Professional Documents
Culture Documents
Q2 Periodic Test Araling Panlipunan 5
Q2 Periodic Test Araling Panlipunan 5
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
I. Maramihang Pagpipilian
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay
pampulitikang hangarin/ Karangalan, pagpapalaganap ng Kristiyanismo, at
pangkabuhayan/Kayamanang layunin. Bilugan ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Hangarin ng Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan sa buong mundo.
A. Kristiyanismo B. Karangalan C. Kayamanan
2. Hangarin ng Espanyol na ipalaganap ang Kristyanismo sa Pilipinas.
A. Kristiyanismo B. Karangalan C. Kayamanan
3. Ang Espanyol ay naglikom ng kayamanan sa Pilipinas kagaya ng ginto at pilak.
A. Kristiyanismo B. Karangalan C. Kayamanan
4. Ang kasunduan ng Espanyol at Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang
Relihiyong Romano sa Pilipinas.
A. Kristiyanismo B. Karangalan C. Kayamanan
5. Nagpapalaganap ng merkatilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Espanyol.
A. Kristiyanismo B. Karangalan C. Kayamanan
B. Basahin ang mga sumusunod at bilugan ang tamang sagot.
6. Patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
A. kolonya B. kolonyalismo C. Kanluranin
7. Ito ay bahagi ng misyon ng mga Espanyol sa pananakop ng mga lupain ang paglaganap ng
Relihiyong Kristiyanismo.
A. Gold B. God C. Glory
8. Itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop ng Espanyol sapagkat napapakinabangan nila
ang yamang tao at kalikasan nito.
A. Gold B. God C. Glory
23. Ano ang simbolong Kristiyano ang ipinatayo ng mga Espanyol para maipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo?
A. Espada B. Krus C. Simbahan D. Tubig
24. Sa paggawa ng seremonya, ano ang ginamit ng mga Espanyol kapalit ng mga bagay sa kalikasan?
A. Imahen ng Pari C. Imahen ng Santo at Santa
B. Imahen ng Gobernador D. Imahen ng Hari ng Espanya
26. Samahang relihiyoso na unang nakarating sa Pilipinas kasama ni padre Andres Urdaneta.
A. Dominican B. Augustinian C. Recollect D. Jesuit
27. Ito ay patakarang sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa nayon patungong pueblo o
bayan.
A. Doctrina Ekspedisyon C. Kristiyanisasyon
B. Ekspedisyon Reduccion D. Reduccion
29. Ano ang tawag sa kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan na
pagbabayad ng buwis?
A. cedula personal B. bandala C. falua D. tributo
30. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tulong na salapi mula sa Mexico?
A. donativo B. bandala C. real situado D. royal estate
31. Ano ang tawag sa lupang ipinagkaloob sa mga conquistador bilang gantimpala?
A. hacienda B. bandala C. encomienda D. tributo
32. Siya ang namamahala sa encomienda at tungkulin niyang protektahan ang mga nasasakupan nito.
A. datuB. timawa C. cabeza de barangay D. encomendero
33. Ano ang tawag sa mga taong nagtatrabaho sa polo y servicio?
A. alipin B. polista C. kura D. kargador
36. Sino sa mga pinunong Espanyol ang naging kauna-unahang gobernador-heneral ng Pilipinas?
A. Martin de Goiti C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Juan de Salcedo D. Andres de Urdaneta
38. Anong uri ng pari ang may karapatang mangasiwa sa mga parokya?
A. paring sekular B. paring regular C. paring dominante
39. Tumutukoy ito sa pagiging makapangyarihan ng mga prayle?
A. eukaristiya B. praylokrasya C. katekismo D. obras pias
40. Ito ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas na naglalaman ng mga aral ng simbahan.
A. Ibong Adarna B. Noli Me Tangere C. Doctrina Christiana
45. Isa ito sa mga sakramento ng simbahan kung saan itinuturo ang mga aral ng simbahan.
A. kumpisal B. kumpil C. katekismo D. kasal
46. Anong sakramento ng simbahan ang tumutukoy sa pagsisisi sa mga kasalanan upang mailigtas
ang kaluluwa sa mga kasalanan?
A. kumpisal B. kumpil C. katekismo D. kasal
47. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaroon ng ninong at ninang sa pagbibinyag?
A. compadrazgo B. aginaldo C. Corpus Christi D. katekismo
48. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?
A. binibiyayaan C. nagiging opisyal
B. pinaparusahan D. nagiging sundalo
49. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa kanilang
lugar?
A. lumisan sila C. nagmamakaawa sila
B. nagpaalipin sila D. gumagamit sila ng puwersa