kung saan ako ay nagturo sa isang maliit na silid-aralan na binubuo ng tatlumpu’t dalawang mag-aaral mula sa magkakaibang antas: labinlima sa unang taon, walo sa ikalwang taon, anim sa ikatlong taon, at tatlo sa ikaapat na taon. Sa panahon ng taglagas, ipinadadala ako ng aming paaralan sa ibang lugar upang mahasa ang aking kakayahan bilang guro. Sa loob ng dalawa o tatalong buwan, naiiwan ang aking mga mag-aaral sa aming lugar nang walang guro na nangangalaga. At matapos ang mahabang panahon na pagkawalay, babalik ako upang makasama ang mga mag-aaral na dati nang uhaw sa makabagong kaalaman. Magsisimula kaming muling matuto. At dahil sa papalapit na ang taglamig, kami ay pupunta sa bukid at doon ay sabay-sabay na matututong bumuo ng banig at magkukuwentuhan. At sa pagsisismula ng pasukan, habang tinuturuan ko ang mga nasa ikatlo at ikaapat na baitang ay akin namang pinagmamasadan mula sa may bintana ng silid-aralan ang mga mag- aaral na nasa una at ikalawang baitang na masayang pinaglalaruan ang isang asong gala. Nililinisan nila ito sa pamamagitan ng mga snowball na sila mismo ang may gawa. Isang araw sa aking pagtuturo ay bigla akong nagambala sa isang matinis at maliit na boses mula sa labas. “May dala akong sugar beet, mainit-init pa.” “Mash Kazem, sino siya?” tanong ko sa pangulo ng klase. “Ah, si Tarvardi po sir, nagtitinda po siya ng sugar beet sa panahon ng taglamig. Kung gusto ninyo, papapasukin ko po siya.” Sa pagbubukas ng pinto, pumasok ang isang maliit na bata na may dala-dalang malaking palayok. Nakasuot siya ng isang may kalakihang plastic na bota sa kaliwang paa at isang ordinaryong sapatos naman sa kanang paa, balabal, at isang napakalaking jacket na umaabot hanggang sa tuhod.Ang kaniyang ilong ay namumula na sa sobrang lamig at sa tantiya ko, siya ay nasa labaindalawang taon mahigit. “Magandang araw po, Sir!” pagbati nya sa akin sabay baba sa palayok na kaniyang dala- dala. “Maaari po ba akong magpainit sandal, Sir?” pagpapatuloy niya. At bago pa man ako makasagot ay isa-isa nang lumapit sa kaniya ang aking mga mag- aaral upang akayin siya malapit sa pugon. “Heto ang upuan, maupo ka,” ang wika ko sa kaniya. “Huwag na po, Sir, sa sahig na lamang po ako,” wika niya. Mula sa aking kinatatayuan ay isa-isa nang nagsisiksikan ang aking mga mag-aaral sa unang at ikalawang baitang na nag-uunahan na ring makapasok sa silid-aralan, matapos marinig ang boses ni Tarvardi. “Gusto mo po ba ng sugar beet, Sir?” Tanong niya sa akin. Hindi pa man ako nakasasagot ay dali-dali na niyang inalis ang malaking tela na nakabalot sa palayok. Nang ito ay mabuksan, pumili si Tarvardi ng sugat beet at iniabot sa akin, sabay wikang, “Mas nakabubuti po, Sir, kung kayo mismo ang magbabalat nito… Maaari kasing ang kamay ko ay…Tayo naman po ay taga- baryo… at hindi naman po tayo makapunta ng siyudad… at hindi po natin alam ang tamang pamamaraan…” paputol-putol na wika niya. Bagama’t siya ay bata pa ngunit ang mga kataga na lumalabas sa kaniyang bibig ay tila sa isang matandang may sapat na kaalaman sa buhay. Kaagad na kinuha ko ang sugar beet at binalatan. Pagkatapos ko itong balatan ay lumabas ang isang mamula-mulang laman na nang aking tikman ay napangiti ako sa tamis at sarap. “Sir… tanging ang sugar beet lamang po ni Tarvardi ang may ganyang sarap at tamis.” Wika ni Noruz mula sa aking likuran. “Ang kaniyang kapatid na babae po ang nagluluto niyan Sir at siya naman po ang naglalako… may sakit po kasi ang nanay nila,” wika naman ni Mash Kazem. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Tarvardi. Isang matamis na ngiti ang kaniyang isinukli. “Lahat po ng tao ay may kani-kaniyang Gawain sa buhay, Sir, at ito po ang sa amin. Ang bumubuhay sa aming magkakapatid,” wika niya sabay tanggal ng balabal na bumabalot sa kanyang ulo. “Ano ba ang nang-yari sa inyong ina, Tarvardi?” tanong ko sa kaniya. “Hindi po niya magalaw ang kaniyang mga paa, Sir,” sagot niya. “Ang sabi po ng pinuno ng barangay, paralisado na raw po siya. At hindi ko po talaga alam kung bakit iyong nangyari,” pagpapatuloy niya. “Ang tatay…” “Patay na po siya…” sagot niya bago pa man matapos ang aking katanungan. “Asgar Aqa --- ang kontrabandista, Sir, ang tawag nila sa tatay ni tarvardi,” wika ng isa kong mag-aaral. “Isa po siyang mahusay na mangangabayo. At isang araw habang po siya ay nasa burol, bigla na lamang pong may bumaril sa kaniya. Isang sundalo po ang bumaril sa kanya mula sa likuran,” pagpapatuloy ni Tarvardi. Bagama’t nais ko pa siyang makakuwentuhan, ngunit matapos na makabenta ng dalawa o nasa tatlong rial ay kaagad naman siyang nagpaalam. Hindi na rin niya tinanggap ang bayad ko sa aking kinain bilang pasasalamat sa mabuting pagtanggap ko sa kanya. Matapos makaalis ni Tarvardi sa aming silid-aralan ay isa-isa nang nagkukuwento ang aking mga mag-aaral sa kaniya. Wika nga nila, maganda ang naging buhay ni Tarvardi noong nabubuhay pa ang kanilang ama. Sila ay nakatira sa isang bahay na bagamat hindi naman kalakihan ay kasasalaminan naman ng kasaganahan sa buhay. At ang lahat ng ito ay nawala nang pumanaw ang kanilang ama. Nang mamatay ang kanilang ama ay natutong maghanapbuhay ang kanyang mga kapatid. Ang nakatatandang kapatid ay nagtatrabaho kay Hadji Qoli Farshbaf. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa ginawang pambabastos ni Hadji Qoli na ikinagalit ni Tarvardi. Araw-araw ay dumaraan si Tarvadi sa paaralan. Kung minsan, naroon siya hindi upang magtinda ng sugar beet kundi making sa mga bagong aralin na itinuturo ko sa aking mga mag- aaral. Isang araw, “Tarvardi, narinig ko, nagkaroon daw kayo ng alitan ni Hadji Qoli. Maaari mo ba itong ibahagi sa akin?” “Noon pa iyon, Sir. Sasakit lamang ang ulo mo kung ito ay ikukuwento ko sa iyo,” wika niya sa akin. “Ngunit nasi ko itong marinig mula sa iyo, Tarvardi, kung ito ay iyong mamarapatin,” sagot ko sa kaniya. “Nagtatrabaho po kami sa kanya noon ng aking kapatid na babae, Sir. Noong simula, maganda naman po ang pagtrato niya sa amin. Akala ko nga po noon ay magtatagal kami roon gaya ng iba. Kaya lang po ang kabaitang kaniyang ipinakita ay pagkukunwari lamang. Isang araw po habang kinukuha naming ang aming sahod ay binigyan niya po kami ng limang rial. Ang wika niya, ito raw po ay ibigay naming sa aming inang may sakit. Sabay tawa nang malakas. Bagama’t ito po ay aming ikinabigla ngunit amin pa rin pong tinanggap. Pag-uwi naming sa aming tahanan, ikinagalit po ito ng aming ina at sinabing sa susunod ay huwag na kaning tatanggap ng kahit ano sa kanya,” pagsasalaysay ni Tarvardi. “Kinabukasan, pagbalik namin sa aming pinagtatrabahuhan ay hindi na po naging maganda ang pagtrato sa amin ng aming mga kasamahan. Pinag-uusapan po nila kami lalong- lalo na ang kapatid kong babae,” pagpapatuloy niya. “Hanggang sa sahuran na naman. Sa pagkakataong ito, hindi na limang rial ang ibinigay niya sa amin bilang karagdagan kundi labinlimang rial. Ibinalik ko po ito sa kaniya, ngunit kami po ay kaniyang pinagtawanan. Ang sabi po niya, kailangang-kailangan po raw naming ito dahil sa ina naming may sakit. Dahil sa pang-iinsulto niya ay itinapon ko po ang pera sa kanyang harapan na ikinagalit po niya nang sobra. Binastos po niya ang aking kapatid at dahil doon, hindi ko po napigilan ang aking sarili na saksakin siya sa mukha sabay takbo pauwi sa amin.” “Kinagabihan, Sir, dumating po ang mga pulis sa aming tahanan. Tinakot po nila kami. Ang sabi, kapag hindi raw po pumayag ang ina ko na gawing pangalawang asawa ang kapatid kong babae ay hindi na niya papayagang makapagtrabaho pa kami sa kaniyang kompanya. At magkakaroon daw po kami ng problema sa mga sundalo sa baryo. Bagamat kami po ay nasindak sa kanilang sinabi ay naging matigas pa rin po kami. Hindi po naming ibinigay ang aking kapatid.” Kinabukasan po, naglakas-loob po akong magtarabahong muli sa kanyang kompanya. Hindi pa man po ako nakalalapit sa may pintuan ay naroon na si Haji Qoli. Bago pa man ako nakalapit sa kanya ay nasunggaban na niya ako at pinagsusuntok. Takot na takot ako noon para sa aking sarili. Hindi ko alam kung makalalabas pa ako roon nang buhay nang biglang nakakita muli ako ng kutsilyo at bago ko ito Maitama sa kanyang katawan ay naroon na ang ibang empleyado at kinakaladkas ako pabalik sa aming tahanan. Mula noon, Sir, hindi na kami bumalik pa sa kaniyang kompanya. Pinilit naming mamuhay nang simple. Kahit marirap at kapos ay pinagkakasya namin. Ang naipon naming pera ay ipinambili naming ng kambing at kalaunan ay nakahanap na rin ang kapatid ko ng trabaho – sa pagawaan ng tinapay,” pagtatapos niya. “Tarvardi, bakit hindi pa nag-aasawa ang kapatid mo?” tanong ko sa kanya. “Ah, ikakasal na po siya, Sir, sa anak po ng may-ari ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Kaya po ako ngayon ay nagtitinda, sapagkat pinaghahandaan po namin ang kanyang dote,” kuwento niya. Napakatagal na panahon na pala akong nawalay sa lugar na ito. Bagamat bawat bakasyon akong bumibisita rito ay naroroon pa rin ang pananabik ko na makitang muli ang paaralang naging bahagi na ng aking buhay at maging si Tarvardi na nagturo sa akin ng magandang aral tungkol sa buhay. Matapos kong pagmasdan ang paaralan ay kaagad kong tinungo ang nayon at sa hindi kalayuan ay Nakita ko si Travardi na hila-hila ang labinlimang kambing at labinlimang tupa. “Tarvardi, kumusta ka na at ang ate mo?” sigaw ko upang malinaw niya akong marinig. “Sir, masaya pong namumuhay ang kapatid ko kasama ang kanyang pamilya. Nairaos din po naming ang kanyang dote… at sa ngayon po ay pinag-iipunan ko na rin po ang aking kasal…”