Abubacar Gedo116 Fa4 Argumentatibo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pagboto ngayong halalan ay isa sa ating karapatan ayon sa ating Konstitusyon.

Marapat
lamang na gampanan at gamitin natin ang karapatang ito dahil pwede natin itong gamitin upang
mabago ang sitwasyon ng ating bansa. Maganda nga na nasa kamay natin ang desisyon imbes na
nasa gobyerno kung sino ang pwede mamuno sa atin. Dahil pwede nila itong imanipula at iayon
sa kanilang kagustuhan. Di natin alam kung maganda ba ang intensiyon nila o hindi. Kaya
magpasalamat tayo at isa tayong demokratikong bansa. Isa pa, pinaglaban tayo ng ating mga
bayani para sa ating Kalayaan. Ngayon na Malaya na tayo, dapat lang na huwag natin sayangin
ang kanilang sakripisiyo. Kung di dahil sa kanila, hindi natin matatamasa kung ano man meron
ngayon sa kasalukuyan. Ngunit, nakakalungkot din na may ibang opisyal sa gobyerno na naging
kurakot pa at di pala bukal sa loob ang pagtulong sa atin. Maganda na dapat na silang paalisin sa
kanilang puwesto at palitan ng mas mabuti at maprinsipyong opisyal.
Nakakalungkot na marami pa sa atin ang hindi pa nakarehistro na bumoto. Marahil na marami
rin silang ginagawa at wala ng oras para magparehistro. Inuuna na mapabuti ang lagay ng
kanilang pamilya. Hindi rin naman sila masisisi dahil may kanya-kanya tayong buhay at
responsibilidad na kailangang gampanan. Gayunpaman, kung mayroon man tayong katiting na
pagmamahal sa ating bansa, dapat na talaga tayong magparehistro. Kailangan may pakialam tayo
tungkol sa mga ganitong usapin dahil apektado tayong lahat sa kung anumang gagawin ng ating
gobyerno. Kung ayaw natin na mapasailalim sa isang pinuno na pwede tayong ipahamak lahat,
mas maganda na ngang bumoto tayo, at iboto ang taong nararapat sa puwesto. Kung totoo man
na may pagmamahal tayo sa ating bansa, mainam na makilahok sa mga ganitong usapin at
magparehistro na. Gamitin natin ang ating karapatang ito ng mabuti.
Sa pagboto, marami dapat tayong isaalang-alang. Una na dito ay kilalanin muna natin ang mga
kandidato ng mabuti. Alamin kung maganda ba talaga ang intensiyon nila, tumakbo ba sila para
sa atin o para sakanilang pansarling interes, at marami pang iba. Alamin din natin kung marami
ba silang magagawa para mabago ang sitwasyon natin lalo na ngayong pandemya na sinusubok
talaga tayo kung paano natin iaahon ang ating buhay. Wag tayo basta-basta magpadala sa
kanilang mga matatamis na salita. Di natin alam, pawang kasinungalingan lamang ang kanilang
pahayag. Doon dapat tayo sa taong may malasakit sa kapwa, at maraming nagagawa para sa atin.
Puro dapat siya sa kilos, at hindi lang sa salita. May paninindigan, prinsipyo, at may
pagmamahal sa ating bansa.
Para sa akin, mahirap talaga malaman kung sino ba ang karapat-dapat iboto. Hindi pa rin ako
nakagparehistro dahil sa dahilang iyon. Maaari kasi na nagpapadala lang tayo sa sinasabi ng
ibang mamamayan at nakikiusyoso lang tayo. Hindi dapat natin hinahayaan na baguhin ng ibang
tao ang ating isipan at dapat matuto tayo na mag-isip para sa ating sarili.
Ikaw na dapat mismo maghanap ng mga impormasyon na kailangan mo tungkol sa paksa, at
doon ka gumawa ng konklusyon. Wag ka magpaimpluwensiya sa iba dahil meron ka namang
sariling isip at yun ang dapat mong sundan. Doon mo malalaman kung ano ba ang tama o mali.
Magparehistro ka kung sa tingin mo na gusto mo tumulong sa ating bansa. Pero hindi rin naman
masama kung hindi ka iboboto. Walang pumipilit sayo. Iboto mo rin kung sino sa tingin mo ang
may kakayahang baguhin ang ating sitwasyong kinakaharap ngayon.

(Abubacar, 2021)

You might also like