Professional Documents
Culture Documents
Aralin 2 4
Aralin 2 4
Aralin 2 4
PAKSA
1. Pang ekonomiya: sa pagtatapos ng Kalakalang Galeon, pagbubukas ng Suez
Canal, pagbubukas ng mga daungan sa pandaigdigang kalakalan, paglakas ng
ekonomiya ng pagluluwas ng mga ani at mga monopolyo.
INAASAHANG MATUTUHAN
Ang mga sumusunod ay ang mga resulta ng pag-aaral na inaasahan nating
makamit sa pagtatapos ng aralin:
https://www.google.com/search?q=peninsulares+tagalog&sxsrf=ALeKk00WmtY
Vo0j89KFVoAy9ejCg1O90hA:1597128399540&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=I
BWaHE5dHdzoiM%252CK0so6Br166rz_M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRorKoeOXYJwVW5Rp8jmdK4RqdYKQ&sa=X&ved=2ahUKEwig5aj3xpLrAhXEDaY
KHQXVA1EQ9QEwA3oECAoQIA&biw=1920&bih=969#imgrc=IBWaHE5dHdzoiM
https://www.google.com/search?q=mestizo+tagalog&hl=en&sxsrf=ALeKk009ejrt8J7
XSkJymUl5-
aWJqscnDw:1597128531880&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi0nba2x
5LrAhVdwosBHXSyCy4Q_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=920#imgrc=UlragXoxri
pdwM
https://www.google.com/search?q=sangley+tagalog&sxsrf=ALeKk00nIqz83iBmyeC
WeiFblZOQAvtTFQ:1597211098332&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
_xJaB-5TrAhVENKYKHcnzDxIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969
https://www.google.com/search?q=sangley+tagalog&sxsrf=ALeKk00nIqz83iBmy
eCWeiFblZOQAvtTFQ:1597211098332&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwi_xJaB-5TrAhVENKYKHcnzDxIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969
PAGBABAGONG NAGANAP SA PILIPINAS NG MGA KASTILA
2. PAGBABAGO SA EDUKASYON
- Batas ng Edukasyon 1863 – pagtatag ng paaralan para sa mga guro
sa Maynila at itinaas ang sahod ng guro.
- Ang Ateneo de Municipal – dati’y nasa ilalim ng pamamahala ng
Ayuntamiento at inilipat sa pangangasiwa ng paring Heswita, dito
nag-aral ang batang Rizal.
Mga halimbawa:
Mga halimbawa:
8. “Frailocracia” o Frailocracy
- Dahil sa pilosopiyang political ng Espanya hinggil sa unyon ng
Simbahan at Estado, sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na
pamahalaan sa Pilipinas na kung tawagin ay frailocracia
“pamahalaan ng mga prayle”.
- Ang mga prayle ang siya ring superbisor sa mga eleksyong lokal
Inspektor ng mga paaralan at buwis
Tagapangasiwa ng mga moral, sensura ng mga aklat at
komedya
Tagapangasiwa ng mga gawaing pampubliko
Tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan
- Tinuligsa nina Rizal, Del Pilar, Lopez-Jaena at ibang Pilipinong
repormista ang frailocracia.
- Tinuligsa ni Rizal ang mga prayle at tinawag silang kaaway ng
repormang liberal kaunlaran sa Pilipinas.
- Si G. Lopez-Jaena naman ginawa silang kakatwang karikatura sa
kanyang Fray Botod
- Ang mga masasamang prayle na ito ay dinungisan ang marangal na
ngalan ng Espanya, dinumihan ang reputasyon ng daan-daang
mabubuting prayle.
- Ikinumpara sa Roman God na si Janus ang Frailocracia dahil may
dalawa itong mukha:
Masamang mukha ay ipinakita nila Rizal sa paraan ng pag
babawi sa mga prayle na umapi sa kanila
Ipinapakita naman ang mabuting mukha para sa
katotohanan nito sa kasaysayan
10. Prayle ang mga may-ari ng mga Hacienda (Haciedas owned by the friars)
- Noong panahon ni Rizal, ang mga prayle mula sa iba’t ibang
relihiyosong orden ay mayayamang may lupa, may-ari ng
pinakamagaganda at pinakamalalaking hacienda
- Naging dahilan ito ng mga pag-aalsang agraryo dahil itinuturing ng
mga Pilipinong kasama ng magsasaka ang prayleng may lupa na
siyang nagnakaw sa lupa ng kanilang ninuno.
- Isa sa mga madugong pag-aalsang agraryo ay naganap noong 1745-
1746
- Noong 1768 si Gob. Anda ay inirekomenda na ibenta na lamang
ang mga estadong pagmamay-ari ng mga prayle; hindi na naman
pinansin ang kanyang rekomendasyon
- Ayon kay Rizal, ang pag-aari ng mga prayle sa mga lupa ay lalo
lamang nagpalala sa di pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas noong
panahon ng Espanyol.
Mga Gawain
Panoorin ang pelikulang “Ganito kami noon, Paano kayo ngayon”.
MGA PAKSA
1. Pamilya ni Jose P. Rizal.
2. Si Rizal noong Kabataan niya.
3. Ang Pag-aaral at Paglalakbay ni Jose P. Rizal.
INAASAHANG MATUTUTUHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri at nailalahad ang pamilya, kabataan, at panimulang edukasyon ni
Rizal.
PAK2S. AN1a:gPkaAkMaroILoYnAngNeI bJaOlwSEasPyo. nRsIZa AmLga tao at pangyayaring
naging impluwensiya
sa buhay ni Rizal noong siya’y bata pa.
“Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19, 1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang
araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa Calamba na ito ng
luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen
ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon” - Jose Rizal
Mga Gawain
Ang unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang Ina. Una niyang
natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal. Unang napansin ng kanyang ina ang
kanyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula. Naging guro din niya
si Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua. Ang nagturo sa kanya ng Kastila at
Latin ay si Ginoong Leon Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama.
ATENEO DE MANILA
Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Nasa ilalim ng pamamahala ng mga kastilang pari. Natanggap niya ang lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa mga aklat. Hindi tinanggap si Rizal
sa ateneo dahil siya ay huli na sa patalaan at maliit para sa edad niya. Hindi siya
nakapasa sa pagsusulit sa ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Burgos at
mga Jesuits kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa ateneo. Sa unang pagkakataon
ginamit ni Jose ang Rizal imbes na ang Mercado.
Unang Taon sa Ateneo (1872-1873)
Upang mapagbuti ni Rizal ang kanyang kaalaman sa wikang Espanyol siya ay
nagpaturo ng mga aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kanyang
pamamahinga sa tanghali.
Padre Jose Bech – ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.
Pangalawang Taon (1873-1874)
Dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati niyang kamag-aral sa Biñan.
Nagsimula si Rizal sa pagkahilig niya sa pagbabasa at ang ilan sa mga aklat ay
ang mga sumusunod:
-Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas
-Universal History na isinulat ni Cesar Cantu na pinipilit niyang ipabili
sa kanyang ama.
-Travels in the Philippines ni Doktor Feodor Jagor
Si Padre Jose Bech siya parin ang kanyang naging guro.
Pangatlong Taon (1875-1876)
Nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang nasabing pari
ang: Humikayat kay Rizal para mag-aral ng mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga
tula. Sinabihan ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng
katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral.
Romundo de Jesus – guro sa eskultura.
Peninsula De Agustin Saez – guro sa pagpinta at paglilok.
Padre Villaclara at Padre Mineves – iba pang guro sa huling taon.
Huling Taon (1877-1877)
Nag-aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural History.
Hinikayat siya ni Padre Jose Villarada na itigil ang pagsusulat at iwan ang grupong
Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong
Marso 23, 1877 nang may limang medalya at natamo sa paaralan ang Bachiller en
Artes.
Ang tulang “Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya sa kanyang Ina ang
unang tula na naisulat niya bilang mag-aaral sa Ateneo.
SA PARIS
Noong Marso 19, 1889, hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababayang nasa
Paris na magtatag ng isang samahan na nagngangalang KIDLAT CLUB.
Nakuha niya ang suporta ni Ferdinand Blumentritt at itinatag niya ang isang
samahang tinawag na “International Association of Filipinologist”.
SA BELGIUM
Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid. Sinimulan niya sa bansang ito
ang pagsulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo. Maraming artikulo ang
kanyang isinulat na ipinalathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
SA MALDRID
Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa Kalamba.
Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang Inhinyerong Ingles. Nabuo ang
aklat na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni Valentin Ventura. Sa
kakulangan ng salapi ay muntik na niya itong hindi napalimbag.
Mga Gawain
ARALIN 4
BUHAY NI RIZAL: MATAAS NA EDUKASYON AT BUHAY SA IBANG
BANSA
PAKSA
1. Mataas na Edukasyon
2. Buhay ni Rizal sa ibang bansa
INAASAHANG MATUTUTUHAN
Ang mga sumusonod ay ang mga resuLta ng pag-aaral na inaasahan
mong makamit sa pagtatapos ng aralin:
EUROPA
Ang lihim na pag- alis ni Rizal
Paciano- nagplano sa pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.
Antonio Rivera- ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal
patungo ng Espanya.
Jose Mercado- ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag alis
patungo Espanya.
SINGAPORE
Mayo 8, 1882, kasabay ng barkong Salvador, nagtungo siya sa Singapore.
Nagparehistro siya sa Hotel dela Paz. Dalawang araw na saglit na namalagi si Rizal sa
Singapore.
Mga lugar na kaniyang pinuntahan:
1. Harding Botaniko
2. Distribong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Standford Raffles
Barcelona, Espanya
Narating ni Rizal ang Espanya noong Hunyo 16, 1882 lulan ng tren mula
Marseilles, Pransya. Malugod na tinanggap si Rizal ng mga ilan niyang kamag-aral
niya noon sa Ateneo.
Madrid, Espanya
Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano- Filipino at Masonic Lodge Acasia at
sinimulan niya isulat ang nobelang Noli Me Tangere. Dito tinapos niya ang kursong
Medisina sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884. Ngunit dahil sa
hindi niya naipasa ang kanyang thesis at hindi nakabayad ng karampatan para sa
kursong tinapos, hindi siya nabigyan ng diploma. Nang sumunod na taon ay natapos
niya ang kursong Pilosopiya.
Leipzig, Alemanya
Lulan ng tren binisita ni Rizal ang ilang lungsod sa Alemanya Agosto 14, 1886
Berlin, Alemanya
Noong Nobyembre 1, 1886, narating niya ang Berlin kung saan siya tinanggap
ng Sirkulo Siyentipiko. Dito niya pinaghusayan ang kaalaman sa optalmohiya sa
tulong ng ilang mga kaibigan. Namuhay si Rizal sa kahirapan. Siya siya ay nagutom,
nagkasakit ngunit hindi ito naging hadlang upang mailathala ang kaniyang nobelang
Noli Me Tangere noong Pebrero 21, 1887.
Paris, Pransya
Pumasok siya bilang isang katulong sa kilalang mangagamot doon na si Dr.
Louis de Wrecket na malaki ang naitulong sa kaniya sa pagkadalubhasa sa paggamot
ng mga mata. Tumungo siya sa Paris upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa sa
paggamot ng mga mata sa tulong ng isang tanyag na manggagamot na si Dr. Wrecket.
Leitmeritz, Bohemia
Mayo 13, 1887, dumating ang tren sa estasyon ng Leimeritz kung saan
nagiistay si Prop, Ferdinand Blumentritt. Sinasabi na magaganda ang mga alaala ni
Rizal sa lugar na ito.
Switzerland
Magkasama si Rizal at si Viola noong Hunyo 2-3, 1887 sa pagbisita sa
Schaffhausen na itinuturing na isa sa kaakit-akit na lugar sa nasyon ng Alpine.
Pagkatapos ay kinakailangan magbalik ni Viola ng Barcelona at si Rizal ay nagpatuloy
sa kanyang paglalakbay.
ITALY
Sa Italy pinuntahan ni Rizal ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence.
Noong Hunyo 27, 1887 tinungo niya naman ang Roma. Makalipas ang isang linggong
pamamasyal sa Roma ay umuwi na ito muli sa Pilipinas.
Yokohama, Japan
Pebrero 28, 1888 dumating si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Hotel Grande.
Tokyo, Japan
Nagtungo rin siya sa Tokyo at binisita siya ni Juan Perez Caballero, kalihim ng
Legasyong Espanyol. Marso 15, 1888 nakilala niya si Seiko Usui (O-Sei-San) na
kaniyang naging kasintahan.
Estados Unidos
Abril 26- Mayo 8, 1888 dumaong ang barkong Belgin sa San Francisco at
nakita niya ang Amerika sa unang pagkakataon. Mayo 8, 1888 nagsimulang
maglakbay si Rizal sa iba’t ibang sulok ng Estados Unidos. Mula sa New York, tumulak
siya patungong Inglatera, sakay ng barkong City of Rome. (London Inglatera)
Barcelona at Madrid
(Espanya)
Disyembre 11, 1888 nagpunta si Rizal sa Barcelona at Madrid upang makipag-
ugnayan sa mga Pilipino doon tungkol sa mga gawaing propaganda para sa Reporma
ng Pilipinas. Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang pahayagang “La
Solidaridad” kung saan ang naging patnugot dito si Marcelo H. Del Pilar.
Brussels, Belgika
Enero 28, 1890 dahil sa magastos ang pamumuhay sa Paris at balakid na
kasiyahan ng lungsod sa pagsusulat ng El Filibusterismo, nilisan niya ang Paris
patungong Brussels, kabesera ng Belgika. Naging abala si Rizal sa pagsusulat ng El
Flibusterismo at ang pagpapadala ng mga artikulo sa La Solidaridad.
Task/Activity
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilakip sa Modyul na ito ang
iyong mga kasagutan.
1. Bakit naglakbay si Rizal sa iba’t ibang bahagi ng Europa? Ano ang nais niyang
tuklasin?
2. Ano ang kinasangkutang aktibidades ni Rizal sa kanyang pag-aaral sa Espanya?
Naging makulay ba ang kanyang pamumuhay sa Espanya at bakit?
3. Ilarawan ang mga naging paghihirap ni Rizal sa ibang bansa? Paano niya
nalagpasan ang mga suliraning kinakaharap?
4. Ano ang mga naranasan ni Rizal sa Berlin?
5. Bakit humanga si Rizal sa mga kababaihang Aleman? Ipaliwanag ang mga dahilan.