Talumpati Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wikang Pambansa

Naiisip mo ba and mundo nang walang salita? Magkakaunawaan kaya nang lubos
ang mga tao kung puro kilos and tanging gagawin upang makipagtalastasan sa kapwa?
Ito ang kahalagahan ng Wikang Pambansa. Mas madali ang pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan kung mayroong wika at mga salita. Dahil dito, itinuturing na
yaman ng isang bansa ang wika nito . Nagsisilbi kasing pagkakakilanlan ng isang bansa
ang wika. Batid na ng isang tao kung saan nakatira ang isang mamamayan dahil sa
wikang sinasalita nito. Yaman din ng isang bansa ang ating wika dahil nagiging tulay ito
sa mabisang pagkakaunawaan ng mga mamayan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, tila nawawalan na ng halaga ang wikang pambansa
lalo na sa mga mamamayan ng isang bansa. Nakakalimutan ang Wikang Pambansa
dahil mas sinusuportahan na ng iba ang wikang banyaga. Katulad ng kalagayan ng
wika sa Pilipinas. Maraming Pilipino ang mas bihasa pang gumamit ng wikang English
kaysa sa Filipino.
Mas maganda pa ring unahing tuklasin ang hiwaga ng ating wika dahil bahagi ito ng
ating pagkakakilanlan. Masarap sa pakiramdam na maging bihasa sa mga bagay na
sariling atin. Masmalalaman mo kung saan ka nagmula, kabilang ang hiwaga at yaman
ng ating Wikang Pambansa at iba pang mga katutubong wika.

You might also like