Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Gonzales, Arch Russell E.

December 12, 2022


12029890 GERPHIS - Y47

Formative Assessment Module 2

Bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnang


Pilipino bilang pundasyon sa pagsusuri at pagtatatasa ng bansa sa
kasalukuyan?

Ang mga pangyayari sa nakaraan ay may napakalaking bahagi sa mga kaganapan


sa ating kasalukuyan. Ito ang pinagmulan ng mga bagay-bagay na ating nakikita at
natatamasa sa panahon ngayon. Kahit ito ay noong sinaunang kabihasnan pa man, ito
ay may matibay na pagkakaugnay sa mga nagaganap sa kasalukuyang panahon. Kaya
naman napakahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa
nakaraan lalo na sa ating mga sinaunang kabihasnan. Maraming aral na kaakibat ang
mga pangyayaring ito na maaari nating magamit sa ating mga nararanasan sa
kasalukuyan at pati na sa mga mararanasan natin sa hinaharap. Maaari tayong matuto
mula sa kanilang mga pagkakamali noong kanilang panahon at maiwasang magawa ang
mga pagkakamaling iyon. Mayroon ngang kasabihan na nagsasabing ang sinumang
hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa
kanyang paroroonan. Sa aking palagay, ang ibig sabihin lamang ng kasabihang ito ay
hangga’t hindi natututo ang tao mula sa mga aral ng nakaraan, patuloy siyang
makukulong dito at hindi siya kailanman makakarating sa kanyang gustong
patunguhan. Ang ating bansa ay humaharap sa napakaraming isyung panlipunan sa
kasalukuyan at ang karamihan dito ay maaari sanang maiwasan kung atin lamang
pinahahalagahan ang mga pangyayari sa nakaraan. Isang halimbawa niyan ay ang
kawalan ng pagkakaisa ng buong bansa na maaari nating mahalintulad sa buhay ng mga
Pilipino sa mga sinaunang kabihasnan. Kaya naman napakahalagang magkaroon ng
kaalaman tungkol sa mga kaganapan noong sinaunang panahon sapagkat magagamit
natin ito bilang pundasyon sa pagsusuri ng mga kaganapan sa ating bansa sa panahon
ngayon at sa pagharap sa mga magiging kalagayan ng ating lipunan sa mga susunod
pang panahon.

You might also like