Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Davao Region
Schools Division of Davao Occidental
Kidalapong Elementary School
Kidalapong, Malita, Davao Occidental

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP 5)


(AGRIKULTURA)

School KIDALAPONG ELEMENTARY SCHOOL Grade Level V


Teacher LYRA FE D. GRANDE Learning Area EPP
Date OCTOBER 18, 2023 Quarter 1ST
Time 1:50 – 2:40 P.M. No. of Day/s 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop
Pangnilalaman bilang gawaing mapagkakakitaan.
B. Pamantayan sa Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang gawaing
Pagganap mapagkakakitaan.
C. Mga Kasanayan sa Naiisa-isa ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag aalaga
Pagkatuto (Isulat ang ng hayop.
code ng bawat Natatalakay ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag
kasanayan) aalaga ng hayop.
II. NILALAMAN Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay K to 12 CG EPP5AG-Oi-17
ng Guro
2. Mga pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p. 88-89
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina ng Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p. 88-89
teksbuk
4. Karagdagang https://blog.ipleaders.in/need-know-animal-cruelty/
Kagamitan https://www.cdc.gov/healthypets/pets/farm-animals/backyard-poultry.html
https://www.facebook.com/473183469542875/posts/for-reading-reference-managing-
ammonia-level-in-pond/1154300281431187/

B. Iba pang TV, Laptop, Power Point Presentation, at mga Larawan


Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Anu-ano ang mga hayop na pwedeng alagaan sa tahanan at sa sakahan?
nakaraang aralin at/o Anu-Ano ang mga pakinabang ang naibibigay ng mga ito sa ating pamilya?
pagsisimula ng bagong Bakit kailangan nating alagaan ang mga hayop?
aralin
B. Paghahabi sa layunin Pagkukuwento ng karanasan
ng aralin Sino sa inyo ang nakaranas na makagat ng alagang hayop?
Bakit kaya nagagawang makapanakit ng ating mga alagang hayop?
Ano sa tingin ninyo ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa Pag-
aalaga ng mga hayop?
C. Pag-uugnay ng mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop
halimbawa sa bagong 1. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng mga alagang hayop.
aralin 2. Huwag bibigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop na may malubhang
kalagayan.
3. Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop lalo na kung may masamang
kalagayan.
4. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.
5. Ibaon agad sa lupa ang mga gamot kung hindi na maaaring gamitin upang maiwasan
ang aksidente.
6. Sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at mahawa pa
ng sakit ang ibang hayop.
7. Gumamit ng bota,guwantes, mask o plastic na damit sa paglilinis ng kulungan at sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Davao Region
Schools Division of Davao Occidental
Kidalapong Elementary School
Kidalapong, Malita, Davao Occidental
pagaasikaso ng alagang hayop na may sakit.
8. Maglinis ng katawan pagkatapos gampanan ang gawain.
D. Pagtalakay ng Bakit mahalaga ang kalinisan sa kulungan ng alagang hayop?
bagong konsepto at Gaano kadalas dapat tayo maglinis ng kulungan?
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Ano ang ibig sabihin ng medikasyon?
Ano ang magiging implikasyon nito kapag maling gamot ang ating maibibigay sa ating
mga alaga?

Sino ang mas nakakaalam ng mga gamot para sa ating mga alagang hayop?
Kung sakaling binilinan kayo ng beterinaryo na bigyan ng 5 ml na gamut ang inyong
alaga, magagawa ba ninyo ito? Ipakita sa klase ang sukat na 5 ml gamit ang medicine
dropper.

Ipaliwanag kung bakit dapat ihiwalay ang alagang hayop na may sakit. Kung ma isang
hayop na may sakit at nakahawa ng isa pang hayop, ilan na ang may sakit? 2
makahawa pa ng tig iisa, ilan na silang may sakit? 4 x 2? 8 x 2? 16 x 2? 32 x 2? etc

Bakit hindi puwedeng isama sa ibang basura ang mga gamut na di na maaaring gamitin
pa?

Sang-ayon ba kayo na dapat sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit? Ano ang
masisira kung patuloy tayo sa pagsusunog ng mga bagay bagay? Ano ang epekto ng
carbon dioxide sa ating ozone layer?

Maliban sa pagsunog, ano pa sa tingin ninyo ang maaari ninyong gawin sa mga
alagang namatay sa sakit?

Ano ang dahilan at kailangan mong gumamit ng tamang kasuotan sa paglilinis ng


kulungan ng alagang hayop?
E. Pagtalakay ng Pangkatang Gawain:
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Pangkat 1- Pag-aralan ang mga larawan. Pagsamahin ang mga nagpapakita ng mga
kasanayan #2 panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop. . Idikit sa
manila paper.

Pangkat 2- Basahin ang mga parirala (phrases). Pagsamahin ang mga nagasaad ng mga
panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop. Idikit sa
manila paper.

1. regular na pagpapatingin ng mga alaga sa beterinaryo


2. malinis na kulungan
3. sinisipa ang mga alaga
4. hindi pinapakain sa tamang oras
5. pagbibigay ng bitamina
Republic of the Philippines
Department of Education
Davao Region
Schools Division of Davao Occidental
Kidalapong Elementary School
Kidalapong, Malita, Davao Occidental
F. Paglinang sa May mga alagang hayop ang iyong kaibigan. Batid mong hindi tama ang kanyang
Kabihasaan ginagawang pag aalaga ng hayop. Paano mo maipapaliwanag ang mga panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag aalaga ng hayop?
G. Paglalapat ng aralin Ano ang kahalagahan ng mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
sa pangaraw-araw na pagaalaga ng hayop?
buhay Ano ang maaaring maging epekto ng pagsasawalang bahala sa mga panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa pagaalaga ng hayop?
I. Pagtataya ng Aralin Sundin ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop
batay sa bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Nagkasakit ang alagang hayop ni Mario, Ano ang pinakamabuti niyang gawin?
a. Ipagsawalang bahala
b. Katayin at isapamilihan
c. Bigyan kaagad ng gamut
d. Sumangguni sa beterinaryo

2. Upang makaiwas sa mga insekto at bacteria, panatilihing _____________ ang


kulungan ng hayop.
a. Malinis
b. Marumi
c. Nilalangaw
d. Lantad sa araw

3. Alin sa sumusunod ang dapat gawin pagkatapos isagawa ang pag-aalaga ng hayop?
a. Magpahinga
b. Kumain ng almusal
c. Makipagkwentuhan sa kapitbahay
d. Maghugas at magsabon ng kamay

4. Ano ang posibleng mangyari kapag hindi sinusunod ang mga panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sap ag-aalaga ng hayop?
a. Lalaking malusog ang mga alaga
b. Maiiwasan ang abala sa pag-aalaga
c. Magiging kasiya siya ang pag-aalaga
d. Masusugatan o magkakasakit ang tagapag-alaga

5. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit kailangang gumamit ng bota at gwantes
sa pag-aalaga ng hayop?
a. Upang maging kaaya-aya ang itsura habang nag-aalaga
b. Upang madagdagan ang porma habang nag-aalaga
c. Upang magkaroon ng proteksiyon sa katawan
d. Upang maaliw ang mga inaalagaang hayop
J. Karagdagang gawain Isabuhay at isagawa ang mga natutuhang panuntunang pangkalusugan at
para sa takdang-aralin pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.
at remediation

V. PAGNINILAY PANGKAT 1 PANGKAT 2


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?

Checked by: MARIA CHARISMA L. CABRILLAS – MT1

You might also like