Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Basura: Isang Malaking Problema

Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at


mga lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na ipagbibili niya kay
Mang Pedring na magbobote. Napatigil siya nang matawag ang kanyang pansin
ng isang Editoryal tungkol sa Basura ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas
noong Nobyember 19, 2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa:

Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-
bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang
Greenpeace, isang international campaign group, na lulubha ang problema sa
basura sa Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya ang pamahalaan
tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang paraan ng recycling at composting kaysa
sa tradisyonal na “dump, bury, burn”.

Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming sabihin na ang


composting ay isang magandang paraan para malutas ang problema sa basura.
Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang Department of Agriculture upang
maisulong ito at matiyak na makikinabang ang mga magsasaka.

Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnang muli ang


mga bagay na ipagbibili na sana niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang
magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga iyon at ibinalik sa
loob ng kanilang bahay.

Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa?


Sagot:
2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema
sa basura?
Sagot:

3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal?


Sagot:

Pagpapaka- 4. Bakit kaya magiging malaking problema ang basura


hulugan sa Metro Manila kung di ito masusulusyunan?
Maaaring
Sagot:
5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling
kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon
ng basura?
Sagot:

Paglalapat 6. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga


gulong ng sasakyan ibang paraan?
7. Magbigay ng mga bagay sa inyong bahay o dito
sa ating silid-aralan na patapon na, pagkatapos
ay umisip ng paraan kung paano pa ito maaaring
pakinabangan upang di maitapon?

8. Nakita mong magsisiga ang iyong kaibigan sa kanilang


bakuran, kabilang sa kanyang susunugin ay mga plastic na bote ano
na bote. Ano ang gagawin mo?
PAGKILALA NG SALITA

inihahanda garapa magasin


garapa ipagbibili magasin
magbobote napatigil editoryal
ipinalabas problema hinaharap
pamahalaan nagbabala problema
estratehiya pamahalaan
isinusulong
grupo tradisyonal editorial
katulungin maisulong matiyak

PAGKILALA NG SALITA

inihahanda garapa magasin


garapa ipagbibili magasin
magbobote napatigil editoryal
ipinalabas problema hinaharap
pamahalaan nagbabala problema
estratehiya pamahalaan
isinusulong
grupo tradisyonal editorial
katulungin maisulong matiyak

You might also like