SMILE LP Araling Panlipunan G7 Q1 W7 8 Converted 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Araling Panlipunan- Grade 7

Pangalan:
Antas Q:1 - Aralin 7-8

I. Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao


sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

II. Pangkalahatang Ideya


Ang populasyon ay tumutukoy sa dami o bilang ng tao na matatagpuan sa
isang lugar. Pinag-aaralan ng mga ekspertong tinatawag na Demographers ang
lahat ng bagay na may kaugnayan sa galaw ng populasyon. Ang katamtamang
populasyon ay maaaring maging daan para umunlad ang isang bansa sa kabilang
banda ang sobrang bilang o dami ng populasyon ay nagsisilbing pinakamatinding
banta ng isang bansa tungo sa pagkamit ng kaunlaran nito. Ang komposisyon ng
populasyon ay ang sumusunod; gulang o edad, kasarian at antas ng kamuwangan
(literacy rate). Ang inaasahang haba ng buhay (life expectancy), kabuuang halaga
ng serbisyo at produktong nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon (gross
domestic product), bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon
(population growth rate) at pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan (migrasyon)
ay ilan din sa konsepto na may kinalaman sa pag-aaral ng populasyon.

Kakabit ng salitang populasyon ang yamang tao. Tumutukoy ito sa populasyon


ng isang bansa na may kakayahang paunlarin ang sarili, ang kanilang pamilya at
ang buong bansa. Ito ang mga tao na naghahanapbuhay at nag-aambag sa pag-
unlad ng bansa. Sila ang gumagamit at lumilinang ng lahat ng likas na yaman na
mayroon ang isang bansa. Dahil sa taglay nila ang kakayahan, talino, abilidad at
lakas na ginagamit sa paglikha ng produkto at serbisyo.Sila ang nagpapatakbo ng
kalakalan at iba pang aspekto na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya tungo sa
pagiging progresibo ng isang bansa. Maaring tumaas ang antas ng kabuhayan ng
mga tao sa tulong rin ng makabagong teknolohiya.

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


1
III. Mga Gawain
Gawain 1- Laro Tayo, Hanapin Mo Ako !
Panuto: Mula sa krossalita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksiyon, ang
mga salita na tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan ang salita at pagkatapos ay isulat
ito sa tabi ng bawat aytem.

P O P U L A S Y O N A H K U Y H
U E L I F E E X P E N T A N C Y
N R L B A R Y B C I U O S G L O
E T I E R Y A M A N G T A O R
M N T T I D N I L I O P R A Z S
P O E K N F O G U E C Y I P C N
L G R O W T H R A T E L A U B E
O A A L O I G A R A H O N D O D
Y S C P A P R S E U K U D E E M
M A Y S D A B Y R O G X A I E I
E G R O S S D O M E S T I C I U
N D A F X A A N S M P E W R B O
T V T V C A W P I H U L A S C N
N D E M O G R A P H E R E I T B

1. Tawag sa taong eksperto sa pag-aaral ng istruktura at


katangian ng populasyon.
2. Ito ay ang kabuuang halaga ng serbisyo at produktong
nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon.
3. Tumutukoy sa kalalakihan o kababaihan ng isang bansa.
4. Tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay.
5. Tumutukoy sa populasyon ng isang bansa na may
kakayahang paunlarin ang sarili, ang kanilang pamilya at buong bansa.
6. Ito ay ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa
isang bansa bawat taon.
7. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho o pinagkakakitaan.
8. Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
9. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong
bumasa at sumulat.
10. Ito ay ang dami o bilang ng tao sa isang lugar o bansa

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


2
Gawain 2-Suriin Mo Ako !
Panuto: Suriin ang talahanayan at sagutin ang mga tanong ukol dito. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
Talahanayan: Sampung Bansang May Pinakamataas na Populasyon sa Asya
Gross
Kasarian Life Literacy Domestic
Bansa Popula Product
syon Expectancy Rate (In Billion
Lalaki Babae
(Billion/ or trillion
(Million) (Million)
Million) US
Dollars
CHINA 1.37 738,247,340 701,076,434 76.70 96.84 14.72 T
B %
1.299 74.04 2.708.77
INDIA B 717,100,970 662,903,415 69.42 % B
255.46 71.51 95. 66 3.15 T
INDONESIA M 137,717,861 135,805,760 %
191.78 67.11 59.13 262.8 B
PAKISTAN M 113,672,007 107,220,324 %
158.76 72.32 74.70 353 B
BANGLADESH M 83,259,108 81,430,275 %
126.29 84 99 % 5.15 T
JAPAN M 61,753,045 64,723,341 Yen
102.96 71 98.18 362.24 B
PHILIPPINES M 55,028,825 54,552,260 %
91.81 75.47 95 % 340.82 B
VIETNAM M 48,598,254 48,740,329
78.77 76.74 96 % 628 B
IRAN M 42,408,406 41,584,547
78.21 77.77 96.15 719.54 B
TURKEY M 41,636,125 42,584,547 %
google.com.search (2020 Data)
https://statisticstimes.com/demographics/countries-by-male-female-population.php
1. Batay sa talahanayan ano ang tatlong bansa na may pinakamalaking
populasyon sa Asya?
a. Japan, India, China
b. China, India, Indonesia
c. India, Indonesia, Pakistan
d. Pakistan, Bangladesh, Japan
2. Batay sa talahanayan, nangunguna ang mga bansang China, India at
Indonesia sa may pinakamataas na populasyon, Aling bansa naman ang may
pinakamababang life expectancy?
a. India b. Pakistan c. Philippines d. Indonesia

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


3
3. Kung ang pag-uusapan ay dami o bilang ng kababaihan, pang-ilan ang
bansang Indonesia?
a. Una b. Pangalawa c. Pangatlo d. Pang-apat
4. Ilang bahagdan ang literacy rate ng bansang Pilipinas?
a. 96.15% b. 95.66% c. 98.18% d. 96.84 %
5. Anong mga bansa ang may pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP)?
a. China, Japan, India c. China, Japan, Indonesia
b. China, Indonesia, Pakistan d. Pakistan, Bangladesh, Japan
6. Bakit karaniwan sa mga bansang Asyano na may matataas na inaasahang
haba ng buhay ay makikita sa mga mauunlad na bansa?
a. Ang pagkakaroon ng teknolohiyang pangmedisina, sapat na pagkain at
kuntentong pamumuhay ay nakapagpapahaba ng buhay ng mga
naninirahan dito.
b. Hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ng mahihirap na
bansa ang pagpapahaba sa buhay ng mga mamamayan nito.
c. Nasa lahi ito ng mga mamamayan.
d. Maraming sakuna ang nagaganap sa mga bansang may mababang
inaasahang haba ng buhay.

Gawain 3- Paint My Love!


Nakita natin mula sa talahayan na nangunguna ang China sa may
pinakamalaking populasyon sa mundo. Sa ganitong sitwasyon nagdudulot ito ng
malaking sagabal para umunlad ang isang bansa.

Panuto: Kung ikaw ay magkakaroon ng sariling pamilya, anong paghahanda ang


gagawin mo at ilang anak ang gusto mong itaguyod at bakit? Tingnan ang larawan
sa ibaba, Kung ikaw ay lalaki, isulat ang iyong sagot sa bahaging kaliwa at sa kanan
naman kung ikaw ay babae. Sa loob ng puso ay iguhit mo ang bilang ng anak na
gusto mo. Bakit mahalaga sayo ang planong ito para sa iyong magiging pamilya?

LALAKI BABAE

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


4
Gawain-4: Isulat sa loob ng cloud call out ang kahalagahan ng yamang tao sa pag-
unlad ng bansa.

Kahalagahan ng Yamang Tao sa Pag-unlad ng Bansa

IV. Rubrik sa Pagpupuntos


Gawain 3: Paint My Love !

Kraytirya Iskala Iskor


Mahusay na paraan sa
pagbibigay ng katwiran 1-5
Kalidad ng impormasyon 1-5
Makatotohanan 1-5
Kabuuan 15

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


5
RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8
6
V. Sanggunian
Modyul
Araling Panlipunan ,Unang Markahan Modyul 7: Yamang Tao at Kaunlaran ng Asya
Aklat
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan Batayang Aklat, Grace Estela C, Mateo, PhD. Et al.
Padayon- Araling Panlipunan sa Siglo 21, Ronaldo B. Mactal, Phd.

Websites
https://statisticstimes.com/demographics/countries-by-male-female-population.php
google.com.search

https://worldpopulationreview.com/continents/asia-population
https://www.google.com/search?q=life+expectancy+of+china&ei=Ux_9YOXoNs3dmAWgnq
KAAw&oq=life+expectancy+of+china&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAEYADICCAAyAggAMgIIADI
GCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIG
CAAQFhAeOgcIABBHELADOgcIABCwAxBDOgQIABBDSgQIQRgAULSlAVipwwFgrNUBaA
FwAngAgAHZAYgB4AuSAQU0LjUuMpgBAKABAaoBB2d3cy13aXrIAQrAAQE&sclient=gws-
wiz
https://www.google.com/search?q=life+expectancy+of+bangladesh&ei=cB_9YM6WE_XcmA
WJ062YCw&oq=life+expectancy+of+bangladesh&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAEYADICCAAyB
ggAEBYQHjIGCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeOgcIABBHELADOg
cIABCwAxBDOgQIABBDOggIABAWEAoQHkoECEEYAFDTqwJYz-
oCYNb2AmgBcAJ4AIAByAGIAeUQkgEGNS4xMC4xmAEAoAEBqgEHZ3dzLXdpesgBCsAB
AQ&sclient=gws-wiz
https://www.google.com/search?q=life+expectancy+of+pakistan&ei=oR_9YLudIIyF0wS73pv
YCQ&oq=life+expectancy+of+pakistan&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAMyAggAMgYIABAWEB4y
https://www.google.com/search?q=life+expectancy+of+india&ei=vx_9YPndKqiwmAX9mKig
CQ&oq=life+expectancy+of+india&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAMyAggAMgIIADICCAAyAg
https://www.google.com/search?q=life+expectancy+of+indonesia&ei=5B_9YPntB6yzmAXu_
4LoAg&oq=life+expectancy+of+indonesia&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAMyAggAMgYIABAWEB
4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjoHCAAQRxCwAzoHCAAQsA
MQQzoECAAQQ0oECEEYAFCuqQFY3MMBYJLHAWgBcAJ4AIABzQGIAfkKkgEFMi41LjK
YAQCgAQGqAQdnd3Mtd2l6yAEKwAEB&sclient=gws-wiz&ved=0ahUKEwj57_r-
5f3xAhWsGaYKHe6_AC0Q4dUDCA8&uact=5
Inihanda nina:

GLADYS L. CANON JEAN G. MIRA


Bayasong National High School Pilar National Comprehensive High School
Schools Division of Sorsogon Schools Division of Sorsogon

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 7-8


7

You might also like