Professional Documents
Culture Documents
Group 2 Handouts For Reporting
Group 2 Handouts For Reporting
>Labanan Sa Marathon
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE sa ilalim ni Darius
Nagpadala siya ng plota (fleet) kasama ang 600 na barkong pandigma at mahuhusay na hukbo
patungong Greece.
Ang plota ng Persia ay tinawid ang Aegean Sea at dumaong sa Marathon.
Napagpasiyahan ng Athenian na salakayin ang mga Persian.
Si Heneral Miltiades ang namuno sa pag-atake laban sa mga Persian.
Tinalo ng 10,000 ang tangkang pwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng
Persia.
Napilitang lisanin ng Persia ang Greece.
Ang pagkapanalo ng mga Greek sa labanan ang nagbigay sa mga Athens ng karangalan bilang
mahuhusay na mandirigma at nakilala bilang isang makapangyarihang hukbo sa rehiyon.
>Labanan Sa Thermopylae
Si Xerxes - ang anak ni Darius at nagpatuloy sa pagpapabagsak sa lupain ng Greece.
Naganap ang isang madugong labanan noong 480 BCE sa Thermopylae. Ito ay isang makipot na
daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece.
Nagkaisa ang 20 lungsod-estado ng Greece upang pigilan ang hukbong Persian. Tinatayang
7000 mandirigmang Greeks ang nagtungo sa hilaga upang harangan ang lagusan sa
Thermopylae.
Si Haring Leonidas - ang namuno sa pagbabantay ng mga Spartans na nakipaglaban sa pwersa
ni Xerxes.
Dumanak ng dugo ang mga taga-Persia sa naganap na matinding labanan.
Si Ephialtes - isang Greek ang nagturo sa mga Persian ng isang lihim na daanan patungo sa
kampo ng mga Greek.
Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa
ang Thermopylae. Ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay pati ng kaniyang 10 na
kasama.
Ang mga Persian ay kalaunang nagapi ang mga Greek.
>Labanan Sa Salamis
Sa pagkatalo ng mga Greek sa Thermopylae, sinalakay at sinakop ni Xerxes at ng kaniyang
hukbo ang mga Athens.
Themistocles - ang namuno sa paghahanda ng hukbong pandagat ng Athens.
Dinala ni Themistocles ang digmaan sa isla ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot.
Nahirapang makapasok ang malalaking plota ng Persia. Ang maliliit na barko ng Athens ay agad
na nakalapit at pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas.
Isa isang lumubog ang plota ng Persia at kalaunang natalo ang hukbo.
>Labanan Sa Platea
Sumuko si Xerxes sa laban dahil sa takot na magapi. Siya ay bumalik sa Asya matapos ang
Labanan Sa Salamis.
Ipinagpatuloy parin ng ibang hukbo ang laban at pagtapos sa pananakop sa Greece. Ito ay
isinagawa sa ilalim ng utos ni Xerxes.
Tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece ang mga nalalabing hukbo ni Xerxes
sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at
Megara.
Ang Imperyong Persian ay di na muling nagtangkang sakupin ang Greece. Ang Labanan Sa
Platea ang hudyat ng pagtatapos ng matagal na labanan sa pagitan ng Persia at Greece.
>Mga Lalaki
Mas tinitingala kaysa sa kababaihan.
Nabigyang pagkakataon makapag-aral.
Sa edad na 18 taong gulang sila ay nagsasanay sa militar ng 2 taon.
Maaring maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito.
>Mga Babae
Itinuturing na mas mababa sa kalalakihan.
Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan.
Hindi maaring magmay-ari.
Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak.
Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
>Kulturang Hellenic
Ito ay hango sa pangalan ng Diyosa na si Hellen na pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Greek.
Ito ay tinawag na Hellenic dahil dito nagsimula ang pagsibol ng mga sinaunang lungsod-estado
ng Greek.
Naniwala ang mga Greek sa pagkamit ng kahusayan, kaayusan at balanse sa bawat bahagi ng
kanilang buhay. Makikita ang pagpapahalagang ito sa kanilang mga likhang-sining, arkitektura,
at eskultura.
Ito ay karaniwang simple ngunit elegante ang istilo ng sining ng Greek na hanggang sa
kasalukuyan ay nagsisilbing inspirasyon sa iba’t ibang likhang-sining partikular sa pagpipinta,
eskultura, panitikan at arkitektura. Malaki ang naging ambag nila sa larangan ng edukasyon
partikular sa matematika, kasaysayan, agham, politika at pilosopiya.
>Kulturang Hellenistic
Ito ay tinawag niyang Panahong Hellenistic. Sa panahong ito, napaghalo ang kulturang Greek at
Persian gayundin ang ilang katangian ng kultura ng ibang mga lupain sa Asya sa pamumuno ni
Alexander The Great.
Ito ay yumabong sa panahon ng paghahari ni Alexander The Great sa malawak na Imperyo nito
mula Greece hanggang Persia, Hilagang Africa at India.
Nakaroon ng pag-unlad sa kulturang Hellenistic sa iba’t ibang larangan na nakatulong sa
pagsulong ng sibilisasyon sa makabagong panahon.
>Sining at Panitikan
Pagpipinta - ito ay karaniwang makikita sa mga pader ng palasyo maging sa kanilang banga. Ito
ay kadalasang may estilo ng isang larawang may kulay itim at pula.
Mitolohiya ng Greek - isang akda na naglalahad ng mga kuwento ng mga Diyos na animo’y
karaniwang tao na nasasaktan at umiibig.
Si Homer - isang manunulat na naging tanyag ang mga epiko na nagsasalaysay sa mga buhay ng
bayaning Griyego. Isa sa pinakamahalagang manunulat sa buong Kabihasnang Hellenic.
Epikong Iliad at Odyssey - isang akda o epiko na naglalaman ng mga buhay at gawain ng mga
maginoo at aristokrasya ang paksa.
Si Herodotus - kinilala sa larangan ng kasaysayan dahil sa likha niyang “Kasaysayan ng
Digmaang Persian” na naglalaman ng kaniyang paglalakbay sa Asya at Sparta. Tinawag siyang
Ama ng Kasaysayan.
Si Thucydides - ang manunulat ng “Anabis” isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula sa Babyloniya hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro
niyang si socrates.
Si Sophocles - isang tanyag na manunulat ng drama sa panahon ni Pericles. Isinulat ang
“Oedipus The King”, isang uri ng dramang trahedya na isinulat ni Sophocles.
Si Aristophanes - isang manunulat na nakilala sa pagsusulat ng mga komedya. Isinulat ang mga
dulang “The Clouds” at “Lysistrata”.
Si Aeschylus - ang sumulat ng dulang “The Persians” na nakabatay sa karanasan niya sa buhay.
Si Euripides - ang sumulat ng mga dulang “Aelestis, Media at Trojan Women”
>Agham, Medisina at Matematika
Si Hippocrates - ang pinakadakilang Greek na manggagamot na kinilala bilang Ama ng
Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika. Siya
ang kauna unahang nagpalaganap ng kaisipan na ang sakit ay nagmula sa natural na
kadahilanan at hindi dahil sa mga paniniwalang panrelihiyon at pamahiin. Sumulat din siya ng
mga tuntunin sa tamang panggagamot na naging batayan ng mga manggagamot. Ang mga
nakapapasang doctor ay nanunumpa batay sa kodigong ito na tinawag na Hippocratic Oath.
Si Thales - itinuturing kauna-unahang siyentista sa Greece na pinag-aralan ang kalawakan. Sa
pag aaral niya ng astronomiya natukoy ang pagdating ng mga solar eclipse, inilihad din niya
ang teorya na ang tubig ang pangunahing elemento na bumubuo sa nga bagay sa daigdig.
Si Phytagoras - nakilala sa larangan ng matematika. Siya ang nagbigay ng teorya tungkol sa
ugnayan ng mga sukat at tatsulok na tinawag na Pythagorean Theorem
Si Euclid - ang naglikom at isinaayos ang lahat ng kaalaman tungkol sa geometry upang maging
sistematikong bagay sa pag aaral nito na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
Si Eratosthenes - ang nakatuklas ng circumference ng daigdig na nasa 200 milya. Nakagawa rin
siya ng mapa ng Asya, Europa at Africa na may kumpletong mga guhit ng latitud at longhitud.
Si Archimedes - siya ang nakapagpaliwanag ng prinsipyo ng lever at pulley na simpleng makina
na nakakatulong sa mabilis na paglipat o pag akyat ng bagay o kagamitan.
>Pilosopiya
Si Socrates (470 BCE) - isa sa mga kauna-unahang nag-ambag sa larangan ng pilosopiya at
pinakamahalagang pilosopo sa mga Athens. Ayon sa kaniya, mahalaga na kilalanin mo ang
iyong sarili (know thyself). At dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga
bagay-bagay upan matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Siya ay
naniwala na may prinsipyong nagpapaliwanag sa katotohanan, katarungan at kabutihan.
Socratic Method - isang paraan ng argumentative dialogue sa pagitan ng mga indibidwal, batay
sa pagtatanong at pagsagot sa mga tanong. Ito ay itinuturing ring bilang isang paraan ng
pagtuturo.
Si Plato - isang sikat at pinakamahusay na mag-aaral ni Socrates. Siya ay nagpatayo ng isang
paaralan sa tahanan upang mahuboog ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral, ito ay ang
The Academy. Ilan sa mga tanyag niyang akda ay ang The Republic at ang Symposium.
The Republic - isinulat ni Plato na kilala sa Myth of The Cave. Ito ay isang alegoryang ginamit
niya upang siyasatin ang paraan at hangganan ng pag-alam ng tao sa katotohanan.
The Dialouges - isa rin sa mga sinulat ni Plato na naglalaman ng mga pag-uusap ng mga taong
naghahanap ng katotohanan.
Si Aristotle - isang mahusay na mag-aaral ni Plato na nagtuon ang pamimilosopiya sa pag-iral
(being). Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang "Poetic," isang pagsusuri sa mga iba't bang dula-
dulaan, ang "Rhetoric" na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang
kanyang talumpati, at ang "Politics" kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba't ibang
uri ng pamahalaan.
Si Zeno - isang pilosopo sa panahon ng Hellenistic. Siya ang nakatuklas sa Stoicismo at
binansagan bilang The Stoic.
Stoicism - isang pilosopiyang nagbibigay diin sa paggamit ng katwiran sa lahat ng pangyayaring
nagaganap sa buhay ng tao.
Si Epicurus - isang maestro at manunulat na nagtatag ng paaralang Epicureanismo. Kaniyang
pinag-aralan ang mga pamamaraan upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay.
Epicureanism - isang pilosopiyang nakabatay ang prinsipyo sa kaisipang ang kaligayahan ay
makukuha sa simpleng kasiyahan o pamumuhay.
>Politika
Demokrasya - sa Greece nagsimula ang ganitong paraan ng pamamahala. Ito ay isang uri ng
pamahalaan na ang kapangyarihan ay nakabatay sa mga mamamayan.
>Edukasyon
Greek Alphabet - ang unang paraan ng pagsulat ng mga Greek. Ito ay naglalaman ng mga
patinig at katinig katulad ngayon sa kasalukuyan.