Professional Documents
Culture Documents
Revised by Carl Magnata
Revised by Carl Magnata
Revised by Carl Magnata
JESSA FANTILAGA
BH301
ANG ALAMAT NI MAGASPANG AT MAKINIS SA PABULA NG WALANG PANGIL NA
BUWAYA: ITINAGO AT GINAGONG BERSYON
MAGIISTART ANG PLAY SA SAYAW AT KANTA GAMIT ANG KANTANG FIRST DAY HIGH
BY KAMIKAZEE.
SIR MAXIMO: Ayy oo nga pala. Ooohh ito. Basta hintayin mo na lang ako dun. Susunod ako
agad.
*/Kinuha ni Yna ang susi at pumunta sa silid ni Sir Maximo. Naiwan sa labas si Sir at
sakto namang dumaan ang isang estudyante, si Esper Nakasagap. Biglang sisigaw si Sir
Maximo.
SIR MAXIMO: Hoy Esper!
ESPER: Oh Sir? Bakit po? Ano po bang meron at ipinatawag niyo ako? May problema po
ba sa ipinasa naming mga documents? Ayos naman na po yung seminar para bukas huh?
*/Tumingin ng masama ang guro
SIR MAXIMO: Sigurado ka bang ‘yan yung linya mo? Ganyan din kasi sinabi ni Yna
kanina.
ESPER: Ay! Sorry Sir. Akala ko po kasi ako ‘yung bida. Take two na lang!
*/napakamot ng ulo ang dalaga kaya lumabas siya ulit at muling dumaan sa harap ng
kaniyang Sir Maximo. Sumakay din sa trip ng dalaga ang guro.
SIR MAXIMO: Hoy Esper!
*/Mapapalingon at lalapit ulit kay Sir Maximo na para bang unang take pa lang ng eksena.
ESPER: Goood morniiing Siiir Maximoooo!
*/Binatukan ng guro si Esper
SIR MAXIMO: Umayos ka nga kung ayaw mong matapos agad yang role mo sa kwentong
'to!
SIR MAXIMO: Hay naku! Oh sya. Ganito, gusto kong sumama ka sa akin at may ipapagawa
ako.
SIR MAXIMO: Oh? Saan ka pupunta? Hindi ba’t sabi ko, dito ka lang! Magbantay ka!
ESPER: Eh Sir ba’t ako pa? Bantay lang naman pala eehh. Edi tatawagin ko na lang si
Manong Guard.
SIR MAXIMO: Punyetaaa!
YNA: Oh Sir, nandyan na po pala kayo. Naiayos ko na pala yung mga papel. Ito na po
*/Habang nakikinig si Esper ay dadaan ang mga puta girls. Sa pangunguna ni Janine
Binangon, Pia Nabakbak, Ariela Kerida, at Analyn Moko. Makikita nila na mukhang tanga si
Esper.
JANINE: Oh? Anong meron at nakatanga ka dyan?
*/Bubuksan ang pamaypay
PIA:Pangarap mong maging guard?
*/Bubuksan din ang pamaypay na hawak.
ARIELA:Para kang aso?! Oh my goshh!
*/Iirap kay Esper.
*/Habang kinikilatis ng tatlong puta si Esper ay bigla silang may maririnig sa loob ng
silid. YNA: Sir. Ang sakit po talagaaa.. Shit...
SIR MAXIMO: Kaya mo pa ba?"
YNA: Sir…
JANINE: Ohhh my gosh! What was that?!"
ESPER: A-ahh ano kasii...
PIA: Ano ngaaa?!
*/Biglang dadating si Mrs. Pahamak, asawa ni Mr. Maximo. Ang principal ng school.
MAAM JENNA: Anong meron dito at nakakumpol kayo? Wala ba kayong balak umuwi?
Anong oras na huh?!
YNA:Shocks sir, dumudugo ohhh. Nasugat yata?
SIR MAXIMO:Oo nga noohh? Hayaan mo… Sa katagalan di mo na mararamdaman ‘yan.
Wag kang malikot, baka mas lalong sumakit ‘yan,
*/Narinig lahat iyon ni Mrs. Pahamak at agad na pumasok sa silid kung saan nandoon
sina Yna at Sir. Maximo.
MAAM JENNA: Honey!!! Ano yan!!! Mga hayup kayo! Anong ginagawa niyo rito!!! Ikaw
babae ka! Anong ginagawa mo sa asawa ko? Malandi ka! Hayuupp! Mga baboy kayooo!
*/Biglang mapapalabas sa kwarto sina Ma’am Jenna, Yna at Sir
Maximo.
MAAM JENNA: Mga baboyyy! Walang hiya kayo!
*/Inaalalayan ni Sir Maximo si Yna
MAAM JENNA: Ano pang ipapaliwanag niyo huh? Dalawang mata ko mismo ang nakakita
sa kababuyan na ginagawa ninyo! Dito pa? At ikaw babae ka! Hindi ba’t scholar ka pa
rito? Ang kapal ng mukha mo na humarot sa asawa ko! Malandi ka!
YNA: Ma’am! Maniwala po kayo. Wala talaga kaming ginagawa! (umiiyak na
pagpapaliwanag ni Yna.)
JANINE:Wag ka nang magmalinis Yna! Narinig namin ang lahat. As in lahat. Kung paano
ka nasaktan sa mga ginagawa ninyo! Paaray aray ka pa huh?
ESPER: Tapos may malaki raw!
MAAM JENNA:Lapastangan ka Yna! Ito ang tatandaan mo. Magiging miserable ang buhay
mo sa Pamantasang ito! Tanggal ka na sa scholarship program mo!"
SIR MAXIMO:Hon nakakahiya! Umuwi na tayo! Wag ka nang mag-iskandalo rito!
MAAM JENNA:At ako pa ang dapat mahiya sa mga pinaggagagawa ninyo? Kung hindi pa
ako dumating hindi pa matatapos yung sesyon nyo!
*/Patuloy pa ring nagwawala si Ma’am Jenna pero hahatakin siya ni Sir Maximo
papalabas.
MAAM JENNA:Yna Magaspang hindi pa tayo tapoooos!
*/Umalis na rin ang mga puta girls kasama si Esper. Naiwan namang magisa si Yna, at sa
di kalayuan saktong nakita siya ng matalik niyang kaibigan na si Emily. Agad naman
siyang nilapitan nito.
YNA:Bakit ba ganun sila Emily! Hindi nila naiintindihan!
*/TUTULALA SA KAWALAN SI EMILY
BAKLANG DAGA: Hoyy! Bat ako ang sisisihin mo eh alam naman ng lahat na gusto ka ng
propesor mo n yon?
YNA: Kung di moko kinagat edi di sana magkakaroon ng ganon! Edi di sana ako nawalan
ng scholarship!
BAKLANG DAGA: Wag mokong sisihin naghahanap lang ako ng pagkain. Eh nakaharang
yung malaki at mabaho mong paa e edi kinagat ko.
*/Ipapaamoy ni Yna ang paa kay Emily at aarte namang mabaho nga ang paa ni Yna.
YNA: Aba bwiset k ha.
*/llalabas ni Yna ang brilyante ng putok.
YNA: Hindi ka ba natatakot sa brilyante ko?
EMILY: *GASP* ANG BRILYANTE NG PUTOK?!
DAGA: Bat namn ako matatakot kung meron ako nito?
*/Ilalabas ng baklang daga ang brilyante ng libag.
EMILY: *gasp ulit* ang brilyante ng libag!!
*/Maglalaban ang dalawa at unang maglalabas ng kapangyarihan ang baklang daga
ngunit makakaiwas si Yna
*/Didila si yna pang asar sa baklang daga at sya naman ang maglalabas ng kapangyarihan
. Makakailag din ang baklang daga.
BAKLANG DAGA: Aba nang aasar ka pa ha.
*/gigitna si Emily para itigil ang pag aaway ng dalawa.
EMILY: tama na guys, hindi tayo fantasy.
*/Ilalabas ni Emily ang pest repellent at iiispray sa baklang daga. Mapapasigaw ang
baklang daga sa sakit na dinaranas nito dahil sa pest repellent.
BAKLANG DAGA: AAAAAAAAA HELP ANG SAKITTTT (naiiyak na sigaw ng daga)
EMILY: Yan ang dapat sa’yo baklang daga. Moment dapat namin to ng bff ko e pero dahil
wala nang oras tatanggalin na ni direk yung ibang lines ko!
*/Mamamatay ang daga
EMILY: Wala yun Yna, syempre kaibigan kita pero kasi nabawasan na kasi lines ko bwiset
na daga.
*/Maiiyak si Yna at biglang darating si Angelo Magaspang at lalapitan nya ang dalawang
magkaibigan
*/Dahan dahang lilingon habang nginig ng ulo na mala-horror tapos may hawak na lang
bigla na kutsilyo.
*/Binatukan ni Emily si Yna
EMILY: Baliw! Hindi tayo horror! ROM-COM ‘to!
YNA:Ay hindi ba?"
*/itatago yung kutsilyo.
YNA:Ano nga ulit yun Angelo?
ANGELO:Tinatanong ko lang kung okay ka ba? Narinig ko kasi yung balita,
ANGELO:Sige kami na lang ni Emily yung bibili. Dito ka lang muna huh? Mukha rin kasing
kailangang kailangan nang kumain nitong bestfriend mo ehh… Hindi ko alam kung ikaw
ba
talaga yung may pinagdadaanan o siya. Dyan ka lang muna
huh?
*/Umalis na si Angelo at Emilo kaya naiwang mag-isa si Yna.
*/Binuksan ni Yna ang kaniyang bag at tinignan ang laman ng wallet at tsaka
napabuntong hininga ng malalim
YNA:Paano ba ‘to? Hindi na pala kasya ang ipon ko para sa bayaran bukas. Saan ako
kukuha ng pera nito? Hindi naman pwedeng kay nanay. Magtataka ‘yun at panigurado
kulang naman yung kinita niya sa maghapong paglalako. Hindi ko na talaga alam.
*/Biglang dadating ang mga puta girls habang nagpapaypay.
ANALYN:May susuotin na ba kayo para mamaya? Dapat maganda kayong tignan para
alam nyo na… Para mas maraming costumer at kumita tayo ng malaki laking pera. Okay?
*/Napalingon si Yna sa tatlo nang marinig ang salitang pera.
ARIELA: Kaya nga! Tsaka marami ka namang pera diba? Scholar ka ng school eehh ay este
ni Sir Maximo pala! Ahahaha!
YNA: Nagmamakaawa ako sa inyo. Baka naman pwede niyo akong isama sa trabaho nyo?
Kahit waitress lang o kaya janitress. Kailangan ko kasi talaga ng pera eehh.
JANINE: Fine! Madali kaming kausap. But wait, dapat may kapalit!
YNA: Kahit ano basta kailangan ko lang talaga ng trabaho."
JANINE: Pasampal?
*/sabay sampal ni Janine sa mukha ni Yna.
JANINE: Nakalimutan ko na kasi yung nakalagay sa script eh. Ang alam ko lang, may
kapalit… Kaya yun na lang yung naisip kong kapalit ng kapalit. Aangal ka pa ba?"
PIA: Game!
*/singit ni Pia na akmang pasampal na ngunit pinigilan ni Ariela
JANINE: Oo nga pala. Ito kasi eehhh. Tara na nga! Lets go!
*/sagot ni Janine sabay irap kay Yna. Aalis na ang tatlong puta. Nakatayo pa rin si Yna at
hindi sumusunod.
YNA: Pasok na ba agad ako? Wala na bang requirements yan? Bio-data o kaya naman job
interview?
ARIELA: Ang dami mo pang nalalaman! Tara na! Basta may butas, pasok na!" (may halong
kaartehang pagbigkas ni Ariela).
*/Umalis na ang apat. Bigla namang bumalik si Angelo at Emily sa kinauupan ni Yna kanina,
at naguat na lang sila dahil wala na ito.
EMILY: Y-Yna? Yna?", titingin sa ilalim at likod ng upuan. "Yna? Angelo iniwan na tayo ni
Yna… Wala na sya. (malungkot na banggit ni Emily.)
ANGELO: Wala na sya? Parang kanina lang kausap ko sya… Ngayon wala na sya?"
*/sabay matutulala ang binata.
EMILY: May mga tao talagang ang galing galing mang-iwan… Hindi nila iniisip yung
mararamdaman ng iiwan nila… Paniniwalain kang mananatili sila ngunit bandang huli,
ikaw at ikaw lang din talaga ang mag-iisa…
*/muling titingin sa kawalan si Emily.
ANGELO: "Tingin mo sinadya nya talagang mang-iwan? Paano kung may ibang dahilan?"
EMILY: Hindi niya gagawin yun kung may paninindigan sya sa mga salitang binitawan niya
sa’yo. Napakadali talagang maniwala sa mga pangako. Ang inakala mong walang hanggan,
darating din pala talaga sa dulo.
ANGELO: Yung totoo? Ano bang pinapamukha mo?
EMILY: Sa totoo lang kasi Angelo... Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit
anong gawing lambing di mo pa rin pansin. Matagal na akong may lihim na pagtingin sa'yo
Angelo. (nakayukong pagamin ni Emily.)
ANGELO: Tama na yaaaaaaann. Alam mo namang si Yna lang ang gusto ko. Isang taon na
kami kaya hindi ko hahayaan na matapos lang yun ng ganun!
EMILY: Bakit? Porket halos tambalan ang mga apelyido niyo! Yna Magaspang at Angelo
Makinis? Ganun ba ‘yun? Apelyido na ang batayan?! Ganun ba? Ito ang tatandaan mo!
Magbrebreak din kayo! Kung yung mag-asawa nga naghihuwalay pa! Kayo pa kaya? (sabay
tatakbo paalis)
ANGELO: "Saan ka pupunta?!"
PIA: Ito naman makapag-react akala mo first time. Ehh diba may nangyari na sa inyo ni
Sir?
YNA: Huh? Eh hindi naman totoo yun ehh.
ARIELA:Napakaarte mo! Mas madali ang kita rito! Ilang kembot lang, minimum wage ka na
at kung gusto mo ng maximum at may bonus pa, alam mo na. Madaling kumota rito.
(nagiinarten pagkakasabi)
*/Habang naguusap ang apat agad namang lalapit si Inang Puta sa kanila.
PUTA GIRLS: Inaaaaannnnngggg!
MAGDALENA POWERS: Makasigaw naman kayo! Kagabi lang naman tayo huling nagkita!
JANINE: Ganun talaga Inang, Ayy nga pala, Yna, siya si Magdalena Powers ang aming Inang
Puta. Siya ang may-ari ng club na ito.
YNA: Aaaahhh. Dapat ko bang sabihing hello po?
ARIELA: Gusto niya pong magtrabaho. Alam nyo na Inang. Turuan na ito ng mga galawan!
(sabay kindat sa kanilang Inang).
MAGDALENA POWERS: Anong galawan ba yung gusto mong matutunan? Yung pang low
level o yung pang higher level?
YNA: Po?
MAGDALENA POWERS: Simple lang, low level means mababang kita. Kung higher level,
mas malaki yung kita… so ano ba yung gusto mo?
YNA: Higher?
*/Habang naguusap ang lima, darating naman ang suki nilang pulis na si SP01 Antonio
Dimatakasan.
SP01: Oorder ako… nasaan ang menu? (pasigaw na pagkakasabi)
MAGDALENA POWERS: Oh!!! Ikaw pala SPO1!! Magaling ka talagang tumiming… sya nga
pala… Ang bago sa aming menu for the night! (pambungad ng Inang Puta sabay hatak kay
Yna).
JANINE: SPO1 naman! Janine Binangon ‘to! Ang menu niyo last Monday!
PIA: Pia Nabakbak SPO1! Ang bilis mo namang makalimot! Parang nung isang araw lang
pinagsilbihan pa kita eehhh!
ARIELA: Baka ako ‘di mo nakilala? Ako yung nagpaligaya sa’yo kagabi! Ariela Kerida,
always on the go! (pagpapabida ni Ariela).
MAGDALENA POWERS: Tama na ‘yan girls! Oohh ayan SPO1, nagdududa ka ba sa mga
tauhan ko? Kailan ba kita binigo? Sa tinagal-tagal mo nang bumabalik dito, kailan ka ba
nadismaya sa mga PUTA-he ko? (pagkukumbinse ng Inang Puta).
SP01: Naninigurado lang ako. Mukhang takot pa ‘tong inihaharap mo eehhh. Baka ‘di
magaling ‘yan!
MAGDALENA POWERS: Problema ba ‘yun? Edi kung hindi, ikaw na magdala! Magpakitang
gilas ka!
SP01: Anong oras mo gusting magsimula? Wala naman akong gagawin ngayon kaya baka
mag- overtime ako sa’yo. Pero ‘wag kang mag-alala, tataasan ko ang sweldo mo. Swerte mo
at galante ako. Ako pa ba? SPO1 Dimatakasan yata ‘to (sabay akbay kay Yna).
*/Pasimpleng tatanggalin ni Yna ang mga kamay ni Dimatakasan.
ANALYN: Go Yna! Kaya mo ‘yan! Akalain mo, mas malaki pa ang kikitain mo kaysa sa amin.
Ahaha! Iba ka talaga. Ang swerte mo kay SPO1.
*/Tahimik lang si Yna. Nakayuko at para bang maiiyak na at Bubulong naman si Inang Puta
kay SP01
MAGDALENA POWERS: Lakihan mo yung tip ko ha! Buena mano ka dyan, panigurado!
SP01: Oo na
*/Ihahatid ni Ariela si SP01 sa table nito upang panoorin si Yna mag perform.
SP01: Gusto ko siya. Sobrang gusto ko siya. Babalik-balikan ko yan huh? Ooh ito nga pala,
yung kalahati sa’yo, yung kalahati sa kanya. Malay mo sa susunod mas malaki laki pa. Basta,
alagaan niyo ‘yang trabahador niyo na ‘yan. Akin lang siya. Bawal sa iba.
MAGDALENA POWERS: Sir yes Sir!
*/tuwang-tuwa si Inang Puta at umalis na ng club ang pulis pero tuloy pa rin ang sayawan
sa club.
JANINE: Gusto niyo pa ba ng isa? ( tanong ni Janine sa mga tao sa club).
*/Sisigaw ang mga tao at sasayaw ulit ang mga puta sa saliw ng Careless Whisper.
EMILY: Yna ikaw ba yan? Yna? Ikaw nga! Nagbalik ka! Bestfriend! (sabay yakap kay Yna).
YNA: Akala ko ba naman ako lang yung maharot sa kweto na ‘to… Nagkamali ako… Mas
maharot ka pa pala… taksil kang kaibigan… Mang- aagaw! Hindi ko alam na nakasulat pala
sa kwentong 'to kung paano mo aahasin ang boyfriend ko! Mas maharot ka!"
EMILY: Mang-aagaw? Sino? Ako? Bakit? Ano bang ginawa ko bukod sa pakikipagkilitian at
pagnanakaw ng halik sa boyfriend mo? Wala naman akong ginawang iba ah! Hindi ko sya
inagaw sayo!
YNA: Ang kapal ng mukha mo! Itinuring kitang bestfriend ko! Hindi ko akalaing
nakipagkaibigan ako sa ahas!" (nanginginig na boses ni Yna dahil sa galit).
ANGELO: Teka Yna… nagkakamali ka ng akala…
YNA: Nagkakamali? Yang maharot at weird na babaeng yan yung nagkakamali sa mga
pinaggagagawa niya!
YNA: Dahil sa kaharutang taglay mo, tapos na ang role mo sa kwento na ‘to… Makakaalis ka
na!
*/ Lalapit si Emily kay Yna at magtatangkang magsorry
ANGELO: Ganun na lang ba kadali sa’yo na tapusin ang lahat ng ito? Sa simpleng tanong na
‘yan? Ako pa ang tinatanong mo kung gusto ko ng tapusin ‘to? Para ano? Kapag sinabi kong
oo ako ang lalabas na unang sumuko, ako ang unang bumitiw at ako ang hindi tumupad sa
pangako? Sayang ang isang taon na pinagsamahan nating dalawa!
YNA: Hindi iyon ang intensyon ko! Tingin mo ba gusto ko ‘to? Ikaw rin ang may kasalanan!
Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko kapag nakikita kitang may kasamang iba!
Ang problema sa’yo, manhid ka!
ANGELO: Yna! Alam mo namang… Hindi kita iiwan! Hindi pababayaan! Sa akin ay hindi ka
iiyak na kahit minsan!
YNA: Sabi mo ay ako lamang. Sabi mo ay ‘di iiwan at sabi mo, mahal mo ako? Naniwala sa
iyo ang puso ko!
ANGELO: Pero…. Kung inaakala mo na ang pag-ibig ko’y magbabago, itaga mo sa bato,
dumaan man ang maraming pasko.
*/unti-unting lalapit si Angelo kay Yna at yayakap dito at unti-unti namang lilingon si Yna.
Marahang marahan. Mala-horror.
ANGELO: Babe. Hindi tayo horror. Target nating pakiligin ang viewers!
YNA: Aaahh ganun ba? Pwedeng take two na lang? Layo ka muna.
ANGELO:Sige sige…
*/lalayo ulit ng kaunti si Angelo kay Yna
ANGELO: Pero…. Kung inaakala mo na ang pag- ibig ko’y magbabago, itaga mo sa bato,
dumaan man ang maraming pasko.
*/unti unting lalapit si Angelo kay Yna at yayakap ito. Dahan-dahang lilingon si Yna sabay
ang hawi ng buhok ngunit tatanggalin nito ang pagkakayakap ni Angelo.
Fade in...
*/Kakanta si angelo at Yna ng Mabagal – Daniel and Moira at magsasayaw ang dalawa
Fade out...
*/Bigla namang darating si Esperanza at lalapit sa dalawa habang nakaturo si Angelo
ESPER: Anak ng! Katanghaliang tapat kung ano anong kalokohan ‘yang pinaggagagawa
ninyo! Pasayaw sayaw pa kayo
ANGELO: Bitter ka kasi! Kaya hindi mo nakikita ang kagandahan ng mundo! Ang
mundong punong puno ng pag-ibig
YNA: At mga politikong korap!
DR. JAMES: Doctor James Panganiban po. Wait lang po Boss. Bat niyo ako hinuli? Hindi ko
po maintindihan!
SP01: Para sabihin ko sa’yo, bawal maghelmet ng walang motor! Dito ka pa dumadaan sa
harapan ko huh? Ipapakulong kita ng wala sa oras eehhh!
DR. JAMES: Boss ‘wag po. Maawa po kayo sa akin. Ayoko po.
SPO1: Madali naman akong kausap eehh. Basta alam mo na? (nakangiting
pagkasabi)
DR. JAMES: po ang isang libo. Akin na po yung helmet ko (habang inaabot ang
pera na hawak nito)
SP01: Aba’t demanding ka pa huh? Gusto mong damputin na kita huh?
DR. JAMES: Hindi na po Boss. Sige po inyo na ‘yan.
*/Titignan ni SPO1 ang biktima niyang doktor mula ulo hanggang paa
SP01: Gusto ko ‘yang jacket mo huh? Mamahalin! Iwan mo na yan! Sama mo na rin pati
sapatos at pantalon mo
DR. JAMES: Pero? Paano po ako uuwi? Nakahubad?
SP01: Huhubarin mo o ipuputok ko ‘to sa ulo mo? Sa’yo na pala ‘tong helmet mo! Basta
akin na yang suot mo!
ANGELO: Sandali… Nalilito na ako. Tatay mo siya pero tinatanong mo pa kung ano mo
siya tapos siya naman anak ka niya pero nagtatanong naman siya kung ano kita.. Ano?!
Ang gulo! (gulong- gulo si Angelo sa mga nangyayari)
SP01: Ako? Ama ni Yna? Yna beybi ko kaya yan!
*/umakbay akbay bigla si SP01 kay Yna at hindi nakatiis si Angelo kaya bigla niyang
sinuntok si Dimatakasan.
ANGELO: Ohh boss? Masyado yatang mainit ‘yang ulo ninyo? Baka pwedeng pag-usapan
na lang natin ‘to o kung gusto niyo, akbayan niyo na lang ulit yung girlfriend ko. Pipikit na
lang ako para ‘di ko makita! (mahinahong pagpapaliwanag ni Angelo na natakot sa baril
na hawak ng pulis)
SP01: Wala akong panahon sa kalokohan mo! Basta ang sa akin, akin lang! Hindi mo ba
alam na may nangyari na sa amin ng girlfriend mo?!
YNA: Itigil mo na ‘yan!
*/Inagaw ni Yna ang baril mula kay Dimatakasan, tsaka na pinaputok ito ni Dimatakasan
kaya natamaan ng bala si Yna.
YNA: A---a---a—ray.. Ouch! Ang sakit! Shocks!
*/pautal utal na sabi ni Yna habang hawak ang parte ng katawan na tinamaan ng bala at
nasalo ni Angelo si Yna at napahiga ito sa sahig. Tumakbo naman papaalis ang pulis na
parang nakatulala at di alam ang nangyari.
ANGELO:Yna? Yna? Babe?
*/paiyak na sabi ni Angelo habang hawak ang pisngi ni Yna
YNA: Buhay pa naman ako. Kaya ko pa. Sa totoo lang. Angelo, Mahal
makinig ka…
ANGELO: Ano yun mahal?
*/hinawakan niya sa pisngi si Angelo at tuluyan nang nawalan ng malay si Yna at nalaglag
ang kamay na humawak sa pisngi ni Angelo.
ANGELO: Yna? Yna gumising ka… Yna ‘wag mo kong iiwan… akala ko ba may forever sa
ating dalawa? Kasasabi mo nga lang kanina eh! Yna!" (umiiyak na sabi ni Angelo)
ANGELO: YNAAAAAAA!
*/tumahimik ang paligid at muling nagsalita si Angelo
ANGELO: Teka… Nasaan na ang walang hiyang gumawa nito sa’yo! Sandali lang!
Hahabulin ko. Hindi pa naman yata nakakalayo ‘yung hayup na ‘yun!
*/Umalis na si Angelo at naiwang nakahandusay sa kalsada si Yna at may babaeng
naglalako ng kung ano ano at unti unting lumalapit sa katawan ni Yna. Siya ang nanay ni
Yna na si Sisa.
*/Maglalakad si sisa 2 sa stage at sisigaw siya
SISA 2: Crispin, Basilio mga anak ko nasan na kayo?
*/Sisigaw si direk
DIREK : hoy! Sa ibang kwento yan, ulitin mo
SISA 2: Hala iba ba to direk ayun naman ang nasa script huh?
*/Lalabas si direk
DIREK: Oh teka, hindi naman ikaw yung sisa na gaganap dito ha?
SISA 2: Hala oo nga direk sorry, maling set ang napuntahan ko omg
*/Lalabas si sisa 2 na tila nagmamadali
SISA : Alam niyo ba na ang ingridients ng maxx na honey lemon flavor ay sugar, glucose,
syrup, citric acid, artificial flavors, natural honey, menthol crystals, eucalyptus oil and
artificial color with FD&Cyellow#5. At ayon pa sa balat ng kending ito, ang hotline daw
nila ay (632)5598-872 kaya tawag na!!! Salamat nga pala sa mga bumili kanina lalo na--
*/Natisod si Sisa at nakita ang nakahandusay na anak.
SISA : Ay politikong korap!!!… A-anak? Yna? Ikaw na ba yan? Anong nangyari sa’yo?!
Anak! Nandito na si nanay! Anak? Tulong! Anak? Ynaaaaaaaaaa!"
SISA: Teka nga? Bakit alam mong nabaril yung anak ko? Bakit kilala mo ako? Sino ka?
Sino ako? Nasan ako? Sino kayo?
ANGELO: Nanay, ako po yung boyfriend ng anak niyo, alam ko pong kayo yung nanay ng
girlfriend ko kasi sinabi po sa akin ni direk na kapag may nakita raw po akong
naglulupasay, kayo na yung nanay since ngayon pa lang po tayo nagkita…"
SISA: Ah gets ko na... So ikaw pala yung may gawa nito sa anak ko huh? Walang hiya ka!
ANGELO: Hindi po ako... (sabay yakap sa ina.) Hindi po ako ang may kagagawan nito sa
anak ninyo. Masaya pa po kami kanina. Nasa park po kami nang bigla na lang dumating
yung hayup na pulis na yun. Ang bumaboy sa puri ni Yna.
SISA: Ganun ba? Kailangang managot nung pulis na may gawa nito sa anak ko! Kung
kinakailangan na makipagpatayan ako para sa hustisya, gagawin ko!( naka-fierce ang
mukha at nakatanaw sa malayo na sinabi ni Sisa.)
ANGELO: Wag po kayong mag-alala, kanina, nagpunta na po ako sa pulisya para ireport
ang lahat at ang sabi po nila, sila na raw ang bahala at magsasagawa na raw po sila ng
imbestigasyon. Sa ngayon po, ano na pong balak niyo?"
SISA: (Napabuntong hininga na lamang ito at sasabihing....) Napagpasyahan kong… Itigil
na lang yung pagigiging takatak girl… siguro mag-aabroad na lang ako… tama… yun na
nga ang gagawin ko, oras na para ayusin ko yung buhay na ‘to…"
ANGELO: Po? Paano po?
SISA: Alam mo kasi, alam kong madali akong makakahanap ng trabaho sa ibang bansa,
tutal nakapagtapos ako bilang valedictorian noong 1991 sa Macaranas Elementary School
at Dinanas National High School, nakapagtapos din ako bilang Suma Cumlaude sa kursong
Bachelor of Science in Nursing sa Unibersidad ng Pilipinas noong taong 1999. Noong 2002,
namasukan din ako sa isang kumpanya at dahil sa likas na pagkamalikhain ng aking utak,
naimbento ko ang maxx."
*/Patuloy lang na nakinig si Angelo pero hindi niya naiwasang humikab
SISA: Akalain mong napagsama sama ko ang sugar, glucose, syrup, citric acid, artificial
flavors, natural honey, menthol crystals, eucalyptus oil and artificial color with
FD&Cyellow#5 upang mabuo ang honey lemon flavor ng candy na ito...
*/Umalis na si Angelo at wala ng nakikinig pa sa
kaniya.
SISA: Ahhmmm… may tao pa ba dyan?
*/ Matapos ang lamay, inilibing na ang bangkay ni Yna at magluluksa si Angelo sa harap ng
puntod ni Yna.
Fade in...
Kakantahin ang sayo – munimuni
Fade out
ANGELO: Mahal pangako, pagbabayarin natin ang gumawa sa’yo nito. Mahal na mahal
kita alam mo ‘yan. Kahit puro kalokohan lang ang ginawa natin habang buhay ka pa,
hinding hindi ko tatangkain na limutin ang lahat ng iyon kasi nga mahal kita. Mahal na
mahal,
*/Darating si Sisang nagmamadali at para bang wala na naman sa katinuan.
SISA: Nakuu. Angelo, pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta. May inasikaso pa
kasi ako eehhh. Nga pala, kumusta ang naging libing niya kanina? Marami bang pumunta?
Anong sabi ng purenarya? May kulang pa raw ba?
ANGELO: (Mapapakamot na lang ng ulo si Angelo sabay sabi na...) Maayos naman po ‘nay.
Marami rami ring nakiramay kanina pero ngayon wala na kasi umuwi na rin yung iba
kaya kami na lang ang natira rito. Buti po at nakahabol kayo?"
SISA: Oo nga ehh. Napakahaba kasi ng pila sa DFA. Nag-ayos kasi ako ng mga
dokumentong kakailanganin ko.
ANGELO: Para saan po yun? Mangingibang-bansa po kayo?"
SISA: Oo iho. Dapat matagal ko nang ginawa ‘to eehh. Hindi ko rin alam. Simula kasi ng
iwan kami ng ama niyang si Yna nung sanggol pa lang siya, parang nawala na ako sa
katinuan. Hindi ko na kayang panindigan lahat ng mga bagay na gusto kong gawin. Malaki
rin ang pagkakamali ko bilang ina ni Yna. Kaya kayo, ‘wag munang mag-aasawa ng maaga
kung ayaw nyong matulad kayo sa akin. Matalino nga pero naging tanga simula nung
pinagana ang puso."
EMILY: Wala pa naman po kaming balak ni Angelo na magpakasal. Diba Angelo?!" (singit
nito sabay hawak sa braso nito.)
ANGELO: Ano ba? Respetuhin mo nga ‘yung kaibigan mo. Utang na loob. Kahit ngayon
lang, ibalik mo muna ang pagkatao mo," (galit na sabi ni Angelo.)
SISA: Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Isa siya sa mga buhay na patunay," (sagot ni
Sisa sabay turo kay Emily.)
EMILY: Tulungan niyo naman po ako. Ayoko ng ganito," (pagmamakaawa ni Emily.)
SISA: Gusto mo ba talaga? Halika sumama ka sa akin. Bilang panimula, alam mo ba yung
ingredients ng maxx?"
EMILY: Makakatulong po ba yan? Sige sasama po ako.
*/Sumama si Emily kay Sisa at naiwan si Angelo na nag-iisa sa harap ng puntod ni Yna.
ANGELO: Kahit paulit ulit ko nang sinasabi ‘to.. Uulitin ko pa rin. Mahal na mahal kita Yna
Magaspang. Kung naisipan lang sana ng author na'to na parehas na lang tayong
mamamatay, edi sana tapos na ang kweto na ‘to. Ewan ko ba pero mukhang wala nga
talagang forever. Ayan! Napakadrama ko na naman! Sana lang talaga magbest actor ako.
Mas maganda nga sana kung umuulan pa ngayon kaso hindi kakayanin ng production eh.
Kaya background music na lang ang magdadala
*/Agad agad na pumunta ng airport sina Sisa. At sakto namang nando'n din si SPO1
Dimatakasan na may kausap sa cellphone.
UNKNOWN CALLER: Wag mo akong idamay pre! Iba ang kasalukuyan sa nakaraan!
Tsaka balita ko, may balak din si commander na ipromote ka dahil sa angkin mong husay
sa pangongotong sa mga doktor tsaka sa galing mo sa pagtakbo palayo at pagtatago
kapag may napapatay ka. Magagamit ka raw niya sa pagpatay ng mga wanted na
kriminal)
SPO1: Talaga? Sige… ipagpapatuloy ko tong mga gawaing ‘to para sa kinabukasan.
Nakakatuwa. May nakakappreciate pala sa mga gawain ko. Sige na! babye na...( tuwang
tuwa na sabi nito)
UNKNOWN CALLER: Sige na nga. Babay na rin. Labyupo
SPO1: Siraulong ‘to! May pailo-ilove you pa! Ehhh napakadali lang naman
sabihin nun!
*/Ieend call na niya at may mapapapansin siyang isang pamilyar na mukha.
SPO1: Oooops ops oopss!!! Tigil ka lang dyan! Kailangan kong inspeksyunin ang laman ng
dala mong kit.
SPO1: Hindi mo ba alam na bawal ang alkohol sa airport?! Bawal din ‘tong injection at
gunting dahil matutulis na bagay ang mga ‘to.
DOCTOR: P-pero---
SPO1: Akin na yang sapatos mo sabi ko!!! Tsaka ‘yang polo mo. Dalian mo! Hubad!
SPO1: "Hoy teka lang! Yung pantalon mo… gusto ko rin yan! Hubarin mo na rin. Dalian
mo!"
*/Hinubad ng doktor ang pantalon at mabilis na umalis.
SPO1: Haha! Uto-uto…
*/Pumasok si Sisa sa Airport na may daladalang malaking maleta.
SPO1: Oooops ops oops!!! Teka ! Kailangan kong inspeksyunin yung maleta niyo.
*/haharang sa dinadaan ni Sisa.
SPO1: Ano ‘to?! May paliwanag ka ba ukol dito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ‘to
rito?*/tanong ng nito habang may hawak na bala ng baril
SISA: Hindi bakit?! Wala bang nakapagsabi sa’yo na bawal makialam sa gamit ng iba?!
SPO1: Wala…
SISA: Oh ngayon, Meron na! Kaya ‘wag kang nakikialam sa gamit ko! */ sabay hablot ng
gamit niya. Bigla namang dumating si Angelo na hingal na hingal.
ANGELO: Nanay! Buti naabutan ko pa kayo,
*/naghahabol ng hiningang bigkas nito
SISA: Oh bakit parang pagod na pagod ka?
ANGELO: Traffic po kasi sa EDSA kaya tinakbo ko na lang hanggang dito para maabutan
ko kayo, (sabay mapapatingin sa pulis at sasabihing)
SPO1: (Painosenteng sasagot ito) Ah oo! Batch mate tayo noong elementary!
ANGELO: Anong batch mate yang pinagsasabe mo? Ikaw yun! Hindi ako pwedeng
magkamali!"
SPO1: Ako nga yun! Yung katabi mo dati sa upuan nung grade 3! Yung tinusok mo ng
lapis? (pagmamaang-maangan pa rin nito.)
ANGELO: hoy tigilan mo na yang pagkukunwari mo dyan… Huling huli ka nang hinayupak
ka! Namumukhaan kita!
SPO1: Ano ba kasing sinasabi mo?
(patuloy pa rin umaaktong walang alam ang pulis.)
SISA: Oo nga! Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan
(singit ni Sisa habang nakatingin kay angelo)
ANGELO: Nagpapalusot ka pa talaga huh?!
SPO1: At bakit naman ako magpapalusot? Hindi ko alam yung mga
sinasabi mo!
ANGELO: Sinungaling kang demonyo ka!!! Umamin ka na!
*/duduruin ang pulis
SISA: Angelo, ano ba talagang nangyari? Wala na akong maintindihan! (naguguluhang
tanong ni Sisa.)
SPO1: Nahihibang na yata yung kasama nyo,
ANGELO: Ako? Nahihibang? Eh ano ka pa kaya!?
SISA: Teka--- (gulong gulo ito)