Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Cavite
TANGGAPAN NG PANLALAWIGANG BETERINARYO
Lunsod ng Trece Martires

MEMORANDUM NG PAG - UNAWA SA PAMAMAHAGI NG BABOY

NA ANG UNAWAAN, ito ay ginawa at itinala sa pagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang


Beterinaryo, na kinakatawan ni DR. MAY M. MAGNO, Panlalawigang Beterinaryo bilang
NAGKALOOB, na may tanggapan sa Government Center Building, Capitol Compound, Luciano,
Lungsod ng Trece Martires.

At

_______________________________________________ na kinakatawan ni ________________________________na may


pahatirang sulat sa ______________________________________________ na magsisilbi bilang
PINAGKALOOBAN.

SAMANTALA, ang pagbibigay ng paalaga ng Baboy ay isa sa mga gawain ng _______________________ na


may layunin na makapagbigay ng dagdag kita sa mga maliliit na magsasaka, maipamahagi ang mga
bagong kaalaman sa pag-aalaga, maingatan at mapangalagaan, at makabuo ng samahan ng nag-
aalaga ng mga nag-aalaga ng “Native” na Baboy.

NGAYON, sa pagkakaunawaan ng magkabilang panig ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo


na kinakatawan ng tagapamahala ng programa ay naggagawad ng “Native” na Baboy kay
G./Gng./Grupo _____________________________________, sa ilalim ng mga sumusunod na alituntunin:

1. Ang native na Baboy na ipapaiwi ay tanging sa miyembro ng __________________________.


2. Ang nasabing tatanggap ay kinakailangang nakatala sa Registry System for the Basic Sectors
in Agriculture (RSBSA).
3. Ang pagmamay-ari ng Baboy na ipinamahagi ay mananatili sa nagpaalaga hanggang sa ang
kontrata ay matapos at mabayaran ng naaayon sa pinagkasunduan.
4. Ang panahon ng pagbabayad ay sa loob ng walong (8 buwan ) hanggang isang (1) taon:
 Isinasaad sa kasunduan na magbabalik ang taga pag - alaga isang (1) ulo na babaeng
native na baboy upang maipasa ito sa ibang myembro.
5. Ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang magbibigay ng listahan ng
tatanggap/miyembro at iba pang susunod na tatanggap/miyembro
6. Kung ang tagapag-alaga ay sumunod sa napagkasunduang panahon ng pagbabayad, sila
__________________ ay pagkakalooban ng Katunayan ng Pag mamay-ari.
7. Ang natangagap na native na baboy ay kinakailangang naka insure sa Philippine Crop
Insurance Corporation (PCIC).
8. Kung ang ipinamahaging native na baboy ay nawala o nanakaw o namatay, ang
tumanggap/miyembro ay kinakailangang mag-ulat sa loob ng 24 oras sa Opisina ng
Pambayang Agrikultor para sa agarang aksyon at pangunahan ang aplikasyon para sa
sumusunod;
 Necropsy Report of the CAO/CVO/MVO/MAO
 Livestock Death Certificate mula sa CAO/CVO/MVO/MAO
 Affidavit of two (2) Disinterested Persons na may kaalaman sa pag-aalaga ng Baboy
 Certified True copy of Acknowledgement Receipt for Animals (ARA)
 Larawan ng namatay na Baboy na may pagkakakilanlan.
 Kung ito naman ay nawala, kailangan ng police blotter at larawan ng maaring
magpatunay ng pagkawala o pagnanakaw.
9. Kung ang ipinaiwi ay nawala o ninakaw o namatay ay nangangahulugan ng kapabayaan ng
tagapag-alaga, ito ay kinakailangang bayaran ng tumanggap, sa naaayon sa halaga nito.
10. Sa hindi inaasaang kalamidad katulad ng bagyo, malalang sakit (outbreak) na maaaring
dahilan ng pagkamatay ng hayop, ipagbigay alam sa tagapamahala kasama ang isang ulat,
affidavit at larawan at sa tauhan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor upang kaagad
mawalan ng pananagutan ang tagapag-alaga.
11. Kung ang tumanggap/miyembro ay napatunayan na nagkulang o hindi napangalagaan ang
“Native” na Baboy, ang tumanggap/miyembro ay agad na aalisan ng karapatan at maaaring
hindi na makakakuha ng anumang programang patungkol sa pagyayahayupan mula sa
Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo.
12. Ang pagkilala at pagsang- ayon ng parehong panig sa kasunduang ito ay nag papatibay ng
pagpakaka unawaan ng ng parehong panig.

SA PAGPAPATUNAY SA KASUNDUANG ITO, ang magkabilang panig ay lumagda ngayong ika-____


ng __________, 2023 dito sa ______________________________________________.

Nagkaloob:

MAY M. MAGNO,DVM
Panlalawigang Beterinaryo

PInagkalooban: ______________________________
Tatanggap

Mga Saksi:

______________________________________ ____________________________________
Municipal Agriculturist Agricultural Extension
Worker

You might also like