Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Grace Ann Templanza Petsa: Peb 6, 2024

Seksyon: 11HUMSS2 Tekstong Naratibo

Resipi ng Kare-Kare
Mga Sangkap:

1 buntot ng baka
2 pata ng baka
1 taling sitaw
1 taling petsay
2 talong
1/2 tasang mani
1/2 tasang bigas
atsuwete
asin
bawang
sibuyas

Paraan ng Pagluluto:

Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:

Dikdikin ang bawang.


Hiwain ang sibuyas, panggisa.
Putol-putolin ang sitaw.
Hiwain ang petsay.
Hiwain nang pahalang ang talong.
Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino.
Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
Hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki. Palambutin.
Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot at
pata ng Mica. Isunod naman ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka.
Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang mga
hiniwang gulay. Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos
na ang kare-kare ‘ay maaari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong.
https://www.elcomblus.com/ang-tekstong-prosidyural/

Mga tanong:
1. Ano ang layunin ng tekstong nabasa?
Sagot: Layunin ng tekstong ito na ipakita kung paano lutuin ang Kare-Kare.
Ginagabay nito ang mga nagluluto sa tamang proseso at sangkap upang makagawa
ng masarap na pagkain. Sa mga detalyadong hakbang, layunin nitong tulungan ang
mga mambabasa na maunawaan kung paano gawin ang Kare-Kare mula simula
hanggang sa paghahain. Gusto nitong magbigay ng kaalaman at kasanayan sa
pagluluto ng paboritong lutuin ng mga Pilipino. Sa simpleng pag-unawa sa mga
hakbang, maaaring subukan ng sinumang interesado ang pagluluto ng Kare-Kare.
2. Ano ang kahalagahan ng tekstong binasa sa inyong piling larangan?
Sagot: Ang tekstong ito ay mahalaga sa larangan ng pagluluto dahil nagbibigay ito
ng impormasyon at gabay sa paggawa ng isang popular na pagkain. Sa mga
hakbang at sangkap na ibinigay, natutulungan nito ang mga nagluluto, lalo na ang
mga baguhan, na matutunan ang tamang paraan ng pagluluto ng Kare-Kare.
Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng ating kultura at tradisyon sa pagkain sa
pamamagitan ng pagtuturo sa mga lokal na pagkaing tulad ng Kare-Kare. Sa
simpleng pag-unawa sa mga hakbang, nagagamit ng tekstong ito sa pagpapayaman
at pagpapalaganap ng ating kultura sa larangan ng kusina.

3. Paano mo nasabi na ito ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo?


Magbigay ng tatlong patunay.
Sagot: Ito ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo dahil una, nagbibigay ito
ng mga hakbang at sangkap na kailangan sa paggawa ng isang putahe. Pangalawa,
naglalaman ito ng mga detalyadong impormasyon na nagtuturo sa mga mambabasa
kung paano lutuin ang isang specific na pagkain. At pangatlo, layunin nitong
magbigay ng kaalaman sa mga mambabasa at tulungan silang maunawaan ang
proseso ng pagluluto ng Kare-Kare.

You might also like