Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: Ma. Raicelle J. Reyes.

Section: Stem 12-5


January 18, 2024

Pagtanggal ng SHS sa mga State university and local colleges

Noong 2016, ipinatupad ng DepEd ang K-12 program na naglalayong mapataas ang kalidad ng
edukasyon sa bansa. Bahagi ng programang ito ang pagkakaroon ng dalawang taon ng Senior
High School..Ang mga paaralang nasa ilalim ng DepEd, kasama ang mga state university at local
colleges na may Senior High School, ay kailangang ipatupad ang K-12 curriculum.

Ang pagtanggal ng Senior High School (SHS) sa mga State Universities at Local Colleges ay
isang usapin na patuloy na pinag-uusapan at pinag-aaralan ng mga tao sa edukasyon. Maraming
argumento ang ihinahain ukol dito, sa kabilang banda, ito ay may mga taga-suporta din.

Sa aking pananaw Hindi ako sumasang ayon na tanggalin ito Sahalip dapat manatili ang SHS sa
mga State university at Local colleges Sapagkat Una ang Senior High School ( SHS) ay nagbigay
ng mas malawak na oportunidad sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Senior high School ang
mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng karagdagang kaalaman at kasanayan na
kinakailangan nila upang maging handa para sa kolehiyo o sa mundo ng trabaho. Ang
pagbibigay ng oportunidad na ito sa mga mag-aaral ay nagbibigay sa kanila ng mas malawak na
kaalaman at kakayahan, na maaari nilang gamitin sa kanilang hinaharap na propesyon.

Pangalawa, ang SHS ay nagbibigay rin ng mas malalim na pag-unawa at espesyalisasyon sa iba't
ibang larangan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng teknikal na mga kurso tulad ng Engineering,
Information Technology, Culinary Arts, at iba pa, ang SHS ay nagbibigay ng mga oportunidad
na mag-aral at malaman ang mga pangunahing disiplina ng bawat kurso. Sa pamamagitan nito,
ang mga mag-aaral ay maaaring mas maunawaan ang mga kumplikadong konsepto at
magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa gusto nilang larangan. Ito ay makakatulong sa
pagpili nila ng kanilang kursong kolehiyo.

Sa kabuuan, ang pagtanggal ng SHS sa mga State University at local university ay hindi tanging
limitado sa mga argumentong may salungat, ngunit dapat din bigyang importansiya ang mga
magagandang panig na maaring ibahin ng pagkakaroon nito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng SHS sa mga State university at Local colleges , ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mas
malawak na oportunidad, mas malalim na kaalaman , at dagdag na suporta para sa edukasyon
ng bansa. Dahil dito, maari nating sabihin na ang SHS ay dapat manatili sa mga State University
at local colleges para sa kabutihang pang-edukasyon ng mga mamamayan.

You might also like