Professional Documents
Culture Documents
Ang EKONOMIKS
Ang EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay nagsimula sa salitang griyegong 'oikonomia' na gawa naman sa dalawa pang salita
na oikos na nangngahulugang bahay at nomos na nangangahulugang pamamahala. Kapag atin itong
pagsasamahin ay mabubuo natin ang pariralang 'pamamahala sa bahay'
Ang ekonomiks ay nagtuturo sa atin kung paano susuriin ang iba't-ibang mga kalakal, produkto at
pinagkukunan. Ito ay tumatalakay sa kung papaano natin ito pagkakasyahin o hahatiin para sa
maayos at matiwasay na pangungunsumo.
Ang ekonomiks ay nagtuturo sa atin kung paano magdesisyon at mamahala ng iba't-ibang bagay ng
matalino at maayos upang ang ating pang-araw-araw na buhay ay maging matiwasay at maging
epektibo ang ating pagkonsumo.
Ang tao ay likas na mayroong mga pangangailangan at mga kagustuhan simula pa lamang sa kanilang
pagkasilang hanggang ngayon. Ang ekonomiks ay tumutugon sa paglutas ng iba't-ibang suliraning
pang ekonomiya at pagkonsumo. Ating isipin, sa nasasabi dito, ang tao daw ay walang hanggan ang
pangangailangan at kagustuhan kaya naman tinutugunan ito gamit ang mga limitadong resources o
pinagkukunang yaman. Paano kung imbis o sa halip na unahin natin ang mga kagustuhan kaysa
pangangailangan kahit alam naman natin na may limitasyon at nauubos ang ating pinagkukunang
yaman? Ang ganitong mga sitwasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan o kakapusan dahil nga sa
hindi naging matalino ang pagdedesisyon. Ang mga pangangailangan ay dapat na isinasaalang-alang
natin bago ang mga kagustuhan dahil mas mahalaga ito.
Upang maiwasan ang ganitong mga sitwasyon ay suliranin kailangan natin ng MATALINONG
PAGDEDESISYON. Ang matalinong pagdedesisyon ay makakatulong
-siya ang may akda ng 'an inquiry into the nature and cause of wealth of nation.
- siya rin ang gumawa ng doktrinang ' Laissez faire ' o kilala rin sa tawag na 'Let Alone
Policy'.
ay may pagkakapantay-pantay.
1. Trade Off- ito ay ang pagsasakripisyo ng isang bagay para sa isang bagay. Sa bawat desisyong ating
ginagawa ay mayroon tayong hindi pinipili para sa isang bagay na napagdesisyunan nating kunin.
Hindi natin pwedeng kunin ng sabay ang dalawa sapagkat kapos tayo dahil sa limitadong
pinagkukunang-yaman.
2. Opportunity Cost - ito ay ang halaga ng isang bagay na hindi mo pinili o isinakripisyo mo dahil pinili
mo ang ibang bagay
3. Marginal Thinking- ito ay ang pagtitimbang kung alin ang mas mahalaga sa dalawang bagay na
iyong pinagpipilian. Dito ay tinitimbang mo kung alin ang mas may karagdagang benepisyo kang
makukuha.
4. Incentives- ito ay ang premyo , gantimpala at karagdagang serbisyo na iyong maaaring makuha sa
pagpili ng isang desisyon.
Mag-aaral:
2. Hinuhubog nito ang gawi, pang-unawa at ugali ng isang mag-aaral na maaari naman niyang
magamit sa pagdedesisyon.
Kasapi Ng Lipunan:
1. Nauunawaan ang iba't-ibang mga isyung panlipunan lalo na ang may kinalaman sa ekonomiks.
2. Nauunawaan ang mga patakaran, batas at programa na siyang maaaring magpaunlad sa mga
usaping pang-ekonomiya ng isang bansa.
Kasapi Ng Pamilya: