Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Gonzales, Arch Russell E.

December 12, 2022


12029890 GERPHIS - Y47

Formative Assessment Module 3

Sa iyong palagay, paano nakaapekto o nakapag-ambag ang


kolonyalismo sa kasalukuyang kondisyon at mga suliraning panlipunan
sa Pilipinas?

Napakalaking bahagi ng ating kasaysayan ang nakapaloob sa salitang


kolonyalismo. Ito ay dinanas ng ating bansa sa loob ng ilang daang taon. Ngunit bago
ang lahat, ano nga ba ang kolonyalismo? Ayon sa diksyunaryo ng Merriam-Webster, ang
kolonyalismo o colonialism ay ang pagsakop ng isang estado o nasyon sa iba pang mga
pangkat ng tao o lupain. Sa loob ng napakaraming taon, tayo ay napasailalim ng
kolonyalismo ng iba’t ibang bansa. Kaya naman halos buong kultura, tradisyon, at
pamamaraan ng ating pamumuhay ay may pagkakatulad ng sa mga bansang sumakop
sa atin. Maraming magaganda at di magagandang naidulot ang kolonyalismo sa ating
bansa. Isa sa mga magagandang naidulot ng kolonyalismo ay ang edukasyon at
kaalaman na kanilang dinala noong sila ay dumating dito sa Pilipinas. Hindi naman
natin makakailang sila ay nauuna sa antas ng kaalaman noong mga panahon na yun.
Ngunit dahil din sa kolonyalismo, mas umiigting sa mga kabataan ang kaisipang
kanluranin at unti-unting nakakalimutan na tayo ay may sariling kultura, pamumuhay,
at pagkakakilanlan. Isa ito sa mga kasalukuyang suliranin ng ating bansa, sapagkat sa
panahon ngayon, napakaraming kabataan ang mas pinilpili ang mga kanluraning gawi
kaysa sa kanilang pagiging Pilipino. Mula sa paraan ng pananalita, pananamit, pag-iisip,
at iba pa, mas nananaig ang pangkaisipang kanluranin kaysa sa sarili nating
pagkakakilanlan. Isa pa sa mga suliranin ng ating lipunan ay ang pagkakaroon ng kaso
ng karahasan sa mga kababaihan at kabataan. Bago sakupin ng mga banyaga ang
Pilipinas, ang mga kababaihan ay mayroong matataas na katayuan sa ating lipunan. Sila
ay naaatasan ng mahahalagang gampanin sa lipunan. Ngunit sa pagdating ng mga
kastila, dito rin nagsimulang magkaroon ng hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa
mga kababaihan pati na sa mga kabataan. Sa totoo lamang, mapakaraming magandang
naiambag ng kolonyalismo. Ngunit hindi rin natin maikakaila ang mga naging ambag
nito sa mga kasalukuyang suliranin ng ating lipunan. Sa kabuuan, kung ano man ang
kasalukuyang kondisyon ng ating lipunan, ito ay dahil sa mga nangyari sa ating
kasaysayan kung saan halos puro nagmula sa kolonyalismo ang nilalaman.

You might also like