Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

5

MAPEH(Health)
Learning Activity Sheets
Quarter 3: Week 1 & 2

Division of Angeles City


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 1- COMPETENCY 1

MGA KONSEPTO NG DROGANG GATEWAY:


CAFFEINE, TABAKO AT ALCOHOL

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

ALAMIN MO
MELCS: Explains the concept of gateway drugs H5SU-IIIa-7

Madalas tayong nakaririnig ng mga babala tungkol sa mga masamang epekto


sa kalusugan ng paninigarilyo at pag-inom ng sobrang kape at inuming may alcohol o
alak.
Ang gamot o drugs ay nakapagpapabago ng prosesong kemikal sa loob ng ating
katawan. Ayon sap ag-aaral, maaaring maging dahilan nito ang nakakahalnang epekto
ng caffeine, tabako at alcohol na kinikilala bilang mga gateway drugs.

Ang Caffeine ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis


ang paggamit nito ay makasasama sa kalusugan.

Ang Nikotina ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako.


Ang paulit-ulit na pagsindi ng sigarilyo ay ginagawa ng ilang kabataan at matatanda
dahil sa epekto ng nikotina na tumatagal lamang ng ilang minuto.

Ang Alkohol ay isang inuming may ethanol.

PAGSANAYAN MO

Gawain 1
Ayusin ang mga letra sa loob ng panaklong upang makabuo ng ng salita ayon
sa inilalarawan ng parirala.

1.Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang _________(akaobt).


2.Ang _____ (aepk) ay may mataas na sangkap ng caffeine.
3.Ang alcohol ay inuming may _______ ( eahntlo).
4.Ang sigarilyo ay may _____ ( ktiionan) na nakakapagdulot ng panandaliang
kasiyahan.
5. _________ (icenfaef) ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis
ang paggamit nito ay nakakasama sa kalusugan.

2 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


TANDAAN MO

Ang gateway drugs o drogang gateway ay nakakahalina at nakakaakit


gamitin kung kaya’t paulit-ulit na ginagamit o tinitikman hanggang maging bahagi na
sila ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. May mga substansiyang tinatawag na
gateway drug dahil sa paggamit ng mga ito ay madalas nauuwi sa paggamit.
Gawain 2

Magbigay ng (1) dahilan ng pagkahikayat ng mga tao sa gateway drugs.

1.Caffeinne
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2.Nikotina
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3.Alkohol
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

ISAPUSO MO

Gawain 3

Alamin ang katumbas na letra ng bawat numero. Isulat sa papel ang nabuong
konsepto.

A-1 H-8 O-15 V-22


B-2 I-9 P-16 W-23
C-3 J-10 Q-17 X-24
D-3 K-11 R-18 Y-25
E-5 L-12 S-19 Z-26
F-6 M-13 T-20
G-7 N-14 U-21

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
1 14 7 4 18 15 7 1 14 7

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___


7 1 20 5 23 1 25 1 25
3 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
14 1 11 1 8 1 8 1 12 9 14 1 1 20

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
14 1 11 1 1 1 11 9 20 7 1 13 9 20 9 14

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
11 1 25 1 16 1 21 12 9 20 21 12 9 20

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
14 1 7 9 14 1 7 1 13 9 20 15

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
20 9 14 9 20 9 11 13 1 14

REFLECTION

Sagutin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) sa tamang kahon.

Inilaang Kinalabasan ng Pag-aaral Opo Hindi po


1 Nagawa ang mga gawain ng buong husay.
2 Nakasunod nang tama sa mga panuto sa paggawa ng gawain.
3 Nasagot ng may kawilihan ang mga gawain

4 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 1- COMPETENCY 2

Mga Produktong may Caffeine

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

ALAMIN MO
MELCS: Identifies products with caffeine (H5SU-IIIb-8)

Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at


buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan
at ihalo sa mga pagkain. Ang caffeine ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa
nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo
ng isang indibidwal.

Ang caffeine ay matagpuan sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at


maraming soft drinks, tsaa, energy drinks. May sangkap ding caffeine ang tsokolate
mga inumin na may artipisyal na pampatamis, kendi, cereal, syrup at ilang chewing
gum.

PAGSANAYAN MO

Gawain 1

Hanapin ang mga produktong may sangkap na caffeine. Isulat ang mga nahanap
na salita sa sagutang papel.

C A P P U C C I N O
Q W G E U S F D Y C
K E H R I Y V K H E
A D J T O R B E D R
P S K Y P U N N A E
E D L U K P H D W A
E N E R G Y A I Y L
S O F T D R I N K S
Z T S O K O L A T E
C V T S A A K T Y I

5 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


TANDAAN MO

Ang Caffeine ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis


ang paggamit nito ay nakakasama sa katawan. Itp ay madaling malagom o matnggap
ng katawan. Mabilis at direkta ang epekto nito sa utak, pag-iisip at hindi naiipon sa
dugo o naitatago sa katawan ng tao. Ngunit mabilis din itong lumabas sa katawan sa
pamamgitan ng pag-ihi pagkatapos ng ilang oras nap ag-inom o paggamit nito.

ISAPUSO MO

Gawain 2

Isulat ang TAMA kung ang pinapahayag ng pangungusap ay tama at MALI kung hindi.

________1. Ang caffeine ay alkaloid na matatagpuan sa halamang tabako.


________2. Ang caffeine ay nagsisilbing stimulant o pampasigla ng katawan.
________3. Ang mga matatamis na pagkain ay nagtataglay ng caffeine.
________4. Ang caffeine ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung
labis ang paggamit nito ay nakakasama sa ating katawan.
________5. Mabagal ang paglabas ng caffeine sa katawan

REFLECTION

Sagutin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) sa tamang kahon.

Inilaang Kinalabasan ng Pag-aaral Opo Hindi po

1 Nagawa ang mga gawain ng buong husay.

2 Nakasunod nang tama sa mga panuto sa paggawa ng gawain.

3 Nasagot ng may kawilihan ang mga gawain

6 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 1- COMPETENCY 3

EPEKTO NG SOBRANG PAGGAMIT NG CAFFEINE, TOBACCO AT


ALCOHOL

Pangalan: _______________________________________Pangkat: ______________


Seksyon: ________________________________________Petsa: ____________________

ALAMIN MO
MELCS: Describes the general effects of the use and abuse of caffeine,
tobacco and alcohol. H5SU-IIIde-10

Madalas nating marinig at mapanood ang masasamang epekto ng paninigarilyo at pag-


inom ng inuming may alkohol. Sa mismong pakete ng sigarilyo ay may nakatatak na babala
tungkol sa masamang epekto nito sa kalusugan. Gayunpaman, bakit maraming tao ang patuloy
na gumagamit nito? Bakit maraming kabataan ang natutuksong subukan ito upang sa kalauna’y
malulong sa masamang bisyo na ito? Maging ang masamang dulot ng paglalasing ay madalas
makikita sa mga balita at iba pang palabas. Subalit, bakit marami pa ring taong patuloy na
tumatangkilik sa mga produktong alak?

Epekto Ng Caffeine Sa Katawan Ng Tao


Ang caffeine ay nakapagpapasigla sa puso at sa central nervous system. Ito ay
nagsisilbing stimulant o pampasigla, tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pinalalaki ang
daanan ng hangin patungo sa baga. Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot
ng ilang hindi magandang epekto sa katawan partikular na sa nervous system at mga kalamnan.
Maaaring maranasan ang mga sumusunod:
1. Insomnia o hirap sa pagtulog 6. Mabilis na pagtibok ng puso
2. Pagiging nerbyoso 7. Panginginig ng mga kalamnan

7 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


3. Hindi mapakali 8. Sobrang sakit ng ulo
4. Pagiging irritable o madaling mainis 9. Madalas na pag-ihi
5. Paghilab ng tiyan

Ang pag-inom ng mga bata ng cola o soft drinks at pagkain ng tsokolate sa dakong gabi
ay nakapagdudulot ng insomnia o hindi pagkatulog.

Sigarilyo at Usok Nito, Iwasan Mo!

Ang mga taong naninigarilyo o first-hand smoke, mga taong napapaligiran ng mga
taong naninigarilyo o second-hand smoke, at ang mga taong mahilig pumunta o mamalagi sa
lugar na pinagdadausan ng paninigarilyo o third-hand smoke ay malaki ang posibilidad na
magkasakit dahil sa usok ng sigarilyo.
Ano-ano ang sakit na dulot ng nikotina sa katawan ng tao? Ayon sa pag-aaral at
pananaliksik, ang mga sakit na dulot ng paninigarilyo ay ang mga sumusunod:

1. Sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema 6. Katarata (cataracts)


2. Matinding ubo at sipon 7. Pagkabulok ng ngipin
3. Kanser sa baga, bibig at lalamunan 8. Pagkalagas ng buhok
4. Atake sa puso, stroke at altapresyon 9. Pagkawala ng pandinig
5. Pangungulubot ng balat dahil sa kawalan ng protina

Inuming May Alkohol, Sagabal sa Pangarap Mo!


Ang alkohol ay may panandalian at pangmatagalang epekto sa katawan ng tao.

EPEKTO NG ALKOHOL SA KATAWAN NG TAO


Panandalian Pangmatagalan
• Nahihirapang umunawa at magpasya • Pagkakaroon ng sakit sa atay (liver-failure)
• Nahihirapang magsalita • Pagkasira ng brain cells
• Nawawalan ng balanse sa katawan • Pagkakroon ng maraming asido na sanhi ng
• Pananakit ng ulo at katawan pagkasugat sa loob ng tiyan na maaaring mauwi
• Pagkakroon ng aksidente sa lansangan sa pagdurugo
• Nagdudulot ng high blood at sakit sa puso
• Pagkasira ng lapay
• Nagdudulot ng epilepsy, obesity at sakit sa balat

8 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


PAGSANAYAN MO

GAWAIN 1
Isulat ang EC kung ang tinutukoy ay epekto ng caffeine, EA kung epekto ng alkohol at
EN kung epekto ng nikotina. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Sobrang sakit ng ulo _____6. Sakit sa lapay


_____2. Pagkalagas ng buhok _____7. Pagiging nerbiyoso
_____3. Insomnia _____8. Pangungulubot ng balat
_____4. Kanser sa baga at bibig _____9. Sakit sa balat
_____5. Sakit sa atay _____10. Mabilis na pagtibok ng puso

TANDAAN MO

GAWAIN 2
Hanapin sa loob ng kahon ang mga tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Caffeine First-hand smoke Nervous System


Third-hand smoke Alkohol Paninigarilyo
Sakit sa atay Insomia Cola o soft drinks
Second-hand smoke

___________________1. Ang tawag sa mga taong naninigarilyo.


___________________2. Ito ay may panandalian at pangmatagalang epekto sa katawan
ng tao.
___________________3. Sila ang mga taong napapaligiran ng mga taong
naninigarilyo.
___________________4. Ito ay nagsisilbing stimulant o pampasigla, tumutulong sa
pagtunaw ng pagkain at pinalalaki ang daanan ng hangin
patungo sa baga.
___________________5. Isa sa mga epekto ng paggamit nito ay ang pagkalagas ng
buhok.

9 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


___________________6. Ito ang nagiging dulot ng pag-inom ng cola o soft drinks at
pagkain ng tsokolate ng mga bata sa dakong gabi.
___________________7. Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng
ilang hindi magandang epekto sa katawan partikular na sa
_______________ at mga kalamnan.
___________________8. Ang pag inom ng mga bata nito ay nagdudulot ng hindi
pagkatulog o insomnia sa gabi.
___________________9. Sila naman ang mga taong mahilig pumunta o mamalagi sa
lugar na pinagdadausan ng paninigarilyo.
___________________10. Ito ay pangmatagalang epekto sa katawan ng tao kapag labis
ang pagkonsumo ng mga inuming may alkohol.

ISAPUSO MO

GAWAIN 3
Isulat sa sagutang papel ang maaaring maging epekto ng mga sumusunod na sitwasyon.

1. Imbes na tubig, soft drinks ang iniinom ni Mang Abel araw-araw.


2. Si Aling Susan ay apatnapung taong gulang na. nagsimula siyang manigarilyo
sa edad na labing-isang taon.
3. Lasing si Mark dahil galling siya sa kaarawan ng kaibigan niya ngunit pinilit pa
rin niya ang kanyang sarili na magmaneho ng kaniyang sasakyan.
4. Nagkaroon ng sakit sa atay si Dennis dahil s amalakas uminom ng alak. Ang
kapatid din niya ay malakas ding uminom.
5. Minsan ay nadatnan ni Camille ang mga batang pinsan na naninigarilyo nang
patago. Hindi siya pumayag nang niyaya siyang subukan din ito. Ngunit lagi
naman siyang sumasama sa kanila.

REPLEKSYON
Lagyan ng tsek (√) ang hanay kung saan naaangkop ang iyong sagot sa mga gawain
na nasa ibaba.

Learning Outcomes Oo Hindi


Nalalaman ang masamang epekto ng sobrang paggamit ng
1
caffeine, tobacco at alcohol sa katawan.

10 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


Umiiwas ako sa mga pagkaing may caffeine lalo na kapag gabi
2
upang maiwasan ay di pagkatulog o insomnia.
Sumubok nako ng mga pagkaing may halong alcohol at
3
tobacco.
Upang mapanatili ang malusog na pangangatawan, umiiwas ako
4
sa mga lugar na maraming naninigarilyo.
Ginagaya ko ang mga ginagawa ng aking mga kaibigan para
5
mapabilang sa kanilang grupo.
Nauunawaan ko na ang maaari maging dulot ng sobrang
6
paggamit ng caffeine.
Natutukoy ko ang mga sakit na dala ng mga inuming may
7
alkohol.
Lagi akong naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos gawin
8
ang aking mga nakatakdang Gawain.
Nagsusuot ako ng face mask kapag nagpapatulong ako sa aking
9 mga Gawain sa ibang miyembro ng aming pamilya na hindi
nakatira sa amin.
Lagi akong nagbabasa ng mga aralin para sa mga susunod na
10
paksa sa bawat asignatura.

11 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 2- COMPETENCY 4

KAHIHINATNAN NG PAGGAMIT AT PAG-ABUSO NG CAFFEINE,


TOBACCO AND ALCOHOL

Pangalan: _________________________________Pangkat: ______________


Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________________

ALAMIN MO
MELCS: Analyzes how the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol can
negatively impact the health of the individual, the family and the community.
H5SU-IIIfg-11

Bakit itinuturing na gateway drug ang alak at sigarilyo? Anong negatibong naidudulot
ng mga ito sa sarili, pamilya, at sa lipunan? Itinuturing na droga ang alak at sigarilyo sapagkat
ang mga ito ay may mga sangkap na nakakalulong. Ang patuloy na pang-aabuso ng mga ito ay
maaaring humantong sa paggamit ng mas malalakas at ipinagbabawal na gamot at droga.

Ang sobrang paggamit ng caffeine ay may negatibong epekto sa sarili sapagkat hindi
makapagbibigay ng buong atensiyon sa pag-aaral o sa trabaho man dahil sa hindi sila mapakali
at naginginig ang kanilang kalamnan. Nagiging sanhi rin ito ng pagiging irritable o madaling
mainis na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan at maging sa lipunan.

Ang sigarilyo ay naglalaman ng nikotina, ang kemikal na siyang hinahanap-hanap kung


kaya’t ang isang pagsindi ay nasusundan ng ilan pa hanggang sa hindi namamalayang isang
kahon na ng sigarilyo ang nauubos sa isang araw. May mga hindi naninigarilyo sa bahay o
komunidad na nagkakasakit dahil sa usok na nalalanghap nila mula sa sigarilyo. Ang tawag sa
kanila ay passive smokers. Ang paninigarilyo ay maaaring magkaroon ng matinding epekto sa
pananalapi ng tao dahil sa ginagastos sa pagbili ng gagamiting sigarilyo araw-araw at para sa
12 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2
pangangailangang pangkalusugan at hospitalisasyon kapag nagsimulang tamaan ng mga
karamdaman na dulot ng paninigarilyo.
Isa pang nakalululong at mapanganib sa kalusugan ay ang inuming may alcohol
sapagkat nagdudulot ito ng malubhang karamdaman at pinsala sa sarili, pamilya at sa
komunidad. Ang pagmamaneho habang lasing ang dahilan ngbmaraming aksidente sa
lansangan na hindi lamang ang nagmamaneho kundi pati mga inossenteng tao ang nadadamay,
malubhang nasusugatan o namamatay. Inuming may alkohol din ang dahilan ng pag-aaway sa
tahanan ng mga miyembro ng pamilya, at ng gulo ng mga kabataan at matatanda sa mga
komunidad.
Ang mga sumusunod na sitwasyon ang ilan sa mga kinahihinatnan ng pagkalulong sa
inuming may alkohol.
1. Pagbaba ng kalidad ng trabaho
2. Pagkalimot
3. Mga simbuyong mapanira sa sarili kabilang ang pagpapatiwakal
4. Pagkalapitin sa aksidente
5. Nagiging marahas sa kapamilya, kaibigan at mga tao sa pamayanang kinabibilangan
nila.

PAGSANAYAN MO
GAWAIN 1
Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang sinasaad ng pahayag at MALI kung hindi wasto.
__________1. Ang sobrang paggamit ng mga produktong may sangkap na caffeine ay
nagdudulot ng karamdaman sa katawan ng tao.
__________2. Walang naidudulot na maganda sa katawan ng tao ang paninigarilyo.
__________3. Nakalulutas ng problema ang pag-inom ng inuming may alkohol.
__________4. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng protina na kailangan ng tao.
__________5. Nakatutulog ng mahimbing ang taong mahilig uminom ng kape.
TANDAAN MO

GAWAIN 2
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang mga negatibong epekto ng labis na paggamit ng mga produktong may sangkap
na caffeine sa pag-aaral?

13 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit itinuturing na mga gateway drug and alak at sigarilyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Paano nakaaapekto sa pananalapi ng isang tao ang alak at sigarilyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bakit lapitin sa aksidente o disgrasya ang mga taong lasing?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Paano mo matutulungan ang mga taong nalululong sa alak at sigarilyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

B. May kakilala ka bang naninigarilyo o labis sa pag-inom ng kape o alak? Maaari


itong kapamilya, kamag-anak, kapitbahay o kaibigan. Kapanayamin ang mga ito.
Kopyahin sa inyong sagutang papel ang talaan sa ibaba at isulat ang kanilang sagot.

Pangalan/Relasyon Ginagamit na Dahilan Kung Bakit Mga Epekto ng


Gateway Drug Gumagamit Paggamit

14 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


ISAPUSO MO
GAWAIN 3
Isulat sa sagutang papel ang maaaring maging kahihinatnan ng mga sumusunod na
sitwasyon.
1. Mahilig mag-inuman at manigarilyo ang mga magulang at nakatatandang
kapatid ni Leo sa kanilang bahay sa harap niya at ang isa pang batang kapatid.
2. Mahilig uminom ng beer ang kuya ni Marie. Umaga pa lang ay umiinom na ito
at halos araw-araw ay lasing.
3. Pinagbigyan ni Ramon ang kanyang kaibigan na sumama sa isang inuman kahit
lasing na ito.
4. May magbabarkadang lasing at uuwi pa ng lalawigan mula sa lungsod, ang isa
sa kanila ang magmamaneho ng sasakyan.
5. Nakahiligan na ni Albert ang pag-inom ng kape araw-araw, wala siyang
pinipiling oras sa pag-inom ng kape at pati na sa oras bago ng kanyang
pagtulog.

REPLEKSYON
Lagyan ng tsek (√) ang hanay kung saan naaangkop ang iyong sagot sa mga gawain
na nasa ibaba.

Learning Outcomes Oo Hindi


Nalalaman ko ang negatibong naidudulot ng alak at sigarilyo sa
1
sarili, pamilya, at sa lipunan.
Nauunawan ko kung bakit itinuturing na droga ang alak at
2
sigarilyo.
Nakikipagkaibigan ako sa mga taong may bisyo ng alak at
3
sigarilyo.
Natutukoy ko ang mga kahihinatnan ng labis na pagkalulong sa
4
mga inuming may alkohol.
5 Pinipili kong mabuti ang aking mga kinakaibigan.
Binibili ko ng alak at sigarilyo ang mga taong gusto kong
6
maging kaibigan.

15 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


7 Niyayaya ko ang aking mga kaibigan na tikman ang sigarilyo.
Lagi akong naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos gawin
8
ang aking mga nakatakdang Gawain.
Nagsusuot ako ng face mask kapag nagpapatulong ako sa aking
9 mga Gawain sa ibang miyembro ng aming pamilya na hindi
nakatira sa amin.
Lagi akong nagbabasa ng mga aralin para sa mga susunod na
10
paksa sa bawat asignatura.

16 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 2- COMPETENCY 5

PAG-IWAS AT PAGKONTROL SA PAGGAMIT AT PAG- ABUSO NG


GATEWAY DRUGS (Caffeine, Tobacco & Alcohol)

Name: _____________________________
Section: ____________________ Date: ___________

ALAMIN MO
MELCS: DEMONSTRATES LIFE SKILLS IN KEEPING HEALTHY THROUGH
THE NON-USE OF GATEWAY DRUGS(H5SU-lllih-12)
Suriin Natin

1. Anong nakikita nyo sa mga larawan?


2. Bakit sa palagay nyo masigla at malusog ang mga nakalarawan?
3. Magiging masigla at malusog ba ang bawat isa kung gagamit ng Gateway Drugs
gaya ng caffeine, alkohol at tabako? Bakit?

17 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


4. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?

PAG-ARALAN NATIN
PAG-IWAS AT PAGKONTROL SA PAGGAMIT AT PAG- ABUSO NG
GATEWAY DRUGS (Caffeine, Tobacco & Alcohol)
Ang buhay ay mahalaga dahil ito ay pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa atin at
dapat lamang nating pahalagahan at wag sayangin. Iwanan at iwaksi na ang mga
gawaing nakasanayang gawin kung ito naman ay nakakasira sa ating katawan at sa ating
pagkatao. Ugaliin natin sa ating mga sarili ang ilang mga kasanayan sa ibaba upang
magawa nating makaiwas sa paggamit at pag-abuso ng gateway drugs at magkaroon ng
maganda at masiglang pangangatawan:

1. Magkaroon ng disiplina sa sarili.


2. Suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapag-kainan.
3. Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, alcohol at tobacco.
4. Magdesisyon ng tama at ayon sa kabutihan at hindi nagpapadala o
nagpapaimpluwensiya sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at kabarkada.
5. Magkaroon ng regular na pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng
pamilya.
A. Sagutan Natin
Isulat ang iyong sagot s sagutang papel.
1. Anu- ano ang mga dapat iwasan upang maging malusog at masigla ang ating
pangangatawan? Anu ano ang mga gateway drugs na nabanggit sa talata?
2. Magbigay ng 2 kasanayan sa buhay na dapat malinang upang makaiwas sa paggamit
ng gateway drugs.
3. Bakit dapat pahalagahan ang buhay ng isang tao?

PAGSANAYAN MO
Humanap ng larawan na nagpapakita ng 5 paraan para makaiwas at pagkontrol sa
paggamit ng gateway drugs. Gupitin at idikit sa ilalim ng katugmang paraan.

1. Disiplina sa Sarili

18 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


2. Suriin ang pagkaing dapat
ihain sa hapag-kainan.

3. Iwasang gumamit ng mga


produktong may caffeine,
alcohol at tobacco.

4. Tamang desisyon at ayon


sa kabutihan at hindi
nagpapadala o
nagpapaimpluwensiya
sa mga sinasabi ng iba
o mga kaibigan at
kabarkada.

5. Regular na pakikipag-usap
o komunikasyon sa bawat
miyembro ng pamilya.

TANDAAN MO
Ibigay ang iyong pananaw sa mga sumusunod na sitwasyon:

1. May nakita kayong inuming nakakalasing sa inyong cabinet. Sinabihan ka ng


kaibigan mo na subukan nyo itong inumin.

19 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
2. Ang iyong kaibigan ay nag-aalok sa iyo ng isang piraso ng sigarilyo. Sinabi nya
subukan mo itong gamitin at normal lang ito sa inyong paglaki.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
3. Maraming pagkaing dala ang iyong mga kaibigan sa inyong taunang piknik ngunit
karamihan dito ay masama sa iyong kalusugan. Ano ang nararapat mong gawin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

GAWIN NATIN
Isulat sa sagutang papel ang TUMPAK kung tama ang ipinahahayag na kasanayan at DI-
TUMPAK kung mali.

________1. Ugaliing suriin muna ang mga nilalaman o content ng ating mga binibiling
pagkain o inumin bago ito pagpasyahang bilhin.
________2. Dapat magkaroon tayo ng Disiplina sa ating mga kinakain at iniinom upang
mapanatili nating malusog at masigla angating katawan.
________3. Maaaring uminom ng alak o manigarilyo kapag may okasyon o selebrasyon.
________4. Makakaiwas ka lamang sa anumang sakit kung hindi ka gagamit ng sigarilyo o
anumang gateway drugs.
________5. Mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya lalo na sa mga
usaping pangkalusugan

20 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


HEALTH – GRADE 5 – WEEK 2- COMPETENCY 6

PAGSUNOD SA PANUNTUNANG PAMPAARALAN


AT BATAS PAMBANSA (RA 9211)

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

ALAMIN MO
Follows school policies and national laws related to the sale and use of
tobacco and alcohol (H5SU-IIIij-13)

Ang paaralan ay institusyong dinisenyo upang mag-aral ang mga bata. Sa


paaralan din mayroong mga alituntunin at polisiya na ipinatutupad upang
maiayos ang paaralan. Ilan sa mga alituntunin sa paaralan ay ang mga
sumusunod:
• Pagpasok ng paaralan sa takdang oras
• Pagsusuot ng wastong uniporme
• Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan
• Hindi pagliban sa silid-aralan o bakuran ng paaralan sa oras ng klase

Higit na ipinagbabawal ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of


Education) ang pagdadala ng sigarilyo at alak sa loob ng paaralan. Sinumang
lumabag sa polisiyang ito ay bibigyan ng karampatang aksyon ng mga
namumuno sa paaralan ayon sa pinaiiral na polisiya at batas.
Ngunit alam niyo ba na hindi lamang sa paaralan mayroong polisiyang
ipinapatupad hinggil sa paggamit at pagbili ng sigarilyo o alak? Mayroon ding
batas na ipinapatupad ang ating bansa hinggil dito. Ito ang Batas Pambansa
9211.
Ano nga ba ang Batas Pambansa 9211 o RA 9211?

REPUBLIC ACT NO. 9211

AN ACT REGULATING THE PACKAGING, USE, SALE, DISTRIBUTION AND


ADVERTISEMENTS OF TOBACCO PRODUCTS AND FOR OTHER
PURPOSES

SECTION 1. Short Title.—This Act shall be known as the Tobacco Regulation Act of 2003.

SECTION 2. Policy.—It is the policy of the State to protect the populace from hazardous
products and promote the right to health and instill health consciousness among them. It is also
the policy of the State, consistent with the Constitutional ideal to promote the general welfare,

21 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


to safeguard the interests of the workers and other stakeholders in the tobacco industry. For
these purposes, the government shall institute a balanced policy whereby the use, sale and
advertisements of tobacco products shall be regulated in order to promote a healthful
environment and protect the citizens from the hazards of tobacco smoke, and at the same time
ensure that the interests of tobacco farmers, growers, workers and stakeholders are not
adversely compromised.

SECTION 5. Smoking Ban in Public Places.—Smoking shall be absolutely prohibited in the


following public places:
a. Centers of youth activity such as playschools, preparatory schools, elementary schools, high
schools, colleges and universities, youth hostels and recreational facilities for persons under
eighteen (18) years old;
b. Elevators and stairwells;
c. Locations in which fire hazards are present, including gas stations and storage areas for
flammable liquids, gas, explosives or combustible materials;
d. Within the buildings and premises of public and private hospitals, medical, dental, and
optical clinics, health centers, nursing homes, dispensaries and laboratories;
e. Public conveyances and public facilities including airport and ship terminals and train and
bus stations, restaurants and conference halls, except for separate smoking areas; and
f. Food preparation areas.
SECTION 9. Minimum Age Sales.—Under this Act, it shall be unlawful:
a. For any retailer of tobacco products to sell or distribute tobacco products to any minor;
b. For any person to purchase cigarettes or tobacco products from a minor;
c. For a minor to sell or buy cigarettes or any tobacco product; and
d. For a minor to smoke cigarettes or any other tobacco products.

It shall not be a defense for the person selling or distributing that he/she did not know or was
not aware of the real age of the minor. Neither shall it be a defense that he/she did not know
nor had any reason to believe that the cigarette or any other tobacco product was for the
consumption of the minor to whom it was sold.

SECTION 10. Sale of Tobacco Products Within School Perimeters.—The sale or distribution
of tobacco products is prohibited within one hundred (100) meters from any point of the
perimeter of a school, public playground or other facility frequented particularly by minors.

PAGSANAYIN MO

Suriin ang mga larawan. Lagyan ng tsek (√) ang mga nakasusunod sa alituntunin
ng paaralan at batas Pambansa at ekis (x) naman ang hindi.

22 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


1. 2.

3. 4.

5.

GAWAIN 1
Tukuyin kung anong seksyon sa RA 9211 matatagpuan ang mga sumusunod.
Pumili ng sagot sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

A. Section 1 D. Section 9
B. Section 2 E. Section 10
C. Section 5

______1. Sale of Tobacco Products Within School Perimeters.

2. Under this Act, it shall be unlawful for any retailer of tobacco products to sell or
distribute tobacco products to any minor

3. This Act shall be known as the Tobacco Regulation Act of 2003.

4. Smoking shall be absolutely prohibited in elevators and stairwells.

5. Smoking shall be absolutely prohibited in food preparation areas.

6. It is the policy of the State to protect the populace from hazardous products and
promote the right to health and instill health consciousness among them.

7. Under this Act, it shall be unlawful for a minor to smoke cigarettes or any other
tobacco products.

23 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


8. The sale or distribution of tobacco products is prohibited within one hundred (100)
meters from any point of the perimeter of a school, public playground or other facility
frequented particularly by minors.

9. Smoking shall be absolutely prohibited in locations in which fire hazards are present,
including gas stations and storage areas for flammable liquids, gas, explosives or
combustible materials.

10. It is also the policy of the State, consistent with the Constitutional ideal to promote
the general welfare, to safeguard the interests of the workers and other
stakeholders in the tobacco industry.

TANDAAN MO

Bilang isang mamamayan, mahalagang sundin natin ang mga tuntunin na


ipinatutupad hindi lamang sa paaralan kundi pati ng ating bansa upang higit tayong
makatulong sa pagpapaunlad nito.

GAWAIN 2
Ilarawan ang nilalaman ng RA 9211 gamit ang graphic organizer sa ibaba.

RA 9211

ISAPUSO MO

GAWAIN 3
Sa paanong paraan mo naipapakita ang pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan at
ng ating bansa? Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang poster. Gawin ito sa
isang malinis na bond paper.

24 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


References: WEEK 1- COMPETENCY 1
HEALTH 5 LM Q1-Q4
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-q1q4
https://www.coursehero.com/file/p4v46qp/5-Ano-ang-maaaring-panganib-na-dulot-ng-gateway-drugs-6-Paano-
maiiwasan-an/
https://en.wikipedia.org/wiki/Gateway_drug_effect
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan
Helen Gatchalian, Gezyl Ramos, Johannsen
References: WEEK 1- COMPETENCY 2
HEALTH 5 LM Q1-Q4
https://www.scribd.com/document/367170098/LM-3rd-Quarter-Aralin-1
https://e-edukasyon.ph/health/ano-anong-ang-mga-produktong-may-sa-1025358
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan
Helen Gatchalian, Gezyl Ramos, Johannsen
References: WEEK 1- COMPETENCY 3
Larawan 1 - https://images.app.goo.gl/v7YNntzJpkGsR1pJ9
Larawan 2 - https://images.app.goo.gl/webDp2DrkpidtSpKA
Larawan 3 - https://images.app.goo.gl/haCHymHottSykxeg6
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Textbook p. 186-191
References: WEEK 2- COMPETENCY 4
Larawan 1 – https://images.app.goo.gl/J3qsa63DTJFK4GDa8
Larawan 2 – https://images.app.goo.gl/qCitSWL2AheS3nWU7
Larawan 3 - https://images.app.goo.gl/hQixB2b5WnKpL1Ee9
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Textbook p. 192-195
References: WEEK 2- COMPETENCY 5
https://bambiniphoto.sg/top-8-reasons-why-families-do-professional-family-portraits/
https://philippines.fandom.com/wiki/Manuel_L._Quezon:_His_Exellency_Address_(1938)
https://www.sunstar.com.ph/article/1773184/Bacolod/Lifestyle/Octaviano-Celebrating-the-Filipino-children
DepEd Division of Cabanatuan City, LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
SYSTEM, Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials,
https://doc10adocs.googleusercontent.com/docs/securesc/pvmjgvkanc2hdag5sjh6vvgsj9brbrfs/kcd9vhehvno0f5
njd06v82ia6iab3ilt/1603713150000/04917265834728819148/11815455833675621833/0B8v9KXTKLdeqSEpj
UTVseDlMNlU?authuser=0 , pg 38-41
References: WEEK 2- COMPETENCY 6
http://www.gov.ph/2003/06/23/republic-act-no-9211/
Google Images
https://www.google.com/search?q=batang+naninigarilyo&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjlmr
377OPsAhXQa94KHTjzBpQQ_AUoAXoECAUQAw#imgrc=FLNrU3WH4mbpAM
https://www.google.com/search?q=nagiinuman+sa+daan&tbm=isch&ved=2ahUKEwi25fz-
7OPsAhUTAKYKHeIEDPwQ2cCegQIABAA&oq=nagiinuman+sa+daan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQz
oFCAAQsQM6AggAOgYIABAKEBg6BAgAEBhQ7dIHWPqACGDHgwhoAHAAeACAAcECiAHkGpIBBz
AuOC44LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=OfqfX_bkG5OAmAXiibDgDw#i
mgrc=vzsGsc8IVochBM
https://www.google.com/search?q=paggalang+sa+watawat+ng+pilipinas+sa+paaralan&tbm=isch&ved=2ahUK
EwiJqdPG7ePsAhUFA6YKHZ9hCEsQ2cCegQIABAA&oq=paggalang+sa+watawat+ng+pilipinas+sa+paarala
n&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgcIABCxAxBDOgYIABAFEB46BAgAEB5Qo4
MFWJL0BWDCAVoAHAAeACAAbUDiAHCRZIBCzAuMjYuMTcuMC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1p
bWfAAQE&sclient=img&ei=z_qfX8mFL4WGmAWfw6HYBA#imgrc=tg9UBoKJLkNPwM
https://www.google.com/search?q=pagpila+ng+maayos+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiah7P97ePsAhWPS
JQKHR27DlgQ2cCegQIABAA&oq=pagpila+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICC
AAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAFEB46BAgAEEM6BwgAELEDEENQ2KYFWLq3BWDIwQVo

25 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


AHAAeACAAeAEiAHzDpIBCTAuNS4yLjUtMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei
=QvufX5reI4-R0QSd9rrABQ#imgrc=HpzrB7aWBNxG0M
https://www.google.com/search?q=paglilinis+ng+paaralan+clip+art&rlz=1C1OKWM_enPH890PH890&tbm=is
ch&source=iu&ictx=1&fir=iSJp9ItXeB0SnM%252CELUF28u_I2T8tM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kS3-
BuW44Ijv1Tzk4VpDytDvoFvHA&sa=X&ved=2ahUKEwi6r7fY7uPsAhWyGKYKHQyvAnUQ9QF6BAgDEE
k#imgrc=2EDrfq596nR2NM

Susi sa Pagwawasto: WEEK 1- COMPETENCY 1


Gawain 1
1.Tabako 2. Kape 3. Ethanol 4. Nikotina 5. Caffeine
Gawain 2
Answers may vary
Gawain 3
ANG DROGANG GATEWAY AY NAKAHAHALINA AT NAKAAAKIT GAMITIN KAYA
PAULIT-ULIT NA GINAGAMIT O TINITKMAN

Susi sa Pagwawasto: WEEK 1- COMPETENCY 1


Gawain 1
Cappuccino, kape, tsaa, kendi, syrup, cereal,softdrinks at tsokolate
Gawain 2
1.Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali
Susi sa Pagwawasto: WEEK 1- COMPETENCY 3
GAWAIN 1
1. EA 6. EA
2. EN 7. EC
3. EC 8. EN
4. EN 9. EA
5. EA 10. E
GAWAIN 2
1. First-hand smoke 6. Insomia
2. Alkohol 7. Nervous System
3. Second-hand smoke 8. Cola o soft drinks
4. Caffeine 9. Third-hand smoke
5. Paninigarilyo 10. Sakit sa atay
GAWAIN 3
Depende sa sagot ng mga mag-aaral
Repleksyon:
Depende sa sagot ng mga mag-aaral (Self-assessment).
Susi sa Pagwawasto: WEEK 2- COMPETENCY 4
GAWAIN 1
1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. MALI
GAWAIN 2
Depende sa sagot ng mga mag-aaral
GAWAIN 3
Depende sa sagot ng mga mag-aaral
Repleksyon:
Depende sa sagot ng mga mag-aaral (Self-assessment).

26 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


Susi sa Pagwawasto: WEEK 2- COMPETENCY 5
Gawin Mo

1. Tumpak 2. Tumpak 3. Di-tumpak 4. Di-tumpak 5. Tumpak

Susi sa Pagwawasto: WEEK 2- COMPETENCY 6


PAGSANAYIN MO GAWAIN 1
1. x 1. E 6. B
2. x 2. D 7. D
3. √ 3. A 8. E
4. √ 4. C 9. C
5. √ 5. C 10. B

GAWAIN 2
Gawing basehan ang nilalaman ng RA 9211 sa bahaging Alamin mo.

Gawain 3
RUBRIKS PARA SA POSTER
MGA Sarili Pangkat
KRAYTERYA 4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang ipinamalas
nagpamalas ng malikhain sa gaanong na pagkamalikhain sa
pagkamalikhain paghahanda. naging paghahanda.
sa paghahanda. malikhain sa
paghahanda.
Presentasyon Lubhang Naging Hindi Hindi naging
naging malinaw malinaw gaanong malinaw ang
ang pagbigkas ang malinaw pagbigkas/paghahatid
at paghahatid pagbigkas at ang ng mensahe.
ng mensahe. paghahatid pagbigkas at
ng mensahe. paghahatid
ng mensahe.
Organisasyon Buo ang May Konsistent, Hindi ganap ang
kaisipan kaishan at may pagkakabuo, kulang
konsistent, may sapat kaisahan, ang detalye at di-
kumpleto ang na detalye at kulang sa malinaw ang
detalye at malinaw na detalye at intensyon
napalinaw. intension. hindi
gaanong
malinaw
ang
intension
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop ang
Paksa angkop ang larawan sa gaanong larawan sa paksa.
larawan sa paksa. angkop ang
paksa. larawan sa
paksa
Kabuuang Puntos

27 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2


Inihanda nina:

WEEK 1- COMPETENCY 1 & 2 WEEK 1 & 2 - COMPETENCY 3 & 4

AGNES P. NUESCA MICHELLE D. CANDELARIA


Teacher III Teacher I
Sapalibutad Elementary School Sta. Teresita Elementary School

WEEK 2- COMPETENCY 5 WEEK 2- COMPETENCY 6

Maribel E. Marquez JONNELLE C. BAUTISTA


Sto. Rosario ES Teacher III
Jose P. Dizon ES

28 – MAPEH Health Grade 5 Week 1 & 2

You might also like