Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang Filipino

(Tula ni Bb. Jaynie E. Ocampo)

Wikang katutubo,
Ay sadyang mahalaga
Sa ating lahat
Lalo sa bansa.
Pagkakakilanlan at kultura,
Dala-dala sa bawat awit,
Kwento at tula
Nagpasalin-salin sa katutubong madla.
Higit sa pagkaka-iba
Ay ang pagkakatulad nila,
Na waring pag-ibig
Sa isang sinisinta.
Na habang lalong inaalala
At kinakalinga,
Nag-aalab at namumulat,
Sa mga natutulog na diwa.
Pinag-yayaman mga pangkat Etniko:
Mula sa Batanes hanggang sa pinakadulo,
Tawi-tawi, Jolo
Katutubo man sa bundok, tabing-tubig o kapatagan at pulo,
Pinakukulay ang ating pagka-Pilipino.
Iba-iba man
Ang katutubong wika,
Napag-iisa naman
ng mabuting adhika.
Alamin at pagyamin
Ang wika natin;
Upang Bansang Filipino'y
Mapagyaman natin.
Huwag limutin,
Bagkus ay pagyamanin,
Mga katutubong wika
na taal sa atin.
Tingnan ang magagawa ng pagkakaiba-iba
Sa pagpapayabong ng ating wika,
Panahon upang magkaisa
Para sa minamahal na bansa.

You might also like