Sample Output of LR For Grade 3 MELC AP3EAP IVa1 Objective

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ang bayang ito ng Rosario ay nagmula sa pamayanan ng mga unang Kristiano sa

dalampasigan ng timog-silangang Batangas. Itinatag ito ng mga paring Agustino noong


1687. Si Don Nicolas Morales ang unang gobernadorcillo rito. Ang pamayanang ito ay
pininsala ng mga piratang Moro. Lumikas ang mga mamamayan nito patungong hilaga
nang dinarasal ang rosaryo. Sa Hilerang Kawayan, malapit sa Ilog ng Kansayahan,
muling itinatag ang pamayanan at tinawag na Rosario.
Inilayo pa ang bayang ito ng mga paring Dominiko, doon sa tabi ng Tubig ng Bayan.
Dito nanatili ang Rosario ng mahabang panahon, hanggang 1902.
Ang paglilipat-lipat mula sa dalampasigan - ngayon ay Lobo, patungong Hilerang
Kawayan - ngayo'y Pinagbayanan, sakop ng Taysan, hanggang sa Tubig ng Bayan ng
Padre Garcia - dati'y Lumang Bayan; ay naganap sa kasukdulan ng Digmaang Kastila at
Moro sa maagang dekada ng 1700.
Sa huling panahon ng pananakop ng Kastila, sa ilalim ng mga paring Recollecto, ang
Rosario ang sentro ng kabihasnan sa dakong ito ng Batangas. Sa lupaing Rosario
nagmula ang mga bayan ng San Juan, Taysan at Lobo.
Sa bayan ding ito sumuko si Hen. Malvar kay Hen. Bell ng Hukbong Amerikano noong
ika-16 Abril, 1902. Ang Pamahalaang Bayan ng Rosario ay inilipat dito sa Tumbol noong
ika-9 ng Hunyo, 1902. Si Don Antonino Luansing ang isa sa mga nagkaloob ng lupa para
sa mga gusaling pambayan.
Noong 1949, ang Lumang Bayan kasama ng 7 barrio ay humiwalay sa Rosario upang
maging Bayan ng Padre Garcia.
Ang Rosario ay tinatawag na Kamalig ng Palay ng Batangas.
Source:
http://rosariobatangas.blogspot.com/2011/11/brief-
history-of-rosario.html
Ang Bayan ng Rosario, Batangas ay maunlad,
malinis, maayos, maganda at matahimik na
pamayanan, isang huwarang bayan at ganap na
lunsod na may pagmamahal sa kanyang kalikasan,
nangangalaga sa kagubatan na may maraming
tanim na punong kahoy lalu na sa mga kataasan.
Isa ang Rosario sa mga bayan sa Batangas na
mayabong ang Sektor ng Agrikultura kaya naman
mayaman sila sa mga lupang sakahan at mga
produktong Agriltura. Kilala din ito sa kanilang
kakanin na Sinukmani na syang simbolo ng
Sources: Rosario Batangas FB page, Wow Batangas malagkit at matamis na pagsasamahan.
Source:
http://rosariobatangas.blogspot.com/2011/11/brief-
history-of-rosario.html
Bayan ng Sinukmani Festival
Bayan ng
Sinukmani Festival
Tuwing Hunyo 9, ang Sinukmani
Festival ay ginaganap sa Rosario,
Batangas. Ang Rosario ang siyang
tinaguriang “Rice Granary of Batangas”
kaya ang pagdiriwang ay hango sa bigas.
Sources: Rosario Batangas FB page
May 48 barangay ang Rosario, lahat sila
sa pamumuno ng opisyal ng kanilang Ang Sinukmani ay matamis na
barangay ay lumalahok sa taunang malagkit na bigas na hinaluan ng gata
pagtitipon. ng niyog at asukal. Para makagawa ng
Ang sinukmani nga ay isang napakasarap na sinukmani, ang
pagdiriwang bilang paggunita sa malagkit na bigas ay iniluto sa sa isang
pagkakatatag ng munisipalidad ng kaserola, katulad din ng pagluluto natin
Rosario sumisimbolo rin ito bilang ng kanin at kapag medyo luto na eto or
pasasalamat ng mga mamamayan ng half-cooked alisin na ito sa apoy at
Rosario sa masaganang ani ng palay. isantabi. Pagkatapos sa isang malaking
carajay o tulyasi kung tawagin ay
paghhaaluin ang gata ng niyog at asukal
sa isang katamtamang lakas ng apoy.
Pagkatapos ang half-cooked na
malagkit ay ihalo na sa pinaghalong
gata ng niyog at asukal at haluin ng
haluin hanggang sa ito ay maluto. At
pagkatapos na maluto ay inilalatag or
inihuhulma ito sa isang nilatag na
dahon ng saging sa hulmahan.
Source:
http://rosariobatangas.blogspot.com/2011/11/brief-
history-of-rosario.html
Bayan ng
Sinukmani Festival

Balai Ising
Putingkahoy, Rosario,
Batangas

La Consuelo
Pob. B., Rosario,
Batangas

Dahil sa magandang lokasyon ng bayan ng Rosario, isa pa rin sa


pinagkakabuhayan ay ang pagkakaroon ng mga private Resorts kung saan
malaking bahagi ng buwis mula sa mga kita nito ay nakatutulong sa mga
proyekto at pagawaing bayan ng Rosario. Bukod dito, ilag mga mahahalagang
pagpupulong , team building at mga training ay isinasagawa sa mga lugar na ito.
Tunay na pinapalang bayan ang Rosario!

You might also like