Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

TEAM TITLE: VWR

FORMAT: RADIO BROADCAST


LENGTH: 6 MINUTO
MODE: LIVE
PRODUCERS: PNCHS-RADIO BROADCASTING FILIPINO

NO. ORAS
1. (VWR STATION ID FADE IN…..ESTABLISH FOR 3 3
SECONDS…..FADE UNDER) SEC
2.
3. ANCHOR: 15
Boses ng katotohanan, serbisyo na pinagkakatiwalaan, VWR 25.7 sa SEC
inyong mga radyo.

(SING):
Subok na sa makatotohanan balita handog naming radiong tapat,
Balitang VWR.
4.
5. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
6.
7. ANCHOR: 10
Magandang araw Pilipinas, magandang araw Lungsod ng Iloilo. Kasama SEC
ang buong VWR news team, ako si _____. Hatid namin ang tampok na
balita ngayong araw, Ito ang punto ng balita.
8.
9. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
10.
11. REPORTER 1: 55
Ano ang Epiko? SEC
Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa
kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi
kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan
ng mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala,
kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan nagmula ang akda.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang
“awit”. Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay
“Dakilang Likha”.Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaring
bigkasin sa anyong patula o paawit. Maari din itong sabayan ng ilang
instrumento at maari din namang wala. Kalimitang binubuo ito ng 1,000
hanggang 55,000 linya.
12.
13. (VWR STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
14.
16. REPORTER 2: 35
SUKAT, Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa SEC
bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat
taludtod ay maaring maging wawaluhing pantig (8), lalabindalawahing
pantig (12) lalabinganiming pantig (16), lalabingwaluhing pantig (18).
Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog.
17
18. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
19.
24. REPORTER 3: 35
Tugma, ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng SEC
bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang
huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Nakakaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
25.
26. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
27.
32. REPORTER 4: 35
Ang banghay ay tumutukoy sa estraktura o balangkas ng isang SEC
kuwento. Ito ay naglalaman ng simula, gitna, at wakas ng kuwento. Sa
pamamagitan ng banghay, nakakapagbuo tayo ng maayos at lohikal na
daloy ng kuwento.
33.
34. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
35.
36. REPORTER 5: 35
Taludturan ang pagpapangkat –pangkat ng mga taludtod ng isang tula SEC
ay tinatawag na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo
sa isang taludturan o saknong.
42.
45. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
46.
47. REPORTER 6: 35
Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga SEC
salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan.
Halimbawa:
Balat sibuyas – mahiyain
mapaglubid ng buhangin – sinungaling
48.
49. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
50.
51. REPORTER 7: 35
Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. SEC
Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig,
lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig.
52.
53. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC
54.
55. REPORTER 8: 35
Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa SEC
madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento
ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking
kapangyarihan.
Halimbawa: Si Lam-ang galing sa epikong Biag ni Lam-ang
56.
57. (VWR: STATION ID) 2
(ESTABLISH FOR 2 SECONDS…..FADE UNDER) SEC

58. ANCHOR: 12
At yan ang mga balitang hatid sa inyo ng VWR, ako ang inyong SEC
tagapagbalita _____, kasama ninyo sa pagkamit ng katotohanan at
pagiging tapat sa bayan. Sa muli magandang umaga!

-END-

You might also like