Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANALANGIN SA MGA MAYSAKIT O MAY KARAMDAMAN

Lider: Simulan natin itong panalangin. Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

PANIMULANG PANALANGIN

Lider: Sa ating pagtitipon ngayon upang alalahanin at ipagdasal ang mga maysakit o may
karamdaman, kasama ang ating kapatid na si ________________, ipinaala-ala ang ating
misyon at pagtatalaga bilang magkakapatid ni Kristo at mga kasapi ng Family and Life Ministry,
upang ibahagi ang ating iba’t-ibang mga kaloob at mga kakayahan, na tulungan ang ating mga
maysakit, na tayong lahat ay nakaranas ng iba’t-ibang paraan ng Diyos sa Kanyang
kapangyarihang pagpapagaling at pakumbaba na lumapit sa Diyos nang tayo rin ay nakaranas
ng sakit o karamdaman.

PAGBASA

Lider: Mula sa isang mensahe ni Pope Francis noong World Day of the Sick. Mga kapatid, ang
unang anyo ng pag-alaga sa mga maysakit ay ang pagkamalasakit (compassionate) at lubos ng
pakikiisa o pagkamalapit (loving closeness). Sa pag-alaga sa mga maysakit ay una sa lahat
alalahanin ang pakikipag-ugnay (relationships): lahat sila, kasama ang Diyos at mga iba pa -
mga miyembro ng pamilya, mga kaibigan, health workers, ang kapaligiran at sila mismo.
Magagawa ba ito? Siyempre, oo at tayong lahat dito ay magkaisang matutupad ito. Sa puntong
ito, alalahanin natin ang mabuting Samaritano sa pagmamalasakit sa kanyang kapwa at
natatanging pagmamahal niya sa paggamot sa mga sugat ng biktima.

INTERCESSORY PRAYERS

Lider: Diyos ng mabuting kalusugan, palagi Mong inaalagaan ang mga maysakit sa natatanging
paraan, na silang lahat ay gumaling ang katawan at kaluluwa. Kasama si Pope Francis,
nagdarasal kami ng may tanging pasasalamat para sa nag-aalaga sa mga maysakit na patuloy
silang maging tanda ng mahabaging kamay ng Diyos, iniaalay ang pag-aaruga at kaayusan
kahit sila mismo ay may mga pagsubok. At sa ating pag-alaala sa mga maysakit, sama-sama
tayong manalangin.

Lahat: Mapagmahal na Panginoon, pagalingin ang mga maysakit sa katawan at kaluluwa.

Lider: Ibalik ko ang kalusugan mo, at pagalingin ang iyong mga sugat (Jer. 30:17) Manalangin
tayo…

Lahat: Mapagmahal na Panginoon pagalingin ang mga maysakit sa katawan at kaluluwa.

Lider: Si Yahweh ay tutulong sa maysakit, ang nanghihina niyang lakas ay ganap na ibabalik
(Ps 41:3) Manalangin tayo…
Lahat: Mapagmahal na Panginoon pagalingin ang mga maysakit sa katawan at kaluluwa.

Lider:Lahat ng maysakit o anumang karamdaman ay dinala kay Hesus. Ipinatong niya ang
kamay sa bawat isa at silang lahat ay gumaling (Lk 4:40) Manalangin tayo…

Lahat. Mapagmahal na Panginoon pagalingin ang mga maysakit sa katawan at kaluluwa.

Lider: Pagpasok ninyo sa isang bayan at tinanggap kayo, pagalingin ninyo ang mga maysakit
doon at sabihin sa kanila, “malapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos (Lk 10:8-9) Manalangin
tayo…

Lahat: Mapagmahal na Panginoon pagalingin ang mga maysakit sa katawan at kaluluwa.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lider: Panginoon, pakinggan ang aming panalangin at pagalingin ang mga karamdaman na
pumipinsala sa aming katawan, isip at kaluluwa. Igawad ang kaayusan sa mga nagdurusa,
mabuting kalooban sa mga nasa panganib. Bigyang lakas ang mga nag-aalaga sa mga
maysakit, pag-asa sa mga matagal nang nagdurusa, at inaala-ala ang iyong espesyal na
pag-aaruga na malaman nila na sila ay katangi-tangi at mahal sila ng Diyos. Pagpalain lahat
tayo ng Diyos. Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen!

You might also like