Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ivan Gabriel D.

Bogayan 01-13-
24
11-STEM Francium

“Pagsulong sa Kinabukasan: Kabatiran at Matatag na Puso sa Pagbabago"

“Hanggang kailan ako tatalikod sa aking mga responsibilidad?” yan ang tanong ko sa aking
sarili nitong nakaraang Disyembre. Bilang isang estudyante, kasama sa aking mga
responsibilidad ang pagtupad sa mga takdang aralin at iba pang gawain sa paaralan, pati na rin
ang pag-aasikaso ng mga gawain sa bahay. Naging kadalasang ugali ko na iwasan at ipagpaliban
ang aking mga responsibilidad, lalo na sa pagsasagawa ng mga takdang aralin. Dahil dito,
madalas akong “nagpo-procrastinate” tuwing gabi bago ang deadline, na nagreresulta sa hindi
gaanong maayos na paggawa sa mga gawain. Ganito rin ang aking kalakaran sa mga gawaing
bahay, kung saan minsan ay hindi ko agad nagagawa ang mga gawaing bahay, na nagdudulot ng
pagkakaroon ng kumpol-kumpol na gawain. Ang ganitong paraan ng paggawa ay nagbigay daan
sa isang tanong na bumabalot sa aking isipan.

"Huwag mong hayaang ang mga pagsubok sa buhay ang magdikta ng iyong mga hakbang.
Kaya mong lumaban at magdesisyon kahit sa gitna ng mga hamon." -Quotes Writer (April 2023),
parang ganito ang nangyayari sa akin. Ang pagtalikod at pagpapaliban ay parang akong
nagpapaalipin sa aking mga problema at tila kinokontrol ako. Nauunawaan ko na parang
itinatakda nito ang aking araw-araw na buhay, tulad ng pagtulog ng huli dahil sa mga takdang
aralin at ang pagiging mas komplikado ng gawaing bahay dahil sa pag-ipon nito, na nauuwi sa
pagkawala ng aking determinasyon at disiplina. Napagtanto ko na mas nagiging mahirap ang
bawat gawain kapag hinahayaan ko lang ito at hindi nilalabanan, dahil nawawala ang pagiging
disiplinado ko sa sarili. Ang disiplina sa sarili ay isang halaga na iniingatan ko, kaya't mas
naging mahalaga ang tanong na bumabalot sa aking isipan. Ayon kay Hiromi-paclipan na
kanyang ipinost noong Agosto 12,2013, ang isang tao o nilalang, gaano man siya kagaling, gaano
man man siya katalino wala pa rin siyang silbi kung wala naman siyang disiplina sa sarili. Hindi
natin mapapakinabangan ang ating magandang katangian o magandang pag-uugali kung wala
tayo nito, ang DISIPLINA. Natutunan kong walang ibang dapat gawin kundi harapin ang aking
mga responsibilidad at unti-unting palakasin ang aking disiplina. Nais kong baguhin ang aking
mga kahinaan at itigil ang pagiging "perfectionist." Nais kong baguhin ang aking mindset at
paraan ng pagharap sa mga hamon ng buhay. Sinimulan kong sagutin ang aking mga tanong at
inayos ang aking sarili ngayong bagong taon. Napagtanto ko na epektibo nga ang pagharap sa
mga responsibilidad sa buhay. Mas nagiging magaan ang mga gawain dahil inilalaan ko ang
sapat na oras para dito, at wala nang naiipon. Bukod dito, mas naging maayos ang aking
paggawa at mas nagiging masigla ako sa pagtahak sa mga darating na pagsubok sa buhay.

Napakahalaga pala talaga ng pagharap sa pagsubok ng buhay. Hindi lamang nito napapadali
ang gawain bagkus ay bumubuti rin ang ating mga sarili, pinahahalagahan ang importanteng
bagay at nagiging matatag sa mga darating na pagsubok. Ang sanaysay na ito ay maaaring
maging inspirasyon sa pag-umpisang humarap sa mga hamon ng buhay. Gusto kong ibahagi ang
aking karanasan, umaasang makatulong sa iba. “Hanggang kailan ako tatalikod sa aking mga
responsibilidad?” Ikaw, natanong mo na rin ba ito sa iyong sarili?

You might also like