Activity Sheet Ap Q3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI- DAVAO
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
MACO NORTH DISTRICT
PANGI NATIONAL HIGH SCHOOL
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: __________________________________________ Petsa: ______________________________
Baitang/Pangkat: ____________________________________ Iskor: _______________________________
Pag-usbong ng Renaissance
Layunin: Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong political, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahong
Renaissance. (AP8 PMD-IIIa-b-1, AP8 PMD-IIIc-d-3)
Ang Renaissance ay yugto ng panahon sa kasaysayan ng Europe mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon.
Pangunahing katangian nito ang muling pagkakamulat sa kulturang klasikal ng Greece at Rome na nagbibigay diin sa
kahalagahan at kakayahan ng tao.
Ito ay salitang Pranses na nangangahulugang: muling pagsilang o rebirth, isang transisyon para matamo ang
pagbabago. Sa panahong ito muling pinanumbalik ang sinaunang kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano, na
nagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at
eskultura.
Renaissance sa Politikal na aspeto.
Malaki ang naging ambag ng Renaissance upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa daigdig na nagbigay sigla
sa mga eksplorador na makatuklas ng mga bagong lupain tulad nina Christopher Columbos , Vasco da Gama , Ferdinand
Magellan at iba pa.
Malaki ang naitulong ng Renaissance sa pagsulong at pagkakabuklod ng mga bansa tulad ng England , France
, at Portugal at nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari , samantalang ang kapangyarihan ng simbahan naman
ay nagsimula ng humina. Dahil nagkaroon ng interes sa pagkamakatao o “humanism”, humina ang impluwensya ng
Imperyong Romano at ng Simbahang Katoliko.
Renaissance sa larangang ekonomiko.
Ang estrakturang politikal ng Hilagang Italya ay nakatulong upang maikalat ang yaman ng kalakalan. Ang
lumalaking kalakal ay nagdulot ng panibagong yaman sa mga lungsod tulad ng Venice, Florence, Milan, at Genoa. Ang
Venice ang tinaguriang “Reyna ng Adriatiko” na siyang pinakamakapangyarihan.
Ang kapangyarihan ng Venice ay dagat, na matatagpuan sa gitna ng ruta ng kalakalang silangan at kanluran.
Pagsapit ng ika-15 siglo, kontrolado ng mga mangangalakal na Venitian ang lungsod, halos kalahati ng kalakal sa
Adriatiko at Silangang Mediterranea dahil nakapagpagawa sia ng 3,000 barko. Noong 1400, ang negosyo ng
pagbabangko ay inorganisa ng pamilya Medici. Nagpatuloy ang pamilya sa pagnenegosyo ng iba pa tulad ng pagmimina
at pagmamanupaktura ng lana. Hindi nagtagal, ang pamilya ay itinanghal na pinakamayamang negosyante at bangkero
sa Europa.
Renaissance sa usaping Sosyo-kultural
Ang kahulugan ng sosyo kultural ay nahahati sa dalawang konsepto. Una, ang salitang “sosyo” ay galing sa
salitang social na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa grupo ng mga tao. At pangalawa, ang salita “kultural” ay galing
naman sa salitang culture na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa ideya, kinagawian, at kilos ng tao sa isang lipunan.
Sa madaling salita, ang sosyokultural ay isang perspektibo na kung saan nakasalalay kung anong lipunan at
kung anong kilos ng mga tao sa isang grupo ang magiging kilos nila. Ang sosyo-kultural ay larangan ng sining,
paniniwala, pakikipagkapwa at pag-aaral ng pag-uugali ng tao. Dito makikita ang ang pamamaraan ng buhay sa
kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya.
Nagbunga ang Renaissance ng mga kahanga-hangang likhang sining at panitikan na naging bahagi ng hindi
matutumbasang pamana ng sangkatauhan. Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagbigay-daan sa Rebolusyong
Intelektuwal, na nagbigay daan sa kilusang intelektuwal na tinawag na “Humanismo”, naniniwala sila na dapat
pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lakas na dapat
matutunan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
Ang imbensyon ng paglilimbag, mga isinusulat ng mga Humanista at ang mga unibersidad na gumising sa
mahihibing na isipan ng tao ang naging daan upang baguhin ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval Period,
naging instrumental sa mabilis na pag-unlad ng mga kaisipan sa larangan ng sining, ekonomiya, pulitika, at lipunan.
Nagdala ng muling pagsilang at paglawak ng kultura ang Renaissance. Ang makataong pananaw ng Renaissance ay
nag-udyok sa mga lipunan na magkaroon ng 6 interes sa mga pananaliksik at imbensyon sa Agham. Katulad ng
pagkaimbento ang “printing press” na nagbigay daan pagkalat ng mga bagong ideya. Tunay na pinag-apoy ng nito ang
puso at damdamin ng mga tao noon hanggang ngayon.
Ang talahanayan sa ibaba ay ang mga mahahalagang tao na nagsulong upang palakasin ang yugto ng kasaysayan na
nagsulong upang palakasin ang yugto ng kasaysayan na Renaissance sa iba’t ibang larangan
Pamprosesong Tanong:
1. Sa panahon ng Renaissance, paano napukaw ang interes ng mga tao sa pagpapaunlad sa sariling
kakayahan?
2. Ang pag-unlad ng Rebolusyong Intelektuwal ay yumabong hanggang sa kasalukuyan, mahalaga
ba sa iyo ang paghubog sa intelektuwal na aspeto nito? Bakit?
Sanggunian: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul I

You might also like