Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SOCIAL SCIENCE LET DRILLS

1. Ano ang pamahalaang binubuo ng mga Hapones sa


bansa na tinatawag ng Central Administrative
Organization na binubuo ng 6 na kagawaran?
Sagot: Pamahalaang Sentralisado
2. Anong batas ang nabuo na nagtadhana ng 3 sangay ng
kapangyarihan sa pamahalaan sa panahon ng mga Hapon?
Sagot: Saligang Batas ng 1943 Constitution
3. Pinangakuan ng mga Hapones ang Pilipinas na
bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa isang
patakaran. Ano ang patakarang ito?
Sagot: Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
(GEACS)
4. Nang sumunod ang Pilipinas sa patakaran ng Hapon ay
agarang binuwag ang partidong political ng Pilipinas at
itinatag ang isang kapisanan na siyang nagmaniobra sa
pangyayaring political ng bansa. Ano ang kapinsanan na
ito?
Sagot: KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas) / Association for Service to the New
Philippines
5. Isang komisyon na itinatag noong Hunyo 20, 1943 na
inatasang maghanda ng Saligang Batas para sa
Republikang tatangkilikin ng mga Pilipino sa pamumuno
ng Hapon.
Sagot: Preparatory Commission for Philippine
Independence
6. Sino ang naging pangulo ng Preparatory Commission
for Philippine Independence?
Sagot: Jose P. Laurel
Pangalawang Pangulo: Ramon Avanceña at
Benigno Aquino Sr.
7. Ano ang SALIGANG BATAS na pinairal sa panahon
ng pananakop ng mga Hapones sa bansa?
Sagot: Saligang Batas ng 1943

8. Sino ang unang pangulo sa Ikalawang Republika ng


Pilipinas?
Sagot: Jose P. Laurel
Pangalawang Pangulo: Benigno Aquino Sr.
9. Dahil sa naging sunud-sunuran lamang si Pangulong
Jose Laurel sa mga Hapon, ano ang tawag ng kanyang
pamahalaan?
Sagot: Republikang Puppet
10. Ano ang tawag sa mga pinunong Pilipino na
sumusuporta sa mga gawaing pampulitika ng mga
Hapones?
Sagot: Kolaboreytor (collaborator)
11. Ano ang tinawag sa mga Pilipinong nagkanulo sa
kanilang kapwa Pilipinong tiyak na makukulong o
mapapatay sa oras na sila ay maiturong lumalaban sa mga
Hapones?
Sagot: MaKaPili (Makabayang Katipunan ng mga
Pilipino (Patriotic Association of Filipinos)
12. Sino ang pangulong hinirang sa Komisyong
Tagapagpaganap nang tulyuan ng masakop ng mga
Hapones ang Maynila?
Sagot: Jorge B. Vargas (The Philippine Executive
Commission (PEC) was established on January 3, 1942
with Jorge B. Vargas as its first Chairman)
13. Ano ang tinawag ng mga Pilipino sa salaping Papel ng
mga Hapones na itinuring walang kwenta dahil ito ay
nagpasindi lamang ng kahirapan ng mga Pilipino?
Sagot: Mickey Mouse Money
14. Ano ang kilusang gerilya na itinuturing na pinaka
matagumpay na nakipaglaban sa mga Hapones. Sila ay
mga magsasakang nagsasamang mag-alsa upang
protektahan ang kanilang mga sakahan.
Sagot: HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa
mga Hapon)

15. Sino ang namuno sa HUKBALAHAP?


Sagot: Luis Taruc
16. Ano ang tawag sa mga miyembro ng USAFFE at
sibilyang namundok upang makibaka para sa kalayaan
laban sa mga Hapon?
Sagot: Gerilya
17. Ang ahensiyang ipinatayo ni Jose P. Laurel upang
maging maayos ang distribusyon at pagbebenta ng
pagkaing butil gaya ng bigas?
Sagot: BIBA (Bigasang Bayan)
18. Ito ay binuo sa pangunguna ni Douglas MacArthur
kung saan pinagsamang lakas ng mga hukbong Pilippino
at Amerikanong magiting na lumaban sa pwersa ng
Hapon?
Sagot: USAFFE (United States Armed Forces of the
Far East (USAFFE)
19. Ano ang idineklara ni Heneral Douglas MacArthur
upang mailigtas ang Maynila sa trahedya ng digmaan
kung saan walang sundalo na magtatangol sa lungsod?
Sagot: Open City
20. Sino ang humalili kay General MacArthur nang siya
ay tumungo sa Australia upang pamunuan ang pwersang
Amerikano sa Timog Kanlurang Pasipiko noong panahon
ng digmaan laban sa Hapon?
Sagot: Hen. Jonathan Wainwright
21. Kailan sinalakay ang Pearl Harbor?
Sagot: Disyembre 3, 1941
22. Ano ang tawag sa ikalawang republika ng Pilipinas
kung saan ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan
ng mga Hapones?
Sagot: Puppet Republic

23. Ano ang tawag sa pulis military ng mga Hapones na


nagpapahirap sa mga gerilya?
Sagot: Kempei-tai
24. Natapos ang labanan ng mga Pilipino at Hapones ng
bumagsak ang Corregidor at Bataan. Kailan ito nangyari?
Sagot: Mayo 6, 1942
25. Anong kilusan ang binubuo ng mga sundalong
Pilipino na namundok para ipaglaban ang bansa laban sa
mga Hapones?
Sagot: Kilusang Gerilya
26. Anong panahon ang tawag ng Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones dahil sa kawalan ng
seguridad at katiyakan ng buhay ng mga mamamayan?
Sagot: Panahon ng Kadiliman

27. Ano ang tawag ng mga Hapon sa mga Pilipinong


babae na kanilang ginagamit at inaabuso?
Sagot: Comfort Women
28. Anong Batas ang nagbigay daan sa pagtatag ng
Unibersidad ng Pilipinas?
Sagot: RA No. 1870 (AN ACT FOR THE PURPOSE
OF FOUNDING A UNIVERSITY FOR THE
PHILIPPINE ISLANDS)
29. Kailan sinalakay mga Hapon ang Pilipinas kung saan
may layuning kontrolin ang ekonomiya ng Pilipinas?
Sagot: Disyembre 7, 1941
30. Isa sa pangyayari noong panahon ng Hapon ay ang
pagpapamartsa ng mga sundalong Pilipino at Amerikano
mula Bataan hanggang Pampangga kung saan pinalakad
sila ng mga Hapon ng walang pagkain at maiinum na
tubig at marami ang namatay sa daan. Ano ang tawag sa
pangyayaring ito?
Sagot: Death March
31. Ilang taon ang pananakop ng mga Hapones sa bansa?
Sagot: 3 taon (3 years)

You might also like