Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 74

Pang-ukol

- Isang bahagi ng
pananalita sa wikang
Filipino na ginagamit
upang magbigay ng
impormasyon
tungkol sa relasyon
ng isang salita sa iba
pang bahagi ng
pangungusap.
- Ang mga salitang
pang-ukol ay
maaaring magbigay
ng impormasyon
tungkol sa lokasyon,
oras, layunin, o mga
instrumentong
ginamit upang
makamit ang isang
layunin. Halimbawa
ng mga pang-ukol ay
"sa," "ng," "para
sa," "kay," "para
kay," atbp.
Ang mga
karaniwang uri
ng pang-ukol sa
wikang Tagalog
ay ang mga
sumusunod:
Sa - ginagamit ito
upang magpakita ng
relasyon ng pag-aari,
pagkakaroon ng
lokasyon o lugar, o
para sa mga oras at
araw.
Halimbawa: ang
bahay SA tabi ng
kalsada, magkita
tayo SA Lunes.

Ng - ginagamit ito
upang magpakita ng
relasyon ng
pagmamay-ari,
paglalarawan ng
katangian, o pag-
uugnay ng dalawang
bagay.

Halimbawa: ang
kotse NG aking
kapatid, ang lalaking
MAY matangos na
ilong.

Para sa - ginagamit
ito upang magpakita
ng layunin o pakay
ng isang gawain.
Halimbawa: bumili
ako NG gulay PARA
SA hapunan.

Kay - ginagamit ito


upang magpakita ng
relasyon ng
pakikipag-ugnayan o
pagbibigay ng
atensyon sa isang tao.

Halimbawa:
magbibigay ako NG
regalo KAY Ana.

At - ginagamit ito
upang magpakita ng
pag-uugnay ng
dalawang bagay o
pangyayari.

Halimbawa: kumain
ako NG isang
malaking sandwich
AT isang malamig na
coke.
Patungo sa -
ginagamit ito upang
magpakita ng
direksyon o tunguhin
ng isang bagay o tao.
Halimbawa:
naglakad ako
PATUNGO SA park.

Mula sa - ginagamit
ito upang magpakita
ng pinanggalingan ng
isang tao o bagay.
Halimbawa: dumaan
ako MULA SA
kalsada ng EDSA.

Para kay -
ginagamit ito upang
magpakita ng layunin
o pakay ng isang
gawain para sa isang
tiyak na tao.

Halimbawa: bumili
ako NG bulaklak
PARA KAY Nanay
sa kanyang
kaarawan.
Dalawang
Pangkat ng Pang-
ukol

1. Ginagamit na
pangngalang
pambalana
- Tumutukoy sa
pangkalahatang
ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar, at
pangyayari. Ang mga
pangngalang ito ay
di-tiyak, walang
tinutukoy na tiyak o
tangi, tulad ng ukol
sa, laban sa, hinggil
sa, ayon sa, at para
sa.

Mga halimbawa:
• Ang paksa ng pag-
aaral ay tungkol sa
sakit na COVID-19.
• Laban sa
manggagawa ang
kanilang panukala.
• Tungkol sa mga
bata ang pinag-
uusapan nila.
2. Ginagamit sa
tanging ngalan ng
tao
- Ang gawa, ari,
layon, at kilos ay
para lamang sa
ngalan ng tao, tulad
ng ukol kay, laban
kay, tungkol kay,
ayon kay, at hinggil
kay.

Mga halimbawa:
• Para kay Joan ang
pagkaing ito.
• Hinggil kay Tanya
ang kanilang
problema.
• Ayon kay Rizal, ang
pananaliksik ay
nadaragdag sa ating
kaalaman.

Pang-abay
-isang bahagi ng
pananalita na
nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri at
kapwa pang- abay.

Halimbawa
• Si Jana ay
nagsisimba tuwing
Linggo.
• Tiyak nga na sariwa
ang hangin sa
probinsya
• Tunay na malakas
sumuntok si Many.
Mga uri ng Pang-
abay

1. Pang-abay na
Pamaraan
-Naglalarawan kung
paano naganap,
nagaganap, o
magaganap ang
pandiwa sa
pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong
na "paano?"

Halimbawa
1. Sumigaw nang
malakas ang bata.
2. Maingay na
pinunasan ni Eli ang
mga pinggan.
3. Masaya na
ipinagdiwang ng
pamilya ang Bagong
Taon.
2. Pang-abay na
Pamanahon
- Nagsasaad kung
kailan naganap,
nagaganap, o
magaganap ang
pandiwa sa
pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong
na "kailan?".

Tatlong uri ng
pang-abay na
Pamanahon
A. Pamanahong
may Pananda
- Ito ay ginagamitan
ng mga panandang
nang, sa, noon, kung,
kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, o
hanggang.
B. Pamanahong
Walang Pananda
- Ito ay ginagamitan
ng mga panandang
kahapon, kanina,
ngayon, mamaya,
bukas, sandali, at
marami pang iba.
C. Pamanahong
Nagsasaad ng
Dalas
- Ito ay ginagamitan
ng mga salitang
nagsasaad ng dalas,
kahaya ng araw-
araw, gabi-gabi,
taun-taon, linggu-
linggo, kani-kanina,
maya-maya, parati,
madalas, at marami
pang iba.

Halimbawa
1. Tuwing pasko ay
umuuwi ng probinsya
ang pamilya ni Ana.
(may pananda)
2. Umiyak siya
kanina. (walang
pananda)
3. Si Jed ay
naglalakad
patungong paaralan
araw-araw.
(nagsasaad ng dalas)

3. Pang abay na
Panlunan
- Ang pang abay na
Panlunan ay isang
Uri ng pang-abay na
nagsasaad ng lugar
kung saan naganap
ang pangyayari.
- Naglalarawan din
Ito Kung saan
ginawa, ginagawa, o
gagawin ang kilos na
taglay pandiwa.

Halimbawa:
• Magbabakasyon sila
sa Cebu
• Dinala sa
pagamutan ang
nasugatan na bata

4. Pang-abay na
pang-agam
- Ang Pang-abay na
pang-agam ay isang
uri ng pang-abay na
nagbabadya ng di
katiyakan o pag
aalinlangan sa
tinutukoy nitong
pandiwa, pang-uri, o
kapwa pang-abay.
Halimbawa:
• Marahil sa susunod
na linggo na papasok
si Bianca.
• Ang librong ito ay
marahil
nakakalibang.
• Siguro naglalaro
ang mga kaibigan ko
sa parke.

5. Pang-abay na
Ingklitik
- Ang Pang-abay na
Ingklitik ay isang
maiikling katagang
walang kahulugan ng
isang pangungusap.

Halimbawa:
•ba •daw
•kasi
•lamang
•pa •raw
•muna •tuloy
•na •yata
•lang
•nga •pala
•din/rin
•man •kaya
•naman

Iba pang Halimbawa:


"Papunta si Peter"

Papunta ba si Peter?
Papunta pa si Peter.
Papunta na si Peter.

6. Pang-abay na
Benepaktibo
- Ito ay nagsasaad ng
benepisyo para sa
isang tao dahil sa
kaganapan sa kilos
ng pandiwa o layunin
ng pandiwa.
- Ginagamitan ito ng
panandang para o
para sa.
HALIMBAWA:
• Kumain Ng gulay si
Jamilla para sa
kalusugan nya .
• Naghahanapbuhay
si Mang Theo para sa
kanyang mga anak.
• Ang mga sundalo ay
nakikipaglaban para
sa bansa
7. Pang-abay na
Kusatibo o
Kawsatibo
- Ang kusatibo pang
abay ay nagsasaad ng
dahilan sa pagganap
Ng kilos ng pandiwa.
*Ginagamitan ito ng
parirala na
pinangungunahan ng
dahil o dahil sa.

HALIMBAWA:
• Nagkasakit ako
dahil sa binigay na
marka ni binibining
Narcisan.
• Dahil sa kanya wala
akong naiintindihan
sa paksang
programing.
• Diko akalain dahil
sa asking pagiging
burara akoy
natapunan ng
sikwate.
8. Pang-abay na
Kondisyonal
-Nagsasaad ito ng
kondisyon para
maganap ang kilos na
isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may
pariralang kung,
kapag/pag, o pagka
HALIMBAWA:
• Matututo kang
magsalita ng ingles
kung ikaw ay
magsasanay parati.
• Hindi ka
maghihirap kapag
ikaw ay masipag.
• Bibili tayo ng iyong
laruan kung naubos
mo ang iyong
pagkain .

9. Pang-abay na
Pamitagan
-Ito ay nagsasad ng
paggalang.
Ginagamitan ito ng
mga salitang po, opo,
ho, o oho.

HALIMBAWA:
• Ano po ang bibilhin
nyo?
• Naglalaro po kame
ng Chess.
• Opo, bababa na po
ako.

10. Pang-abay na
Panulad
-Ginagamit ito sa
pagtutulad ng
dalawang mga bagay.
Ito ay ginagamitan
ng salitang kaysa.

HALIMBAWA:
• Mas matalino si
Karen kaysa kay
Jason.
• Mabilis tumakbo si
James kaysa kay
Tony.
• Ang gusto ko ay
matulog kaysa
kumain .
11. Pang-abay na
Pananggi
-Nagsasaad ito ng
pagtanggi o pagtutol.
Ito ay ginagamitan
ng mga pariralang
hindi, di at ayaw.

HALIMBAWA:
• Ayaw ni Freddy
matulog ng maaga.
• Hindi na ako
magpapautang.
• Ayaw kong
pumunta sa sinehan.
12. Pang-abay na
Panggaano o
Pampanukat
-Nagsasaad ang
pang-abay na
panggaano ng
timbang, bigat, o
sukat. Ito ay
sumasagot sa tanong
na gaano o magkano.

HALIMBAWA:
• Bumili ka ng tatlong
kilong bigas.
• Inabot ako ng
dalawang oras sa
paggawa ng aking
proyekto sa Math.
• Nabawasan ang
timbang ko ng
dalwang kilo.

13. Pang-abay na
Panang-ayon
- Ito ay isang uri ng
Pang-abay na
nagsasaad ng
pagsang-ayon sa
salitang
kilos(pandiwa), pang-
uri, o sa kapuwa
pang-abay sa
pangungusap.
-Ito ay ginagamitan
ng mga panandang
Oo, Opo, Sadya,
Talaga, Syempre,
Sge, Tiyak, Walang
duda, Sigurado.

Halimbawa:
• Siguradong galit na
namn si Nanay
• Tunay na mahusay
umawit si Celia
• Oo, Magaling na
Doktor ang kaibigan
ko.
14. Pang-abay na
Panturing
- Ito ay
nagpapahayag ng
pagkilala o pag
tanaw ng utang na
loob.

Halimbawa:
• Mabuti na lang at
dumating ka dahil
ikw lang ang
hinahanap ni Jessa.
• Nang dahil sayo ay
natapos ko ang aking
takdang aralin.
• Mabuti na lang at
pinahiram mo ako ng
pera dahil
makakabayad na
kami sa ospital.

15. Pang-abay na
Pananong
-Ginagamit sa
pagtatanong ukol sa
panahon, lunan,
pook, bilang o
halaga.

Halimbawa:
• Ilang taon ka na?
• Magkano ang kilo
ng ubas?
• Bakit mahalaga ang
bayanihan?
16. Pang-abay na
Panunuran
- Isang uri ng Pang-
abay na tumutukoy
sa ayos ng
pagkakasunod sa
hanay o kalagayan ng
isang bagay o tao sa
pangungusap.
- Ginagamitan ito ng
mga salitang Una,
Isa-isa, Pangkat-
pangkat, Kahuli-
hulihan, Sunod-
sunod, at marami
pang iba.
Halimbawa:
• Unang pinansin ang
aking ginawang
parol.
• Sunod-sunod na
dumating ang mga
panauhin.
• Kahuli-hulihan na
dumating si Pope
Francis sa Pilipinas
noong Enero 15, 2015

17. Pang-abay na
Pangkaukulan
- Ito ay ginagamitan
ng mga salitang
Tungkol, Hingil o
Ukol.

Halimbawa:
• Ang plano ko
Tungkol sa bayan ay
madali lamang.
• Hingil saan ang
pagpupulong
ngayon?
• Ang palabas ay
tungkol sa buhay ni
Charo.

You might also like