Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Aralin 2

Pagsukat ng Pambansang Kita


Balik-aral:
• Ang makroekonomiks (macroeconomis) ay
dibisyon ng ekonomiks na sumusuri sa lagay ng
pambansang ekonomiya.
• Ang pambansang ekonomiya ay tumutukoy sa
lagay ng ekonomiya ng isang bansa at kung
natutugunan ba ng mga mamamayan ang
kanilang mga pangangailangan.
• Upang mailarawan ang galaw ng pambansang
ekonomiya sa isang simpleng kalagayan,
naipakikita ito sa pamamagitan ng Paikot na
Daloy ng Ekonomiya. Ipinaliwanag nito ang
ugnayang namamagitan sa bawat kasapi ng
pambansang ekonomiya.
Panimula:
• Sinusuri ng makroekonomiks ang
pambansang ekonomiya. Pangunahing
layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ay
malaman kung may paglago sa
ekonomiya (economic growth) ng
bansa.
• Ginagamit ang mga economic models
sa pagsusuri ng pambansang
Economic Performance
• Tumutukoy sa
pangkalahatang
kalagayan ng
mga gawaing
pang- ekonomiya
ng bansa.
• Pangunahing layunin
ng ekonomiya ang
pagtugon sa mga https:
//www.philstar.com/opinion/2020/08/08/2033664/

pangangailangan editorial-recession
Pambansang Kita
(National Income)
• Ang pambansang kita ay
ang kabuuang halaga ng
mga tinatanggap na
kita ng pambansang
ekonomiya.
• Nasusukat ang
pambansang kita sa
pamamagitan ng
National Income
Accounts na binubuo
ng GNP at GDP.

https://depositphotos.com/113847204/stock-photo-
national- income-word-cloud-concept.html
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
Campbell R. McConnel & Stanley Brue, Economics Principles, Problems, and Policies (1999)

• Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay


nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng
produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na
taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksyon ng bansa.
• Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob
ng ilang taon, masusubaybayan natin ang
direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
Campbell R. McConnel & Stanley Brue, Economics Principles, Problems, and Policies (1999)

• Ang nakalap na impormasyon mula sa


pambansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng
bansa.
• Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng
pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging
basehan na walang matibay na batayan. Kung
gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
Campbell R. McConnel & Stanley Brue, Economics Principles, Problems, and Policies (1999)

• Sa pamamagitan ng National Income


Accounting, maaaring masukat ang kalusugan
ng ekonomiya.
Anong sangay ng pamahalaan ang
nagsusuri ng pambansang kita?
• Ang National Economic
Development Authority (NEDA)
ang opisyal na tagalabas ng
tala ng pambansang kita.
• Ang NEDA rin ang gumagawa ng
mga programang pangkaunlaran.
• Isang sangay ng NEDA ang Philippine https://en.wikipedia.org/wiki/National_Econo

Statistics Authority (PSA) ang mic_and_Development_Authority

may tungkulin na magtala ng


National Income Accounts
(GNP at GDP). Ang lahat ng
datos ay tinitipon ng PSA sa
Philippine Statistical Yearbook.

https:
//en.wikipedia.org/wiki/Philippine
Gross National Product (GNP)
• Tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa ng buong
ekonomiya (loob at labas) sa loob ng
isang taon.
• Kabuuang kita ng isang bansa.
• Tinatawag din itong Gross National Income
(GNI)
Gross Domestic Product (GDP)
• Tumutukoy sa halaga ng kabuuang produkto
at serbisyo kasama ang partisipasyon ng
mga dayuhang negosyante sa
produksyon sa bansa sa loob ng isang taon.
• Tinatawag din ito bilang Gross Domestic
Income (GDI)
Ano ang pagkakaiba ng
GNP sa GDP?
GNP GDP
• Halaga ng lahat ng • Halaga ng lahat ng
mga produkto at mga produkto at
serbisyo na ginawa serbisyo na ginawa
ng mga PILIPINO sa PILIPINAS
sa loob at labas ng kasama na ang
bansa. gawa ng mga
dayuhan.
In other words....
Ang GNP ay Gawa Ng mga
Pilipino samantalang ang
GDP ay Gawa Dito sa
Pilipinas.
Paraan ng Pagsukat ng GNP
• Income Approach – batay sa kita
ng mga Pilipino na mula sa
pagbebenta ng produkto at
serbisyo.
• Expenditure Approach – batay sa
halagang ginastos sa paglikha ng
produkto o serbisyo.
Paraan ng Pagsukat ng GNP
• Industrial Origin Approach – batay sa
pinagmulang industriya sa ating
bansa.
• Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya
ay agrikultura industriya (industriya) at
paglilingkod (service).
Expenditure Approach
FORMULA:
GDP = [C + I + G + (X – M)] GNP = GDP +
NFIA
Where:
C = Personal Consumption Expenditure G =
Government Consumption
I = Capital Formation
X = Export Revenues M = Import Spending
NFIA = Net factor income from abroad
Ano ang NFIA?
• Kita ng pambasang ekonomiya mula sa salik
ng produksyon na nasa ibang bansa (e.g.
mga OFW)
• Pambayad sa dayuhang ekonomiya para sa
angkat na mga salik ng produksyon (e.g.
imported raw materials).
Particulars Amount

Personal Consumption Expenditure (C) 3,346,716

Government Consumption (G) 492,110


Capital Formation (I) 815,981
• Fixed Capital 784,066
• Changes in stocks 31,915
Exports (X) 2,480,966
• Merchandize Exports 2,186,749
• Non-factor Services 294,217
Imports (M) 2,659,009
• Merchandise Imports 2,507,035
• Non-Factor Services 151,974
Gross Domestic Product (GDP) 4,476,764

Net Factor Income from Abroad (NFIA) 376,509

Gross National Product (GNP) for 2004 4,853,273


Income Approach
GNP = consumption capital allowance
+ indirect business tax +
compensation of employees +
rents + interests + proprietor’s
income + corporate income
taxes
+ dividends + undisturbed
corporate prof its
Kahulugan:
Consumption capital allowance Halaga ng nagamit na kapital

Indirect business tax Buwis na ipinapataw sa pamahalaan

Rent Kita mula sa lupa


interest Kita mula sa kapital
Proprietor’s income Kita ng entreprenyur sa kanyang
negosyo
Corporate income tax Buwis na galing sa kita ng mga bahay
kalakal
Dividends Kita ng mga may-ari ng bahay kalakal
Undisturbed corporate prof its Natira sa kinita ng bahay-kalakal
matapos mabawasan ng dividends
Industrial Origin Approach
Mga sektor ng ekonomiya
• Agrikultura – paglikha ng pagkain at mga hilaw na
materyales.
• Industriya – pagpoproseso sa mga hilaw na
materyales, konstruksyon, pagmimina, at paggawa
ng mga kalakal.
• Paglilingkod – umaalalay sa buong yugto ng
produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo
ng kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang
dito ang transportasyon, komunikasyon, pananalapi,
kalakalan at turismo.
Industrial Origin Approach
Agrikultura 60,000,000.00
Industriya 80,000,000.00
Paglilingkod 53,000,000.00
GDP 193,000,000.00
NFIA 10,000,000.00
GNP 203,000,000.00
Pagsukat sa pag-unlad ng bansa
• Inilalarawan ng GNP at GDP ang
produksyon ng bansa. Magandang makita
na papataas ang GNP at GDP.
• Ibig sabihin nito, tumataas ang produksyon
ng bansa. Dumarami ang kumikita sa
ekonomiya. Umaangat ang kabuhayan
ng mga kasapi ng ekonomiya.
Antas ng Paglago
(Growth Rate)
• Malalaman kung may natamong pag-unlad
sa ekonomiya sa pamamagitan ng Growth
Rate.
• Ang Growth Rate ay ang sumusukat kung
ilang bahagdan (percent) ang naging pag-
angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon.
Antas ng Paglago
(Growth Rate)
• Ang paglago ng GNP ay nasusukat gamit ang
formula sa ibaba:

�����
Growth Rate = �2−��� x 100
��
���1
��
��1
Whereas:
GNP2 = bagong GNP
GNP1 = lumang GNP
Halimbawa:
• GNP ng 2001 = 3,876,603
• GNP ng 2002 = 4,218,883
�����
Growth Rate = �2−��� x 100
��
���1��
4,218,883−3,876,603
��1
= x 100
3,876,603
342,280
= x 100 = 8.83%
3,876,603
Per Capita GNP

• Panukat na ginagamit upang matantiya


(estimate) ang halaga ng produksyon ng
bawat Pilipino sa loob ng isang
panahon.
• Ang halaga ng gastos ng bawat Pilipino.
�����
Per Capita GNP = �
�����
�����
�����
�����
Halimbawa:
GNP ng 2001 = 1,502,814,000
Populasyon ng 2001 = 76,900,000

��
Per Capita GNP = ��
�����
��
�����
=
�����
76,900,00
=�����
19,542.44
0
1,502,814,00
0
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
• Ang GNP at GDP ay hindi sapat na batayan ng
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sa pagtataya
ng GNP, hindi naisasamang lahat ang kabuuang
halaga ng produkto at serbisyo sa bansa.
• May mga produkto o serbisyo na nalilikha na
hindi nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi
ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na
walang record sa ating pamahalaan o sa ibang
ahensya nito.
• Kabilang dito ay ang mga sumusunod:
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
• Hindi Pampamilihang Gawain
• Hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng
pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa
loob ng bakuran
• Impormal na Sektor
• Hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga,
nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na
pasugalan, ata iba pa.
• Externalities o hindi sinasadyang epekto
• Hal: gastos ng isang planta ng koryente upang
mabawasan ang perwisyo ng polusyon
• Kalidad ng buhay
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
• Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing
hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng
pagkatao ang pambansang kita.
• Gayunpaman, kahit may limitasyon ang
pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita
naman nito ang antas ng pagsulong ng
ekonomiya.
Isaisip:
• Ang Economic Performance ay tumutukoy
sa pangkalahatang kalagayan ng mga
gawaing pang-ekonomiya ng bansa. Sa
ganitong paraan malalaman kung
natutugunan ba ng mga mamamayan ang
kanilang mga pangangailangan at
kagustuhan.
• Ang Pambansang Kita ay tumutukoy sa
kabuuang halaga ng mga kalakal at
serbisyo na nalilikha ng ating ekonomiya.
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number ng
magulang o guardian.

PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga sa pangkaraniwang


Pilipino na maintindihan ang pagsukat ng
pambansang kita?
References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Cortez J. D. et. al. (2021) Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan – Modyul 2: Pamamaraaan at Kahalagahan ng
Pagsukat ng Pambansang Kita, (Unpublished) DepEd Division
of San Fernando, Pampangga
References:
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from http:
//2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series

You might also like