FIL Q3 Week 3 Day 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STO NIÑO ELEMENTARY SCHOOL
STO NIÑO, BATANGAS CITY

Guro: Valeria C. Abag Asignatura:Filipino


Petsa: Pebrero 13, 2024 Antas:Ikaapat na Baitang
Oras: 10:50-11:30 Markahan: Ikatlo

I. Layunin
Nasusuri kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag (F4PB-IIIf-19)

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsusuri kung Opinyon o Katotohanan ang Isang Pahayag
B. Sanggunian:Learner MELC p. 156, F4PB-IIIf-19
PIVOT p.30
Learner’s Module, LeaP
C. Kagamitan: powerpoint presentation
D. Pagpapahalaga: Pagiging mapanuri

III. Proseso ng Pagkatutuo


A. Panimulang Gawain
1. Pagbabaybay
1. facemask
2. face shield
3. proteksiyon
4. sagabal
5. kalusugan

2. Balik-aral

3. Pagganyak

Ano-ano ang mga dapat nating gawin upang maiwasan ang sakit na Covid-19?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STO NIÑO ELEMENTARY SCHOOL
STO NIÑO, BATANGAS CITY

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang usapan sa ibaba.

Aling Nena: Mare,lalabas ka ba?


Aling Tita: Ay, oo Mare mamamalengke ako.
Aling Nena: Mare,may nalilimutan ka yata? Wala kang facemask at faceshield.
Aling Tita: Ha! Naku Mare,kailangan pa ba talaga yan? Para sa akin hindi na
kailangan iyan. Sagabal lang sa mukha.
Aling Nena: Mare,mahalaga na magsuot tayo bilang proteksiyon sa kalusugan
natin lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa sakit na
COVID-19.
Aling Tita: Sa palagay ko naman ay matibay ang resistensiya ko,Mare.

2. Pagtalakay
Sino ang nag-uusap sa diyalogo?
Tungkol saan ang kanilang usapan?
Sa inyong palagay, tama bang hindi na tayo dapat magsuot ng facemask?
Bakit?

3. Paghahalaw
Suriin ang sagot ni Aling Tita at ang pahayag ni Aling Nena.
Aling Tita: Hindi na kailanagan.Sagabal lang sa mukha.
Sa palagay ko matibay naman ang resistensiya ko.

Ang mga pahayag ni Aling Tita ay base sa kanyang sariling opinyon.

Aling Nena: Mahalaga na magsuot ng facemask at faceshield bilang


proteksiyon sa kalusugan lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa
COVID-19.
Ang pahayag ni Aling Nena ay may katotohanan lalo’t tayo ngayon ay
nakararanas ng pandemya dala ng sakit na COVID-19

Ano ang ipinag-kaiba ng sagot at pahayag nina Aling Tita at Aling Nena?

∙ Ano ba ang ibig sabihin ng opinyon at katotohanan?


❖ Ang katotohanan ay nagsasaad ng kaalamang maaaring may ebidensiya o
mapatutunayan sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga datos,
pag-aaral,pananaliksik,estatistika,imbestigasyon,at iba pa.
⮚ Kung kaya’t ang pahayag ni Aling Nena ay may katotohanan. Maiiwasan
natin na magkaroon tayo ng sakit na COVID kung may proteksiyon tayo sa
ating katawan tulad ng paggamit ng facemask at faceshield .

May mga panandang salita o katagang ginagamit upang ipahiwatig ang


katotohanan:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STO NIÑO ELEMENTARY SCHOOL
STO NIÑO, BATANGAS CITY
• Batay sa
• Resulta ng
• Pinatutunayan ni
• Sang-ayon sa
• Mula kay
• Tinutukoy na
• Mababasa sa

Ang opinyon naman ay isang palagay o kuro-kuro, isipan na hindi pa


napatutunayan o nagaganap, walang batayan, o naghahayag lamang ng
naiisip o nararamdaman.

Kung kaya’t ang pahayag ni Aling Tita ay opinyon. Base sa kanyang palagay
na ang facemask at faceshield ay sagbal lamang sa kanyang mukha.
Sa kanyang palagay na siya ay may malakas na resistensya kung kaya’t
di na importante ang pagsusuot ng facemask at face shield.

May mga panandang salita o katagang nagpapahiwatig na ang pahayag ay


isang opinion gaya ng sa tingin ko,sa nakikita ko sa, sinasabi na,sa aking
palagay atbp.

4. Pagpapayamang Gawain

Panuto: Iguhit ang kung ang pahayag ay isang katotohanan at kung


ito
ay isang opinyon.

1. Si Andres Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan.


2. Sina Ciriaco at Procopio ay mga kapatid ni Andres Bonifacio.
3. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani ng ating
bansa.
4. Mababasa sa Aklat ng Kasaysayan na ipinagdiriwang ang Araw ni Bonificio
tuwing ika-30 ng Nobyembre.
5. Dapat tularan ng mga kabataan ang pagmamahal na ipinakita ni Andres
Bonifacio sa ating bansa

5. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng opinyon sa katohanan?
Ang katotohanan ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring may
sapat na batayan o patunay. Ito ay ang mga pangyayaring tunay na
naganap.

Ang opinyon o kuro-kuro ay isang pahayag ng saloobin, pahayag, o


paniniwala ng isang tao. Ito ay maaaring may sapat na batayan o wala.

6. Paglalapat
Tukuyin kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STO NIÑO ELEMENTARY SCHOOL
STO NIÑO, BATANGAS CITY
1. Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay sa Bikol.
2. Sa aking palagay, maraming turista ang pumupunta rito tuwing bakasyon.
3. Tuwang-tuwa silang masilayan ang perpektong hugis nito.
4. Pinatutunayan na ang Bulkang Mayon ang pinakamagandang bulkan sa
ating bansa.
5. Pakiwari ko ay lahat ng tao ay gusting masilayan ang Bulkang Mayon.

7. Pagtataya

Panuto: Suriin ang mga pahayag at sulat ang letrang O kung Opinyon at K
kung katotohanan

1. Ang usok ng mga sasakyan ay nagpaparumi ng hangin.


2. Mabibilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa kung ang mga pinuno at
tauhan ng pamahalaan ay tapat sa kanilang tungkulin.
3. Napakalamig ng hangin, umuulan siguro sa ibang lugar.
4. Sinasabing ang mga taong may malapad na noo ay matalino.
5. May dalawang uri ng panahon sa Pilipinas, ang tag-ulan at tag-araw.

IV. Takda
Magtala ng mga pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan o opinyon.

You might also like