad at
mapalawak ang kanilang mga kaalaman at kaisipan tungo sa kanilang pag aaral. Malaki ang
naiaambag nito sa larangan ng edukasyon, kung kaya't ganoon na lamang ang halaga ng
aplikasayong ito sa panahon ng pandemya. Sa kabilang dako, ito ay may mga negatibong epekto
na nagdudulot ng masama sa pag aaral ng mga estudyante. Isang payo lamang bilang kapwa mag
aaral ay ugaliing ipahinga ang sarili sa pag gamit ng mga gadgets at kontrolin ang sarili dahil
maari rin maging malaking distraksyon ang pag gamit nito. Magkaroon tayo ng disiplina at
matutong kontrolin ang sarili at magpokus lamang sa lesson na tinatalakay.

You might also like