Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Document Code FM-STL-013

Saint Louis University Revision No. 01


School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 1 of 11

Explore

ELEMENTO NG SINING
Mahalagang magtaglay ng malawak na kaalaman sa mga elementong ng sining biswal
upang matamo ang mataas na pagtingin sa larang na ito. Tumutukoy ang elemento ng
sining biswal sa mga materyal na ginagamit ng mga artist sa paggawa ng kanilang mga
obra.

Ang mga materyal ay maaaring mahati sa dalawa:

1. Midyum- Ito ang pisikal na materyal kung saan nadarama ang isang likhang
sining. Ito ay kongkreto.

2. Elemento- Ang mga katangian o kalidad na napapaloob sa taglay ng


midyum. Kadalasan, ang elemento ay abstrak.

PITONG ELEMENTO NG SINING-BISWAL

1. LINYA.Itinuturing na pinakasimple, pinakanuno at pinakaunibersal na paraan ng


paglikha ng sining- biswal.

Mga marka o palatandaan itong nagpapakita ng direksyon, oryentasyon o mosyon ng


isang likha.

Itinuturing na isang omnipresenteng elemento na napakadinamiko ang puwersa


sapagkat ito ang humahatak sa paningin kapag pinagmamasdan ang obrang sining.

DALAWANG PANGUNAHING KLASE NG LINYA

a. Tuwid o Diretso

___________________________

b. Kurbado

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 1
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 2 of 11

POSISYON NG TUWID NA LINYA AYON SA PORMA

a.Patayo/vertical b. Pahalang/Horizontal c. Pahilis/pahilig/Diagonal

Bawat linya ay nagsasaad ng kahulugan o naghahayag ng nilalaman o


may expressive content.

May mga ideya, damdamin o sensasyon itong ipinipresenta sa obrang-


sining.

Halimbawa:

a. Ang linyang Patayo(Vertical) ay nagpapakita ng tensyon, katatagan,


dignidad atbp.

b. Ang linyang Pahalang (Horizontal) ay kapayapaan, katiwasayan,


kamatayan atbp

c. Ang linyang Pahilis/ pahilig (Diagonal) ay ang di-kasiguraduhan,


pagbagsak, panganib atbp.

Samantala, ang mga Kurbadong linya ay maaaring…

a. Solo

b. Doble

c. Kumbinasyon

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 2
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 3 of 11

Ang mabibilis na kurba ay maiikli, ang mababagal ay mahahaba

a. Mabilis

b. Mabagal

Ang repitisyon o multiplisidad ng mga kurbabong linya ay nagpapatindi sa


kilos, sigla at lakas

Nagbibigay ito ng…


a. emosyunal na intensidad,
b. masimbuyong personalidad,
c. Dinamikong karakter
Pag malalim ang kurba o matarik kaya mas malakas ang aksyon, emosyon
at tensyon

Halimbawa:

Mahina Malakas

2. VALYU

Degri ito ng kaliwanagan at kadiliman sa isang pinta o grafik.

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 3
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 4 of 11

Relatibo ang kaantasan nito, ibig sabihin, hindi itinatakda, nagpapabagu-bago,


depende sa pananaw o prinsipyo ng artist at sa paggamit niya ng kulay.

Ipinapakita sa Valyu ang kaantasan ng luminosidad o kaliwanagan ,na walang iba


kundi ang presensya o kawalan ng liwanag.

Halimbawa:

Pag nanaig ang gamit ng puti, maliwanag, napapataas ang valyu ngunit kung
itim, madilim, napakababa ng valyu.

Maaari din namang haluing pantay sa kandidad ang puti at itim para nasa
midyum o katamtaman. Pansinin ng iskala…

PUTI MALIWANAG MIDYUM MADILIM ITIM

Tinatawag na medyo malapit o malapit-lapit ang valyu kapag hindi lumalapat sa


alinmang punto sa iskala ang mga valyu.

Yaon lamang nasa pagitan ng itim at midyum o midyum at puti ang mga valyu.

Tinatawag na TINT ang paghahalo ng puti sa isang kulay upang makalikha ng


mas maliwanag na valyu.

Ang SHADE naman ay ang paghahalo ng itim upang makalikha ng mas madilim
na valyu.

3. KULAY

Isa itong phenomenon ng liwanag o persepsyong biswal na nagbibigay tulong sa


paningin para mapag-iba ang magkakaparehong bagay (Webster sa pagbanggit ni
Arrogante)

Lahat-lahat sa mundo ay may kulay. Sa sining nagdaragdag ito ng epekto sa


linya at valyu.

KATANGIAN/KATAWAGAN SA KULAY

1.Hyu/hue

Pinakabatayang pangalan ng kulay tulad ng

a.pula, b. berde, c.bughaw

Pero dahil maraming klase ang kulay at para mapadali ang pagkilala sa
kaibahan ng bawat isa, ang hyu sa ginagamit na batayan sa pagkilala.

GULONG NG KULAY

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 4
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 5 of 11

KAANTASAN NG HYU

1. Ang primaryang hyu

Ganito ang tawag dahil nagagamit ang mga ito para makabuo ng iba pang
kulay
Ito ay ang mga kulay dilaw, asul at pula

2. Ang sekundarya o binaryong kulay

Bunga naman ito ng paghahalo ng mga primaryang kulay.


Ito ay ang mga kulay na berde, Kahel (orange) at lila (Violet)

3. Ang mga intermidyet na kulay

Nasa pagitan ng primary at sekondaryang kulay.

Malambot na kulay ang mga ito dahil nabubuo ito sa pamamagitan ng


paghahalo ng mga sekundaryang kulay.

Ito ay may 6 na kulay..


3.1.yellow-orange
3.2.red-orange
3.3.red-violet
3.4.blue-violet
3.5.blue- green
3.6.yellow-green

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 5
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 6 of 11

Alinman sa dalawang direktang magkasalungat na kulay kapag pinaghalong


pantay ang kantidad, makabubuo ng itim o maitim na grey. Tinatawag itong
magkakumplementaryong kulay .

Ngunit kapag hindi pantay ang kantidad ng mga magkakomplementaryong


kulay, ito ay magbabahid sa isa’t isa. Halimbawa, ang kaunting asul kapag
nilagyan ng kahel (orange) ay makakabuo ng kayumanggi (brown).

2. Harmonya ng kulay

Ang tama at maayos na pagkukumbinasyon ng mga kulay ay nagbibigay


ng mainam na epekto sa paningin.

PRINSIPYO NG KONTRAST SA HARMONYA NG KULAY

1. Magkakumplementaryo ang kulay pag direktang magkasalungat sa Gulong ng


kulay.

2. Malapit na magkakakumplementaryo ang kulay kapag sumusunod ang mga ito


sa kumplementaryo. Tinatawag itong split complimentary

3. Trayad naman kapag ang tatlong kulay ay magkakapantay-pantay ang


distansya ng pagkakalayo sa espasyo.

MAIINIT AT MALALAMIG NA KULAY

May temperatura din ang mga kulay ayon sa dating nito sa paningin.

MALALAMIG MAIINIT

● Pag-urong o Distansya ● Pagsulong o lapit

● Mga kulay sa kaliwang ● Mga kulay sa Kanan na


bahagi ng gulong ng kulay bahagi ng gulong ng kulay

3.Saturasyon

Lakas o intensidad itong taglay ng hyu na maaaring matingkad o malamlam.

Tumutukoy sa kahinaan at kalakasan ng liwanag na nirireflek ng kulay ng


obra.

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 6
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 7 of 11

Nag-iiba-iba ang intensidad ng kulay na maaaring ganap, di-gaanong


ganap at neutral.

Halimbawa:
Sa dalawang kulay na parehong pula, maaaring mas madilim ang
pagkapula ng isa, pero maaaring mas matingkad ang kakinangan ng isa kaysa
sa iba.

Kapag kumikinang ang tingkad ng isang kulay, sinasabing ganap ang intensidad
nito, ngunit kapag naman may kalamlaman ang kulay,neutral naman ang
intensidad.

Kapag ang kulay ay ganap na neutralisado, nawawala ang kulay at nagiging


grey.

Nagbabago ang kulay kapag hinanay sa ibang kulay. Naapektuhan ito ng


kapaligiran. Kapag ang katabi ay medyo maliwanag na kulay,mas tumitindi ang
medyo madilim na kulay o vice versa.

4. TEKSTURA

Ito ang elementong umaapela sa pandama o panghipo sapagkat kalidad


o katangian ito ng ibabaw ng anumang bagay.

Maaaring makinis o magaspang,madulas o mabako, manipis o makapal o


mapino o mahibo.

Pangunahing batayan ng tekstura ang midyum.

Nakaprograma na sa guniguni ang mga bagay na pamilyar kaya ang


kaalaman sa mga bagay na nakikita ng nakadetalye sa obra, agad nang
nahihiwatigan ang hipo nito maliban na lamang doon sa mga hindi kilala.

Halimbawa:

1. Ang marmol at holen ay alam nang makikinis, ang pinya at langka naman ay
magagaspang, kaya natural lamang na asahan ito.

2. Sa pinta, makinis ang water color, magaspang ang oil.

3. Sukatan din ng tekstura ang aplikasyon ng pintura at ang teknik na ginamit ng


artist.

5.HUGIS

Nabubuo kung ang isang linya o mga linya ay nagkakasalubong upang ikulong ang
isang espasyo.

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 7
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 8 of 11

Binibigyan niya ng taas at lawak ng isang bagay ngunit hindi ng lalim.

MAHAHALAGANG KONSEPTO SA HUGIS

1. Geometric- Mga hugis na bilog, parisulat, parihaba, tatsulok na nakikita sa


gawang arkitektural at mga kagamitan.

2. Organic- Malaya, impormal at hindi regular na mga hugis tulad ng mga nakikita
sa kalikasan.

3. Positive- Ang hugis mismo ng bagay

4. Negative- Ang hugis ng espasyo sa palibot ng bagay

5. Static- Mga hugis na hindi gumagalaw/ hindi magalaw

6. Dynamic- Mga hugis na tila gumagalaw at aktibo .

6.ESPASYO

Lugar sa loob, palibot o sa pagitan ng isang plastadong (flat) bagay o sa pagitan


ng foreground at sa mga nakapalibot sa isang bagay.

Isang teknikal pansining ang perspektiba na ginagamit para maipakita ang


distansya at posisyon ng mga bagay sa espasyo

MAHAHALAGANG KONSEPTO SA ESPASYO

1. Positibong Espasyo- Ang nagsalubong na linyang nagrerepresenta sa isang


bagay

2. Negatibong Espasyo- Ang espasyo sa palibot ng isang bagay.

3. Picture plane- ang plastado(flat) na espasyo sa ibabaw ng isang drawing paper o


canvas.

4. Composition- Ang pagkakaayos o pagkakalagay ng mga elemento sa picture


plane.

5. Focal point- Ang bagay o espasyo na nakakakuha sa atensyon ng isang


tumitingin sa obra.

6. Depth- Ang paggamit ng perspektibo upang makalikha ng 3-Dimensional na


ilusyon sa isang 2-Dimensional na surface.

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 8
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 9 of 11

7. FORM/PORMA

May pagkakaiba ang pagtingin sa bolyum sa mga sining biswal

Halimbawa:

1. Sa pinta na dalawang dimensyon lamang, dalawa ang paraan na ginagamit.

a. Sa pamamagitan ng mga kontornong linya,ang mga balangkas o hugis


ng bagay.

b. Sa pamamagitan ng liwanag at dilim sa ibabaw.

2. Sa Iskultura at arkitektura ay may tatlong dimensyon at sadyang umuukupa ng


espasyo kaya nakikita naman ito sa iba’t ibang anggulo ng kaanyuan sa
posisyon ng tagamasid kaya naman nagbabago-bago rin ang direksyon
ng mga nakikitang kortorno ng mga linya at mga anino, tuloy maraming
iba’t ibang impresyon ang nakukuha.

PRINSIPYO NG SINING
1.Balanse/ Timbang

May kinalaman sa kaayusan ng mga bahagi mula sa sentro ng atensyon.

Hindi lamang limitado sa pagtimbang ng bigat kundiiniaangkop sa puwersang


atraksyon na pumapaloob sa sining biswal.

DALAWANG PANGUNAHING URI

SIMETRIKAL ASIMETRIKAL

Timbang ang disenyo Nakapagpapaisip at


nakatatawag ng atensyon na
galugarin pa ang bagay para
tayahin kung paano ito
mababalanse

Pormal ang plano Impormal

Lamang Aktibo dahil nakakaakit ng


kuryusidad

Magkaparehong-magkapareho, Hindi identikal


identical

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 9
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 10 of 11

Ang hitsura ng dalawang panig Magkaiba ang hitsura ng


ay parang tinitingnan sa salamin dalawang panig

Masyadong punahin at mas


matalisik

PIRAMIDAL ang timbang sa pinta dahil singkaraniwan ito ng simetrikal sa


arkitektura. Nakilala sa gayong tawag dahil nasa taas o tuktok ang diin.

VERTIKAL ang timbang kung iisa lamang ang patayong pigurang


pinagtutuunan tulad ng mga gusali, mga estatwa, mga monumento at
mga buong solong katawang pigura.

REYDYAL o PARAYONG timbang naman ang disenyo kung may sentrong


punto itong mulaan, bagamat may ilang artist na inilalagay ang sentro sa
alinmang gilid.

2.Emphasis/Diin

Paraan ng pagsasama ng mga elemento upang maipakita ang


pagkakaiba-iba ng bawat elemento.

Pagbibigay importansya sa mga sumusunod:

a. Bahagi sa kabuuan
b. Mahalaga sa di gaanong mahalaga
c. Pantay sa kaiba
d. Matingkad sa neutral
e. Nakataas sa nakababa

Pagpapakita ito ng baryasyon o mga pagkakaibang nakatatawag ng


atensyon, nakakawala ng bagot sa anumang monotono.

3.Proportion/pagkapantay-pantay

Prinsipyo ng disenyo na tumutukoy sa ugnayan ng mga elemento sa


kabuuan at sa isa’t isa.

4.Variety/Pagkakaiba-iba

Prinsipyo ng disenyo na tumutukoy sa pagkakaiba-iba. Matatamo ito sa


pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang hugis, sukat at kulay sa gawang
sining.

5.Movement/Paggalaw

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 10
Document Code FM-STL-013
Saint Louis University Revision No. 01
School of Teacher Education and Liberal Arts Effectivity June 07, 2021
Page 11 of 11

Prinsipyo ng disenyo na ginagamit upang makalikha ng imahe at


damdamin ng pagkilos upang gabayan ang mga tumitingin sa gawang sining
na suriin ang kabuuan ng obra.

6.Rhythm/Ritmo

Prinsipyo ng disenyo na nagpapakita ng pagkilos.

Nakakamit sa pamamagitan ng maingat na paglalagay ng mga


elemento sa tamang kalagyan upang makalikha ng biswal na tempo o beat.

7.Harmony/Kaisahan

May harmoni ang kaisahan kung ang kombinasyon ng magkakatulad na


katangian o ng magkakaibang patern ay nauulit-ulit.

Isang paraan din ito ng pagsasama-sama ng mga elemento ng gawang


sining upang maipakita ang pagkatulad ng mga ito.

Nakakamit sa pamamagitan ng pag-uuli-ulit at ang unti-unting


pagbabago ng mga elemento.

Property of and for the exclusive use of SLU. Reproduction, storing in a retrieval system, distributing, uploading or posting online, or transmitting in any form or by any
means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise of any part of this document, without the prior written permission of SLU, is strictly prohibited. 11

You might also like