Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
PURITAC-DALAYAP ELEMENTARY SCHOOL
PINILI, ILOCOS NORTE

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 4

I. Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel..

1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at
lahi?
A. Bansa B. Lalawigan C. Pamahalaan D. Teritoryo

2. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?


A. 4°-20⁰ H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud
B. 4⁰ -20⁰ H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud
C. 4⁰- 21⁰ H latitude at 116⁰-126⁰ S longhitud
D. 4⁰- 21⁰ H latitude at 116⁰-127⁰ S longhitud

3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng ________na pulo.


A. 7 300 B. 7 200 C. 7 100 D. 7 000

4. Anong elemento ng heograpiya ng Pilipinas ang direktang epekto ng lokasyon nito sa "Ring of Fire"?
A. Malawak na disyerto. C. Maraming aktibong bulkan.
B. Malalaking ilog at lawa. D. Malalaking kagubatan at gubat.

5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig
C. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
D. Ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na populasyon.

6. Mula Pilipinas paano mo mailalarawanang distansya ng Estados Unidos?


A. katabi ng Pilipinas C. napakalapit sa Pilipinas
B. napakalayo sa Pilipinas D. malapit sa Pilipinas

7. Kung ihahambing mo sa kapuluan ng Indonesia, ano ang masasabi mo salawak ng teritoryo ng


Pilipinas?
A. mas malaki C. mas maliit
B. kasinlaki D. malaking-malaki

8. Ito ang pinakatimog na latitud kung saan maaring tuwirang lumitaw ang araw sa dagat o sa lupa.
A. ekwador C. tropiko ng kanser
B. hilagang polo D. tropiko ng kapricorn

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School
9. Ito ay napaliligiran ng yelo na hindi natutunaw sapagkat kakaunting sikat na araw lang ang
nakakarating dito.
A. Ekwador C. tropiko ng kanser
B. tropiko ng kapricorn D. Rehiyong polar

10. Anong meridian ang tumatagos sa gitna ng Pilipinas?


A. 148°E B. 122°E C.135°E D. 115°E

11. Ano ang tawag sa isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung
saan nagaganap ang madalas na mga paglindol?
A. Pacific Asia C. Pacific Ocean Ring of Fire
B. Pacific volcan D. Pacific Ocean

12. Ang Boracay ay isang magandang dagat sa bansa. Ano ang kahalagahan nito sa bansa?
A. Napaparami nito ang mga kumpanya na maaring magtayo ng mga pagawaan o factory.
B. Malaking tulong sa pagtatanim ng palay, mais at iba pa
C. Napapaunlad nito ang turismo sa bansa
D. Nakapagmimina ng mga yamang lupa.

13. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programanang hindi pinakikialaman ng ibang
bansa?
A. bansa B. pamahalaan C. soberanya D. tao

14. Anong anyong tubig ang makikita sa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas?


A. Java Sea
B. Indian Ocean
C. Pacific Ocean
D. South China Sea

15. Ito ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar at kasama rito ang katubigan na
nakapaloob at nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na katapat nito.
A. teritoryo B. laki ng bansa C. lawak ng bansa D. Lugar

16. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?


A. napapaligiran ng mga dagat at karagatan
B. mayaman sa yamang-dagat.
C. kakikitaan ng maraming baybayin.
D. napapaligiran ng mga bansa sa Asya.

17. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperature?


A. Lungsod ng Baguio C. Metro Manila
B. Lungsod ng Tagaytay D. Lungsod ng Tuguegarao

18. Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna. Saan naman matatagpuan ang mainit
sa singaw na nangagaling sa hotspring at maaaring pagkunan ng lakas geothermal namakatutustos ng
elektrisidad sa Bicol?
A. Sorsogon B. Catanduanes C. Masbate D. Albay

19. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang na maaaring gawin ng isang komunidad upang
mabawasan ang epekto ng kalamidad?
A. Pagtatapon ng basura sa kalye o sa ilog.
B. Pag-iwan ng mga tahanan kapag may kalamidad.

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School
C. Pagsasagawa ng mga disaster preparedness drills at education.
D. Paggamit ng maraming kuryente kahit hindi kailangan

20. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng mabuting pamamahala ng mga likas na yaman sa pag-unlad
ng bansa?
A. Ang mabuting pamamahala ay nagbibigay-daan sa walang humpay na paggiba ng kalikasan.
B. Ang mabuting pamamahala ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng maraming mall.
C. Ang mabuting pamamahala ay nagbibigay-daan sa sustainable development.
D. Ang mabuting pamamahala ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng maraming zoo.

21. Ano ang dagat na matatagpuan sa timog ng Pilipinas?


A. Dagat China C. Dagat Sulu
B. Dagat Celebes D. Karagatang Pasipiko

22. Ano ang lawak ng Pilipinas mula hilaga hanggang timog?


A. 1,000 kilometro C. 1,500 kilometro
B. 1,850 kilometro D. 2,000 kilometro

23. Gaano kalawak ang teritoryo ng Pilipinas?


A. 300, 000 kilometro kuwadrado
B. 200, 000 kilometro kuwadrado
C. 350, 000 kilometro kuwadrado
D. 500, 000 kilometro kuwadrado

24. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw.
A. Rehiyong Tropical C. Rehiyong Polar
B. Rehiyong Kaprikon D. Polong Hilaga

25. Ito naman ay ang gitnang latitud o rehiyong katamtaman ang lamig sa timog
A. Kabilugang Antartiko C. Tropiko ng kanser
B. Kabilugang Artiko D. Tropiko ng kaprikorn

26. Ano ang isang epektibong paraan para maiwasan ang pinsala ng bagyo?
A. Pagtatapon ng basura kahit saan.
B. Pagtatayo ng mga bahay sa tabi ng mga ilog.
C. Pagpapabaya sa mga kagubatan at kalikasan.
D. Pagpapanatili ng mga kanal at drainage na malinis.

27. Anong paraan ang maaaring gawin upang mabawasan ang epekto ng lindol?
A. Pagtatayo ng mga gusali kahit walang permiso.
B. Hindi pagsunod sa mga regulasyon ng konstruksyon.
C. Pagsusuri ng kalidad ng mga gusali at tahanan.
D. Pagtatayo ng mga tahanan sa tabi ng mga aktibong bulkan.

28. Paano nakakaapekto ang lokasyon ng Pilipinas bilang isang arkipelago sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
A. Nagbibigay ng limitadong lupa para sa agrikultura.
B. Nagbibigay ng malalaking kagubatan para sa mga hayop.
C. Nagbibigay ng yaman-dagat na nagiging pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan.
D. Nagbibigay ng malalawak na disyerto para sa mga kaktus.

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School
29. Bakit kailangan may batas ang isang bansa?
A. Upang magkaroon ng maraming trabaho.
B. Upang magkaroon ng maayos na sistema at kaayusan.
C. Upang maging popular sa buong mundo.
D. Upang maging masaya ang mga mamamayan.

30. Saang direksiyon ng Pilipinas matatagpuan ang Pacific Ocean?


A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog

31. Ano ang epekto ng lokasyon ng Pilipinas sa karagatang tropiko sa klima nito?
A. Nagdudulot ng apat na panahon kada taon.
B. Nagdudulot ng mainit na klima buong taon.
C. Nagdudulot ng malamig na klima buong taon.
D. Nagdudulot ng dalawang pangunahing panahon - tag-ulan at tag-init.

32. Bakit mahalaga ang mga anyong lupa tulad ng mga burol at bundok sa ekonomiya ng bansa?
A. Ang mga bundok at burol ay magagandang lugar para sa mga picnic.
B. Ang mga bundok at burol ay magagandang lugar para sa photography.
C. Ang mga bundok at burol ay mainam na tirahan para sa mga hayop.
D. Ang mga bundok at burol ay may yaman tulad ng mineral at iba pang mga likas na yaman.

33. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
A. may tao.
B. may tao at teritoryo.
C. may tao, teritoryo at pamahalaan.
D. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya.

34. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa?
A. Ito ay sariling wika
B. May kultura at tradisyon na naiiba sa ibang bansa
C. May mga mamamayan at may sariling pagkakalilanlan at kayang maipagmalaki ang bansa.
D. Lahat ng nabanggit

35. Paano nakakaapekto ang lokasyon ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa?
A. Mahirap makipag-ugnayan dahil sa iba’t ibang panahon.
B. Mahirap makipag-ugnayan dahil sa malayo sa ibang bansa.
C. Madaling makipag-ugnayan dahil sa parehong panahon sa lahat ng bansa.
D. Madaling makipag-ugnayan dahil sa strategic na lokasyon nito sa Asya.

36. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ang 3 sentimetro ay magiging
katumbas ng?
A. 300 km B. 250 km C. 200 km D. 150 km

37. Aling pangungusap ang MALING paglalarawan tungkol sa temperature ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperature sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitude ng mga lugar sa temperature.

38. Ano ang kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular?


A. Nagsisilbing daanan kalakal mula sa iba’t-ibang bansa.
B. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito.

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School
C. Kainaman ng mga daungan sa bansang nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat.
D. Lahat ng nabanggit

39. Ano ang katangian ng Karagatan?


A. Pinakamalaking anyong tubig.
B. Mapagkukunan ng mga isda, perlas, kabibi at iba pang yamang daga.
C. Daanan ng mga sasakyang pandagat na ginagamit bilang transportasyon.
D. Lahat ng nabanggit.

40. Kailan inilalagay sa babala bilang 3 ang isang bagyo?


A. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras.
B. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hangang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na
oras.
C. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hangang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na
oras.
D. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hangang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School
ANSWER KEY
ARALING PANLIPUNAN 4

1. D 11. C 21. B 31. A


2. D 12. C 22. B 32. A
3. C 13. B 23. A 33. D
4. C 14. B 24. A 34. D
5. B 15. A 25. D 35. D
6. B 16. A 26. D 36. D
7. A 17. D 27. C 37. A
8. A 18. D 28. C 38. D
9. D 19. C 29. B 39. D
10.D 20. C 30. B 40. D

#6 Puritac, Pinili, Ilocos Norte


Email : 100246@deped.gov.ph
Puritac-Dalayap Elementary School

You might also like