FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga magkasingkahulugan

1. Dalisay – malinis
2. Sobra – wagas
3. Masipag – masigasig
4. Lumalayo – umiiwas

IBA PANG URI NG PANG-ABAY


A. Ingklitik - Ang pang-abay na ingklitik na isang ring uri ng pang-abay ay maikling kataga na walang kahulugan kung
nag-iisa lamang ito ngunit nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Inilalagay ito sa pagitan ng
pangungusap upang mas lalong luminaw ang kahulugan nito.
Halimbawa:
man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.
 Ako pala ang magdadala ng kaserola.
 Ikaw yata ang kumuha ng kendi.
 Binigyan siya ng pera kaya siya masaya.
 Ako sana ang kasama nya ngayon.
 Pupunta yata sila sa nayon.
 Ikaw pala ang may-ari ng bag na pula.
 Si Juana naman ang pahiramin mo ng laruan.
 Siya daw ang nagwagi sa paligsahan.
 Mahirap pala ang pagsusulit sa Math.
 Aalis sana ako ngayon.

B. Kondisyonal - Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may pariralang
kung, kapag/pag, o pagka.
Halimbawa:
 Bibilis kang magbasa kung magsasanay ka palagi.
 Bibilihan kita ng laruan kapag marunong ka ng magsulat ng pangalan mo.
 Lalaki kang marunong kung nakikinig ka sa mga sinasabi ko.
 Hindi ka magkakasakit kung marunong kang mag-ingat sa katawan mo.
 Aalis lang tayo kapag naubos mo na ang kinakain mo.

C. Kusatibo - Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng parirala na
pinangungunahan ng dahil sa at sapagkat.
Halimbawa:
 Dahil sa iyo ay pinalabas din ako ng ating guro.
 Dahil sa hindi ko pagsama sa field trip ay may proyektong pinagawa sa akin si Ginang Robles.
 Dahil sa kapalpakan ng pinuno ay nagdusa ang mga mamamayan.
 Dahil sa hindi pakikinig ng leksyon kaya ako bumagsak sa pagsusulit.
 Dahil sa kaingayan kaya nagalit si Ginoong Santos sa akin.
Sanhi at Bunga
Sanhi – ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.
Mga Hudyat na nagpapahayag ng sanhi:
1. Sapagkat
2. Dahil/ Dahil sa/ Dahilan sa
3. Palibhasa
4. Ngunit
5. At kasi
Bunga – Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari
Mga Hudyat na nagpapahayag ng bunga:
1. Kaya/ Kaya naman
2. Kung/ Kung kaya
3. Bunga nito
4. Tuloy
Halimbawa:
1. S: Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng pera
B: kaya nakabili siya ng bagong kotse.
2. S: Si Andrea ay palaging maaga magising sa umaga
B: kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan.

You might also like