Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

FIL

Pagiging Magulang Kalusugan ng Bata Behavioral at Developmental Disorders

Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS · Pediatrics · Philippine Pediatric Society
Isinulat ni Daniel de Guzman · a

Sign in to hellodoctor.com.ph with


Google

Isiniwalat ng ilang pag-aaral


Brgy.Hibabngan na nakasasama sa kalusugan at development ng preschoolers
SK Council

ang maagang exposure sa gadgets gaya ngAdvertisement


brgyhibabngan.sk.govern.ph@gmail.com
smartphones, tablets, at video game consoles.
Inilista ng artikulong itoBrgy.Hibabngan
Continue as ang ilan sa mga epekto ng screen time sa brain development ng bata.
Epekto Ng Screen Time #1: Binabawasan Nito Ang Early
To create your account, Google will share your

Experiences Ng Bata
name, email address, and profile picture with
hellodoctor.com.ph. See hellodoctor.com.ph's privacy
policy and terms of service.
Ad removed. Details

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 1/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Mahalaga ang yugto ng preschool age dahil ito ang panahong nangyayari ang kapansin-
pansing paglaki ng utak ng bata at pagdagdag nng function nito.
Bukod pa sa bilang ng brain cells, mahalaga rin sa kanyang brain development ang koneksyon
ng mga brain cells sa isa’t isa (synapses). Lumalawak ang synapses bilang tugon sa maagang
mga karanasan ng bata. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng mga toddler at preschooler
na mag-explore ng kanyang kapaligiran. Kailangan nilang lumibot, makipag-ugnayan sa mga
tao, at gamitin ang kanilang mga pandama.
Ang exposure ng preschoolers sa mga gadget gaya ng smartphones ay may maliit lamang na
nagagawa upang paganahing mabuti ang kanilang sensory experiences, kahit pa ang layunin
sa paggamit nito ay para matuto.

KAUGNAY NA POST
Growth at Development ng Toddler at Preschooler
Development At Paglaki Ng Toddler: Alamin Dito Ang Wastong Development
Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD• 03/15/2022

Epekto Ng Screen Time #2: Nauuwi Ito Sa Pangit Na Performance


Sa Screening Test
Upang malaman ang mga epekto ng screen time sa brain development ng bata, nagsagawa
ng cohort study (research na may follow up) ang ilang mananaliksik na may 2,441 pares ng
nanay at anak.
Nang umabot na sa edad 24, 36, at 60 months ang mga bata, kinuha ng mga investigator ang
kanilang screen time details. Pagkatapos, tinanong ang kanilang mga nanay na kompletuhin
ang Ages and Stages Questionnaire, Third Edition (ASQ-3).
Ang ASQ-3 ay malaganap na ginagamit bilang parent-reported developmental screening
Advertisement
measure. Mayroon itong 30 tanong na tumutukoy sa progress ng isang bata sa personal-
social domains, problem solving, at communication skills.
Ipinapakita ng pag-aaral na ang maaga at sobrang exposure sa screen time habang nasa 24
buwang gulang pa lang ang bata ay nauuwi sa pangit na resulta ng development sa ika-36 na
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 2/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

buwan. Gayundin, ang sobrang screen time sa ika-36 na buwan ay nakababawas sa


developmental outcomes sa ika-60 buwan ng bata.
Epekto Ng Screen Time #3: Problema Sa Pagtulog At Behavioral
Difficulties
Sa isang pag-aaral kabilang ang 367 preschoolers na may neurodevelopmental disorders
(NDDs) tulad ng autism, learning disorders, at language delay, tiningnan ng mga mananaliksik
ang koneksyon sa pagitan ng screen time ng bata, sleep habits, at emotional at behavioral
difficulties (EBDs).
Mula sa reported data ng caregiver, napag-alaman ng mga investigator na:
• 52% ng mga preschooler ang nagkaroon ng kanilang unang screen time exposure mula
18 months o mas bata pa.
• Halos lahat ng mga kalahok ay lumagpas sa inirerekomendang screen time na isang
oras kada araw.
• 7% ng mga preschoolers ang may at least 1 device sa kanilang tulugan.
Sa sleep habits naman ng mga bata at EBDs, lumabas sa pag-aaral na:
• 3% ng mga bata ay may mataas na problema sa pagtulog gaya ng mababang sleep
quality.
• 9% ay may clinically-elevated emotional at behavioral difficulties.
Binigyang diin ng mga mananaliksik na nagsagawa sila ng strict measures upang matiyak na
hindi maaapektuhan ng neurodevelopmental delays ng mga bata ang resulta ng kanilang pag-
aaral. Nangangahulugan ito na ang resulta ng mga problema sa pagtulog at EBDs ay dulot
lamang ng screen use.
Sa huli, sinabi muli nila na bagaman ginawa nila ang pag-aaral sa mga preschooler na may
NDD, pwede pa ring magamit o ilapat ang resulta nito sa pangkalahatang populasyon.
Advertisement

KAUGNAY NA POST

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 3/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Mga Toddler at Preschooler


Screentime Ng Toddler, Paano Ba Dapat Kontrolin?
Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD• 03/22/2022

Paano Maiiwasan Ang Mga Epekto Ng Screen Time Sa Brain


Development Ng Bata
Maraming magulang ang naniniwala na ang pagpapagamit ng smartphones at iba pang
gadget sa preschooler ay epektibo upang aliwin sila. Gayunpaman, dahil nagdudulot ng
panganib ang maagang exposure sa brain development, dapat na maging priyoridad ng mga
magulang ang pagpapaliban ng paggamit ng bata ng gadget. Sa halip na bigyan sila ng
gadget, tandaan ang mga sumusunod na aktibidad na magpapalakas ng kanilang brain
development:
1. Magpatugtog ng ilang children’s song.
Upang mapaunlad ang kanilang sensory at motor experience, magpatugtog ng mga
pambatang kanta. Hayaan ang iyong anak na umawit at sumayaw. Karamihan sa mga
preschooler ay kontento na sa musika lamang, kaya’t hindi na kailangang pakitaan pa sila ng
music video.
2. Hayaan silang gumuhit at magpinta.
Upang maiwasan ang mga epekto ng screen time sa brain development ng bata, bakit hindi
mo bigyan ang iyong mga anak ng art materials?
Pwede kang maglaan ng lugar, sapinan ito ng dyaryo, at bigyan ang mga anak mo ng papel,
crayons, at pintura. Tiyakin lamang na hindi nakalalason ang mga art materials. Magtakda rin
ng rules na hindi sila pwedeng magpinta o gumuhit sa mga pader at iba pang surfaces.
Maaring maging makalat sa gamit ang pagiging creative sa art. Pero worth it naman dahil
nag-po-promote ito ng brain development atAdvertisement
pagiging malikhain sa bata.
3. Hikayatin silang bumuo.
Nagpapaunlad ng problem-solving skills at creativity ang pagbubuo ng mga bagay. Pwede
kang magbigay sa iyong anak ng mga building blocks at constructor sets na pwede nyang
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 4/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

gamitin. Piliin ang set na may malalaking piraso upang hindi nila ito malunok.
Kung walang laruan, pwede mo silang bigyan ng maliit na lugar, ilang kumot, mga upuan, clips
at iba pa, at hikayatin silang bumuo ng kuta o lungga. At upang mas maging kasiya-siya,
hayaan silang magtanghalian at maghapunan doon.
4. Maglaan ng oras kasama sila.
Syempre pa, ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang maagang screen time ay
ang maglaan ng oras kasama ng iyong anak. Ang simpleng pakikipag-usap sa kanila ay
nakatutulong upang umunlad ang kanilang socialization at language skills. Pwede mo rin
silang pagbigyang maglaro kasama ng iba pang bata, basahan sila ng libro, o hingin ang
kanilang tulong na gawin ang mga simpleng gawaing bahay.
Hindi dapat mag-alala ang mga magulang na mawalan ng options na pwedeng subukan.
Maraming alternatibong aktibidad ang pwedeng ipamalit sa screen time.
Matuto pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.

Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

SANGGUNIAN

HISTORY

MGA KAUGNAY NA POST


Socio-Emotional Development Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman
Mahahalagang Teorya Sa Child Development
Advertisement
SUSUNOD NA POST
Screentime Ng Toddler, Paano Ba Dapat Kontrolin?

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 5/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD · General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

Sa panahon ngayon, nakadikit na ang mga bata sa kanilang gadgets, mapa-cellphone man,
tablet, o mobile gaming device. Karamihan sa mga device na ito ay nagbibigay ng
oportunidad upang matuto, makapag-aral, at magkaroon ng interactive play. Ngunit meron
ding nagsasabi na nakasasama sa development ang screentime ng toddler.
Dahil nakatuon na ang TV at tablet sa games at entertainment, maaaring maging unhealthy na
sa mga bata ang sobrang pagbababad dito.
Bago pa maging bahagi ng pang-araw-arawAdvertisement
na buhay ang screentime ng toddler, natututo
sila sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa ibang mga tao sa kanilang paligid.
Mahalagang mga elemento ng pagkatuto ang physical activity at paglalaro sapagkat ang
pagtakbo, pag-akyat, at iba pang pakikipagsapalaran ay nakatutulong sa pag-develop ng
brain function, locomotor skills, at socialization.
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 6/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Ang mga digital at mobile device gaya ng laptops, tablets, at smartphones ay dapat na
nagsusulong ng edukasyon. Gayunpaman, napag-alamang ang sobrang pagbababad sa mga
kagamitang ito ay may mapaminsalang side effects.
Sa murang edad, maaaring makaapekto sa maagang physical at mental progress ang sobrang
screentime ng toddler.
KAUGNAY NA POST
Growth at Development ng Toddler at Preschooler
Development At Paglaki Ng Toddler: Alamin Dito Ang Wastong Development
Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD• 03/15/2022

Rekomendasyon Sa Screentime Ng Toddler: Kailan Masasabing


Sobra Na?
Napag-alaman ng ilang mga pag-aaral na ang pagbibigay sa mga batang edad 2 hanggang 5
taong gulang ng screentime ay nagreresulta ng delayed development.
Kabilang sa screentime ng toddler ang panonood ng telebisyon, paglalaro ng video games, o
paggamit ng smartphone, computer o tablet.
Sa average, ang screentime ng mga bata ay nasa hanggang tatlong oras bawat araw.
Inirerekomenda ng The American Academy of Pediatrics ang hindi hihigit sa isang oras ng
quality programming para sa mga bata.
Bagaman hindi napatunayan ng pag-aaral ang ugnayan sa pagitan ng sanhi at epekto, ang
pag-aaral tungkol sa screen time sa bawat edad ay nagpapakita ng negatibong development.
Kabilang dito ang nasayang na oportunidad upang matuto. Ang mga halimbawa nito ay ang
paghasa sa kabuuang motor skills, gaya ng pagbibisikleta o pagtakbo.
Ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa gadgets ay maaari ding makakompromiso sa
Advertisement
development ng utak.
Sinasabi rin ng mga siyentipiko na marami pang ibang salik na nakaaapekto sa child’s
development gaya ng kanilang kinakain.
Payo Ng Mga Eksperto Sa Mga Magulang
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 7/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Bagaman nagsisimula pa lang ang mga pananaliksik tungkol sa screen time at ang epekto nito
sa mga bata, ipinapayo sa mga magulang na sundin ang mga gabay sa screen time ng mga
bata ayon sa kanilang edad.
Bilang tugon sa lumalawak na usapin hinggil sa paggamit ng mga bata sa digital devices,
bumuo ang lupon ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) ng bagong
guidelines para sa physical activity, sedentary behavior, at pagtulog para sa mga bata na
nasa edad 5 pababa.
Nakabatay ang kanilang rekomendasyon sa mga epekto ng kakulangan sa tulog, screentime,
at pagiging hindi aktibo ng maliliit na bata. Sinuri din ng mga eksperto ang mga benepisyo ng
pagdaragdag ng gawain bilang pagkukumpara.
Nakagawa ng mga sumusunod na rekomendasyon ang WHO. Binigyang diin ang screentime
para sa mga bata ayon sa edad:
Infants (wala pang isang taon):
• Dapat na maging physically active ang mga bata sa iba’t ibang paraan sa buong araw,
kabilang ang interactive floor-based play.
• Kung hindi pa gaanong nakakakilos, maaaring manatili sa prone o tummy position
(nakadapa) ang infants habang gising ito sa loob ng 30 minuto, na hinati-hati sa buong
araw.
• Hindi dapat hinahayaang manatili ang mga bata sa crib, upuan, higaan, o stroller nang
higit sa isang oras sa bawat pagkakataon.
• Lubos na hinihikayat ang pagsasagawa ng storytelling.
• Dapat na magkaroon ng magandang kalidad ng pagtulog ang mga bata sa loob ng 12 –
17 oras.
• Walang inirerekomendang screentime sa kanilang edad.
Toddlers (1–2 taong gulang):
• Ang mga toddler ay dapat na magkaroon 180 minuto ng magkakaibang uri ng physical
Advertisement
activity na may magkakaibang intensidad o tindi sa buong araw.
• Hindi dapat sila ipirmi nang higit sa isang oras sa bawat pagkakataon.
• Mayroon dapat silang magandang kalidad ng pagtulog sa loob ng 11-14 na oras.
• Lubos na hinihikayat ang pagbabasa at storytelling
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 8/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

• Walang inirerekomendang screentime ng toddler sa mga edad isang taon.


• Hindi dapat hihigit sa isang oras ang screentime ng toddler na nasa edad 2 taon.
Preschoolers (3-5 taong gulang):
• Ang mga preschooler ay dapat na magkaroon 180 minuto ng magkakaibang uri ng
physical activity na may magkakaibang intensidad. Ang 60 na minuto rito ay moderate to
vigorous, na hinati-hati sa buong araw.
• Hindi dapat sila ipirmi nang higit sa isang oras sa bawat pagkakataon.
• Mayroon dapat silang magandang kalidad ng pagtulog sa loob ng 10-13 na oras.
• Lubos na hinihikayat ang pagbabasa at storytelling.
• Hindi dapat lumagpas sa isang oras ang screen time.
Sa unang limang taon ng buhay, inaasahang makaaambag sa motor at cognitive development
ng mga bata at lifelong health ang pagsunod sa WHO guidelines.
Binigyang diin ni Dr. Juana Willumsen, ang focal point ng WHO para sa childhood obesity at
physical activity ang pangangailangang ibalik ang paglalaro sa routine bata.
Nangangahulugan ito ng pagbabago mula sa pagiging sedentary (hindi aktibo) patungo sa
pagkakaroon ng aktibong pamumuhay. Kasama na rin dito ang mapayapang pagtulog.
Maaaring maging mahirap na ilayo ang mga bata sa kanilang devices, ngunit inirerekomenda
ng mga eksperto na sundin ng mga magulang ang guidelines sa screentime para sa mga bata
ayon sa kanilang edad.

KAUGNAY NA POST
Paglaki at Development ng School-Age na Bata
4 Simpleng Tips Para Makamit Ang Mabuting Epekto Ng TV Sa Mga Bata
Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS• 03/28/2023
Advertisement

Recommendation Para Sa Screen Time Ng Toddler: Paano


Babawasan Ang Screentime?
1. Bumuo ng family media plan.
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 9/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Iminungkahi ni Madigan na bumuo ang mga pamilya ng media plan. “Magdesisyon kayo kung
paano gagamitin ang mga device, saan gagamitin, at gaano kadalas itong gagamitin. Gusto
mo talagang bumuo ng healthy habits sa paggamit ng mga device,” wika niya.
2. Limitahan din ang screen time maging sa mga matatanda.
Maaaring maging mabuting halimbawa at media mentors ang mga magulang sa pamamagitan
ng pagpapakita na gaya ng kanilang mga anak, kaya rin nilang limitahan ang kanilang screen
time.
3. Gawing pang-pamilya ang screen time.
Maaari ding mag-screen time ang buong pamilya nang magkakasama kaysa gamitin ang mga
device bilang babysitter upang mapatahimik ang mga bata.
4. Tiyaking lahat ng laman ng gadget ay educational at kapaki-pakinabang.
Dapat ding alam ng mga magulang ang mga laro at apps na ginagamit ng kanilang mga anak.
Ilan sa mga ito ay maaaring educational at kapaki-pakinabang. Madalas na pinag-aaralan ng
mga educator at doktor ang mga laro at apps, kaya’t maaaring i-download ng mga magulang
ang mapagkakatiwalaan at educational programs para sa kanilang mga anak.
5. Gawing bahagi ng routine ng bata ang non-screen time play.
Tiyaking kasama ang non-screen time sa laro ng mga bata, at hangga’t maaari, gamitin ninyo
ang oras na ito kasama ng inyong mga anak.
6. Itago ang mga gadget kapag oras ng pagkain.
Tiyaking nakatago ang mga gadget kapag oras na ng pagkain upang mahikayat ang mga
batang makipag-interaksyon sa isa’t isa.
Key Takeaways
Ang kamalayan sa screentime recommendations ng toddler ay mahalaga upang matiyak ang
early child development. Ngunit kung magagamit nang tama, kasabay ng wastong mga
Advertisement
programa, hindi palaging magiging mapaminsala ang screen time ng toddler.
Magbigay ng lahat ng anyo ng oportunidad at gawain upang matuto at makapaglaro. Kung
nasa moderation ang screentime, makaambag din ang paggamit ng gadget sa pag-unlad ng
mga bata.
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 10/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

SANGGUNIAN

HISTORY

MGA KAUGNAY NA POST


Safety tips sa bahay para sa mga preschoolers
Pihikan Sa Pagkain Ang Iyong Preschooler? Heto Ang Dapat Gawin

SUSUNOD NA POST
Developmental Milestones Ng Toddler: Heto Ang Mga
Dapat Mong Malaman
Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD · Oncology · Davao Doctors Hospital
Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

Advertisement

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 11/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Teorya ng Child Development


Ang mga teorya sa child development ay nagpanukala ng iba’t ibang uri ng mga
developmental milestones ng toddler. Halimbawa, ang cognitive theory ng child development
ni Jean Piaget ay nakatutok sa kung paano ang pag-iisip ng mga bata o cognitive function ay
dumadaan sa apat na yugto. Samantala, ang teorya ng social development ng Lev Vygotsky
ay mayroon ding apat na yugto ng child development, ngunit isinasaalang-alang nito ang
iniisip ng mga bata at kung paano sila nakikilahok sa mga kaibigan at matatanda.
Ang UNICEF ay may apat na mga domain na sumasakop sa child development:
• Literasi at Pagbibilang (Literacy-numeracy). Kailangan ng isang bata na matutunan
ang alpabeto at kilalanin ang mga pangunahing simbolo para sa mga numero.
• Pisikal. Ang isang bata ay nangangailangan ng kakayahan upang kumilos at maglaro.
Advertisement

• Sosyo-emosyonal. Ang isang bata ay maaaring makipaglaro sa ibang mga bata at


hindi madaling makagambala.
• Pag-aaral. Maaaring sundin ng isang bata ang mga simpleng direksyon at gawin ang
mga gawain nang nakapag-iisa.
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 12/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Bukod sa klasipikasyon ng UNICEF, ang American Academy of Pediatrics ay mayroon ding


pamantayan at kilalang klasipikasyon na binubuo ng
• Gross motor
• Fine motor
• Wika
• Kognitibo
• Pag-uugali
• Sosyo-emosyonal
Ang mga teoryang ito ay mahalaga dahil maaari itong magamit bilang mga pamantayan para
sa pag-screen ng child development. Ang ganitong pamantayan ay lalong mahalaga para sa
mga bata sa pagbuo ng mga bansa tulad ng Pilipinas na nasa panganib ng malnutrisyon o
mahirap na kondisyon sa loob ng bahay, na maaaring makapinsala sa kanilang pag-unlad na
nagbibigay ng kamalayan, pisikal, at sosyo-emosyonal. Sa pangkalahatan, ang mga bata na
mahihirap ay may maliit na paglago o hindi nagiging mahusay sa pagganap sa lipunan o sa
kanilang edukasyon

KAUGNAY NA POST
Pagiging Magulang
Mahahalagang Teorya Sa Child Development
Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD• 08/22/2022

Inaasahang Developmental Milestones ng Toddler


Narito ang mga developmental milestones ng toddler mula 1 hanggang 3 taong gulang, ayon
sa American Academy of Pediatrics. Mangyaring tandaan na maraming mga milestones bawat
cluster ng edad at sila ay higit pang nahahatiAdvertisement
batay sa mga domain (wika, nagbibigay-malay,
atbp). Narito ang isang maikling rundown ng kung ano ang maaari mong asahan mula sa
paglaki ng iyong anak.
13-18-buwang gulang na developmental milestones ng toddler
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 13/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

• gumagalaw nang nakapag-iisa, kabilang ang paglalakad, pag-ikwat, at pagtulong sa


kanilang mga sarili para magbihis
• Nakapagsasalansan ng mga bagay
• May regular na iskedyul ng pagtulog
• Kumakain ng iba’t ibang uri ng pagkain
• Gumagamit ng mga simpleng salita at sumusunod simpleng panuto
19-24-buwang gulang na developmental milestones ng toddler
• Gumagamit at nakakaintindi ng mas komplikadong mga salita
• nakasusunod sa mga simpleng utos at panuto (hal., Kunin ang iyong laruan, ilagay ito
sa kahon)
2-3-taon gulang na developmental milestones ng toddler
• Nasasabik na makipaglaro sa iba pang mga bata at nagiging mapagmahal o nag-aalala
sa mga kaibigan kahit na walang pagdikta mula sa mga matatanda
• Nagpapakita ng mas malawak na hanay ng mga emosyon at pag-uugali (hal., Defiant o
matigas ang ulo na pag-uugali dahil sa kailangang maging mas malaya)
• Nagugustuhan ang gawain at maaaring maging malungkot kung ang mga iskedyul hindi
nasunod
• Nagagamit na ang parirala sa pagpapahayag (pagsasalita) at maaaring sagutin ang
mga simpleng tanong
• Nauunawaan ang simpleng pangungusap
• Nagsisimula nang makilala ang mga hugis
• Naglalaro ng mga larong make-believe
• Gumaganap ng mga pisikal na gawain tulad ng pagtakbo, pag-akyat, paghagis
• Nahahawakan ang mga pindutan, handle ng pinto , o krayola
Advertisement
Key Takeaways
Mahalaga na kilalanin ang buong bata kapag sinusuri ang development nila ay ayon sa
track. Sinasaklaw ng pisikal na development ang timbang, taas, at mga kilos (function
motor). Ang mga pamantayan ng pag-uugali at mental na salik ay sumasakop sa mga
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 14/16
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

domain tulad ng wika at panlipunang pag-uugali.


Ngunit binibigyang diin ng mga eksperto na ang bawat bata ay natatangi at ang
multidimensional development. Kaya, ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
pamaraan ng paglago at antas ng development . Kung nag-aalala ka kung ang iyong anak
ay na-hit ang kanilang mga milestones sa development , maaaring kumonsulta sa isang
pediatrician at ibahagi ang iyong mga resulta ng unang checklist. At sa huli, huwag
kalimutang dalhin ang iyong anak para sa kanilang well-baby check-up, upang matukoy ng
doktor kung may mga isyu sa kanilang development.

Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

SANGGUNIAN

HISTORY

MGA KAUGNAY NA POST


Hindi Pa Naglalakad Ang Iyong Anak? Heto Ang Posibleng Dahilan
Pisikal Na Milestones Ng Preschooler: Mga Dapat Tandaan Ng Magulang

Nais ng Hello Doctor na maging iyong pinakapinagkakatiwalaang


Advertisement kaalyado para makagawa ng mas
matalinong mga desisyon at mamuhay nang mas malusog at mas masaya.

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 15/16
Discover Health Tools
2/1/24, 1:40 PM Epekto Ng Screen Time Sa Child Development, Ano Nga Ba?

Care
Information Hello health
Term Of Use About Us

©2022 Hello Health Group Pte. Ltd. All Rights Reserved. Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or
treatment.

Advertisement

https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/behavioral-at-developmental-disorders/epekto-ng-screen-time/ 16/16

You might also like