Di Makatiis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DI MAKATIIS: Ang mala-inang habag ng Diyos

Mark 8:1-10

Isa sa mga pinakamahalagang alaala ko sa buhay ay nung Grade 4 ako.


Ilang araw na akong may lagnat at naging malubha pa’t nauubusan na ako
ng lakas. Iyon din ang panahon kung kailan first time na nakauwi si mama
na nagtatrabaho sa Japan ng sampung taon. Nung papunta na kami ng
ospital, si papa ang nagdrive at si mama naman ay kalung-kalong ako, at
ang mga halik at haplos niya ay tila paraan niya sa pagsubok na maibsan
ang aking paghihirap. Ina nga. Di matiis ang anak.

Mas napapansin ko pa ito sa kanya sa mga panahong mga pasaway


kaming mga anak. Oo, nagagalit din naman siya sa amin, tumatalak din,
pero siya pa rin ang unang sumusuyo sa amin. Ina nga. Di matiis ang mga
anak.

Mga kapatid, napa-interesting ng ating ebanghelyo ngayon. Kasi actually,


sa ebanghelyo ni San Marcos, ito ang ikalawang beses na nagpakain si
Hesus sa libu-libong katao. So, may dalawang multiplication of loaves and
fish sa Gospel ni St. Mark. Una sa chapter 6. At ngayon sa chapter 8. At
ang dalawang beses na pagpapakain na ito ay nagsimula sa habag ni
Hesus para sa mga tao. Interesting din na ang Hebrew term ng habag
(rakhum) ay malapit na nakaugnay sa salitang sinapupunan (rekhem). Dito
ipinapakita sa atin na ang habag ni Hesus sa mga tao ay habag na tulad ng
sa isang ina. Ina nga. Di matiis ang mga anak. Anupa’t kumpara sa chapter
6 kung saan isinalarawan lamang si Hesus na nahahabag sa mga tao, dito
sa chapter 8 si Hesus mismo ang nagsabing, “nahahabag ako sa kanila.”
Mas nagkaroon ng personal na dating.

Kaya naman, napaka-espesyal din ng araw na ito kung kailan tayo ay


nagkakatipon kasama ang mga ina, opo kayong lahat na nagmamahal at
nagkakalinga sa inyong mga anak at mga mahal sa buhay bilang mga
inang di makatiis kundi ang magmahal at mag-aruga. Si Amba nga, di
matiis na magutom kami, di matiis na mastress kami. Kaya siguro mga
babae’t ina ang mga unang sumuporta kay Hesus sa pamamagitan ng
pagbabahahagi ng kanilang sariling mga ari-arian (cf. Lucas 8:2-3).

At hindi ba’t patuloy nating nasasaksihan ang walang maliw na mala-inang


pagmamalasakit ng Diyos sa bawat Misang ating ipinagdiriwang? Dahil
batid naman natin na halos araw-araw mistulan tayong mga tupang walang
pastol, mga pagod sa paglalakbay, mga nangangailangan ng pagkalinga,
mga gutom. At sa bawat pagkakataong ito, ang ating Panginoon ay hindi
lamang nahahabag kundi handa mismong ialay ang kanyang sarili bilang
tinapay ng buhay.

Kaya naman kapag umaasta ang mga taong-simbahan, lalo na ang mga
nasa posisyon,
ng walang kahabag-habag tungo sa mga sugatan, mahihina, at mga
tinuturing na patapon ng lipunan, hindi ito dahil sa kakulangan ng
sinapupunan kundi ang pagkalimot na ang pagiging mahabagin ay likas
dapat na bahagi ng isang nagsasabing sumusunod siya kay Hesus…ang
Diyos na di makatiis kundi ang magmahal, kundi ang mahabag.

You might also like