Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Province of Batangas
City of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


Old City Hall, Barangay. 3 Lipa City

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

FIRST SEMESTER AY 2023 – 2024

Group 1
Group Members :

Macuha, Kimberly H.
Recto, Lorie Genn
Cuevas, Mark-ly M.
Masas, Arlen C.

Topic : Kahulugan, Katangian, Kahalagahan at Papel ng Wika.


Kahulugan ng Wika – Recto, Lorie Genn
Katangian ng Wika – Cuevas, Mark-ly
Kahalagahan ng Wika – Macuha, Kimberly
Papel ng Wika sa pagkatuto – Masas, Arlen

To be submitted to :
Ms. TERESA L. SOQUIAT
FIL 103 Professor
A. KAHULUGAN NG WIKA
Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit
ang wika bilang isang mabisang paraan ng pakikipag-usap sa kapuwa. Isa itong paraan ng
komunikasyong karaniwang taglay ng mga tao sa isang lugar. Bahagi ito ng kultura at pamumuhay ng
mga mamamayan.

Kahulugan ng Wika Ayon sa mga Dalubwika at Palaaral sa Wika

Ang wika ang siyang pangunahing instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at sentimental
na pangangailangan ng isang tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng
lipunan upang matamo ang pangangailangan nito. Constantino (1996)

Ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga
pangkalahatang katangian ng wika at gayundin ay masuri ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng
epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo.Otanes (1990)

Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit. Santiago (1995).

Ang wika ay sistema ng mga tunog, at arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.Hutch (1991)

B. MGA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay tunog

Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang
pasulat na paglalahad. Ang mga ito ay naririprisinta ng mga titik. Batay sa katangiang ito, tahasang masasabing ang wika
ay hindi binubuo ng alpabeto nito. Bagamat malinaw na sa atin na may hindi pa naisusulat, gaya ng wikang ginagamit ng
ilang mga naninirahan sa kabundukan at iba pang mga lugar.

2. Ang wika ay arbitraryo


Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito ay maaaring para sa isang tiyak na layunin. Ito ay maaaring
napagkasunduan ng isang pangkat ng tao.

3. Ang wika ay masistema

Kapag pinagsama-sama ang mga tunog ay makabubuo ng makahulugang yunit ng salita, gayundin naman,
kung pagsama-samahin ang salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala. Ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas
na taglay nito. Ang antas ay maaaring patungkol sa tunog, yunit ng salita o kayarian ng pangungusap.

4. Ang wika ay sinasalita

Nabubuo ang wika sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong,
ngalangala at lalamunan.
5. Ang wika ay nagbabago

Sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago. Bahagi ng pagbabagong ito ang
pagkawala ng sirkulasyon ng ibang salita na itinuturing na luma na o hindi na gaanong gamitin o ginagamit. Halimbawa
ng mga salitang lelong (matandang lalaki), salumpuwit (silya o bangko), salipawpaw (eroplano) at marami pang iba.

C. KAHALAGAHAN NG WIKA

Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon.
Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon
hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.

1. Instrumento sa pagpapahayag

2. Tagapagtala ng mga mahahalagang pangyayari at Impormasyon sa lipunan, kultura at kasaysayan

3. Tagapagpapalaganap ng mga karunungan at katotohanan.

4. Nagsisilbing instrumento sa pagbubuklod ng bansa.

5. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.

D. PAPEL NG WIKA SA PAGKATUTO

Ang bawat bansa o nasyon ay may sari- sariling wikang isinasalita ngunit mayroon pa rin tayong tinatawag na
“universal lan- guage” o ang isang lenggwaheng dapat alam ng lahat at ito ay ang wikang -Ingles (English). Pangalawa,
ang wika ay isang kasangkapan sa pagkalap ng kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ay nagkaroon tayo ng kakayahan na
umintindi ng mga bagay bagay at ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito.

Sa paaralan, ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkatuto hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng mga
guro. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan
ng wika. At ito ay lubos na magiging matagumpay kung ang guro ay bihasa o may sapat na kaalaman sa pakikipag-
ugnayan. Ki- nakailangang maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos.

Sa makabagong panahon, dapat maisaalang-alang ng bawat paaralan ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo ng edukasyon o wikang panturo. Sa ganitong paraan, hindi mawawala ang pagkakaroon ng halaga
ng ating wikang pambansa at maitatanim pa natin sa utak at puso ng bawat kabataan ang importansya ng wikang
Filipino. Ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Katulad ng
mga nabanggit ito ay ang tulay na magdudugtong tungo sa kaunlaran ng mga nasyon at kalagayang panlipunan ng isang
bansa.

Pangatlo, malaki ang ginagampanan ng ating wikang pambansa sapagkat malaki rin ang mga isinakripisyo ng
mga taong nagpursigi upang makamtam ang pagpapahalaga sa ating sariling wika. Sa pagtataguyod ni Manuel Quezon ito
ay lub- hang naisakatuparan at ang galaw na ito ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto na siyang nagpapayabung sa
kahalagan ng ating wika. Ang ating wika ay dapat tangk- ilikin at pagyamanin. Dapat itong ipag- malaki sapagkat kung
walang wikang Filipino ay walang pagkakakilanlan ang at- ing bansa. Ang mga papel na ginagam- panan ng wikang
pambansa ay hindi lamang para sa kaunlaran ng bawat ma- mamayang Pilipino kundi sa kaunlaran mismo ng ating bansa.

Ngunit atin lamang pagkakatandaan na ang lahat ng mga papel ng wika na na- banggit ay magiging hindi kapaki-pakina-
bang kung tayo mismong mga Pilipino ay hindi yayakapin ang sariling atin. Sa atin pa rin nakasalalay ang pagbabagong
ating miniminthi. At lagi lamang nating iisipin na ang mahalaga ay pinahalagahan natin kung ano ang mayroon tayo at
pinagyayaman ito.

You might also like