Filipino 8 - Modyul 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Filipino 8

Ikalawang Markahan
Modyul 6

Maikling Kuwento
Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
Ni Genoveva Edroza-Matute

1
Pangalan: _____________________________________ Iskor: ____________
Baitang at Seksyon: _______________________________ Petsa: ___________

ASIGNATURA Filipino 8
BILANG NG MODYUL 1
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
PANGNILALAMAN pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa Kasalukuyan

Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay

PAMANTAYANG PAGGANAP tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga

MGA KASANAYANG kaganapan sa sarili, lipunan at daigdig (F8PB-IIg-h-27)
PAMPAGKATUTO Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig
na ginamit sa akda (F8PB-IIg-h-27)

1. Natutukoy ang mga elemento at bahagi ng maikling

MGA LAYUNIN kuwento;
2. Naibibigay ang kahulugan ng mga mahirap na salitang
ginamit sa kuwento;
3. Nailalahad ang sariling kaisipan at saloobin kaugnay ng
kuwento sa pamamaraang pasulat;
4. Nakaguguhit ng isang simbolismo na ginamit ng may
akda sa kuwento;
5. Napahahalagahan ang maikling kuwento sa pagbibigay
ng sariling kaisipan at saloobin mula sa kaganapan sa
sarili, lipunan o daigdig.

Pagtatalakay:

Panuto: Basahin mo nang mabuti ang isang maikling kuwento.

PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA

Ni: Genoveva Edroza-Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas
siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi
magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y
mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.

Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos,

pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa
gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan.
Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya
ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang
ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang "punto" na nagpapakilalalng siya'y taga ibang pook.

2
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa
lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong
siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis:
naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang
pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay
magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At
sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"

angaking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.

Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa

nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap
sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing
hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang
kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.

Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanna tungkol sa kanyang buhay.

Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa
malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang
may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang ank ng kanyang panginoon.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga
kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi
ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang
halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.

Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay
para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid.
Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa
aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na
kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung
alin ang hindi ko totoong ibig.

Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin.

3
Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga
bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y
lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may
pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang
nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa likuran ng
silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal.
Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko
siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan. At kung ang lahat ay wala na,
kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong
pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-
pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang
siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.Isang mabagal na paraan
ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may
nagmamahal.

Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa
mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at
mapagmahal. Maligaya na siya isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko
sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon
ang aking ulo, umagangumaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking gingawa -
napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa
ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong
galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan
ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at
pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.

Mga Gabay na Gawain

Gawain 1-A
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa sariling
pangungusap ang mga ito.
Tono pasilip naalala nagtatampo
meryenda
Tumitingin nagtatampo kagandahan pumunta maliit

Salita Kasingkahulugan Pangungusap

1. Nakintal

2. Punto

3. Minindal

4. Lihim

5. Sumusulyap

6. Lumuwas

4
7. Pipis

8. Napupoot

9.Nagkankandiri
t

10. Kariktan

Gawain 1-B
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang dahilan kung bakit Mabuti ang tawag nila sa guro?
_____________________________________________________________________

2. Sa dinami dami ng salita, bakit Mabuti ang lagging sinasambit ng guro?

______________________________________________________________________

3. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5
5. Ano ang aral na napulot mo sa kuwento?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagtatalakay

Ano ang Maikling Kuwento?

Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasan
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin – ito ang problemang haharapin o kinakaharap ng tauhan o mga tauhan sa
kuwento.
4. Tunggalian – ito ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan at tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan – dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan – ito ang tulay sa wakas ng kuwento.
7. Wakas – ito ang resolusyon o kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan – dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente.
Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa – ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan – ito ang mensahe ng kuwento.
11. Banghay – ito ay mga pangyayari sa kuwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kuwento

1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapin ng
bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente
kasama na ditto ang panahon kung kalian naganap ang kuwento. At ang bahagi ng
suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin.

6
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikipagtnggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na
minsan ay sa sarili, sa kapwa o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglaban.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Mga Gabay na Gawain

Gawain 2
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa pagkasunod - sunod nito.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

Simula Suliranin Wakas kakalasan Kasukdulan

________1. Naalala ng guro kung paano niya nakuhanan ng aral ang sinapit niya ng
kanyang estudyante. Ang batang ito ay maliit, pangit at naiiba ngunit ang guro ay
namangha dahil sa kabaitan at pagiging matulungin ng bata.
_______ 2. Inamin ng guro sa kanyang sarili ang pagkakamali dahil nadala sa galit at
emosyon na nakaapekto sa batang estudyante.
_______ 3. Nilait ng Guro ang mabuting estudyante at hindi inaasahan ng guro na
nagpadala siya sa kanyang damdamin o emosyon kaya nabuhos niya ang lahat ng galit sa
batang iyon. Bumalik ang mukha ng pagkakalumbay ng bata.
________4. Nalaman ng guro na isa palang mabuting estudyante ang kanyang tinuturuan.
________5. Hindi alam ng guro na mabuting bata pala ang kanyang inaaping estudyante.

Paglalapat
Gawain 3
Panuto: Mula sa Kuwentong “Paglalayag sa puso ng Isang Bata”, punan ang mga kahon ng
mga mensahe ng kuwento.

PAGLALAYAG SA PUSO NG
ISANG BATA

Ano ang nais sabihin ng kuwento sa Ano ang nais sabihinng kuwento sa
iyong sarili? lipunan?
_______________________________ _______________________________
__________________________________ __________________________________

7

Karagdagang Gawain

Para sa iyong karagdagang kaalaman sa panitikan, ang simbolismo ay isang bagay na

kumakatawan sa iba pang abstract na ideya, na maaaring maging bagay, tao, hayop, panahon
o kahit na kulay. Halimbawa ang bandila na ang ibig sabihin ay sumisimbolo ng ating bansa.
Gawain 4
Panuto: Iguhit ang simbolismo na ginamit ng may akda sa kuwento at ipaliwanag kung bakit ito
ang ginamit ng may akda. Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagmamarka.

8
Rubrik sa Pagguhit ng Simbolismo

Pamantayan Puntos

1. Angkop sa Paksa 20%

2. Pagkamalikhain 15%
3. Orihinalidad 10%

4. Kalinisan 5%
Kabuuan 50%

SUSI SA PAGWAWASTO

MODYUL 6

Mga Gabay na Gawain:

Gawain 1-A
1. Naalala 6. Pumunta
2. Tono 7. Maliit
3. Meryenda 8. Nagtatampo
4. Pasilip 9. Nagtatampo
5. Tumitingin 10. Kagandahan

Gawain 1-B
(Ang guro ang magmamarka depende sa sagot ng mag-aaral)

Gawain 2
1. Simula 2. Wakas 3. Kasukdulan 4. Kakalasan 5. Suliranin

Gawain 3
(Ang guro ang magmamarka gamit ang rubrik)

Gawain 4
(Ang guro ang magmamarka gamit ang rubrik)

Sanggunian:
Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book Media
Press, Inc.

9
file:///G:/laptop%20back%20up/My%20documents/Downloads/Documents/
modyulsafilipino130808213637-phpapp01.pdf

Modyulsafilipino-130808213637-phpapp01.pdf

https://www.clipart.email/clipart/abaniko-fan-clip-art-black-and-white-414056.html
Dictionary.com. “Audio.” Accessed January 17, 2020, https://www.dictionary.com/ browse/audio
Joel Weidenfeld. “Top 10 Amazing Uses for Sound.” Accessed January 17, 2020,
http://listverse.com/2012/11/14/top-10-amazing-uses-for-sound/

10

You might also like