Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Gonzales, Arch Russell E.

December 12, 2022


12029890 GERPHIS - Y47

Formative Assessment Module 1

Sa iyong palagay, bakit madaling maniwala ang maraming mga


Filipino sa mga "fake news" at misinformation hinggil sa kasaysayan ng
bansa na kumakalat sa social media? Paano natin masosolusyunan ang
suliraning ito, at bakit mahalaga na masolusyunan ang suliraning ito?

Madalas mo bang marinig ang mga linyang “Hindi mo ba napanood sa tiktok


yan…” o di kaya naman ay “Hindi mo ba alam sabi kaya sa facebook…” at iba pa? Kung
ang iyong sagot ay oo, huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Madalas kong
naririnig ang mga linyang iyan lalo na sa mga matatanda pati na sa aking mga
magulang. Ito ay isa sa mga magagandang halimbawa kung gaano kabilis kumalat at
makapanlinlang ang mga fake news sa online. Noong mga unang taon ng
ika-dalawampu’t isang siglo, bago pa man maging laganap ang paggamit ng internet sa
Pilipinas, ang mga Pilipino ay umaasa lamang sa telebisyon, pahayagan, at radyo para
makasagap ng mga balita at kaganapan sa ating bansa. Subalit nang unti-unting naging
bukas at laganap ang paggamit ng internet sa Pilipinas, dito na rin nagsimula ang
pagbilis ng pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang bahagi nito. Hindi natin makakaila
na dahil sa internet, napakadali na lamang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga
bagay bagay sa pamamagitan ng simpleng pag pindot lamang. Pa-unti nang pa-unti na
rin ang umaasa sa mga makalumang midya gaya ng telebisyon sa pagkuha ng mga
balita. Sa panahon ngayon, dalawampu’t apat na oras sa isang araw, at pitong araw sa
isang linggo, maaari kang makakuha ng balita at impormasyon gamit lang ang internet.
Ngunit kasabay nito, bumilis din ang pagkalat ng mga mapanlinlang at maling
impormasyon na naglalayon manloko at makapanlamang ng kapwa nila tao.
Napakaraming Pilipino ang biktima rito lalo na ang mga nanggaling sa henerasyon na
kulang sa edukasyon o impormasyon tungkol sa internet. Madali silang napapaniwala
ng mga manloloko sa internet sapagkat kakaunti ang kanilang kaalaman patungkol sa
pag-alam ng kredibilidad ng kanilang mga nakikita sa internet. Tila ba lahat ng kanilang
nababasa o napapanood dito ay kanilang pinaniniwalaan. Ngunit hindi ko rin masisisi
ang aking mga kababayan sapagkat wala naman silang ginawang kasalanan at talagang
maraming tao lamang sa internet na mapanlinlang at manloloko. Kaya naman
napakahalagang masolusyunan ang bagay na ito sapagkat napakamakapangyarihan ng
internet o social media. Sa sobrang makapangyarihan nito ay kahit isang post lamang sa
social media ng isang taong kilala ay napakaraming tao na nitong kayang mahikayat at
maimpluwensiyahan. Ito rin ang dahilan ng pagdami ng mga influencers sa social
media. Sa aking palagay, upang masolusyunan ang isyung ito patungkol sa fake news,
kailangan nating imulat ang mata ng ating mga kababayan at turuan silang kumilatis ng
mga nababasa nilang impormasyon sa internet at huwag basta bastang naniniwala sa
mga ito. Ito ay dapat nating masolusyunan upang ating maingatan ang ating mga kapwa
mamamayan mula sa kamay ng mga taong ginagamit ang kanilang kapangyarihan para
sa mga pansariling kagustuhan.

You might also like