Professional Documents
Culture Documents
Ang Bahay NG Lagim - Ajeomma
Ang Bahay NG Lagim - Ajeomma
"Anak ng..., hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga lugar na yan? Halos napuntahan na
nating lahat yan, ah. Wala ng bagong makikita sa ganyang mga lugar. Kumbaga sa
pokpok, laspag na laspag na ang mga yan!", maangas na sabi ni Aldo sa dalawang
babae na katropa nila. Nakahilata ito sa malambot na sofa at nakataas pa ang mga
paa.
"Narinig niyo mga bebe? Ang gusto ni pareng Aldo yung donselya! Yung siya pa lang
ang unang magbubuka!", sabat ni Josh at binirahan ng malakas na pagtawa. Nakahilata
rin ito sa sofa. Bahay niya ang kinaroroonan nilang magkakaibigan.
"Tama ka pareng Josh..., yung virgin!", sabi uli ni Aldo at nakisabay na sa pagtawa
ng pinaka kadikit niya sa tropa.
"Tae pala kayong dalawa eh! Kung kayo na lang kaya ang maghanap!", pikon na sagot
ni Milen. Tumayo ito at nagsindi ng sigarilyo.
"Hindi naman ikaw ang sinasabi ko bebeng Milen, huwag ka nang mag-amok, ha.", pang
aamo ni Aldo sa babaeng hindi na mabilang sa daliri nilang magkakaibigan ang dami
ng lalaking naka-one night stand.
"Alam mo namang mahal ka namin at walang pwedeng umagrabyado sa iyo. Itataya ko ang
lawit ko kasama pati dalawang bolang bilog na aalog-alog kapag may tumarantado
sa'yo. Ako pa ba ang gagawa nun? Sige na, umupo ka na uli sa tabi ni bebeng
Reynalyn. Sige na...", paglalambing ni Aldo sa babaeng napangiti na.
"Kaya nga hindi ikaw yung sinasabi ko. Kung ano ang makakapag pasaya sa iyo,
suportado ka namin. Hindi ka namin pababayaan.", matapat na sabi pa rin ni Aldo.
''Tama si pareng Aldo, bebeng Milen. Kaming tatlo ni pareng Butsoy ang makakalaban
nila kapag may nangahas na umepal at mag paiyak sa inyo ni Reynalyn. Magdadaan sila
sa ibabaw ng aming mga pogi at machong bangkay!'', paniniyak rin ni Josh na dinaan
sa biro.
"Hay naku! Ito talagang bebe natin masyadong sensitive. Halika na nga at ibubundol
kita sa masel ko!", pakikibiro na rin ni Butsoy. Inalalayan nito ang nakaupong si
Reynalyn upang makatayo nang mabilis.
Tatlong taon na ang nakakalipas mula nang mabuo ang pagkakaibigan nilang lima.
Si Aldo..., anak sa labas ng isang Mayor. Spoiled at lahat ng gusto ay kailangang
makuha. Galit sa amang hanggang ngayon ay itinatago pa rin silang mag-ina sa
lipunang ginagalawan.
Si Josh..., sa yumaong lola lumaki mula nang maghiwalay ang mga magulang noong
pitong taon gulang pa lang siya. Galit sa mga magulang na pareho na ngayong may
kanya-kanyang pamilya.
Si Milen..., anak ng dating sikat na bold star. Nakapag asawa ng hapon na ayaw sa
babaeng may anak kaya iniwanan na lang siya sa tiyahin niyang may ka live in na
manyak.
"San Vicente? Maganda nga kaya lang parang napakalayo naman kung diyan tayo
pupunta.", sabi ni Reynalyn.
"Kaya nga diyan maganda. Tiyak na wala pang masyadong nakakarating diyan!", excited
na sabi ni Josh. Sumang-ayon agad ito sa napili ni Aldo.
"San Guevarra, San Isidro at San Ronquillo. Tatlong baryo pa ang lalampasan natin
bago makarating sa San Vicente. Mahaba-habang byahe ang gagawin natin pare.", sabi
ni Butsoy habang nakatingin sa screen ng computer.
"Palitan na lang tayong tatlo. Kaya natin 'yan. First time pare, 'yun ang nakaka-
excite!", nasasabik na sabi ni Aldo.
"One week naman tayo kaya masusulit natin ang lugar.", excited na ring sabi ni
Milen.
"Kung payag lahat, 'yung van ni Daddy ang gamitin natin para madala natin lahat ng
kakailanganin natin for a week. Makakapag enjoy tayo nang walang ha-hassle sa
atin!", sabi ni Aldo.
"Kung nasaan kayo nandun din ako. Go!", sagot na rin ng dalaga.
"Natatakot na naman siguro itong bebe natin. Di na nag-e-exist ang mga aswang
ngayon. Nang-aaswang marami!", nagtatawang sabi ni Aldo.
"Don't worry, bebeng Reynalyn. Magdadala tayo ng baril para may proteksyon tayo.
Dadalhin din natin ang buntot page ng lola ko with matching holy water. Kaya huwag
ka na matakot, okey?", nakangiting sabi ni Josh.
"Okey..., okey. Mas maigi nga 'yong handa tayo anu't- anoman.", sabad ni Butsoy.
"O ano, Reynalyn ayos ka na ba?", tanong ni Milen na umakbay pa sa dalagang pinaka
matatakutin sa kanila.
"Oo, kelan tayo aalis?", naitanong na lang nito. Nakaramdam ng hiya sa mga kasamang
nag-aalala sa kanya.
Kabanata 2: trayangulo
Abril 1869........
Lalo namang inakap ni Irenea ang sarili. Pilit na itinatakip ang punit na damit sa
hubad na katawan.
"Hahaha..., 'yan ang lubusan kong nagustuhan sa'yo, Irenea. Isang dalagang pilipina
na magdadala ng aking pangalan!", pagkasabi ay mabilis na dinaluhong ni Geralde ang
nagitlang dalaga!
Bumalandra sa sahig si Irene! Bahagyang nagdilim ang paningin nang tumama ang ulo
sa hamba ng bintana.
Isang nakatutulig na sampal ang muling dumapo sa mukha ni Irenea! Putok ang labi
nito at inagasan ng dugo ang isang butas ng ilong.
"H-hindi ko sinasadya, Irenea. H-hindi kita nais saktan. Mahal na mahal kita. Ang
nais ko lamang ay maging akin ka.", matapat na sabi ni Geralde.
Ngunit tila walang naririnig ang lalaking biningi ng labis na panibugho. Hindi ito
papayag na maunahan ng karibal. Walang kaingat-ingat na pinasok ni Geralde ang
naghuhumindig na pagkalalake sa lagusan ng pagkababae ni Irenea. Sabik na sabik na
mamarkahan ang babaeng sinasamba.
Nag-uslian ang galit na galit na mga litid nito sa leeg at namumula ang mukha sa
tindi ng poot. Hindi nito matanggap na muli siyang tinalo ng kaibigan.
"Ang buto kapag tinangay na ng aso ay tiyak na malalawayan!", wika ng isa sa nag-
uumpukan kasunod nang malakas na tawanan ng mga kausap nito.
Nagngalit ang bagang ni Roberto nang maalala ang narinig.
Malalawayan!
Malalawayan!
Ipinilig niya ang ulo at tinakpan ang tenga. Ngunit lalo lamang lumakas ang narinig
niyang tawanan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ngunit tila tukso namang
malinaw na naglaro ang kanyang balintataw. Napapanood niya kung paano angkinin ni
Geralde ang kanyang kasintahan.
"Kukunin ko sa iyo si Irenea, Geralde. Ako ang iniibig niya at hindi ikaw!
Natitiyak kong ako ang pipiliin niya. Paliguan mo man siya ng kayamanan ay ako pa
rin ang nanaisin niyang makapiling habambuhay. Babawiin ko siya!", nagngangalit ang
mga bagang na bulong ni Roberto sa sarili habang nakatanaw sa bahay kastila ng
dating matalik na kaibigan. Nais niyang makita ang dalaga at makausap.
Napangiti si Roberto nang matanaw si Irenea sa terasa ng bahay. Sisigawan niya sana
ito ngunit nakita niyang lumapit si Geralde. Napaurong siya at mabilis na nagkubli.
Naningkit ang mga mata ng binata nang makitang inakbayan ng karibal ang kasintahang
hindi man lang pumalag. Nagtagis ang mga ngipin nito sa tindi ng panibughong
nararamdaman.
"Irenea, bakit mo ito nagawa sa akin?! Gaya ka rin ng ibang babaeng nakukuha sa
salapi! Hindi ako makapapayag na muling talunin ng hambog na Geraldeng yan!",
pagkasabi ay nanlilisik ang mga matang dumura sa lupang kinatatayuan. Tila
sinelyuhan ang pangakong binitawan.
*******
KASALUKUYAN...
"Ano? Na double check niyo na ba'ng lahat ang kailangan natin?", tanong ni Aldo.
Nakasandal ito katawan ng sasakyan.
"Hindi lang double! Quadruple check pa! Alam nyo naman itong si Reynalyn, parang
drugstore yan, ''kay Reynalyn nakasisiguro, ang dadalhin natin laging
areglado''...", biro ni Milen habang panay ang pahid ng lipstick sa labing puro
lipstick na.
"Okey ba ang makina nitong wheels natin?", tanong ni Aldo kay Butsoy.
"Hey! Yung buntot page ni Reynalyn nandiyan na ba?", natatawang tanong ni Josh.
"Nandito na!", sagot ng natatawa ring si Milen. Nasa loob na ito ng sasakyan.
"Okay! Let' move! San Vicente..., nandiyan na kami! Woooh!", sigaw ni Aldo na
sinundan na rin ng sigawan ng buong grupo.
Nang makalabas na ng Maynila ang kanilang sasakyan ay muling nagsigawan ang mga
lulan nito.
"We are free...!", sigaw ni Aldo. Binuksan nito ang bintana ng sasakyan at inilawit
ang kalahating katawan. Ibinuka ang magkabilang braso at saka muling sumigaw ng
malakas. Nakisigaw rin ng malakas at nagtawanan ang apat pa nitong kasama.
Nang mangalay ay muling umayos ng upo si Aldo at nagsindi uli ng sigarilyong walang
filter. Pagkatapos ay pinagpasa-pasahan na nila ang paghitit-buga n'yon. Umiikot sa
ere ang usok na nakapag papatawa sa kanilang lima.
Mahigit apat na oras ang matuling lumipas. Huminto muna sila sa isang gilid ng
kalsada na malilim. Pagkatapos ay kumain at nagpahinga. Nag-unat ng katawan upang
maalis ang pangangalay sa mahigit apat na oras na pagkakaupo. Ilang sandali pa ay
muling bumaybay sa kalsada ang sasakyan ng grupo.
SAN GUEVARRA......
SAN ISIDRO..............
Nakaramdam muli ng panunubig ang dalawang babae kaya muli silang huminto.
"Ano ka ba naman, kung anu-ano ang napapansin mo. Umihi ka na lang diyan. Magkaka
u.t.i. pa tayo sa ginagawa mo eh..", nagtatapang-tapangang saway ni Milen. Palinga
linga na rin ito at halos itodo na ang pag iri upang mailabas na ang lahat ng tubig
sa loob ng pantog.
Kreeek...!
"Okey na?", tanong ni Butsoy sa dalawang babaeng humahangos. Agad namang tumango
ang mga ito at nagmamadaling sumakay sa loob ng van.
Kabanata 3: Naligaw?
Mabilis na mabilis pa rin ang pagkabog ng dibdib ni Milen at Reynalyn nang
makapasok sa loob ng sasakyan. Kung hindi lamang sa make-up na ipinahid at sa
liptick na kulay pula ay tiyak na mapapansin ng tatlong lalaki ang pamumutla ng
dalawa.
"Anong wala! Kanina habang umiihi kami parang may nakatingin sa amin. Tapos may
tumunog na kahoy na parang may nakatapak!", nahihintakutang sumbong ni Milen.
"Anak ng...!", pagkasabi ay agad na lumabas ng sasakyan si Aldo. Sumunod naman agad
sa kanya si Josh at Butsoy.
"Diyan lang kayo!", utos ni Butsoy sa dalawang babae na akma rin sanang lalabas.
Hindi pa sila nakakalapit nang biglang tumakbo ang isang kambing na nanginginain ng
damo sa di kalayuan.
"Ang lupeeeet ng sex appeal niyo! Putang ina..! Pati kambing binobosohan kayo!",
natatawang sabi ni Aldo sabay pag-lock ng baril at muling isinuksok sa tagiliran.
"Iba talaga ang alindog ng mga bebe natin.., pati kambing tinitigasan!", kantyaw
din ni Josh. Gaya ni Aldo ay isinuksok na din nito ang hawak na baril.
"Kambing lang pala! Akala ko ay kung ano na. Ito kasing si Reynalyn, kung anu-ano
ang nararamdaman! Pati tuloy ako nahahawa na!", reklamo ni Milen. Pagkatapos ay
nanalamin at muling nagpahid ng pulbos at lipstick.
"P-para kasing may nakatingin sa amin kanina. Malay ko ba namang kambing lang
pala!", natatawang sabi na rin ni Reynalyn.
"Huwag ka na muna magkakape, bebeng Reynalyn. Masyado kang nerbiyosa. Mag gatas ka
na lang! Gayahin mo itong si Josh.., gatas ang paborito.", kantyaw ni Aldo habang
umaandar na ang sasakyan.
Napuno nang malakas na tawanan ang loob ng sasakyan. Nagkantyawan na ang mga lulan
nito. Nawala na ang pangamba na kanina lang ay pare-pareho nilang naramdaman.
"Ano na bang lugar ito? Kanina pa tayo tumatakbo pero parang nandito pa rin tayo!",
reklamo ni Aldo. Nakasilip na ito sa bintana ng sasakyan.
"Pare-pareho ang mga puno sa gilid ng kalsada.", sagot ni Butsoy na nakatingin na
rin sa gilid ng bintana. Mabagal na ang pagpapatakbo nito sa sasakyan.
"Kung bakit naman kasi nawalan pa ng signal ang mga gadget natin. Wala na palang
silbi sa ganitong lugar ang technology!", reklamo naman ni Milen.
"Baka may madaanan tayong bahay o kahit sino na pwede nating mapagtanungan sa gawi
pa roon.", sabi naman ni Reynalyn kay Butsoy na muling nagpaandar nang matulin.
"Tang ina..! Wala yatang nakatirang tao dito, eh! Ni isang bahay wala tayong
makita! Ihinto mo nga muna pare.", utos ni Aldo kay Butsoy.
Lumabas ng sasakyan ang binata bitbit ang mapa na dala nila. Pikon na pikon na ito.
Sa unang pagkakataon ng pag-a-out of town ay ngayon lang nangyari sa kanila ang
nararanasan. Marami na rin silang napuntahang mga lugar subalit ngayon lang
nangyari na sa daan pa lang ay wala nang signal ang mga cellphone nila. At ngayon
lang din nangyari na...., naliligaw sila?!
Nagbabaan na rin sila Josh at Butsoy. Gan'on din sila Milen at Reynalyn. Nilapitan
nila si Aldo na naglatag ng mapa sa ibabaw ng hood.
"Dito tayo galing sa San Isidro.., kaya malamang na narito tayo ngayon sa San
Roquillo. Dalawawpung kilometro mula rito ay mararating na natin ang San Vicente.
Ang problema lang natin ay wala tayong makitang road sign para malaman natin kung
saan tayo liliko o didiretso.", sabi ni Josh habang nakaturo ang daliri sa mapa.
Nakatingin naman ang mga kasama sa itinuturo nito. At pagkaraan ay sa paligid naman
ng kinaroroonan nila.
"Ano ang gagawin natin ngayon, maya maya lang madilim na? Sa ganitong lugar pa
naman mabilis gumabi. Hindi gaya sa maynila walang gabi, puro umaga!", pag-aalala
ni Milen na dinaan sa biro.
"Marami naman tayong reserbang gasolina kaya tiyak na mararating natin ang San
Vicente. Pabalik naman ay may gasolinahan sa San Guevarra kaya makakabalik din tayo
sa Manila nang hindi naglalakad.", masigla na rin nitong sabi.
"Yes! You're the man, pare! Mag enjoy lang tayo.., adventure ang hanap natin at
kasama ang pagkaligaw sa experience.", natatawang kantyaw na rin ni Josh. Tinapik
tapik pa nito ang balikat ng kaibigan.
Kung kaya hindi napansin ang isang matandang babaeng patawid ng kalsada.
Napanganga si Reynalyn nang makita ang matanda! Ganun din si Milen at Josh.
"May matanda!", halos sabay-sabay na sigawan ng tatlong nasa likod sabay turo sa
harapan.
At nakatingin sa kanila!
Nakita nilang pumasok ito sa tila eskinita nang makatawid. Nang mawala na ito sa
paningin ay saka pa lang sila nakahinga nang maluwag.
"Grabe si grandma, 'di man lang kumurap! Habang ang puso natin ay muntik nang
lumabas sa ating bibig, siya naman parang nasa mall lang at nagwi window
shopping!", sabi ni Reynalyn.
"Woooh! Muntik na tayo dun! Saan ba nanggaling ang matandang 'yon at bigla na lang
sumulpot! Buti na lang at kumagat agad ang preno, kung 'di...", nanghihinang sabi
ni Butsoy.
"Tinignan nga lang tayo. Baka may something sa utak!", natatawang sabi ni Milen.
"Halika na, umalis na tayo. Baka magtawag pa 'yung matanda ng responde at resbakan
tayo. Makarne tayo ng mga tagarito 'pag nagkataon!", sabi ni Aldo.
Pumalya...
"Ewan ko pare, kanina ay maayos naman ang takbo natin bago pa natin muntik mabundol
'yong matanda. Nakita niyo naman, 'di ba?", paliwanag ni Butsoy.
"Putsa pare! Baterya ang problema natin, drain na!'', sigaw ni Josh nang makita ang
battery gauge ng sasakyan.
"Putang ina! Paano nangyari 'yan?!", napipikong tanong ni Aldo pagkatapos ay sagsag
na tinignan ang sinasabi ni Josh.
"Lumuwag pala ang terminal ng baterya natin! Teka lang at hihigpitan ko.", sabi ni
Butsoy na nagpalingon kay Aldo.
"Kakadyutin lang natin ito at okey na.", nakangiting sabi ni Butsoy sa mga kasamang
naiiling na lang. Magkakatulong na itinulak ng apat ang sasakyan.
Wroom...! Wroom...!
Nagdiwang ang magkakaibigan nang gumana na ang baterya. Nagtakbuhan na ang mga ito
palapit sa sasakyang patuloy na nire-rebolusyon ni Butsoy.
"Putang ina! Ano na naman ang problema?! Akala ko ba hinigpitan mo na yung terminal
ng baterya, pare?!", pikon na pikong tanong ni Aldo kay Butsoy.
"Oo, pare. Hinigpitan ko na tignan mo, kumarga na.", sagot ni Butsoy sabay turo sa
gauge.
"May gasolina naman tayo! Ano'ng problema?! Di ba chi-neck mo na ang makina nito
kanina?! Putang ina! Bagung-bago lang ito para magkaaberya ng ganito!", singhal na
naman ni Aldo. Padabog itong lumabas mula sa loob at galit na galit na
pinagtatadyakan ang katawan ng sasakyan.
"Pare, relax lang. Maaayos din natin ito.", saway ni Josh sa nagwawalang kaibigan.
"Bad trip...! Bad trip, pare!", umiiling na sabi ni Aldo.
"Tama na yan! Itulak na lang natin itong sasakyan sa gilid ng kalsada at maghanap
na muna tayo ng matutuluyan.", maotoridad na saway ni Aldo na agad namang sinunod
ng mga kaibigan.
Bitbit ang mga gamit ay nagsilakad na ang lima matapos siguraduhing naka lock
mabuti ang mga pintuan ng kanilang sasakyan.
Hindi pa masyadong nakakalayo ang magkakaibigan nang may makitang ilang kabahayan
bagama't magkakalayo.
"Buti na lang may mga bahay na dito. Siguro naman ay pwede tayong makituloy sa
kanila ngayong gabi.", sabi ni Josh.
"Tiyak yun! Ang pagkakaalam ko hospitable ang mga taga probinsya lalo na sa mga
kagaya nating turista o dumayo sa lugar nila. Di ba Butsoy?.", sabi naman ni Milen
na kay Butsoy nagtanong dahil taga probinsya ito.
"Oo. Sa amin sa probinsya ay isang malaking karangalan ang tumanggap ng mga dayo
lalo na kung taga Maynila.", sagot naman ni Butsoy.
Hindi pa man sila nakakalapit ay iwas na iwas na ang may-ari ng mga bahay. Nagsisi-
iwas ang mga ito kanila. Ang iba ay agad na pumapasok sa loob at nagsasarado ng
pintuan. Ang ilan namang nakadungaw at nakatingin sa kanila ay nagsarado ng mga
bintana.
"Anak ng--, ano'ng problema ng mga tao rito? Masama ba ang mga itsura natin para
katakutan nila tayo?", napipikong sabi ni Josh.
"Akala ko ba, hospitable ang mga taga probinsya?", tanong ni Aldo na patungkol kay
Milen at Butsoy.
"Sa amin kasi gan'on, malay ko ba namang dito pala eh, hindi.", dismayadong sagot
ni Butsoy.
"Baka akala mga magnanakaw tayo o kaya naman ay rapist kayong tatlo at mga
mamamatay tao.", biro ni Milen.
"Putang ina! Ano naman ang nanakawin sa kanila, gasera?! At ito ba namang gagandang
lalaki namin na ito, kailangan pa'ng mamwersa?! Pipila pa nga muna sila bago
matikman ang katawan namin, eh!", pagpapatawa na rin ni Josh.
Pigil ang malakas na tawanan ng tatlong nasa unahan. Natawa na rin si Aldo at
Reynalyn na naglalakad kasunod ng mga ito.
"Oo nga! Ano'ng ginagawa niya dito sa loob ng gubat?", nagtatakang tanong ni Josh.
"Tang ina! Aabutan pa yata tayo ng bagyo dito!", pagmumura na naman ni Aldo.
"Mahal na araw may bagyo?! Ano meron? Tag-ulan sa summer? Matindi na talaga ang
nagagawa ng climate change na 'yan!", reklamo ni Milen.
"Halika sundan natin si tanda, baka may bahay siya dito. Tiyak na basa na tayo ay
hindi pa tayo nakakapagtayo ng tent! Tara na!", aya ni Butsoy.
Nagtinginan muna kay Aldo ang tatlo, tila hinihintay ang pagsang-ayon nito.
Napatingala sila nang gumuhit sa maitim na ulap ang matalim na kidlat! Pagkatapos
ay dumalas na ang naging pagpatak ng ulan. Nagdesisyon na si Aldo.
"Pare, iba ang trip ng may-ari niyan! Hayup!", manghang sabi rin ni Aldo.
"Patutuluyin kaya tayo nung matanda, muntik na natin siyang mabundol kanina.", nag-
aalangang tanong ni Reynalyn.
"Tama si pareng Butsoy. Tayo na, lakasan lang ng loob 'yan at pakapalan ng apog!",
pagsang-ayon ni Josh.
"Irenea!", sigaw ni Geralde nang makitang tila nauupos na kandila ang babaeng
kinakasama at patakbong dinaluhan. Kung nagtagal pa siya ay tiyak na sahig lalapat
ang katawan nito.
''Ang mabilis na pintig sa lundo ng kanyang leeg ay isang senyales, gan'on din sa
kanyang pulso.", nag aatubiling sabi ng alila.
"Istupida! Bakit hindi mo pa diretsahin ang nais mong tukuyin!", singhal ni Geralde
sa natarantang babae.
Nagtatagis ang mga ngipin ni Geralde at ang mga mata ay nagliliyab sa galit habang
pinagmamasdan ang babaeng unti-unting nagkakamalay.
"Talagang sinasagad mo ang aking pasensya, Irenea! Hindi mo lamang ipinaubaya kay
Roberto ang iyong katawan.., tinataglay mo pa ngayon sa iyong sinapupunan ang
kanyang punla!", galit na galit na sigaw ni Geralde.
Hindi niya nagawang angkinin ang katawan ni Irenea kahit na nga kasama na niya ito
sa iisang bubong. Ang pananabik na masimsim ang bango nitong taglay ay napalitan ng
pandidiri. Hindi nito masikmurang tira-tira na lamang ng dating kaibigan ang
mapasa-kanya. Ang inaakala niyang malinis na pagkababae ni Irenea ay naging putikan
sa kanyang paningin matapos paglubluban ng ibang lalaki. Ang nakangising mukha ni
Roberto ang kanyang nakikita sa t'wing nakakadama siya ng paghahangad sa alindog
nito.
Alam niyang nagmamasid lamang sa labas ng kanyang tahanan ang dating kaibigan. Kaya
kapag nagpapahangin si Irenea ay nilalapitan niya ito at nagpapanggap siyang
masaya. Ang paghawak sa bewang at balikat gan'on din ang pagyapos niya sa
napapaigtad na babae ay talagang sinasadya niyang gawin upang kung nagmamatyag man
si Roberto ay makaramdam din ito ng panibugho. Nais niyang ipamukha dito kung gaano
kasakit ang maagawan. Isandaan.., hindi lamang.., kung 'di, isang libong ulit
niyang ipatitikim sa kinamumuhiang kaibigan ang pait at sakit na kanyang
nararamdaman!
"Sirvinguenza! Upang ano, Irenea? Upang maging katawa-tawa at libakin ng mga tao?!
Upang malagyan ng batik at mantsa ang aking pangalan?!", nagtatalsikan ang laway ni
Geralde sa pagsigaw. Nanginginig ang mga kamao nitong nakatikom, tila ba anumang
oras ay maaaring umigkas.
Mabilis na umahon mula sa kama si Irenea. Nang makalapit kay Geralde ay yumakap
siya sa likuran nito upang mapigilan ang pananakit na ginagawa sa sarili.
Nang magkaroon ng malalang sakit ang kanyang ina, si Geralde ang nilapitan ng
kanyang ama. Hindi naman ito nagdalawang isip. Bukas palad itong nag-abot ng
tulong. Walang bilangan, walang kasawaan. Ngunit namatay pa rin ang kanyang ina.
Nang magtapat ito ng pag ibig ay hindi niya nagawang sabihin ang totoong
namamagitan sa kanila ni Roberto. Nag-alala siyang masaktan ito at magdamdam.
Malaki ang pagkakautang nila sa binata, kung magagalit ito at maniningil ay wala
silang ipambabayad.
Naging masugid ito sa panunuyo na madalas nilang pag awayang mag nobyo. Hanggang sa
pumayag siya sa hiling ni Roberto na patunayan ang kanyang katapatan. Patunayang
hindi siya maaagaw ng karibal. Upang mawala ang pagdududa ni Roberto, ipinagkaloob
niya ang pagkababae na katumbas ng mahalagang kayamang pinakaiingatan.
At siya ngang nangyari. Siya nga ang naging kabayaran sa malaking halagang nais
nitong mabawi
Tumulo ang luha ni Irenea sa nararamdamang habag para kay Geralde.., para kay
Roberto at para sa sarili. Nauwi sa mapait ang matamis nilang pagkakaibigan.
************
"Tao po...! Tao po...!" Malakas na sigaw ng lima. Kinakalampag pa ng mga ito ang
gate na bakal.
"Kung bakit naman kasi walang doorbell ang gate na to!", reklamo ni Milen.
Basa na silang lahat maging ang dalang baengmga gamit. Bahagyang kumikinig na rin
ang kanilang mga baba dahil sa ginaw.
"Wala na tayong ibang choice! Sige na, kalampagin nyo lang.", utos ni Aldo.
Nakaangat ang mga braso nito habang tila nakapayong ang jacket. Nakasiksik naman sa
kanya ang katabing si Reynalyn.
Si Josh at Milen naman ay ang hawak na bag ang pinantakip sa ulunan habang si
Butsoy ang kumakalampag.
Ilang sandali pa ay sumungaw ang matandang babae mula sa bintana. Muli itong nawala
at nang muling lumabas ay may hawak na itong payong at susi.
Kalat na kalat na din ang dilim sa buong paligid. Nakakapangilabot ang talim ng
kidlat sa langit na nakakapagbigay ng nakakapanindig balahibong anyo ng kagubatan.
Sumisingasing ang paghampas ng mga sanga at pag galaw ng mga dahong tila nagbibigay
ng babala o nagbubunyi sa pagdating ng mga bagong panauhin.
*******
Nakaraan
"Gagamutin ko ang mga sugat mo, Geralde.", may pag-aalalang sabi ni Irenea. Pumasok
ito sa loob ng silid ng lalaking nakadungaw sa labas ng bintana.
Hindi nagparamdam ng pagsang- ayon si Geralde subalit hindi rin tinutulan ang
narinig na sinabi ng dalagang nakatayo sa likuran.
Napangiwi si Irenea sa nakitang anyo ng kamao ng lalaking nakapatong sa pasimano ng
bintana. Wakwak ang balat at laman nito. Nagkalat ang dugo. Hindi man sa kanya ang
kamaong may sugat ay tila nararamdaman niya ang sakit at kirot na tinitiis ng isa
sa kaibigan. Muling nakadama ng awa ang dalaga para sa binata.
Ibinaba ni Irenea ang mga gamit sa paglilinis ng sugat sa ibabaw ng lamesita at
saka hinawakan ang dalawang braso ng lalaking walang imik.
Nagpaubaya naman si Geralde. Nagpatianod ito nang bahagyang hilahin ni Irenea
palapit sa kama.
"Maupo ka.", malamyos na utos ng dalagang agad namang sinunod ng binata. Nagtama
ang paningin ng dalawa.
Tumalikod si Irenea upang kunin ang dalang panglunas. Nakasunod ang tingin ni
Geralde sa kanya. Ngunit nang bumaling ang dalaga paharap ay iniiwas na nito ang
mga mata.
Ipinatong ni Irenea sa ibabaw ng kama ang mga gagamitin. Malapit sa kinauupuan ni
Geralde.
Nang umpisahan ng dalaga ang paggamot sa kamaong sugatan ay napaigtad si Geralde.
Ang pamamanhid ng pakiramdam kanina ay nawala na. Sumisigid na sa laman nito ang
kirot.
Bumadha sa mukha ni Irenea ang labis na pag-aalala nang masaktan ang lalaking
ginagamot. Nagmadali ito at pinadalas ang pag-ihip sa kamay na may sugat. Nais
pawiin ang naidulot na kirot.
Humaplos sa puso ni Geralde ang ginawang iyon ng dalaga. Punumpuno ng pagmamahal na
tinignan nito ang nakayukong dalagang seryosong-seryoso sa ginagawa.
Nang mag-angat ng mukha ang dalaga ay mabilis na ibinaling ni Geralde ang paningin
sa ibang gawi.
"Konting tiis lang, Geralde.", masuyong tinig ni Irenea na tinanguan lang ng
binatang sa kabilang panig man nakatingin ay malinaw namang nakikita sa sulok ng
mata ang dalagang nakatingin sa kanya.
Bumigat ang pakiramdam ni Irenea.
"Hindi kita masisi kung labis kang namumuhi sa akin, Geralde. Nakahanda akong
pagsilbihan ka sa abot ng aking makakaya upang kahit papaano ay mabawasan ang poot
sa iyong dibdib. At upang mapatawad mo ako sa kasalanang hindi ko alam na nagawa ko
sa iyo. Mahal kita ngunit hindi kagaya ng pagmamahal mo para sa akin.", malungkot
na sabi ni Irenea sa sarili.
Sa labas ng silid ni Geralde ay tahimik na naglakad palayo ang alilang si Ising.
Malungkot na malungkot ang anyo nito.
Kanina ay tinanggihan ni Geralde ang pagnanais ng alilang gamutin ang mga sugat
niya sa kamay. Agad pa ngang pinalabas sa loob ng silid ang nag-aalalang si Ising.
Ngunit hindi mapanatag ang kalooban ng tagapagsilbi. Muli itong bumalik upang
dalhan ng gamot ang panginoon.
Paliko na si Ising papunta sa silid ni Geralde nang makita si Irenea. Dala ng babae
ang panglinis ng sugat na inihanda niya kanina ngunit tinanggihan lang ng binatang
pinagsisilbihan.
Nakita niya nang pumasok ito sa silid ni Geralde.
Nakita niya nang pumayag ang kanyang panginoon na gamutin nito.
Nakita niya nang tumitig ang mga mata panginoon sa babaeng dahilan ng pagiging
miserable.
Kitang kita niya ang pag-ibig sa mga mata ng lalaki.
Pag-ibig na pinapangarap niyang sana ........, ay naging sa kanya na lamang.
**********
Kabanata 9: Eskaparate
Halos hindi makakain si Reynalyn. Hindi nito magawang nguyain at lunukin ang
kakapirasong pagkain na inilagay sa porselanang pinggang kaharap. Napansin ni Josh
ang kakatwang paninigas ng leeg ng dalaga.
"Hey! May stiff neck ka ba?", tanong ng binata. Nagtinginan na rin sa gawi ni
Reynalyn ang iba pa.
"H-ha..! O-oo, naipitan yata ako ng ugat. Medyo masakit kapag iginagalaw ko. Pero
konti lang. Mawawala din ito maya-maya.", pagsisinungaling ng dalaga.
Hindi nito magawang sabihin sa mga kaibigan ang tunay na dahilan. Nag-aalalang baka
hindi magustuhan ni Milen kung sasabihin ang nararamdaman. Ayaw nitong matulog
mag-isa sa silid sa taas.
Pinilit ni Reynalyn kumilos ng normal at nakisabay sa pagkain ng apat. Patango-
tango rin ito sa pinag uusapan ng mga kaibigang kahit isang topic ay wala namang
naiintindihan.
***********
**************
***************
"Ohh..." mahinang ungol ni Reynalyn. Naglapitan naman ang mga kaibigan nang
makitang kumurap na ang mata nito kasabay ng mahinang pag-ungol.
"Reynalyn! Are you alright?", nag-aalalang tanong ni Milen nang tuluyang dumilat
ang dalagang nakahiga sa malambot na sofa sa sala.
Nakapalibot sa upuang iyon ang tatlong lalaki. Nabawasan ang pag-aalala sa anyo ng
mga ito nang makitang hindi na masyadong maitim ang mga labi ng dalaga at ang
magkabilang pisngi ay nagkaroon na ng bahagyang kulay. Maagap na umalalay si Butsoy
nang magtangkang umahon mula sa pagkakahiga ang dalagang binalikan na ng malay.
Mabilis namang kinuha ni Milen ang basong may lamang tubig at inilapit sa bibig ng
kaibigan.
Tila nanggaling sa malayong pagtakbo ang dalaga nang mabilis na maubos ang inumin.
"Salamat.", sabi ni Reynalyn sa paos na tinig.
Pagkaraang mahimasmasan ay muli itong nahintakutan. Naalala ang dahilan sa pag-ikot
ng paningin. Agad itong luminga sa paligid na tila may hinahanap ngunit walang
nakita.
"Ano ba kasi ang nangyari sa'yo at bigla ka na lang bumagsak sa sahig? Mabuti na
lang at nahawakan ka pa ni Aldo kaya hindi pumalo ang ulo mo sa semento?", tanong
ni Milen.
"Masyado ka yatang nagulat sa pagsulpot no'ng matanda. Kung sabagay, kami man ay
nagulat din. Kung mahina-hina lang din ako ay tiyak na dalawa tayo ngayong
alagain.", sabi uli ni Milen.
"Okey ka na ba?", paniniyak ni Josh na bahagyang tinanguan ng dalaga.
"Huwag kang matakot sa kung anuman, Reynalyn. Kasama mo kaming apat at hinding-
hindi natin pababayaan ang isa't isa. Hindi ka namin pababayaan.'', matapat na
pangako ni Butsoy.
"Palilipasin lang natin ang gabi sa loob ng bahay na ito at bukas na bukas din ay
aalis na tayo.", sabi naman ni Aldo.
Nagtanguan si Butsoy, Milen at Josh upang sang-ayunan ang sinabing iyon ng
kaibigan.
Si Milen, ang dalagang hindi man umaamin ay nakakadama na rin ng kaba sa mga kilos
ng matandang babae. Ayaw lamang nitong pagtuunan ng pansin ang kabang nararamdaman
sapagkat ayaw niyang makantyawan. Matapos niyang pagtawanan ang mga multo at aswang
na kinatatakutan ni Reynalyn ay isa pa rin pala siya sa natatakot. Kaya niya
sinasaway sa pagsasalita tungkol sa mga gan'ong bagay ang kaibigan ay sa dahilang
natatakot na rin siya. Nagtatapang-tapangan lang siya upang maitago ang tunay na
nararamdaman. Ayaw niyang masabihang duwag. Siya?! Si Milen?! Isang palaban, tapos
takot pala? Aaah..., wala siyang kinatatakutan. Wala sa bokabularyo niya ang
salitang takot. Ngunit hanggang sa panlabas lamang. Dahil sa totoo lang, muntik na
siyang mapatalon sa gulat kanina. At sa t'wing makikita niya ang matandang babae ay
nagtatayuan din ang mga balahibo niya kahit makapal ang lotion na ipinahid niya sa
kanyang balat. Nang bigla na naman itong sumulpot at nagsalita ay napaangat pa ang
puwit niya sa upuan. May kilabot din siyang nararamdaman!
At kanina nga, nang tumitig ito sa kanya. Napahumindig siya at nais magpalahaw ng
sigaw nang makitang puro itim lang ang mga nito! Hindi lang siya nagpahalata dahil
wala namang reaksyong kakaiba ang mga kasama niya. Naisip niyang namalik-mata
lamang siya kung kaya nag-peace sign pa siya matapos ikapit ang isang kamay sa
katabing si Josh. Nagawa niyang papaniwalain ang mga kaibigan na hindi siya
natatakot. Anak siya ng isang artista at nasa dugo niya ang pag-arte. Nakaarte siya
na parang normal lang ang lahat. At gusto niyang mapanatili ang pagpapanggap na
matapang siya, na hindi siya takot hanggang sa huli!
"Napakalakas pa rin ng ulan at ang tatalim ng kidlat sa labas!", malaka na sabi ni
Josh. Nakatayo ito sa harapan ng bintanang salamin at nakatanaw sa labas.
Nagtatagis ang mga bagang nito habang nakatingin sa kawalan. Sinadya nitong
tumalikod upang hindi mapuna ng mga kaibigan ang nilalaman ng kanyang isipan. May
masamang kutob na rin binata. Kanina ay napaigtad siya sa biglang pagsulpot ng
matanda sa likuran ni Reynalyn. Nakatingin siya sa gawi ng dalaga at pinagmamasdan
ang tamilmil nitong pagkain. Alam niyang may hindi sinasabi ang kaibigan sa kanila.
Ang paninigas ng leeg nito ay hindi dahil sa stiff neck na itinanong niya. Ang
tingin niya ay parang ayaw lang nitong lumingon kung kaya naninigas ang leeg sa
pagpipigil. Kaya napatingin siya sa gawing likuran ng dalaga nang hindi
nagpapahalata sa mga kasama. Nagsasalita siya habang panay ang pasimpleng pagsulyap
sa kinauupuan nito. Kaya napaka imposibleng hindi niya makikita kung may darating
gaya ng biglang paglapit ng matandang babae. Isang kurap lang at naroon na ito sa
likuran ng kaibigan, nakatayo na?! Kaya nang magsalita ito ay muntik na rin niyang
mabitawan ang kutsarang iniikot at nilalaro sa pagitan ng mga daliri.
"Hindi ako maaaring magpahalata. Natitiyak kong kakantyawan nila akong lahat. Daig
pa ako ni Milen na isa lamang babae. Ako pa na may nagmumurang mga masel at astigin
ang siyang matatakot! Hindi! May baril ako at may dala din akong silver bullet. Ang
balang iyon ang ikakarga ko sa baril ko. Hindi siya sasantuhin ng mga bala kong
itinubog pa ni Reynalyn sa benditadong tubig bago kami umalis. Kung sino man siya
ay mapapalaban siya sa akin! Ibabalik ko siya sa impyernong pinanggalingan niya!",
pagpapatapang ni Josh sa sarili.
Si Butsoy naman ay naglakad-lakad sa buong sala. Nakikiramdam din. Maingat na
inililinga ang paningin sa pag-aalalang nasa tabi-tabi lamang uli ang matandang
babae at nakamasid sa kanila. Ngunit hindi kagaya ng mga kaibigang sila Milen at
Josh ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi ito natatakot sa kung ano'ng maligno
mayroon ang bahay na tinuluyan nila. Hinagod nito ng simpleng tingin ang mga
candelero na sa hula nito'y gawa sa ginto. Isang makahulugan at tusong ngiti ang
sumilay sa mga labi ng lalaki. "Nasasayang lang kayo dito. Ang dapat ay
pakinabangan kayo ng isang mahirap na tulad ko. Matagal ko nang gustong magkaroon
ng sariling studio pero wala akong sapat na kapital. At kayo..., ang makakatulong
sa akin upang matupad ang pangarap ko. Bukas ay sa akin na kayong lahat!", kausap
nito sa mga antigo at yari sa gintong mga gamit.
Bahagya pa itong lumapit sa pahabang tokador at nagkunwaring ang tinitigna'y mga
larawan sa kwadrong napapalamutian naman ng ilang malilit na batong tila
nagpapagalingan sa pagkinang. "Whoah! Brilyantitos ba ang mga batong ito?! Hayup!
Malaking pera ang katumbas ng mga ito! Pagbalik namin sa maynila ay mayaman na
ako!", masayang-masayang bulong ni Butsoy sa sarili.
"Totoo nga ang kwento ng kakilala kong photographer! Matagal na nilang hinahanap
ang bahay na ito ngunit nagalugad na nila ng mga kaibigan niyang treasure hunter
ang buong kagubatan ng San Ronquillo ay hindi nila ito natagpuan. Alam kong
maghahanap ng bagong lugar si Aldo kaya ang pinuntahan kong site ay ang mga
undiscovered places. San Vicente ang gusto mo, Aldo? Dito sa San Ronquillo ang
gusto ko! Kaya sinadya kong luwagan ang terminal ng baterya ng kotse mo! Sakto, di
ba?! At ang pinaka the best.., muntik pa nating mabundol si tanda kaya lusot!
Sadyang napaka swerte ko dahil si tanda na muntik ko nang mabundol ay dito pala
mismo nakatira! Naisahan ko kayong lahat! ", ngumingising bulong pa rin ni Butsoy
sa sarili, laway na laway sa malaking kayamang nagkalat lamang sa loob ng bahay na
natagpuan.
**************
"Hindi ka dapat umalis sa inyo, Geralde, huwebes santo ngayon! Kapag ganitong
santo-santo ay maglalakasan ang mga nagtataglay ng kapangyarihang itim. Ang
dinadaanan mo ay masukal na gubat. At kahit pa kabisado mo ang lugar na
tataluntunin ay maaari ka pa ring mapahamak!", nag aalalang sermon ng ama ni Irenea
sa lalaking may dala na namang mga pagkain para sa kanila.
Napangiti naman si Geralde sa sinabi ng matanda sabay upo sa baitang ng hagdanan.
Nakita ng ama ni Irenea ang pagkibit-balikat ng lalaki.
"Huwag mong ipagwawalang bahala ang aking babala, anak. Pag-ingatan mo ang iyong
sarili. Hindi mapaghihilom ng anumang gamot ang sugat na iyong tatamuhin kapag
nakuha mo ito sa santong araw, lalo't higit bukas. Biyernes santo at pinaniniwalaan
ng matatanda noong sinauna pa mang panahon na patay ang Diyos!", may pagka o.a. na
sabi pa rin ng matandang lalaki.
Lumakas ang kanina'y mahina lamang na pagtawa ni Geralde. Napakunot noo naman ang
ama ni Irenea.
"Diyaskeng bata ka! Aba! Ay, tinatawanan mo lamang ang aking paalala, ha?!",
nagagalit na sita ng matanda.
"Paano naman ho.., nakakaaliw ang sinasabi ninyo. Ano ho ba ang Diyos? Taun-taon ng
biyernes santo ay namamatay at taun-taon din ng linggo ay nabubuhay?", nagpipigil
na matawa uling sabi ni Geralde.
Aliw na aliw siya sa pakikipag-usap sa ama ng babaeng nililiyag. Kabaligtaran ito
ng kanyang ama sa maraming bagay. Ang yumao niyang ama ay istrikto at palaging
naghahanap ng mali. Samantalang ang kausap niya ay malambing at kahit nagagalit na
ay damang-dama pa rin niya ang pagmamalasakit sa tinig. Kung kaya naging malapit
ang loob niya dito. Mula nang mamayapa ang kanyang mga magulang ay madalas siyang
nagpupunta at nakikipagkwentuhan sa matanda lalo na at wala si Irenea. Lumaki
siyang mag-isa sa malaking bahay at tanging alila lamang ang kasama. Abala sa
negosyo ang kanyang mga magulang kaya madalas ay gabi na makauwi. Kung kaylan tulog
na siya at saka dumarating. Sa umaga naman paggising niya ay nakaalis na. Kaya
naman sabik siya sa mga kasama. Lalo na sa isang pamilya..., sa masayang pamilya.
Tinulungan niya sa pag papagamot ng asawang maysakit ang matanda dahil iyon ang
gusto niya. Gusto niyang makitang masaya ang mag-anak na itinuring niyang pamilya.
Hindi siya naghahangad ng kapalit kaya lamang ay labis siyang nasaktan nang
traydurin siya ng matalik na kaibigan. Ang pinagkatiwalaan niyang maglalakad sa
kanya upang mapalapit sa puso ng dalagang hindi niya alam kung paano pagtatapatan.
Ang akala niya ay sapat na ang maiparamdam niya ang katapatan ng kanyang hangarin.
Pinapaniwala siya ni Roberto na ang lahat ng ginagawa nitong paglapit-lapit kay
Irenea ay para sa kanya. Kaya hindi siya pumayag na magtagumpay si Roberto na
maangkin ang dalagang handa niyang paghandugan ng lahat. Naglasing muna siya bago
niya nagawang harapin ang ama nito at gipitin sa paniningil. Kung kaya napapayag
niyang maging kabayaran sa kanya ang dalagang sinasamba.
"Ah, basta! Ako nga ay huwag mo na pagpaliwanagin pa! Humayo ka na at nang hindi ka
gabihin sa daan. Umuwi ka na sa asawa mong nagdadalantao! Kung bakit naman kasi
kung kaylan huwebes santo ay saka ka pa lumuwas ng Maynila!", sermon pa rin ng
matanda.
"Huwag na ho kayong magalit. Pagkapahinga ko ay magpapaalam na rin ho ako kaagad.",
seryosong sabi ni Geralde at saka ngumiti.
"Huwag ka na mag-upo-upo diyan at madilim na ang langit. Nangangapal ang ulap at
biglang umalinsangan ang panahon. Maya-maya lang ay nasisiguro kong bubuhos ang
malakas na ulan. Lumakad ka na at nang hindi ka abutan ng ulan! Pawis na pawis ka
maghapon at kung mauulanan ka ay tiyak na sakit ang aanihin mo!", pagtataboy ng ama
ni Irenea habang tinatanaw sa labas ng bintana ang langit. Magsasalita pa sana ito
nang makitang nagsusuot na ng sapatos si Geralde. Pagkaraan ay nagmamadaling
pumunta sa likod bahay at nang magbalik ay tangan na ang anahaw at salakot na gamit
sa pananggalang sa ulan.
"Dalhin mo na ito at kung abutan ka man ng ulan ay hindi mabasa nang lubusan ang
iyong likod.", may pag-aalala at pagmamalasakit na sabi ng matanda.
Lihim na nangiti si Geralde. Napakabait nito sa kanya. Kahit sa payak na pamamaraan
ay dama niya ang pag-iingat nito sa kanyang kapakanan. Hindi niya tinanggihan ang
alok nitong pagmamalasakit. At pagkaraang magpasalamat ay nagpaalam na siya at
umalis.
Hatid ng malungkot na tanaw ng ama ni Irenea ang lalaking papalayo.
"Kung ako nga lamang ang pipili ng mamahalin ng aking anak ay ikaw Geralde ang nais
ko. Batid kong mabuti kang tao at sa piling mo ay liligaya si Irenea. Ngunit hindi
ko nagabayan ang aking anak. Si Roberto ang nakakuha ng kanyang puso. Mangmang man
ako at hindi marunong bumasa't sumulat.., ngunit mahusay akong bumasa ng hindi
nasusulat. Mapagbalatkayo si Roberto at laging balisa ang mga mata. Mabait din siya
at mahusay makipagkapwa ngunit may nakatagong pag-iimbot sa kanyang puso. Ang
ipinakikita ng kanyang kilos ay hindi ang tunay niyang niloloob. Maraming salamat
sa pagkuha sa aking anak. Alam kong darating ang araw na matutunan ka ring mahalin
ni Irenea. Hindi mahirap mahalin ang isang lalaking tulad mo.", kausap ng matanda
sa lalaking papasok na sa gubat.
"Mag inuman na lang muna tayo para smooth ang tama natin.", suhestyon ni Butsoy.
Mabilis na sumang ayon si Milen. Kanina pa niya gustong uminom ng alak. Gusto
niyang pamanhidin ang pakiramdam.
"Yun nga ang problema pare. Hindi ko alam kung saan napunta ang alak natin. Ang
natatandaan ko isiniksik ko yon sa bag ko bago tayo magtakbuhan para sundan yung
matanda. Matapos kong magpalit ng damit kanina ay sa shot sana ako. Pero hindi ko
na nakita. Wala na sa loob ng bag ko ang baon natin. Palagay ko nalaglag habang
tumatakbo tayo.", paliwanag ni Josh.
"Problema ba yan? Sigurado ako na may alak sa mini bar ng bahay na ito. Arbor muna
tayo kay Granny.", suhestyon ni Butsoy.
"May dala ako, teka at kukunin ko sandali.", sabi ni Milen at pagkatapos ay lumabas
na ito at pumasok naman sa katapat na silid na kinaroroonan ng mga kaibigan. Ngunit
itinodo ang bukas ng magkatapat na pinto upang makikita siya ng mga kasama. Hindi
pa nawawala ang takot nito sa nakitang anyo ng matandang babae kanina. Nakasunod
naman ang tingin ng apat na iniwan saglit ng dalaga.
Ilang sandali lang at nagbalik na ito hawak ang isang boteng imported na alak.
"Bitin tayo diyan, bebeng Milen. Ilang ikutan lang yan tapos wala na. Hanggang sa
leeg lang natin aabot yan.", nakangiting reklamo ni Butsoy.
"Ito talaga., hindi naman talaga tayo maglalasing ah! Eh di nawala ang tama natin.
Drink moderately lang tayong gabi!", sagot ni Milen.
"Sige na nga, tirahin na natin yan at baka matira pa ng iba.", nagtatawang sabi ni
Butsoy.
''Mamaya na lang ako pupuslit pababa para kunin ang mga grasyo ko. Mahirap na baka
may maamoy ang mga ito sa balak kong diskarte.", bulong ni Butsoy sa sarili.
Nag umpisa na nga magtagay tagay sa paglagok ng mapait na likido ang lima. Gaya ng
sinabi ni Butsoy bitin nga sa kanila ang alak ni Milen. Kaya bago pa masimot ang
laman ng bote ay nagsalita na ito.
Walang umoo at wala ring humindi kaya naiiling na lumabas ang binata upang kumuha
ng alak sa nakita nilang mini bar kanina at tuloy ay maibulsa na ang mga 'grasya'
na tinatawag niya.
Naiwan naman ang apat na nagkangitian. Nasisiguro nilang hindi magpapaalam ang
kaibigan sa matanda at basta na lang kukuha. Muling umikot ang paglagok ng apat sa
natitirang laman ng bote.
Bumaba na nga si Butsoy sa hagdanan. Animo'y siya ang may ari. Tiyak ang mga
hakbang at alam ang pupuntahan. Kinabisado na niya kanina ang loob ng sala at
kusina. Lalo na kung saan naroroon ang mga maliliit na gamit na mapagkakasya niya
sa loob ng kanyang bag.
Nakatayo na si Butsoy sa tapat ng lagayan ng mga alak. Naglalaway siya sa dami ng
mga mamahaling alak na naroon.
"Putang inang may ari ng mini bar na ito! Hayup sa collection!", humahangang sabi
ng binata. Isang Remy Martin ang pinili niyang kunin.
"Ipapanik ko na muna ito sa kanila at makikitagay para hindi sila mainip. Baka
sundan pa ako dito at makita ang pagsisilid ko ng mga gamit. Saglit lang at
magpapaalam agad akong iihi para makababa uli at saka ako magpupuslit. Sa dami ng
mga antigo at gintong naka display dito ay hindi na mapapansin ng may ari na may
nawawala. Nakalayo na kami bago pa nila makitang kulang na ang mga gamit nila!",
tila nakatitiyak na sabi nito.
''Huwag muna ngayon, hintayin nyo lang ako maya maya at mapupunta na kayo sa aking
mapagpalang mga kamay.'', nakangising kausap niya sa tinitignan. At pagkatapos ay
pumanik na sa hagdanan.
Nagkasigawan pa sa tuwa ang apat nang makita ang dalang alak ni Butsoy.
"Ayos to, pare! Ang husay ni Granny pumili ng ipapa arbor sa iyo ha.", kantyaw ni
Josh.
Nagkakatuwaan sa pinagkukwentuhan ang apat kaya tumango lang ang mga ito sa kanya.
At pagkatapos ay nagkwentuhan na uli.
Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng silid na para sa kanya. Kinuha ang jacket na
itim at isinuot.
"Ipagsususuksok ko na lang muna dito sa loob ng jacket ang mga makukuha ko. Kapag
may bag akong dala ay hindi ko magagawang lusutan ang makakakita sa akin. Positive
agad! Eh kung isisilid ko lang sa suot ko, madaling magkunwari na may hinahanap
lang akong kung anong gamit ko na kunwari ay nahulog.", nakangiting sabi niya.
Hangang hanga sa sarili dahil sa naisip na palusot.
"Put---, nagulat ako sa hayop na orasang ito, ah!", nasabi niya nang muntik na
mabitawan ang hawak. Pagkatapos ay isinilid na iyon sa gawing likuran ng suot na
pantalon.
"Putang ina, Butsoy! Tunog lang ng orasan ay bumabahag na ang buntot mo sa harapan!
Pati ang bu**at mo ay umurong na! Gago!", mura niya at insulto sa sarili.
"Tignan mo! Orasan lang yan! Tignan mo!", utos niya sa sarili habang nilalapitan
ang orasan na mas mataas pa sa kanya.
Tinitigan niya ang mukha nito maging ang mga numerong nakasulat sa roman numerals.
Tila nakikipagsukatan ng tapang.
"Huh! Wala!"
Luminga pa siya sa paligid. Wala siyang nakita. Siya lang mag-isa ang naroroon.
Ngunit kung titingin lang siyang muli sa salamin ng orasan ay makikita niyang...,
nakatayo lamang ang hinahanap sa.., harapan niya!
Wala!
Pinagsisilid nito ang mga malilit na antigong gamit sa loob ng katawan. Habang
nagpapalinga linga pa rin.
Labing dalawang tunog ng antigong orasan ang umeko sa buong bahay kastila. Nahinto
ang apat sa pagku kwentuhan. Nakiramdam.
"Nakakatakot naman ang tunog na 'yon!", puna ni Milen.
"Tumutunog din ang orasan sa aming simbahan ngunit hindi ganyan!", sabi naman ni
Reynalyn.
"Alas dose na. Labing dalawa ang tunog na ginawa ng orasan.", sabi naman ni Josh.
Habang si Aldo naman ay walang kakibo-kibo. Naglalaro sa isip nito ang isang
katanungan.
"Mula nang dumating kami kanina sa bahay na ito ay ngayon lang tumunog ang orasan.
Akala ko ay hindi na iyon gumagana dahil nakita kong nakahinto ang nakaturong kamay
sa number 3. Bakit ngayong hatinggabi ay tumunog na? Anong hiwaga mayroon ang bahay
na ito?", bulong niya sa sarili.
Dahil sa malalim na iniisip ay hindi napansin ng binata ang nagtatanong na mga mata
ng tatlong kasamang pare parehong sa kanya nakatingin.
"Mukhang malayo na ang narating mo ah, bakit pare anong iniisip mo?", nanunuksong
tingin ni Josh.
"Naisip ko lang si Butsoy. Kanina pa yun umihi hangga ngayon ay hindi pa bumabalik.
Baka kung saan pa nagsuot ang isang yon.", pagsisinungaling ni Aldo sa dahilan ng
pagkatulala niya. Hindi niya masasabi ang laman ng iniisip sa mga kasama. Tiyak na
matatakot ang mga ito lalo na si Reynalyn.
"Tarantadong 'yon! Umuwihi na naman yata. Hanggang dito eh dinala pa rin ang
pandaraya sa inuman!", natatawang sabi ni Josh.
"Teka lang at titignan ko. Baka tinulugan na tayo ng isang 'yon.", sabi ni Josh
sabay tayo.
"Sabay na ako, Josh. Kanina pa ko nadyi-dyingle.", sabi naman ni Milen sabay tayo
rin. Kumapit pa ito sa braso ng lalaki.
"Teka, sasabay na rin ako sayo. Iihi na rin ako.", sabi ni Reynalyn.
Habang naiwan si Josh na panay ang himas sa ulong pangalawang kutos na tinanggap ay
totoo nang nasaktan.
"H-ha?! Biro lang yon, pare. Inaalaska ko lang si bebeng Reynalyn.", paliwanag ni
Josh sa kaibigang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Pareho lang tayong lalaki, Aldo. Alam kong may ibang kahulugan ang pagtatanong mo.
Akala mo yata ay wala akong napapansin sa mga kilos mo noon pa man. Malaki ang
respeto ko sa pagkakaibigan nating dalawa. Lagi kong sinusunod ang mga utos mo.
Kung anong gusto mo ay ginugusto ko na rin. Pero parang hindi na tama ang inaasal
mo. Puro ikaw na lang ba ang pagbibigyan ko? Maangas ka na masyado! Nakakapikon ka
na!", nagkukukot ang kaloobang sabi ni Josh habang papalabas ng silid.
Panay pa rin ang pagmumura nito habang tinatalunton ang mahabang pasilyo ng
bahaging iyon.
"Bad trip...! Bad trip ka, Aldo!", sa pagitan ng nagtatagis na bagang nitong sabi.
Pusikit ang liwanag sa bahaging iyon ng bahay at isang bumbilyang manilaw nilaw ang
pinagmumulan ng liwanag na bahagya lamang tumatanglaw sa buong paligid.
Hindi alintana ni Josh ang dilim ng dinaraanan. Ang tila apoy ng galit na nagmumula
sa mga mata nito ang nagsisilbing ilawan sa nilalakaran.
Nakita pa niyang gumulong ang isang bote na natapakan niya sa sahig na dahilan ng
pagkakapaupo dahil sa pagsulpot ng isa pang kidlat..
"Hahahaha.., kita mo nga naman kapag inaalat ka talaga! Banas na banas ka na nga
pagkatapos ay dadagdagan pa ng bwisit na boteng yon!'', reklamo niya pagkatapos ng
isang pagak na tawa.
Agad siyang tumayo at bahagyang pinagpag ang nasaktang puwitan. Pinagtagal niya
mata sa dilim upang sanayin ang mata. At pagkatapos ay hinanap kung saan gumulong
ang boteng natapakan.
"Nandiyan ka lang pala eh.", nakangiti niyang kausap sa bote ng makita. Nilapitan
niya iyon. Yumuko siya at inabot ang nasa sahig. Nasa ganun siyang posisyon nang
mapansing may isang pares na binti ang nakatayo sa pagitan ng mga binti niyang
nakabuka!
Dahan dahan siyang umunat ng tayo at nagkunwaring walang nakita. Hindi niyang
magawang lingunin ang may ari ng mga binti. Ipinagpatuloy niya ang dahan dahang
paghakbang habang pinakikiramdaman kung nakasunod ito sa kanya.
Isa..., dalawa..., tatlong hakbang pa ang nagawa niya bago nagawang biglang
lingunin ang nasa gawing likuran!
Wala siyang nakita! Iginala pa niya ang paningin sa paligid.., ngunit walang ibang
naroroon kundi siya.
Isang matalim na kidlat ang muling isinuka ng langit! Kitang kita iyon ni Josh sa
bintanang salamin. Ngunit hindi ang hinahanap niyang nakatayo pa rin sa kanyang
likuran. Na kung sisilipin niyang muli sa pagitan ng mga nakabuka niyang mga binti
ay hindi ito umalis at nasa likuran niya pa rin!
Nasa gawing dulo ng pasilyo ang comfort room na itinuro sa kanila ng matanda.
"Ang laki laki ng bahay na ito tapos walang c.r. ang loob ng mga kwarto! O baka ang
ibang silid ay meron kaya lang ay hindi iyon ang pinagamit sa amin ni Granny.
Siguro iniisip na baka baboy kami sa katawan. Haler! Itong itsura ba naming ito eh
baboy? Asar talaga! Kundi lang mukhang mangkukulam ang matandang iyon ay natarayan
ko na talaga! Napaka creepy pa! Anong sinabi ng mga gumaganap na aswang sa mga
pelikula sa looks niya. Star material na agad. Di na kailangan ang prosthetic make
up at props! Palong palo na agad!", natatawang bulong ni Milen sa sarili habang
palinga linga sa nadadaanan.
Nakarating ang dalawang babae sa tapat ng comfort room. Dahan dahang binuksan ni
Milen ang pintuan. Napahawak naman si Reynalyn sa braso ng kaibigan at bahagyang
itinago ang sarili sa likuran nito.
"Mauna na akong magwiwi, Reynalyn. Puputok na ang pantog ko eh.", natatawang paalam
ni Milen.
"Okey sige! Bantay muna ako dito.", nakangiti namang sagot ni Reynalyn.
Nagmamadali nang pumasok si Milen sa loob ng isa pang pinto. Habang si Reynalyn
naman ay humarap sa salamin at tinignan ang sariling repleksyon. Inilapit nito ang
mukha sa salamin at sinipat sipat ang mga matang nanlalalim na at bahagyang
nangingitim ang ilalim.
"Haggard na haggard na ang mukha ko. Ang pangit!", pintas niya sa sarili.
"Haggard ka diyan! Ang haba nga ng hair mo, puta ka. Imagine.., pinagpapantasyahan
ka na ni Butsoy ay kinukursunada ka pa ni Josh.", sabi ni Milen habang ibinababa
ang suot na underwear.
May idadagdag pa sana siya sa sinasabi nang dahan dahang bumukas ang pinto ng
comfort room na kinaroroonan nila. Napahinto siya sa pag galaw. Napatitig na lang
siya at para bang inaabangan ang pagsulpot ng kung sino o ng kung ano. Ngunit ilang
sandali na ay wala namang ibang nangyayari.
"May kalumaan na kasi ang bahay na ito kaya siguro lumuwag na ang bisagra.", sabi
niya habang tinitignan ang pintuan dahil balak uli isara. Nang bigla siyang
mapalingon sa labas nito.
Mabilis siya sumungaw sa labas ng pintuan. Nakita niya ang pagliko ng isang babae
papunta sa isa pang pasilyo.
Malakas at mabilis ang naging pagtibok ng kanyang puso ng mga sandaling yon. Tila
may malaking bagay na tumama sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit sa
kabila ng takot na nararamdaman ay nagawang humakbang ng kanyang mga paa upang
sundan ang babae. Nakabalanse ang kanang palad niya na nakasandal sa nadadaanang
dingding habang nagkakandahaba ang leeg katatanaw sa babaeng sinusundan.
Samantala.....
"May itatanong ako sayo, pero huwag mong mamasamain ha. Virgin ka pa ba?",
nangingiting tanong pa rin ni Milen.
Lalo itong napangiti nang mamatay ang ilaw. Kumalat ang dilim sa loob ng c.r.
"Hahaha..., joke lang! Ito naman. Kaya nga sabi ko huwag mong mamasamain eh."
Nawala ang pagkakangiti ni Milen nang walang maramdamang pagkilos mula sa kaibigan.
"Reynalyn! Tama na ang panggu good time ha. Sino ang mga kasama mo diyan? Josh?
Butsoy? Aldo?"
"Hey! Ano ba guys?! Ayoko na ganitong klaseng joke ha! Come on! Let me out!"
"Let me out!"
Paulit ulit na sigaw ni Milen habang pilit na pinipihit ang seradura ng pintuan na
hindi naman iniwanang nakasara ni Reynalyn bago sundan ang babaeng nagdaan.
Nagsinding muli ng sigarilyo ang binata. Bahagya nitong binuksan ang bintanang
salamin upang makalabas ang usok na ibubuga niya.
Napagawi ang tingin nito sa malaking puno kung saan nakita ang isang taong nakatayo
roon kanina. Muling nabuhay ang kagustuhang tiyakin ang nakita bago pa magpasukan
ang mga kaibigan.
Wala!
Pinagtawanan niya ang sarili habang nakatayo pa rin at tinititigan ang nasa labas.
"Tarantado ka, Aldo! Mukha kang tanga sa itsura mo! Kung madadatnan ka pa ng mga
kasama mo ay tiyak na kantyaw na naman ang aabutin mo!", pagkasabi ay muli niyang
hinitit ang sigarilyong isinubo sa bibig habang nakatayo pa rin sa tabi ng bintana.
Naibuga niya ang nakasubong sigarilyo nang mula sa sindi nitong baga ay makita ang
isang mukha sa salamin!
Mabilis niyang natanggal ang lock at naikasa. Sabay pihit ng katawan at itinutok
ang dulo ng baril sa bintanang kinakitaan ng mukha!
"Hindi na maganda ang nakikita ko! Iba na ito! Ang lakas maka praning! Dapat siguro
ay tigilan ko na ang pag gamit ng droga! Kung ayaw kong matuluyan! Kung anu ano na
ang nararamdaman ko. Put*** ina!", nasa ganun siyang pag iisip nang mapalingon sa
gawi ng pintuan.
Muli niyang nilingon ang loob ng silid ganun din ang bintanang naroroon at
pagkatapos ay lumabas na ng tuluyan. Inilapat ang pintuan at saka sinundan ang
dalagang kadadaan lang.
"Reynalyn!", tawag niya sa dalagang hindi lumingon. Parang hindi siya narinig.
"Totoo bang nakita ko si Reynalyn o trip lang ito?", tanong niya sa sarili.
Nadaanan niya ang nakabukas na comfort room. Sinilip niya ang loob nito at tinignan
kung may tao dahil bukas ang ilaw.
Samantala sa ibaba...
Hindi sinasadyang malaglag ang isang piraso sa mga antigong isiniksik ni Butsoy sa
mga bulsa ng pantalon at jacket na suot.
"Put***ina! Napaka clumsy mo, Butsoy! Mabubulilyaso ka kapag hindi ka nag ingat,
tanga!", sermon niya sa sarili.
Dadamputin na sana niya ang nahulog nang may marinig na yabag! Papalapit ito sa
gawi niya kaya nagmamadali siyang nagkubli sa likuran ng upuan sa sala. Pinagkasya
niya ang sarili at pinakiramdaman ang paparating.
"Hayan na nga ang sinasabi ko! Put***ina! Huwag sanang magbukas ng ilaw ang
dumating kundi ay baka matunugang nandito ako at nagtatago!", kausap niya sa
sarili.
"Si Granny ang dumating! Nakupo! Huwag kang magbubukas ng ilaw, tanda! At
bubulagain kita ng sapak sa panga! Tiyak na nakaalis na kami ay hindi ka pa
nagigising! Kaya pakiusap lang, huwag na huwag!", bulong pa rin niya sa sarili.
Naglakad lakad pa ang may ari ng sapatos. Habang si Butsoy naman ay halos hindi
humihinga sa pinagtataguan.
Napakunot ang noo ng binata nang hindi na masilip ang paa ng matandang babae.
"Saan nagpunta yon? Umalis na kaya? Siguro ay bumalik na sa kwarto niya. Pero wala
naman akong narinig na naglakad palayo!", kausap ng binata sa sarili kaya lalong
tinalasan ang pakiramdam.
Alam niyang nasa paligid lang niya ang matandang babae! Uunahan na niya ito bago pa
makatawag ng pansin sa iba pang mga kasama nila.
"Ang lakas mang aning ng matandang ito!", nakangisi niyang bulong at muling
inihanda ang kamao sa pag igkas.
Wala!
"Put***ina! Akala ko ay nandito ka pang matanda ka!.", bulong niyang muli. Nang
biglang matigilan.
Muli siyang tumingin sa likuran. Bahagya niyang inangat ang katawan nang
manghilakbot sa gulat!
Paglinga niya paharap ay nakita niya ang mukha ng matanda na nakatunghay sa kanya!
Ngumisi ang matanda at titig na titig sa kanya ang mga matang nanlilisik!
Napaigtad si Butsoy sa hindi inaasahang pagsulpot ng mukha nito! Lalo na nang bigla
itong gumalaw!
Agad na tumayo ang binata at kumaripas ng takbo! Ang inihandang pagsapak sa panga
ng matanda ay biglang nakalimutan dahil sa naramdamang takot!
Hindi malaman ni Butsoy kung saan magsusuot. Nang makakita ng isang pintuan ay agad
niya itong binuksan at pinasok. Ang lahat ng tapang kanina ay napalitan ng
matinding takot na hindi niya magawang paglabanan.
"Aaahh...", daing ni Butsoy. Masakit ang buo niyang katawan.., maging ang kanyang
ulo matapos lumagapak. Nakaramdam siya ng pagkaliyo dahil sa malakas na paghampas
nito sa kung saan.
Nanatiling nakasubsob si Butsoy sa posisyon kung paano lumatag ang katawan sa sahig
na binagsakan.
Nang makahuma na sa pagkabigla ay dahan dahan nitong iniangat ang katawan mula sa
sahig.
"Ah!", daing niyang muli nang maramdamang sumakit ang kanang balikat nang itukod
niya ang kamay upang mapadali ang pagtayo. Kaya ginamit na lang niya ang kaliwa.
Painut inot ay nagawa ring niyang iangat ang katawan.
Napabilis ang pagtayo ni Butsoy at hindi na ininda ang mga nararamdaman nang
marinig ang papalapit na yabag. Kung kanina ay hindi niya nagawa ang binabalak sa
matanda ay mas lalo na ngayong may pinsala ang kanyang katawan.
Paika ika habang alalay ang isang balikat ay naghanap siya ng mapagtataguan.
"Hayun!", pagkasabi ay nagmadali si Butsoy sa paisod isod na paglakad palapit sa
isang luma at sirang aparador. Subalit nagbago ito ng isip.
"Tiyak na maiisip agad ng matandang dito ako magtatago. Hindi pwede dito.",
pagkasabi ay lumipat siya sa likod ng mga nakasalansang mga lumang appliances at
kung anu ano pang gamit.
Naglikot ang mata ng binata nang marinig na ang yabag.., pababa ng hagdanan.
Mula sa siwang ng pinagtataguan ay nakita niya ang matanda. Nagpapalinga linga ito.
Nakita niya nang lumapit ito at tumayo sa tapat ng lumang aparador.
"Tama ako! Buti na lang at hindi ako doon nagtago.", kausap niya sa sarili.
Padabog na isinara ng matandang babae ang pintuan ng aparador nang makitang wala
iyong laman.
Nandilat ang mga mata ng binata nang biglang lumingon ang matanda sa gawi niya!
Patayo na sana siya nang pumihit ang matanda at naglakad palayo. Narinig pa niya
ang pagpanik ng mga yabag nito sa hagdanan. Sa nanlalabong paningin ay nasilip
niyang isinara pa nito ang pintuan.
Hirap na hirap man ay pinilit pa rin niyang maglakad hanggang sa makita ang isang
maliit na bintana sa gawing dulo.
Ginalaw galaw nito ang bintana na tila sinusubok ang tibay. Napangiti ang binata
nang bahagya ito umuho at lumuwag sa pagkakasara. Ipinagpatuloy niya ang pag uga sa
kabila ng pananakit ng kanang balikat na tumutugon sa kanyang likuran.
Ilang pag yugyog pa at tuluyan nang nawala sa pwesto ang bintana. Nabaklas niya ito
at maingat na ibinaba. Muli niyang inilinga ang paningin. Nakita niya ang isang
sirang upuan. Kinuha at inilapit iyon sa bintana. At pagkatapos ay tinuntungan.
Isang kariton na puno ng mga tuyong dahon at damo ang nakita niya at doon
pansamantalang ipinahinga ang nangingirot na balikat at paa.
Habol na ni Josh ang paghinga. Kanina pa siya nagpapalakad takbo ngunit hindi pa
rin niya matunton ang daan pabalik sa mga kasama. Maging si Aldo na na nakita
niyang nagdaan kanina ay biglang nawala.
"Gaano ba kalaki ang bahay na ito at hindi ko makita ang daan pabalik? Bakit
tumatakbo rin si Aldo? May humahabol din kaya sa kanya?", tanong ng binata sa
sarili.
Nakatukod ang isang kamay niya sa dingding upang mabalanse ang pagtayo habang panay
na panay ang paghingal.
Nakahinga siya at nagawang sumagap ng hangin nang hindi na makita ang humahabol sa
kanya. Muli siyang nagtipon ng lakas sa sandaling paghinto. At nang tila
nakapagpahinga na ay saka muling hinanap ang mga kasama. Gusto man niyang isigaw
ang pangalan ng mga ito upang kung sakaling nasa malapit lang ay marinig siya.
Ngunit nag aalala siyang baka marinig naman ng may ari ng anino na sumusunod sa
kanya.
Sa paglalakad ni Josh sa ay may napatid siyang isang bagay. Muling nangalisag ang
mga balahibo ng binata nang makita ang bagay na yon!
"Nanggaling na ako rito! Isa lang ang ibig sabihin nito. Nagpapaikot ikot lamang
ako sa lugar na ito! Nakatulog ba ako at ngayon ay kasalukuyang binabangungot? Ano
ang nangyayaring ito sa akin?", gulung gulong tanong niya sa sarili.
"Pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon. Hindi totoo ang lahat ng ito!",
pagpapalakas loob niya sa sarili.
Pinigtas niya ang mga butones sa suot niyang polo at iniiwan sa lugar na madadaanan
niya.
Nasa malapit lang siya, nasa malapit lang ang mga kaibigan niya. Kailangang makita
niya ang daan pabalik. Mas may magagawa sila kung magkakasama. Hindi tulad ngayon
na nag iisa siya at walang dalang kahit anong panlaban upang protektahan ang
sarili.
Huling butones na lamang ang nasa kamay ng binata nang may masalat na kung ano mula
sa dingding. Tinignan niya ang palad at pagkatapos ay inilapit sa ilong ang
nahawakan upang siguraduhin ang naiisip. Nangiti ang binata.
''Tama ako! Ito ang kwarto nila Milen at Reynalyn. Ito ang lipstick na ipinahid ni
Milen sa dingding kanina!'', tuwang tuwang sabi ni Josh.
Lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti nang masigurong iyon nga ang silid na para
sa kanya. Naroroon ang bote ng alak na pinagsalo saluhan nilang magkakaibigan.
Kakaunti na lamang ang laman ng isa samantalang ang isa naman ay nakahiga na sa
lapag. Bakat din ang pagkakaupo ng dalawang babae sa nagusot na kobre kama at
naroroon sa lapag ang kanyang bag.
Mabilis siyang humakbang papasok at agad na isinara ang pintuan. Lumapit siya sa
kama at tinignan ang baril na inilagay sa ilalim ng unan.
"Sa wakas!", pagkasabi ay hinalikan pa niya ang baril na hawak. Matapos checkin at
kumpletuhin ang pagkarga ng mga bala ay isinuksok niya ito sa gawing likuran ng
bewang. Kinuha ang bag at ipinatong sa ibabaw ng kama. Mula sa loob nito ay humugot
ng isa pang polo na kumpleto ang mga butones at saka pinalitan ang suot.
"Kung sakali ay magagamit ko ang mga butones ng damit kong ito para hindi ako
maligaw uli.", bulong niya habang isinususon ang polo sa soot na sandong puti.
Pagkatapos ipaloob sa bulsa ng pantalon ang reserbang bala at ang hunting knife sa
sinturon ay humanda na siya upang hanapin ang mga kaibigan.
Sandali pa niyang idinukwang ang kalahating katawan at kinapa ang switch ng ilaw.
Ngunit wala siyang makapa.
"Wala dito si, Aldo!", sabi niya at pagkatapos ay lumabas na ng silid. Iniwanan
niyang nakabukas ang ilaw at pintuan nito gaya rin ng pag iiwan niyang bukas sa
ilaw at pintuan ng silid niya.
Naisip niyang puntahan muna si Aldo upang masasabi ang naranasan niya. At
pagkatapos ay dalawa silang lalaki na pareho pang may baril ang maghahanap naman sa
iba pa nilang kasama. Ang tingin niya ay higit na naging madilim ang paligid kaya
pinanatili niyang bukas ang pintuan ng dalawang kwartong nakasindi ang ilaw.
Nang walang marinig na pagsagot mula sa dalawa ay idinikit niya ang isang tenga sa
pintuan. Pinakinggan kung may pag galaw sa loob.
Hawak na niya ang door knob nang marinig ang boses ni Milen.
Nagtataas baba ang dibdib ng dalaga sa tindi ng takot. Nakiramdam.., saglit itong
nanatiling nakatayo at walang kagalaw galaw maliban sa itim ng mga matang
nagpapalipat lipat sa magkabilang sulok ng mga mata. Malakas ang paghingal ng
dalaga kasabay ng pagtatambol ng kanyang dibdib. Natatakot man na ang makikita ay
ikagigimbal ay hindi pa rin nito napigilang sundin ang tulak ng utak. Dahan dahan
ang ginawa nitong paglingon upang alamin ang nasa likuran.
Isang babaeng may mahaba at nakalugay na buhok.., may matatalim at mapupulang mga
mata ang nakatitig sa kanya! Itim ang sout nitong damit na tinatangay ng hangin
ganun din ang buhok nitong ang ilang hibla ay tumatabing sa mukha.
Ngumisi ang babaeng naka itim habang unti unti sa ginagawang paglapit. Parang
sinasadyang takutin ang dalagang walang kakurap kurap na nakatingin.
"H-huwag..., please. Huwag.., tama na. Tama na.. Ayoko na, uuwi na kami. Promise
aalis na kami sa bahay mo. I'm sorry..., sorry na.", pagmamakaawa pa ng dalaga.
Nakalutang sa ere ang babae! Hindi nakasayad ang mga paa nito sa sahig.
Panay ang pagtulo ng luha ni Milen habang patuloy sa pag iling. Mariin nitong
ipinikit ang mga mata sa pagbabakasakaling dala lamang ng takot sa ginawang pang gu
good time ng mga kasama at dahil sa drugs at ininom na alak ang nakikita. Umusal
ito ng panalangin.
"Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo mapasa amin ang kaharian mo
sundin ang loob Mo dito sa lupa para ng sa langit. Big...", natigilan si Milen sa
narinig.
"yan Mo kami ng aming kakanin sa araw araw at patawarin Mo kami sa aming mga sala
gaya ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Huwag Mo kaming ipahintulot sa
tukso at ipag adya Mo kami sa lahat ng masasama. Amen."
Nangangalisag ang mga balahibo niya sa natuklasan. Ang panalanging natutunan niya,
ang dasal na madalas niyang naririnig at nalalaman ay kabisado din ng babaeng
nakalutang sa ere.
Natigilan ang dalaga nang biglang tumahimik ang kinaroronan niya. Nawala ang tinig
ng babaeng tiyak niyang kapanalig ng kadiliman.
"Salamat po, Diyos ko! Maraming salamat po!", pagkasabi ay idinilat na niya ang mga
mata. Hindi niya inaasahan ang makikita...
Naka upo sa harapan ni Milen ang babaeng naka itim! Ang mukha nito ay katapat ng
mukha ng dalaga. Dilat na dilat ang mga mata nitong nakatitig sa kanya!
Namatay ang nakasinding mga ilaw at unti unting sumara ang mga pintuan nito!
Nang marating ang tapat ng comfort room ay hindi na nag aksaya ng oras si Josh.
"Milen..! Buksan mo ang pinto! Milen! Anong nangyayari sa iyo? Anong nangyayari sa
inyo ni Reynalyn? Milen!", paulit ulit na sigaw ni Josh habang malakas na
kinakalampag ang dahon ng pintuan. Isang hakbang paurong ang ginawa ng binata upang
makbwelo. Balak nitong balyahin ang pintuan upang mabuksan.
"Reynalyn? Nasaan ka?", tawag nito. Ngunit walang Reynalyn sa loob ng comfort room
na kinaroroonan nila ni Milen.
Dahil hindi nakita si Reynalyn sa loob ay muling dinaluhan ni Josh ang walang malay
na si Milen.
Itinapat niya ang daliri sa butas ng ilong ng dalaga upang maramdaman kung
humihinga pa ito. Nang di makuntento ay itinapat naman ang isang tenga sa dibdib ng
dalaga at pinakinggan ang pagpintig ng puso nito.
"Buhay siya! Bakit kaya nakahundasay siya sa sahig? Anong nangyari dito? Nasaan si
Reynalyn?", sabi ng binata.
Sinubukan uli nitong gisingin ang kandong kandong na dalaga. Banayad na tinapik ang
pisngi nito at niyugyog ang katawan. Ngunit hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga.
"Come on, Milen! Wake up!", gising niya sa dalagang hindi pa rin tumitinag.
Saglit siyang natigilan nang maalalang may dala nga pala silang first aid kit. Nasa
loob iyon ng bag na si Reynalyn ang may dala.
"Sandali lang ako, bebeng Milen. Kukunin ko lang ang makakatulong para magkamalay
ka.", pagkasabi ay nagmamadaling lumabas ng pintuan ang binata.
"Paanong...? Put***ina! Iniwanan kong bukas ang mga pintuan ng kwarto namin ni Josh
ganun din ang mga ilaw para may liwanag at para alam ko ang babalikang silid! Bakit
ngayon ay....! Put***ina! Put***ina! Mababaliw na ako sa mga nangyayaring ito!",
yanig sa magkahalong takot at inis na sigaw ni Josh.
Nagtatagis na ang mga bagang nito. Hindi na niya magawa pang ipaliwanag pa sa
sarili ang nagaganap.
Muli siyang humakbang pabalik sa loob ng comfort room. Isinara niya ang pintuan
upang kung may dumating mang panganib ay nakakubli sila ng kasamang si Milen. Umupo
siya sa tabi nito at inilapat ang pagkakasandal ng likod sa dingding kung saan
isinandal din niya ang kaibigan.
Iniunat niya ang magkabilang binti at hita na tila pagal na pagal. Pati ang
dalawang braso at mga kamay ay hinayaang sumayad sa sahig. Isinandal din niya ang
ulo sa dinding at bahagyang napatingala.
"Anong klaseng lugar itong nasuotan naming lima? Nasa Elm Street ba kami? Bakit
parang nasa loob kami ng isang malaking telon at gaya ng mga napanood ko na ang
nangyayari ngayon sa amin? Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito? Gising ba
talaga ako, o nasa loob ako ng isang napakasamang panaginip?", tanong niya sa
sarili habang ang mata ay nakatanaw sa puting kisame.
Maya maya ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Anag ag niya ang liwanag na
nagmumula sa nakasinding ilaw. Ngunit ilang saglit lang at nagdilim ang liwanag na
iyon.
Dilim! Puro dilim uli ang nakikita niya. Ididilat niya sanang muli ang mga mata
ngunit...
May dalawang hugis tao siyang nakikita. Malabo. Hindi niya makita mabuti.
Hindi na niya nagawang idilat pa ang mga mata. Pinanood niya ang dalawa.
Nag uusap ang mga ito. Bumubuka ang bibig ng dalawa. Parang nagtatalo sila. Hindi
niya maintindihan. Mahina ang boses ng mga ito.
Pinilit niyang marinig. Hanggang sa marinig niya nga ang boses ng dalawa.
Naririnig na niya!
Nakikita na niya!
" Wala siyang nagawang masama upang hindi patuluyin ng itay sa amin. Mabait siya at
maging ang aking mga kapatid ay kasundo niya. Natutuwa ang itay kapag ka kwentuhan
siya. Walang dahilan upang pagbawalan ko ang itay sa pagtanggap sa kanya. Tao
siyang pumupunta kaya tao rin siyang hinaharap. Hindi naman ako ang sadya niya.
Inaabot man siya ng gabi sa amin ay ang itay at ang mga kapatid ko ang kausap niya
at kasama. Wala akong nakikitang masama sa pagdalaw niya. Isa pa, kaibigan natin
siya. Kaibigan mo siya!''
Narinig niyang sabi ng babae. Nagbabantang tumulo ang luha nito sa mga mata.
"Alam mong ginagamit niya lang dahilan ang iyong itay at mga kapatid. Ikaw ang
talagang pakay niya sa pagdalaw at ang itay mo ang pinaaamo niya ganun din ang mga
kapatid mo upang pagkatapos ay makatulong niya upang magustuhan mo siya! Hindi
lingid sa iyo ang tunay niyang saloobin! At hindi mo maiaalis sa akin ang mangamba!
Hindi mo maiaalis sa akin ang matakot. Mahirap lang ako at walang kakayanang bigyan
ka at ang iyong pamilya ng karangyaan. Hindi ko siya madadaig kung ang kayamanan
niya ang gagamitin niya upang makuha ka sa akin!"
Puno ng insecurities ang boses ng lalaki na nagsasalita. Nararamdaman niya ang pait
at kirot sa tinig nito.
"Nasasaktan ako sa sinasabi mo. Hindi kami mukhang salapi! Ikaw ang minahal ko
dahil ikaw ang naririto sa puso ko. Ngunit kung pinag aalinlanganan mo ay wala na
akong magagawa pa."
"Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita kaya ganito na lamang ang takot na
nararamdaman ko."
Nakita niyang natigilan ang babae nang kabigin ito ng lalake at halikan sa labi.
Hindi niya magawang idilat ang mga mata. O mas tamang sabihing ayaw niyang idilat.
Gusto niyang panoorin ang mangyayari. Mistulang palabas na porno na paborito niya.
At ngayon.., live pa.
Unti unting hinubad ng lalake ang suot na damit ng babaeng nakatayo. Nalaglag iyon
sa sahig ng kubong kinaroronan ng mga ito.
Yukung yuko ang ulo ng babae at pilit na itinatakip ang dalawang braso sa tapat ng
malulusog na dibdib.
Narinig niyang sabi ng lalake matapos alisin ang mga braso ng dalaga at pagmasdan
ang kagandahan nito.
Iniangat ng lalake ang mukha ng babae. Pulang pula ang pisngi nito. Hindi nito
magawang salubungin ang mga mata ng lalakeng puno ng pagnanasa para sa kanya. Pilit
nitong iniiwas ang paningin.
Hinalikan ng lalake ang labi ng babae. Masuyo, maingat hanggang sa lumalim. Tumugon
ang babae. Hindi ito marunong. Napansin niyang ginagaya lang nito ang ginagawa ng
lalake ngunit wala talagang alam.
Nang gumapang ang halik ng lalake sa leeg ng babae ay napapikit ito. Maya maya pa
ay inaya ito ng lalake na mahiga sa lapag. Sumunod naman ang babae. At muling
inumpisahan ng lalake ang naputol na pagpapa alab sa kasuyo.
Nararamdaman niya..,
Ang mga koronang maliliit na tinutudyo ng pilyong dila at hinahaplos naman ang
kabila.
Nararamdaman niya ang panginginig ng mahubog nitong katawan. Ang mainit na singaw
ng balat nito sa kanyang balat.
At nang alisin ng lalake ang tabing na iyon ay naramdaman niyang nangatog ang
kanyang mga kamay.
At nang paghiwalayin nito ang hita ng babae upang samyuin ang hiyas na naroroon ay
naramdaman niya ang pag alpas ng kanyang pagkalalake.
Tila isang bubuyog na uhaw sa nektar ang lalake at sinimsim ang bulaklak na nasa
harapan.
Kitang kita niya ang mukha ng babae. Hindi nito malaman kung saan papaling.
Napapaangat ang dibdib nito. Napapaliyad.
Nakita niyang umangat ang lalake. Muling pinagpala ang sarili na animo ay isang
sanggol sa magkabilang dibdib ng babaeng mahinang umuungol.
Muling namula ang mukha ng babae nang makita ang pagkalalake nito na galit na
galit. At pagkatapos ay ipinaling ang mukha sa kabilang panig.
At habang abala ang labi ay unti unti nitong pinaghiwalay ang magkabilang hita ng
babae. Mas magkahiwalay pa kesa kanina. Sapat upang magkasya ang sugpungan ng
katawan nito sa pagitan ng mga hitang iyon.
Pinag igi ng lalake ang paghalik sa babae. At pagkatapos ay hinawakan nito ang
pagkalalake at inihaplos sa bukana ng lagusan ng babae.
Nakita niya nang magahol ang lalake sa paghalik sa labi , sa leeg, sa punong tenga
ng babae habang hindi iginagalaw ang pang ibabang katawan.
Kalahati na nito ang nasa loob ng babae. Itinuloy na ang nais gawin. Hindi na nito
maititigil pa ang naumpisahan.
Dahan dahan ang ginawang pag galaw ng lalake. Maingat at masuyo. Ayaw nitong
masaktan ang babae at muling iiwas ang sarili.
Iginalaw ng lalake ang balakang. Tila sinusukat ang kayang tiisin ng babae. Ilang
pagtaas baba pa ng sugpungan nito ay panatag na ang nasa ilalim niya.
At nang hindi na ito nanunulak ay pinabilis na ng lalake ang pag galaw sa ibabaw.
Tila galit na galit na pinarurusahan ang kaaway na mahinang dumadaing. Ang kaninang
pag igik ay napalitan na ng pag ungol at mahinang halinghing.
Gumagalaw na ang babae. Sinasalubong na ang bawat pag ulos ng lalake. Madali itong
turuan. Sinasabayan ang pag indayog ng nakakubabaw.
Ayun!
Malapit na!
Ayan!
Ayan naaaaaa!
Napaigtad siya nang luminga ang lalake sa gawi niya. Hindi niya alam kung paano
itatago ang sarili sa tila harapang pamboboso niya sa mga ito.
Natigilan siya sa nakita!
Naramdaman niya...!
Nararamdaman pa niya!
"Hindi ako tulog. Gising ako at nakapikit lang. Sigurado ako. Pero bakit..., hindi
ko kilala ang...., bakit biglang naging ako ang...? Ano ang ibig sabihin nun? May
kaugnayan ba ako sa babaeng iyon? Bakit ganito ang nararamdaman ko?", naiiling
niyang tanong sa sarili.
Muli niyang binasa ng malamig na tubig ang mukha at batok. Paulit ulit na tila may
kung anong inaalis na dumi roon. Pagkatapos ay isinahod ang palad sa tapat ng
gripo. Inilapit iyon sa tuyong labi at saka pinanay panay ang paglagok na ginawa sa
tubig na laman nun.
Ang pawis sa buo niyang katawan ang siya ring pawis ng lalaking pinanonood niya
kanina matapos ang pakikipagtalik nito sa babaeng noon niya lamang nakita.
"Ako ba ang lalaking yon? Siya ay ako rin? Pero sino yung babae? Hindi ko siya
kilala...", di na niya naituloy ang sasabihin.
Natigilan siya..!
Bakit parang....,
"Kilala ko siya....?!"
Napaigtad ang binata nang mula sa likuran ay may humawak sa kanyang balikat!
Akala niya ay isa na naman sa imahinasyon ang nakikita. Akala niya ay pinaglalaruan
na naman siya ng kanyang paningin.
Mabilis siyang tumayo at agad na tinignan kung may pinsala itong tinamo sa katawan.
Wala namang kagalaw galaw ang dalaga. Tila naalimpungatan lang mula sa mahimbing na
pagtulog.
Nang walang makitang sugat, gasgas o pasa ang kaibigan ay nakahinga siya ng
maluwag.
"Ano ang nangyari sa iyo? Bakit nadatnan kitang nakahandusay sa semento? Nasaan si
Reynalyn? Hindi ba magkasama kayong pumasok dito kanina? Bakit mag isa ka na lang
dito? Ano ba ang nangyari? Ano ba ang nangyayari sa ating lahat?!", sunud sunod na
tanong ni Josh.
"Hanapin natin si Reynalyn. Hanapin natin siya!", tanging nasabi lamang ni Milen.
Akmang lalabas na ito ng pintuan nang hawakan ni Josh sa braso at pigilan. Nag
alala ang binata na baka magulat ito sa makikita. Kababalik lamang ng malay ng
kaibigan at kung mabubungaran nito ang pag iiba ng paligid sa dati nitong alam bago
mawalan ng malay ay baka mag histerya ito at muling bumagsak.
Gusto muna niyang ipaliwanag dito ang lahat ng nagaganap. Lalo na sa kanya. Sa mga
nakita at naranasan niyang kakaiba at kababalaghan.
Ngunit pumiksi ang dalaga. Inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito at dire
diretsong naglakad palabas.
Wala siyang nagawa kundi sundan na lamang ang dalaga at inihanda ang sarili sa pag
alalay dito. Wala pa ang dalaga sa tamang wisyo.
Ang inaakala niyang pagkagulat nito sa makikita ay magiging pagkagulat pala niya!
Napanganga siya!
Nakabukas ang dalawang pinto ng kwarto nila ni Aldo ganun din ang mga ilaw sa loob
nito!
Lumalagos ang liwanag na nagmumula sa mga silid kung kaya maliwanag ang pasilyong
dinadaanan ngayon ni Milen!
"Ano ito? Binangungot nga lang ba ako kanina? Panaginip nga lang ba ang lahat ng
nangyari sa akin? Nagti trip lang ba ako kanina, at ngayon ay bumaba na ang tama ko
kaya bumalik na sa dati ang paligid ng bahay na ito? Gising na ba ako?", mga tanong
niya sa sarili habang nililinga ang buong paligid.
Napabilis ang paghakbang niya nang makitang lumabas mula sa kanyang silid si Milen
at pagkatapos ay pumasok naman sa silid ni Aldo.
Muntik pa silang magkabungguan nang pagpasok niya ay siya namang paglabas nito.
Binalikan ng dalaga ang katapat ng kanyang kwarto. Ang silid na para sa kanilang
dalawa ni Reynalyn.
Walang naiba sa loob. Ang mga bag ni Milen ay nakapatong sa isang kutson at ang kay
Reynalyn ay naroroon naman sa isa pa.
Walang palatandaan na may gumamit na ng silid. Tanging ang isang bag ni Milen na
nakabukas ang nakita niya.
Marahil ay hindi na nito naisara ang zipper matapos kunin ang bote ng alak na una
nilang ininom kanina. Maliban dun ay wala na.
"Hanapin natin sila. Kailangan natin silang makita! Hanapin natin sila!", muling
sinabi ni Milen. Nagluluha ang mga mata nito at bahagyang kumikinig ang mga labi.
"Shhh..., oo. Hahanapin natin sila.", pagpapakalma niya dito. Tantiya niya ay nagka
nervous breakdown ito. Na trauma sa kung anong nangyari sa loob ng comfort room.
Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaibigan. Dahil siya man ay muntik na rin
mawala sa katinuan. Hindi pa niya nasisiguro kung totoo na ang nagaganap at
nakikita niya. Ang importante ay may kasama na siya. Nakita na niya ang isa sa apat
niyang kasama. Tatlo pa.., kapag nakumpleto sila ay aayain na niya ang mga ito na
umalis. Kahit madilim pa sa labas. Kahit bumabagyo pa. Ang importante makalayo
silang lahat sa bahay na hindi ligtas para sa kanila.
Sa pagkakatanda niya ay sinundan niya ang isang babae na dumaan sa labas ng comfort
room na kinaroronan nila ni Milen. Pero sa may pagliko lang. Ilang hakbang lang
iyon mula sa c.r.
Na curious lang siya kaya niya sinilip. At nang hindi na niya nakita kung nasaan
ang babaeng dumaan ay pumihit na siya pabalik.
Kaya laking gulat niya nang paglingon niya ay naging isang mahabang pasilyo na ubod
ng dilim ang bumulaga sa kanya.
"Paano akong napunta sa lugar na ito? Nasaan na ang c.r. na pinanggalingan ko? Oh,
Diyos ko! Ano ang nangyayaring ito sa akin? Anong lugar ito? Nasaan ako?!",
humahagulgol niyang tanong.
"Milen! Milen! Nasaan ka?! Aldo! Josh! Butsoy! Nasaan na kayo?! Huwag nyo akong
iwanan dito mag isa! Natatakot ako! Natatakot...., ako..", malakas na pagtawag niya
sa mga kaibigan na unti unting humina. Nangangalog ang panga niya. Biglang namaos
ang tinig na halos pabulong na lang ang kayang magawa.
"Huwag nyo akong iwanan.., huwag nyo akong iwanan.", paos niyang sabi.
Umilang lunok ang ginawa niya. Binasa ng sariling laway ang lalamunang garagal. At
buong pwersang isinigaw ang isang pangalan.
"Aldoooooo!"
At ang boses ng nagsalita..., kilala niya ang may ari ng boses na yon!
Ngunit.....
Isang napaka kisig na lalaki ang nakikita niya sa kanyang harapan. Tila isang greek
gods ang nakatingin sa kanya.
Makapal ang mga kilay nito na binagayan ng magagandang mga matang may mahahabang
pilik.
Ang mga labi ay hindi manipis at hindi rin makapal. Tantiya niya ay parang
napakalambot nito at napakasarap halikan.
Nakahakab sa katawan nito ang suot na puting t shirt at hindi pa man nakikita ay
alam niyang may masel din ang humpak nitong tiyan.
Ang mga hitang malaman ay mahahaba ganun din ang mga binti.
At ang nasa harapan nito..., ang naka umbok na bahaging iyon na para bang ang hatid
ay walang kahulilip na kaligayahang ilang ulit na magdadala sa kanya sa nais niyang
marating at mapuntahan.
Agad niyang naramdaman ang pag iinit ng pisngi. Marahil ay mapulang mapula iyon.
Hiyang hiya siya kaya iniyuko niya ang kanyang ulo. Upang hindi nito makita ang
kanyang pisngi.
Nakita niyang gumalaw ang mga binti nito.., humakbang ang mga paa.
Otomatik siyang napatayo. Papalapit ito sa kanya. Malakas na malakas ang pagkabog
ng kanyang dibdib. Tila nililindol ng malakas ang kanyang puso.
Nasa harapan na niya ito. Hanggang dibdib lang siya ng lalake. Nalalanghap niya ang
after shave cologne na gamit nito.
Napakabango...
Lalaking lalaki...
Bahagya siyang tumingala upang magtama ang kanilang paningin. Nararamdaman niyang
nakatitig sa kanya ang mapang akit nitong mga mata.
Ngunit....,
nakatingin?!
"May dinaramdam ka ba? May masakit ba sa iyo?", muling tanong ng lalake. Hatid ng
tinig nito ang malabis na pag aalala para sa kinakausap.
Iniiwas niya ang katawan nang humakbang palapit ang lalake sa babaeng kamukha niya.
Bahagya pang nakanganga ang bibig niya habang pinanonood ang pag uusap ng dalawa.
"Bakit, may problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang lasa ng burong isda na pinadala
ng iyong itay?", tanong ng lalake.
"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat ng ginagawa mong kabutihan sa
aking itay at mga kapatid.. Sa lahat ng tulong at pagmamalasakit mo para sa
kanila.", madamdaming sabi ng kamukha niya.
"Anong sinasabi mo? Paano mong......? Sino ang nagsabi sa iyo?", gulat na tanong ng
lalake.
"Nahihiya ako sa iyo.., hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa lahat ng
kagandahang loob na patuloy at walang sawa mong pinagkakaloob sa aking pamilya.",
lumuluhang sabi ng babae.
Nakita ni Reynalyn ang pag guhit ng pagkabalisa sa mukha ng lalake. Hindi nito
malaman kung paano ang gagawin mapahinto lamang ang pagluha ng babae. Kitang kita
niya ang lungkot sa mukha nito.
Tila may mainit na palad na humaplos sa kanyang puso. Napuno ng paghanga para sa
lalakeng nag uumalpas sa mga mata ang marubdob na pagtatangi sa babaeng kamukhang
kamukha niya.
Alam niyang hindi tama ang manatili siya sa kinatatayuan. Alam niyang maling asal
ang makinig sa usapan ng iba. Lalo pa nga ang panoorin pa ang mga ito. Ngunit hindi
niya magawang tumalikod. Hindi niya magawang umalis at iwanan ang tagpong nagaganap
sa kanyang harapan.
Patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Wala siyang mga kapatid. Subalit ramdam na
ramdam niya ang pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob para sa lalake.
Pari ang kanyang ama.., isang batik at kapintasan para sa mga kagaya nito na may
suot ng abito. Isa itong huwad na tagapaghatid ng magandang balita at
tagapaglingkod ng Diyos. Hindi ito kapat dapat sa tiwalang ipinagkakaloob ng mga
taong dumadalo at nakikinig sa pagmi misa nito linggu linggo. Kung kaya naguguluhan
siya.
Bakit ang nararamdaman niya ay may mabuti siyang ama? Bakit hindi maputol ang
pagtangis niya sa malabis na pagmamamahal at pagkasabik sa pamilyang mayroon ang
babaeng kamukha niya? Bakit nasa dibdib niya ang taos pusong pagpapasalamat para sa
lalaking kausap nito?
"Huwag kang mag isip ng ganyan. Wala akong hinihingi o hinihintay na kapalit. Noon
pa man ay mahalaga na sila sa akin. Ang iyong itay ang itinuturing kong pangalawang
magulang. Hindi lamang siya ama para sa akin, isa rin siyang mabuting kaibigan. Ang
mga kapatid mo ay para ko na ring mga kapatid. Masaya ako kapag kasama sila at
kausap. Ako ang dapat magpasalamat sapagkat nang dahil sa kanila ay nabawasan ang
lungkot ko sa pag iisa. Huwag ka na umiyak. Makakasama lamang sa iyo at sa sanggol
na nasa sinapupunan mo ang labis na pag iyak.", may pag aalalang sabi ng lalake.
"Isa pa yan sa ikinahihiya ko, ang sanggol na ito. Bakit hindi mo ipinagtapat sa
itay ang katotohanan? Bakit hindi mo sinabing...."
"Huwag mo na ituloy ang nais mo pang sabihin. Hindi na nila kailangan pang malaman
ang totoo. Ayokong makaramdam ng sama ng loob ang iyong itay at mga kapatid. Kung
malalaman nila ang katotohanan ay wala namang inam ang idudulot nito sa kanila?
Mabibigla lamang sila, mahihiya. Masasaktan lang sila. Magbabago ang lahat sa isang
iglap. Mag aalala sila hindi lamang sa akin kundi pati sa inyong mag ina. Baka
magkasakit pa ang iyong itay. Baka maging dahilan pa ang katotohanan na yan sa
maganda naming samahan at pakitungo sa isa't isa. At ang higit sa lahat..., ayokong
mag isip sila ng hindi maganda laban sa iyo.", matapat at puno ng pagmamalasakit na
sabi ng lalake at pagkatapos ay tumungo.
Napalakas ng pwersang tila nag uutos sa kanyang lapitan ang lalake at mahigpit na
yakapin. Hindi niya nagawang pigilan ang sariling damdamin. Ihinakbang niya ang
kanyang mga paa. Palapit sa lalaking malungkot na malungkot ang anyo.
Tumitig sa kanya ang lalaki. Kitang kita niya ang pag ibig sa mga mata nito. Ang
labis na pagmamahal at ang pagnanais na pangalagaan siya.
Nakita niya ang unti unting paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha.
Napapikit siya nang sumayad ang malambot nitong labi sa kanyang mga labi. Maingat
at magaang na dampi lamang ang halik na iginawad nito sa kanya. Ngunit napakasaya
niya. Pakiramdam niya ay nakaangat siya at nakalutang sa hangin.
Sa pagdampi ng halik nito sa kanya ay naramdaman niya ang pagdaloy ng luha nito sa
pisngi. Damang dama niya ang pag ibig sa mainit nitong labi. Ang walang
kahalintulad na pag ibig nito para sa kanya.
Alam niyang nakatitig ito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang
labi.
Walang lalake!
Walang kahit anong palatandaang may naging kasama siya sa loob nito.
"Natitiyak kong hindi ako nananaginip lamang. Gising na gising ako.", tiyak na sabi
ni Reynalyn sa sarili.
Sa kung anong dahilan ay nawala ang takot na dati ay nararamdaman niya kapag nag
iisa. Naglakad lakad siya sa loob ng silid. Parang may hinahanap na kung ano.
Nilapitan niya ang isang malapad na aparador. Napakaganda nito, maging ang life
size mirror na tinitignan niya ay napaka linaw. Kitang kita niya ang sariling
repleksyon.
Napaurong siya nang biglang gumalaw ang dahon ng aparador na may salamin.
Kinuha niya iyon mula sa loob at iniladlad sa kanyang harapan. Nakangiti niya itong
inamoy. Matapos malanghap ang amoy ng sabon ay agad niya itong sinuot.
Natigilan ang dalaga nang may makapa sa bulsa. Napangiti siya nang makita ang isang
rosaryong katikbi.
Muli niya itong isinilid sa bulsa ng suot at muling tinignan ang sarili sa salamin.
Tumagilid pa siya habang siyang siyang tinitignan ang paghimas na ginagawa sa
tiyan.
"Ako si Irenea sa past life ko. Pero sino ang lalaking umiibig sa akin noon? Sino
siya sa panahon ko ngayon? May hindi ba kami natapos noon at kailangang madugtungan
namin ngayon? Ano ang kaugnayan namin sa bahay na ito?", sunud sunod niyang tanong
sa sarili habang nakatingin sa salamin.
Nakita niya ang liwanag sa may gawing dulo ng pasilyo. Nagmamadali niyang tinungo
ang lugar na iyon sa pagbabakasakaling naroon ang dalagang hinahanap.
Nagulat si Aldo nang makitang may lalaking nakatayo sa may terrace. Nakatalikod ito
sa kanya kaya hindi siya nakita. Tantiya niya ay magkasing taas sila at halos
magkasing katawan. Kung iba ang makakakita sa lalaki ay mapagkakamalan pang siya
ito.
May kahabaan nga lang at medyo alun alon ang buhok nito samantalang siya ay maigsi.
Ang suot nitong damit ay wala sa uso, di tulad niyang animo modelo ng damit. Ngunit
may tikas ang tindig nito na nagpapahiwatig ng kapangyarihan at otoridad.
"Siya siguro ang may ari ng bahay na ito. Dumating na siya kung ganun.", naibulong
niya sa sarili.
Lalapitan na sana niya ito nang may marinig na magsalita mula sa kanyang likuran.
"Nandiyan ka lang pala.", sabi ng malambing na tinig.
Isang magandang babae ang nakita niyang nakangiti. May dala itong isang tasang may
lamang mainit dahil nakikita niyang nagmumula doon ang usok sa hangin.
Agad siyang yumuko sa babae bilang pagbibigay respeto at nang mapalapit sa kanya
ay...
Natigilan siya nang hindi pinansin ng babae ang pagbati niya na parang hindi siya
nakikita nito.
Muli siyang natigilan nang makita ang mukha ng lalaking humarap at sumalubong sa
babaeng dumating.
Narinig niyang sinabi ng kamukha niya habang inaalalayan ang asawang lumapit.
"Dinalhan kita ng mainit na tsaa. Higupin mo na agad upang mainitan ang iyong
sikmura."
Puno ng pagmamalasakit at pag aalala ang tinig na iyon ng babae. Nakaramdam siya ng
munting saya sa pag aalang iyon.
"Salamat."
"Mukhang malalim ang iniisip mo. May bumabagabag ba sa iyong isipan? Ako ba ang
dahilan ng iyong pinagkakaganyan?"
"Mahirap para sa akin ang pagbuo ng pasyang ito. Matagal at paulit ulit kong pinag
isipan. Alam kong maling ipinilit ko sa iyo ang aking sarili. Hindi ko na
isinaalang alang ang kagustuhan mo.., ang damdamin mo. Wala akong ibang inisip
kundi ang makapagpapasaya sa akin at pinagsawalang bahala ang nararamdaman mo.
Patawarin mo sana ako."
Astigin siya. Matigas ang kanyang loob at hindi siya umiiyak ngunit ng mga
sandaling yon ay parang nag iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Ramdam na ramdam
niya ang sakit ng kalooban.
"Geralde..."
Narinig niyang tawag ng babae. Paos ang tinig nito dahil sa pinipigil na pag iyak.
Kitang kita niya ang pagtutol sa mga sinasabi ng kamukha niya. Ngunit hindi
nagawang sabihin ang nilalaman ng isip at saloobin. Parang hirap na hirap ito sa
naramdamang sakit.
Narinig niyang salita uli ng lalakeng nakilala na niyang Geralde ang pangalan sa
babaeng tinawag naman nitong Irenea.
Nang humakbang palayo ang babae ay gusto niya itong pigilin. Gusto sana niyang
hayaan ng lalake na ito ay makapagsalita . Sabihin kung ano ang gustong sabihin.
Ipakita sa kamukha niya kung ano ang nararamdaman. Ngunit tila itinulos siya sa
pagkakatayo. Wala siyang malamang gawin.
Natanaw niyang nakapasok na ito sa isang silid nang makahuma siya at mahanap ang
dila upang makapagsalita.
Dahil kung siya ito ay hindi niya gagawin ang ginawa nito.
Dahil kung siya ito hindi siya papayag na ipaubaya ito sa iba.
Dahil kung siya ito ipaglalaban niya ang babaeng minamahal kahit magkandabasag ang
kanyang mukha at mabali ang lahat ng buto niya sa katawan.
Hindi niya hahahayaang mawala ito sa kanyang paningin lalo na ang hindi ito
makasama.
"Tarantado ka pala eh. Nag isip ka ba talaga?! Yung mga sinabi mo kay Irenea....,
yun ba talaga ang gusto mong gawin?! Yun ba talaga ang nandiyan sa loob ng dibdib
mo?!", gigil na gigil niyang tanong sa kamukha na nakatingin sa kawalan.
"Ganun naman pala! Putang ina! Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo?! Bakit mo siya
ibibigay sa Roberto na yon?! Gago ka ba?! Hindi mo ba nakita kung paano nawala ang
pagkakangiti niya nang walang anu ano ay bumanat ka ng ganung salita.?! Hindi mo ba
nakita ang lungkot sa mga mata niya?! Umiiyak siya, Geralde. Bulag ka ba ha, pare?
Sa tingin mo ba dadalhan ka pa niya ng tsaa dito sa ulanan kung hindi ka mahalaga
sa kanya?! Pagkatapos pinagsalitaan mo ng ganun! Nag iisip ka ba?! Tang ina.., kung
di lang kita kamukha binangas ko na yang pagmumukha mo eh.! Duwag ka, pare! Isa
kang malaking duwag!"
"Si Roberto ang mahal niya. Nananatili lang siya sa piling ko dahil sa utang na
hindi nabayaran ng kanyang itay. Ang pag aasikaso niya at pag aalala ay dahil
lamang sa tinatanaw niyang utang na loob. Napakasakit at napakahirap nito para sa
akin. Katumbas ng aking kamatayan ang pagpapaubaya kong ito. Hindi ko na makakayang
makita pa siyang nahihirapan.
Natigilan si Aldo nang pumihit ang lalake paharap sa kanya. Pantay na pantay ang
kanilang laki. Kaya kitang kita niya ang mga mata nito kapantayan ng kanyang mga
mata.
"Utang na loob?! Utang na loob nga lang ba ang dahilan o may iba pa! Magsabi ka ng
totoo, Irenea?!"
"Mahal kita..."
Basa!
Umiyak siya...?!
Umiiyak siya!
Naghanap siya ng mauupuan at nang makakita ay ang buo niyang lakas ang hinayaan
niyang saluhin nun.
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang bigat sa kalooban.
Hinayaan niyang maubos ang luha na bumabalong mula sa kanyang mga mata. Masakit na
masakit ang pakiramdam niya sa sugat na wala sa balat. Naroon sa puso niya, nasa
loob ng dibdib niya. Hindi niya magawang pigilin ang matinding emosyon na bumabalot
sa kanyang buong pagkatao.
Pakiramdam niya ay sa pag iyak at sa pagpatak ng luha lamang niya mapapalaya ang
sarili sa tila gapos na mahigpit na nakatali sa kanyang puso.
"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ako ang nasasaktan? Bakit hindi ko
makayanan ang sakit ng kalooban ko? Geralde, bakit kita kamukha? Bakit
nararamdaman ko ang nararamdaman mo? Sino ka? Ano ang kaugnayan ko sayo?",
naitanong niya sa hangin.
Sapagkat nang magmulat siya ng paningin ay mag isa lamang siya sa terrace na yon.
Hindi niya namalayang basa na pala siya dahil sa anggi mula sa malakas na ulan.
Saglit siyang natigilan. Naalala ang pinuntahan nilang lugar ni Reynalyn noon.
Parang isang seminar na hindi niya maintindihan dahil inaantok siya sa mga salitaan
ng mga naroroon. Hindi siya interesado sa pinag uusapang Reincarnation ng mga ito.
Nakatulugan pa nga niya. Nagising lang siya sa pagsikong ginawa ng dalaga nang
tapos na.
At akin ang bahay na ito. Dito ako nakatira. At si Irenea ang aking asawa. Pero
bakit si Roberto ang mahal niya?
Matagal na akong may gusto sa kanya. Mahal ko siya kaya lang ay hindi ko magawang
sabihin ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan naming lima. Isa
pa ay sa akin nagmula ang kasunduang walang talo talo sa amin. Pamilya namin ang
isa't isa kaya walang syotaan.
Yung matanda, yung pagkasira ng van na dala namin, ang pag ulan at ang
pagkakatagpo namin sa bahay na ito.
Parang pinanlano at yung lalaking nakita ko sa may bintana na nakatayo sa may puno.
Ano ang kaugnayan nila sa aming lima?
Hindi kaya ang mga nangyayaring kakaiba sa bahay na ito ay dahil kay Geralde at
Irenea?
Nagmumulto ba sila?
May nangyari ba sa kanilang masama at kami ang hinihingan nila ng tulong para
magkaroon na sila ng katahimikan?
Sino...?
Yung lalake?
Yung matanda?
"Akin ang bahay na ito, makikita ko ang kwarto ko!", paulit ulit niyang sabi habang
naglalakad.
"Napakaganda talaga ng tahanan mo, Geralde. Mula labas hanggang dito sa loob ay nag
aalok ng masagana at marangyang pamumuhay. Ngunit kahit anong laki at ganda ng
bahay na ito kung wala ka namang makakasamang asawa at mga anak ay para saan pa?
Alam kong si Irenea ang kukumpleto sa pamilyang matagal mo nang pinapangarap.
Ngunit hindi ko hahayaang makamit mo ang pangarap na yan. Nasa iyo man ang lahat ng
mga pangarap kong makamit sa buhay ay akin naman ang babaeng siya mong pinapangarap
na maangkin. Ikaw man ang nagmamay ari ng mga bagay na hindi ko kaylanman magiging
pag aari ay pag aari ko naman ang puso ni Irenea na gusto mong mapasayo. Nasa panig
mo man ang pamilya niya ay nasa panig ko naman ang babaeng pinakaiibig mo. Ngayon,
Geralde. Sino sa tingin mo ang nanalo sa ating dalawa? Ako, hindi ba?! Ako ang
unang lalakeng umangkin kay Irenea. Minarkahan ko na siya. Ako ang nauna at ikaw?
Tira tirahan ko na lamang ang natikman mo! At ngayon, kukunin ko na ang
pinakamahalagang laman ng bahay mo! Gusto kong maramdaman mo ang pinaka matinding
sakit ng kabiguang hinding hindi mo malilimutan!", nakangising sabi ni Roberto.
Nasa ganoong pagmumuni ang lalake nang muling lumapit sa kanya si Ising.
"Sandali lang!", tawag ng babae bago pa man makailang hakbang si Roberto papanik ng
hagdan.
Huminto naman ang lalake at nilingon ang tumawag.
"Hindi alam ni Irenea na magkaalam tayo sa bagay na ito. Hindi ako dapat na madamay
sa pagtakas nyong gagawin. Ang nais ko lamang ay matulungan kang mabawi ang babaeng
iyong iniibig.", pahabol nitong sabi.
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, Ising. Huwag kang mag alala. Nang makita
kong umalis si Geralde ay sumalisi ako sa pagpunta rito at walang paalam na pumasok
sa loob.", sabi ni Roberto.
"Sige! Alisin mo sa bahay na ito ang walang kwentang babaeng yan! Kailangang mawala
siya hindi lamang sa bahay na ito kundi maging sa buhay ni Senyorito Geralde! Ilayo
mo si Irenea. Sa malayung malayong lugar upang hindi na sila magkita pa!",
nakangising sabi pa rin ni Ising.
Nang hindi na makita ang likuran ni Roberto ay saka pa lamang ito nagbalik sa
kusina. Aabalahin niya ang sarili upang kunwaring walang kinalaman sa pagtakas na
gagawin ng dalawa. Kailangang maging kapani paniwalang wala siyang alam.
Samantala, matapos sundin ang itinuro ni Ising ay agad na natunton ni Roberto ang
silid ng kasintahan.
Isang mahinang pagkatok lamang ang ginawa niya at pagkatapos ay mabilis na pinihit
ang seradura ng pintuan.
"Roberto! Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?!", agad nito sa lalaking agad
na yumapos sa kanya.
"Hindi na mahalaga yan. Sabik na sabik na akong makita ka. Hindi mo lang alam kung
gaano ko hinintay ang pagkakataong mayakap at makausap kang muli. Oh..! Irenea..,
sabik na sabik na ako sa iyo.", humihingal na bulong ni Roberto.
Mabilis na nag alab ang pagnanasa ng lalaking muling angkinin ang kasintahan.
Langhap na langhap niya ang mabangong aroma ng sabon mula sa singaw ng katawan ni
Irenea.
Hinalikan niya ang leeg ni Irenea habang hapit ang katawan nito.
Ngunit tila hindi niya narinig ang utos na iyon. Pinagapang niya ang labi sa punong
tenga ng kasintahan at lalong idinikit ang pang ibabang katawan sa pang ibabang
katawan ng babae.
Alam niyang magagawa niyang pag alabin ang kasintahan gaya noon. Tumatanggi lamang
ngunit ang totoo ay gusto rin nito ang ginagawa niya, gaya rin noon.
Inilipat niya ang paghalik sa labi ni Irenea. Mainit, maalab at puno ng pananabik.
Ngunit iniiwas ng babae ang mukha. Pilit na kinakalas ang mga braso niyang nakaikot
sa malambot nitong bewang.
Ngunit hindi siya nawalan ng loob. Naisip niyang marahil ay nabigla lamang ito.
Dahan dahan niyang nilapitan ang babae at maingat na ginagap ang palad.
"Tayo na, Irenea. Iaalis na kita sa bahay na ito. Tatakas tayo. Pupunta tayo sa
malayong lugar. Hindi na tayo maghihiwalay.", masuyo niyang sabi.
Napakunot ang noo niya nang walang makitang tuwa sa reaksyon ng kausap.
Kinabahan siya!
"Nasaan ang iyong mga gamit? Tutulungan kitang mag impake. Kailangan makaalis tayo
dito bago pa dumating si Geralde.", ungkat niyang muli sa babaeng hindi pa rin
tumitinag.
"Irenea, ano ba?! Hindi mo ba ako narinig?!", singhal niya sa babaeng nakatahimik
lang.
Samantala sa gubat...
Maingat nitong pinanik ang mataas na puno at pumigtal ng isang bungkos na mangga.
Pinili niya ang kumpol na iyon sapagkat namumurok na ang bunga. Ganun ang gustung
gusto ni Irenea na isawsaw sa burong isda.
Hindi alintana ng lalaki ang pagkagat ng malalaking hantik sa braso niya maging ang
ilang galos na tinamo sa pagkakasabit sa matulis na sanga ng puno.
Malapad na malapad ang pagkakangiti niya nang makababa na hindi napupunggal ang mga
bunga sa kinakapitan. Kagat kagat niya ang kumpol na iyon habang bumababa.
Hindi na niya tinawag si Ising upang magbukas ng gate. Gusto niyang sorpresahin si
Irenea. Gusto niya muling makita ang pamimilog ng mga mata nito at paglalaway sa
manggang hilaw na dala niya.
Nagpalinga linga pa siya upang hanapin kung nasaan si Irenea. At nang hindi ito
makita ay pumasok na siya sa loob ng bahay.
"Wala din siya dito sa sala. Marahil ay naroon pa siya sa kanyang silid.",
nakangiting bulong niya sa sarili.
****************
"Anong ibig mong sabihin, Irenea?", pigil ang galit na tanong ni Roberto.
"Dinaramdam ko, Roberto. Hindi ako maaaring sumama sayo. Napakalaki ng pagkakautang
namin kay Geralde at ako ang nais niyang maging kabayaran. Hindi ko magagawa ang
gusto mo. Hindi ko siya maaaring talikuran. Napakalaki ng utang na loob namin sa
kanya.", sabi ni Irenea.
"Utang na loob? Utang na loob nga lang ba ang dahilan o may iba pa? Magsabi ka ng
totoo, Irenea!", nang uusig na tanong ni Roberto.
********************
Dahan dahan siyang lumapit upang tiyakin ang kutob. Agad na nagtagis ang bagang ng
lalake nang masigurong ang dating kaibigan at karibal ang kasama ni Irenea sa loob
ng silid.
Bibiglain sana niya ang dalawa ngunit sa narinig niyang tanong ni Roberto ay mas
pinili niya ang makinig.
Hinintay niya ang sagot ni Irenea. Pigil ang paghinga.., nais niyang malinaw na
marinig ang isasagot nito.
"Utang na loob nga lang ba ang dahilan o may iba pa? Magsabi ka ng totoo, Irenea!",
muling usig ni Roberto.
"Mahal kita..."
*****************
*******************
"Bakit? Dahil hindi ka na sanay sa hirap? Dahil kung sa akin ka sasama ay mawawala
ang lahat ng karangyaan na tinatamasa mo ngayon at ng iyong pamilya? Tama ang kutob
ko nung una. Mababayaran rin ni Geralde ang pag ibig mo! Hindi ako dapat
nagtiwalang iba ka sa mga babaeng mukhang pera! Hindi ako dapat umasa na ako pa rin
na isang hampaslupa ang iniibig mo! Maling mali ako! Nasusuklam ako sayo! Nandidiri
ako sa uri ng iyong pagkatao. Napakababa ng iyong pagkababae! Aalis ako ngayon,
Irenea. Kung kinakailangang magnakaw ako ay gagawin ko, magkamal lang ako ng
maraming salapi! Maraming marami upang ipaligo sayo!", galit na galit na sigaw ni
Roberto. Pinagtatabig pa nito ang lahat ng nadaanan bago tuluyang lumabas sa loob
ng silid ni Irenea.
"Mag isa lang siyang umalis. Hindi niya naisama si Irenea. Hindi ito maaari.
Kailangang mawala sa bahay na ito ang babaeng yon! Kailangan kong gumawa ng
paraan!", pagkasabi ni Ising ay naisipan nitong tignan si Irenea sa taas ng bahay.
Kailangan niya itong mahimok na sumama kay Roberto.
"Bakit may mangga dito? Wala naman akong napansing dala kanina si Roberto. Kanino
ito galing? Hindi kaya...? Si Senyorito Geralde ang nagdala nito?", tanong niya
uli sa sarili.
''Ganyan ba kalaki ang pag ibig mo sa Ireneang yan Senyorito Geralde? Na imbis na
magalit ka at parusahan siya ay pinili mo na lamang umalis? Ganyan mo ba siya
kamahal? Anong meron sa kanya na wala sa akin? Maganda rin ako, bata, maganda ang
hubog ng aking katawan, makinis rin ang aking balat na kulay kaligatan. At higit sa
lahat.., ikaw ang unang lalake sa buhay ko. Ikaw ang pinagbigyan ko ng aking
pagkababae!"
Kasabay ng pagpatak ng luha ni Ising ay naalala niya ang gabing iyon. Ang
pinakamagandang pangyayari sa buhay niya na hinding hindi niya malilimutan.
"Anong ginagawa mo dito sa aking silid, ha Ising? (Hik!) Lumabas ka na! Sige na,
gusto ko mapag isa. (Hik!)", taboy ng binata.
Ngunit hindi niya sinunod ang utos nito. Tinulungan niya itong makahiga at
pagkatapos ay binanyusan ng maligamgam na tubig ang mukha at katawan.
Nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at hilahin palapit. Pagkatapos ay
pumihit ito at napailalim siya.
Napapikit siya nang ilapit nito ang mga labi at sakupin ang kanyang labi. Mainit at
malalim ang halik na iyon. Ang bawat pagdantay ng mainit nitong palad sa kanyang
balat ay tila nagliyab na bagang tumutupok sa kanyang pagkatao.
Buong puso niyang ipinaubaya ang katawan sa lalaking matagal na niyang minamahal.
Naging mapagbigay siya upang marating nito ang sukdulan. Ang kirot ng kaselanan sa
walang ingat na pag angkin nito sa kanya ay masaya niyang tiniis. Ang tanging
mahalaga sa kanya ay maibigay ang lahat ng kaya niya, mapaligaya lamang ang nag
iisang lalakeng nais niyang makasama hanggang wakas.
Bumilis ang galaw ni Geralde. Hanggang sa matapos ito sa ginagawa. Muli siyang
napaluha ng hagkan siya nito sa labi.
Binalewala niya ang narinig. Siya ang kasiping nito. Makukuntento na siya. Darating
din ang araw na pangalan na niya ang babanggitin nito at siya na ang mamahalin.
"Lalo akong namumuhi sa iyo, Irenea! Gagawa ako ng paraan na mawala ka sa buhay
namin!", nanlilisik ang mga mata nitong sabi.
Imbis na pumanik at alamin ang nangyari ay nagkunwari siyang walang muwang sa mga
naganap. Itinabi niya ang mangga sa kusina at pinunasan ang bakas ng mga sapatos sa
hagdanan.
Nagmamadaling binuksan ni Ising ang pintuan nang marinig ang pagtawag ni Geralde.
Pupunta na rin sana si Ising sa komedor nang marinig ang mahinang pagtawag sa kanya
ng amo.
"May kailangan ka ba, Senyorito?", agad na tanong ni Ising sabay lapit sa lalaking
nakatayo sa bungad ng hagdanan.
"Ah.., eh.., wala. Sige na gawin mo na ang sinabi ko sa iyo.", tanging nasabi ni
Geralde.
Maagap namang sinalo ni Ising ang usapan upang mapagtagal ang pakikipag usap nito
sa kanya.
"Senyorito, ikaw ba ang nagdala ng mangga kanina? Hindi ko kasi namalayan na may
pumasok dito. Nakita kong may mangga na lang diyan sa may hagdanan. Iyon ba ang
itatanong mo sa akin? Nandun sa kusina. Kukunin ko ba?", sunud sunod na tanong
niya. Sinadya niya ang pag uurirat. Pinakikiramdaman niya ang lalake.
"Hindi ko kasi alam kung ibibigay ko kay Irenea kaya hinintay muna kita. Nakasara
ang pintuan ng silid niya at hindi lumalabas. Naisip ko na lamang siyang dalhan ng
pagkain kanina. Pagkatapos ay lumabas na rin agad ako. Napaka lungkot kasi niya at
mukhang galing sa pag iyak ang mga mata. Hindi na ako nagtanong. Palagi naman kasi
siyang malungkot mula pa ng dumating dito.", sabi ni Ising kahit hindi tinatanong.
Hindi nito sinayang ang pagkakataon na ipasok sa isipan ng kausap na hindi masaya
sa piling niya ang babaeng karibal.
Napangiti si Ising habang hinahatid ng tanaw si Geralde. Alam niyang may magaganap
na makakapagpasaya sa kanya sa mga darating pang mga araw.
Kinabahan siya nang huminto ang yabag sa tapat ng pintuan ng kanyang silid.
"Hindi dapat makita ni Geralde ang aking pisngi! Baka magtanong siya kung bakit ito
namamaga. Ayokong malaman niya na nanggaling dito si Roberto kanina at siyang may
kagagawan ng pasa sa mukha ko. Baka mapasubo pa siya sa gulo. Isa man sa kanila ni
Roberto ay ayokong mapahamak ng dahil lamang sa akin. Kapag nagkataon ay hindi ko
mapapatawad ang aking sarili. Hindi ko masisisi si Roberto kung napagbuhatan man
niya ako ng kamay. Alam kong nadala lang siya ng galit na naramdaman. Ayokong
palakihin pa ang problema. Hangga't maaari ay matahimik na kami pare pareho. Tama
na ang gulo.''
Gustong gusto sanang makita ni Geralde ang babaeng buong maghapon niyang hindi
nasilayan.
Nais niya itong kamustahin, tanungin kung kumain na ba ito, kung nainom na ang mga
bitamina para sa kanila ng sanggol na buong puso niyang tinatanggap bilang kanya.
Kahit sino pa ang ama. Ang importante ay manggagaling ang sanggol sa katawan ng
babaeng nais niyang makasama.
''Nais ko sanang ayain kang magpakasal sa akin bago ka magsilang sa pag aakalang
natutunan mo na akong mahalin. Ang akala ko ay nagkaroon na ako ng puwang sa iyong
puso. Ngunit hindi pa rin pala. Nakalaan akong maghintay ngunit ang hindi ko na
makakayanan pa ay ang makitang naghihirap ang iyong kalooban dahil ako ang kasama
mo. Hindi ko nagawang palitan si Roberto sa iyong puso.", malungkot na bulong ni
Geralde at pagkatapos ay mabibigat ang mga paang humakbang palayo.
Lumipas ang magdamag na kapwa gising ang tatlong nakatira sa loob ng bahay kastila.
Naisip niyang sana ay hindi na lamang niya ipinagtapat ang totoong saloobin. Naisip
din niyang kung hindi naman niya sinabi ay aasa pa rin ang dating kasintahan at
baka muli siyang balikan at himuking umalis.
Gusto niyang pagsisihan ang nagawa at nasabi. Ngunit wala ng magagawa pa ang
pagsisisi. Walang ibang dapat sisihin kundi siya.
At si Ising..., hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang lahat. Naplano na niya
at hindi siya titigil hanggang hindi niya nagagawang tapusin ang naumpisahan.
Pupuntahan niya si Roberto. Ipapaalam niyang ito ang ama ng sanggol na dinadala ni
Irenea sa sinapupunan. Hihimukin niyang kunin ang mag ina nito.
Umiiwas si Irenea na magkaharap sila ni Geralde sapagkat bahagya pang maga at may
pasa ang kanyang pisngi. Lalo namang tumibay ang maling akala ni Geralde dahil sa
pag iwas na iyon. Hanggang sa maging ito man ay nanatili na lang sa loob ng silid
na ginagamit bilang opisina. O kaya ay madalas na lumuluwas sa bayan upang
bisitahin ang negosyo at mga paupahan na naroon.
Nang umigi naman ang sitwasyon ni Irenea at gawing muli ang pag aasikaso kay
Geralde ay napansin naman ng babae ang matamlay na pakikitungo nito sa kanya.
Nagdalang hiya siyang tanungin ang pinagkakaganun ni Geralde at nagsawalang kibo na
lanang. Nagkikita, nagkakasama ngunit madalang mag usap. Kapwa nakikiramdam lamang.
Pinag aaralan na niyang sanayin ang sarili sa pagsapit ng araw na mawala na ang
babaeng tinatangi sa kanyang paningin. Sinasanay na niya ang damdamin sa sakit
hanggang sa tuluyan nang mamanhid ang puso niyang tanging si Irenea pa rin ang
idinadaing. Gusto niyang unti unting pag aralang balewalain ito. Gusto niyang
matutunang huwag itong hanapin sa oras na tuluyan na itong kunin ng totoong
nagmamay ari. Nanghiram lang siya at tama lang na isoli na. Gusto niya turuan ang
sariling matanggap ang katotohanang hindi sila para sa isa't isa.
Wala sa kanya ang karapatang ungkatin sa lalakeng natutunan nang mahalin kung bakit
parang tinatabangan na ito sa kanya. Isa pa ay siya ang babae at kahit
nagdadalantao na ay labag pa rin sa kanyang prinsipyo ang maunang magpahayag ng
damdamin para rito. Lubos na ang kahihiyang nagawa niya. Kung naglaho na ang
pagtingin ni Geralde para sa kanya ay tahimik na lamang niyang iluluha.
Lihim namang nagdiriwang si Ising. Umaayon ang lahat sa gusto niyang mangyari. Ang
nakikita niyang pag iwas ng amo kay Irenea ay isang magandang senyales ng tagumpay.
Kailangan na lamang ng kaunting tulak. At si Roberto lang ang makakatulong sa kanya
upang mangyari ang plano niya. Malaki ang posibilidad na sa kanya mabaling ang
pagtingin ni Geralde kung kamumuhian nito si Irenea. Siya ang mamamalagi sa tabi ng
binata habang pinaghihilom nito ang pusong nasugatan. Siya ang makakasama nito sa
panahon na kailangan ng mahihingahan at makakaramay. Sa naiisip na mangyayari ay
masiglang masigla ang pakiramdam niya.
"Aalis ako bukas ng umaga. Baka sa kinabukasan na ako makabalik. Ikaw na sana ang
bahala dito, Ising.", sabi ni Geralde. Bahagya itong nakayuko habang sumusubo ng
pagkain.
'"Sadya bang iniiwasan mo ako, Geralde?", tanong niya sa lalaking tinitignan ngunit
hindi nagawang isatinig.
Kinagat ni Irenea ang pag ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapaluha at
muling itinungo ang ulo at agad na sumubo ng pagkain. Ngumuya siya upang itago ang
pagkibot ng mga labi. Nang tumulo ang luhang pilit na pinipigil ay pasimple niya
itong pinahid. Maging ang pagsinghot ay hindi niya ginawa. Isinabay niya sa
pagpupunas ng bibig ang ilong na tiyak niyang namumula. Ayaw niyang malaman ni
Geralde ang kanyang pagluha. Hindi niya nais na magmukhang kaawa awa sa paningin
nito.
Nakamata lamang si Ising kay Irenea. At pagkatapos ay kay Geralde. Nag aalala siya
na kung makikita ng panginoon ang pagluha ng karibal ay lumambot ang damdamin nito.
Baka muli itong umasam na may katugon ang damdaming pilit niyang ginagawan ng
paraan na mawasak.
Alumpihit ang alipin. Hindi malaman kung paano aagawin ang atensyon ng kanyang
Senyorito Geralde.
Mabilis na nag angat ng mukha si Irenea at may pag aalala rin na napatingin sa
lalakeng kaharap sa kabilang dulo ng dulang. Nag angat din ng mukha si Geralde kaya
nagtama ang paningin nilang dalawa.
"Ipagpaliban mo na lamang ang iyong pag alis, Geralde. Tama ang sinabi ni Ising.
Baka may mangyari sa iyong masama. Labis kong ikalulungkot kung mapapahamak ka.
Huwag ka na lamang umalis."
Sa isipan ni Geralde....
"Ikaw ang nais kong pumigil sa akin, Irenea. Kung magmumula sa iyo ang pag aalala
para sa akin ay hindi ako aalis. Sabihin mo lang at ikaw ang aking susundin. Kahit
ngayon lang, kahit ngayon man lang."
Sa isipan ni Ising...,
"Sasabay na rin ako papuntang bayan, Senyorito. Bibili na ako ng mga kailangan
natin dito sa bahay.", basta na lamang nasabi ni Ising upang maputol lamang ang
sandaling iyon.
"Ilista mo na lamang ang mga kailangan at ako na lamang ang bibili. Kailangan ni
Irenea ang kasama. Nasa kasagsagan ang kanyang pagdadalantao. Baka kung mapano
silang mag ina habang wala ako. Dumito ka na lamang at pangalagaan sila.", habang
sinasabi ang mga huling salita ay luminga si Geralde kay Irenea. Hindi nito
napanindigang itago ang nararamdamang pag aalala para sa babae. Hindi nito nagawang
labanan ang udyok ng damdaming muling pagmasdan ang mukha ng itinatangi. Ang mga
mata nitong tila nakikiusap at ang mga labi nitong mariing kagat kagat.
Pakiramdam naman ni Irenea ay hinaplos ng mainit na palad ang kanyang puso. Nasa
tinig ni Geralde ang pag aalala hindi lamang sa kanya kundi maging sa sanggol na
nasa loob ng kanyang katawan. Muling nag init ang sulok ng kanyang mata. Kung maari
lamang ay sinugod na niya ang lalake upang yakapin at hagkan. Sa bawat araw na
lumilipas ay lalong nadaragdagan ang paghanga at pagmamahal niya para sa lalakeng
nakatitig sa kanya.
"Hindi maaari ito! Hindeee!", sigaw ng utak ni Ising. Nagliliyab ang mga mata nito
sa matinding poot. Pulang pula dahil sa magkahalong pagkasuklam at luhang malapit
nang maglandas sa magkabilang pisngi.
"Hindi ako dapat makitaan ng hindi kaaya ayang ugali ni Senyorito Geralde.
Mawawalan siya ng tiwala sa akin at baka maging dahilan pa nang paglayo ng kanyang
loob.", bulong ni Ising sa sarili.
"Geralde, kung may maipagmamalaki lamang akong malinis na pagkababae ay lalapit ako
sayo. Kung sana ay maaari mo akong maipagmalaki ay buong puso kong iaalay sayo ang
lahat sa akin. Ngunit wala na, hindi na ako malinis gaya ng iyong nais. Dinadala ko
pa sa aking sinapupunan ang bunga ng nakaraan namin ni Roberto. Matatanggap mo pa
ba ang pag ibig ng isang tulad ko? Magagawa mo bang tanggapin ang mababang uring
babaeng ito?", lumuluhang bulong ni Irenea. Nanliliit siya sa sarili.
"Babae rin ako, Irenea. Hindi maikakaila sa mga kilos mo na hindi na si Roberto ang
nagmamay ari ng iyong puso. Ipinapahayag ng iyong mga mata ang damdamin mo para sa
lalakeng iniibig ko. Masyado kang sakim! Hindi ka makuntento sa isa! Si Roberto ang
ama ng iyong anak at dapat mahalin ngunit si Senyorito Geralde ang laman ng iyong
isip! Masyado kang maharot!", nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Ising.
Nakasuot ito ng itim na abitong hanggang ulo ay may tuklob. Nakasabit sa leeg ang
isang kwintas na may palawit na hugis trayanggulong yari sa tanso. Matapos ang
mahina nitong pag awit ay nagpatirapa ang dalaga sa loob ng mga kandilang may
sindi. Ikatatlong hatinggabi na niyang ginagawa ang bagay na yon. Tamang tama ang
pagkakatulos ng mga kandila sa hugis niya. Panay ang usal ng dalaga ng mga salita
na tanging siya at ang mga katulad lamang niya ang nakakaunawa.
Ang mga magulang nito ang namumuno sa grupong sumasamba sa isang rebultong kulay
itim at may magkabilaang ulo. Naniniwala silang ang kamatayan ay isang paraan upang
muling mabuhay.
Ipinagtabuyan sila ng mga tao sa kanilang lugar. Maswerte na nga lang at natagpuan
siya ng mga magulang ni Geralde sa gubat at ipinagsama sa bahay ng mga ito upang
gawing tagasilbi. Nakalipat sa ibang lugar ang mga magulang at muling ipinagpatuloy
ang gawain. Dalawang beses sa isang buwan kung mabisita niya ang pamilya upang
dalhan ng panustos.
Nakatayo ang lalake paharap sa gawi niya habang kausap ang tagasilbing si Ising
kung kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito.
Ang makapal na kilay na binabagayan ng mga magagandang mga mata na may mahahabang
pilik. Ang matangos nitong ilong at ang mga labing tila kay sarap humalik.
Nag init ang mga pisngi ng dalaga. Nakaramdam ng hiya sa sarili. Nang makita niyang
nag angat ng mukha ang lalake ay agad niyang ikinubli ang sarili. Nahiya na makita
siyang nakasilip. Ilang sandali din siyang nanatiling nakasandal sa gilid ng
bintana. Nang mahinuhang hindi siya napansin ay dahan dahan uli siyang sumilip.
Nakita niya nang iabot ni Ising ang isang maliit na bag kay Geralde. Naisip niyang
marahil ay mga personal na gamit nito ang nilalaman ng bag na dadalhin.
Nakaramdam siya ng matinding pangungulila. Aalis ang lalake at bukas pa uuwi. Hindi
pa man nawawala sa paningin ay nasasabik na siya sa mabilis nitong pag uwi.
Malungkot na lamang nitong tinanaw ang lalake hanggang sa tuluyan nang mawala sa
paningin.
Sa ibaba ng bahay ay nagpupuyos na naman ang kalooban ni Ising. Nasa sala pa lang
ay panay na ang bilin sa kanya ng lalaking pinaglilingkuran ukol kay Irenea.
Pagbawalang gumawa ng mga gawaing bahay. Sawayin sa pagpunta sa likod bahay dahil
napakainit ng sikat ng araw. Hugasang mabuti ang mga manggang hilaw dahil pati ang
balat ay kinakain nito. Huwag lalagyan ng dagdag na asin ang burong isda na
pagsasawsawan nito ng mangga. Dalhan na lamang ito ng pagkain sa loob ng silid.
Huwag hayaang magtagal sa terrace pagsapit ng gabi upang hindi mahamugan. At
palaging titignan kung ano ang kalagayan at kailangan nito.
At bago pa tuluyang umalis ay muling ipinaalala sa kanya ang mga bilin para sa
kapakanan ng kinamumuhiang karibal.
"Hah! Katulad ko lamang siyang maralita ngunit ang nais ni Senyorito Geralde ay
pagsilbihan ko ang babaeng yon na parang reyna! Talagang inuubos mo ang pasensya
ko, Irenea!", gigil na gigil na sabi ni Ising. Sa mga gawaing bahay niya ibinunton
ang lahat ng nararamdamang inis.
Labag man sa kalooban ay sinunod pa rin ng dalagang tagasilbi ang mga bilin sa
kanya ni Geralde.
Sagsag ang paglakad na ginagawa nito upang puntahan ang kubo ni Roberto.
Nakailang tawag na siya ngunit wala pa ring sumasagot. Naupo siya sa baitang ng
kubo at sandaling naghintay.
Mapula ang mukha nito at malamlam ang mga mata. Hindi pa man napapalapit ng tuluyan
ay nahulaan na ni Ising na nakainom ito.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?", pag uulit ni Roberto sa tanong
na di nasagot ng kinakausap.
Natiyak ni Ising ang hinala nang mapalapit at malanghap ang amoy ng alak sa singaw
ng hininga nito at katawan.
"Wala na akong pakialam sa babaeng yon! Dun na siya kay Geralde! Magsama silang
parehong walang kwenta! Maraming babae, kung nagawa ni Irenea na ipagpalit ako sa
iba ay magagawa ko rin siyang ipagpalit kahit sa ilang babae pa!", singhal ni
Roberto.
"Ahh! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?! Wala na akong pakialam kung ano ang
gusto niyang gawin. Ayaw ko nang marinig ang pangalan niya lalo pa ang pag usapan
pa ang kahit na anong may kinalaman sa taksil na babaeng yon! Umalis ka na, Ising!
Gusto ko mapag isa! Umalis ka na dito sa bahay ng isang maralita at bumalik ka doon
sa bahay ng mayaman!", asik ni Roberto.
Hindi man lang napakurap si Ising. Walang takot na nakabadha sa mukha nito kahit pa
tila magagawa ng kausap ang manakit dahil sa galit at sama ng loob.
Isang mapanghamon at malamang tanong ang naisip nitong sabihin upang makuha ang
atensyon ng lasing na lalake.
"Wala kang pakialam kay Irenea, eh sa anak mo na nasa sinapupunan niya..., wala ka
pa rin bang pakialam?", tanong ni Ising na sinundan ng ngiting animo nakakaloko.
Natigilan si Roberto. Mahina pang ipinilig ang ulo upang mabilis na mawawaan ang
sinasabi ng kausap.
"Totoo ba ang sinabi mo? Buntis si Irenea?", tila nahimasmasang tanong ni Roberto.
"Umalis si Senyorito Geralde at bukas pa ang balik. Bukas pa sana ako uuwi sa amin
ngunit mamayang gabi ay uuwi na ako upang kung pupuntahan mo si Irenea at itatakas
ay wala ako roon. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para sa aking sarili. At
ikaw naman ang bahala sa iyong mag ina. Alam kong hindi mo hahayaang maging ang
iyong anak ay mawala sayo. Minahal ka ni Irenea at madali na lamang ang mahalin ka
niya uli kung magkasama na kayo. Isa pa ay magkakaroon na kayo ng anak.
Makukumpleto na ang inyong pamilya. Isang pamilya na hindi man nakaririwasa ay
magkakasama naman. Ayaw mo naman sigurong matulad sa kapalaran mo ang iyong anak.
Hindi mo naman siguro hahayaang saktan at apihin lamang siya ng hindi niya tunay na
ama. Ikaw ang tunay na magmamahal sa kanya, kaya marapat lang na ikaw ang kasama ng
kanyang ina hanggang sa lumaki siya at magkaisip. Tama lamang na ikaw ang tawagin
niyang itay.", patuloy na salita ni Ising.
"Nagmamalasakit lamang ako, Roberto. Nasa iyo ang pagpapasya. Mayroon ka pang
panahon upang pag isipan ang dapat mong gawin. Subalit huwag mo na patagalin upang
hindi tuluyang mahuli ang lahat. Magsisi ka man ay wala ka nang magagawa pa.", sabi
pa rin ng dalaga.
Ilang oras nang wala si Ising ay hindi pa rin tumitinag sa kinauupuan si Roberto.
Pinag aaralang mabuti ang balitang narinig mula sa dumating na panauhin.
Napakunot ang noo nito. May galit sa mga matang puno ng pagdududa.
"Paano ako nakatitiyak na akin nga ang sanggol na iyon? Sandali lamang kaming
nagkasama ni Irenea at kahit ako ang unang lalaki sa kanya ay si Geralde naman ang
kasama niya sa iisang bubong. Lalake rin ako, sa ganda at bango ni Irenea ay
natitiyak kong tumanggi man ito sa kanya ay magagawa pa rin niya itong angkinin.
Kasama man nila si Ising ay magagawa pa rin ni Geralde ang sipingan si Irenea ng
hindi nito napapansin. Nagawa ko na rin ang bagay na yon. Nakabantay man ang mga
kapatid ni Irenea ay nagawa ko pa rin salisihan ang mga ito. Lalo pa si Geralde, sa
laki ng bahay niya ay magagawa nilang magsiping dalawa nang hindi namamalayan ng
kasama nila. Maaaring may lihim na pag ibig si Ising kay Geralde kaya ganun na
lamang ang kagustuhan niyang mawala si Irenea sa bahay na yon. Mahirap lamang ako
at kapos sa pinag aralan ngunit marunong akong mag isip. Sa nakita kong pagpapayag
ni Irenea na maakbayan at mayakap ni Geralde ay imposibleng walang namagitan sa
kanila. Sa bibig mismo ni Irenea nanggaling ang pag amin na natutunan na niyang
mahalin si Geralde kaya hindi totoong hindi sila nagsisiping dalawa. Isang malaking
katarantaduhan ang gusto ni Ising na paniwalaan ko. Ngunit kung kukunin ko si
Irenea ng sapilitan habang wala si Geralde ay makakaganti ako sa kanya. Hindi
lamang ang babaeng pinakaiibig niya ang mawawala kundi maging ang kanyang magiging
anak. Walanghiya ka talaga, Irenea! Wala kang kwentang babae! At ikaw naman
magaling kong kaibigan, nasa iyo na ang lahat ngunit kinuha mo pa rin at naangkin
ang babaeng nag iisang ikalalamang ko sana sayo. Hindi ako matatahimik hanggang
hindi ako nakakaganti! Hindi ako papayag na ako ay nagdurusa ng ganito samantalang
kayo ay nagpapakasaya! Kung hindi rin lang mapapasaakin si Irenea ay hindi rin siya
mapapasaiyo mahal kong kaibigan. Walang makikinabang sa kanya!", nagngangalit ang
mga bagang na sabi ni Roberto. Nakakangilo ang pagtatagis ng mga ngipin nito.
At isang plano ang naisip nitong gawin. Isang maitim na balak. Titiyakin niyang
pagsisihan ni Irenea ang ginawa nitong pagtalikod sa kanya.
Samantala......
Hindi siya mapakali. Kung hindi nga lang nasabi na niya ang pag alis sa araw na
iyon ay hindi na lang siya tutuloy.
Dumaan siya sa bahay ng itay ni Irenea upang magpalipas pa sana ng oras ngunit
pinagpayuhan siya ng matanda na umuwi na dahil ayon dito ay masama daw ang nasa
labas ng bahay dahil santong araw.
''Bukas ng umaga ay uwi si Ising sa kanila. Kaya tama lang na di na ako tumuloy.
Hindi maaaring walang makasama sa bahay si Irenea. Baka kung mapano siya.
Magkukunwari na lamang akong natapos ko na ang dapat kong gawin kaya agad akong
nakabalik.", kausap niya sa sarili. Sinisikap na alisin ang nararamdamang hiya sa
di napanindigang salita.
Nakangiti pa ang tagasilbi habang binabagtas ang nag uumpisang magputik na daan.
Saglit pa at lakad takbo na ang ginagawa nito upang mapadali ang paglabas sa
bahaging iyon ng gubat.
"Tama nga ang itay ni Irenea. Umulan nga. Mabuti na lamang at suot ko ang
pananggalang na ito sa ulan. Kahit paano ay hindi mababasa ang aking likod.",
nakangiti niyang sabi.
Si Roberto! Nakita niyang palabas sa kabilang panig ng gubat ang dating kaibigan.
Mabigat ang mga paang ipinagpatuloy niya ang paglalakad pauwi. Desidido na siya sa
gagawin. Kakausapin na niya si Irenea. Tutuldukan na niya ang lahat. Gusto na
niyang matapos ang lahat ng hirap at sakit na tinitiis nilang pare pareho.
Basa na ng tubig ulan si Geralde ngunit hindi nito alintana ang sumisigid na lamig
sa katawan. Nang matanaw ang kanyang bahay ay sandali itong tumayo at pinagmasdang
maigi ang kabuuan nun.
Hindi na niya tinawag pa ang tagapagsilbing si Ising upang magbukas para sa kanya.
Umuulan at kahit sumigaw siya ay hindi agad nito maririnig ng kanyang pagtawag.
Mula sa loob ng bulsa ay kinuha niya ang susi at inalis sa pagkaka lock ang gate.
Nabuksan niya at nang makapasok ay muli iyong isinara.
Tahimik sa loob ng sala ganun din sa komedor. Patay ang mga ilaw maliban sa iisa na
pinanggagalingan ng liwanag.
"Geralde?", sabi niya. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang maisip na bumalik na
ang lalaking dahilan kung bakit siya balisa at nababagot. Mabilis siyang tumayo at
nakangiting binuksan ang pintuan ng sariling silid.
Lumaki ang ngiti niya sa labi nang matanaw ang likuran ni Geralde. Agad niyang
napansin ang patak ng tubig sa sahig. Mabilis na bumalatay sa kanyang mukha ang pag
aala at isang desisyon ang nabuo.
Susundan niya si Geralde. Aasikasuhin niya ito. Ii isantabi na niya ang hiya sa
pagpapakita ng tunay niyang nararamdaman. Siya ang unang lalapit, kahit siya pa ang
unang gumawa ng hakbang. Hindi na niya kayang tikisin pa ang damdamin. Hindi na
niya pakikinggan ang idinidikta ng isip, hindi na siya magbibingi bingihan sa
isinisigaw ng kanyang puso! Iniibig niya si Geralde at magagawa niyang ibaba ang
sarili upang palayain ang damdaming hindi na niya kayang supilin.
"Geralde...", tawag niya matapos ang ilang mahinang pagkatok sa nakasaradong pinto.
Hubad baro ang lalaking nagbukas ng pintuan sa kanya. Nakabalabal ang isang
malaking twalya at dulo ang siyang ipinapamunas sa buhok nitong bahagya pang basa.
"Mabuti at nakauwi ka na. Kumain ka na ba? Hindi pa ako kumakain eh, busog pa kasi
ako kanina. Sabay na tayo kumain pagkatapos mong magpalit ng damit. Maiwanan na
muna kita at iinitin ko lang ang ulam natin.'', pagkasabi ay nakangiting tumalikod
na si Irenea.
Samantalang si Irenea naman ay abut abot ang kaba. Sapo pa ng mga palad ang
magkabilang pisngi. Hiyang hiya sa sarili. Ngunit napapangiti. Masigla itong bumaba
at nagtuloy sa kusina. Maghahanda siya ng hapunan para sa kanilang dalawa ni
Geralde.
Parang pinipiga ang kanyang puso. Napahagod pa siya sa dibdib dahil sa naisip.
Ngunit hindi niya magagawang tanggihan ang alok nitong pagmamalasakit. Muli niyang
inayos ang sarili at pagkatapos ay bumaba na at nagtuloy sa komedor kung saan
naroroon ang babae at naghihintay sa kanya.
Larawan ng isang butihing maybahay ang Irenea na pinagmamasdan niya. Abala ito sa
pag aayos ng mesa. Napansin niya ang pagkakalagay ng mga pinggan. Magkakalapit ito.
Magkatabi silang kakain ng babae ayon sa pagkakahain ng pagkain sa ibabaw ng mesa
na nakikita niya.
"Napakaganda mong panoorin. Kung sana ay palaging ikaw ang naghahain ng pagkain
para sa akin at sa ating magiging mga anak. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki
sa ating lugar.", nasabi ni Geralde sa sarili.
"Nandiyan ka na pala. Halika na rito at kumain na tayo habang mainit ang sabaw.",
nakangiting aya ni Irenea nang mapansin ang lalake. Maagap nitong inalis ang suot
na apron at ipinatong sa isa pang upuan na naroroon.
Sumunod naman si Geralde. Walang kibong iniusod ang silyang para kay Irenea at
hinintay na komportableng makaupo ang babae. At saka pa lamang inokupa ang silyang
para sa kanya.
"Natapos ko ng maaga ang dapat kong gawin kaya naman nakauwi agad ako.", tugon ni
Geralde. Pinipigil nito ang sarili na tignan ang mukha ng kasalo sa pagkain.
"Salamat kung ganun. Nagsusungit kasi ang panahon at mas mainam na narito ka sa
bahay upang makapagpahinga. Basang basa ka nang dumating. Pagkatapos nating kumain
ay hahaplusan kita ng langis sa likod upang hindi pasukin ng lamig iyong katawan.",
mungkahi ni Irenea.
Si Irenea man ay nagitla rin sa salitang lumabas mula sa bibig. Nadala siya ng
malabis na pag aalalang baka magkasakit ang lalaki. Huli na nang maisip ang tila
pang aakit na nasabi. Hindi na niya nagawang itama o bawiin pa ang sinabi na.
Nawalan siya ng imik at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Ganun din naman si
Geralde. Muling naghari ang katahimikan sa paligid maliban sa tunog ng kutsara at
tinidor. Matapos nilang kumain ay agad nang tumayo si Irenea upang magligpit.
"Huwag na, Geralde. Maraming ginawa kanina si Ising at tiyak na pagod siya. Hindi
naman mahirap ito. Baka kung hindi ako kikilos ay manghina na ako.", nakangiting
sagot ni Irenea.
Hindi na nga tinawag ni Geralde ang tagapagsilbi at siya na lamang ang tumulong sa
pagdadala ng mga kinainan papuntang kusina.
Masiglang masigla si Irenea. Pakiramdam niya ay mag asawa sila ng lalakeng kasama.
"Mauna ka na pumanik, sandali lang naman at matatapos na ito. Sige na susunod agad
ako.", malambing niyang sabi nang lumapit si Geralde sa lababo at humawak din ng
hugasin. Sandali pang tumayo ang lalake at nang muli niyang tignan ay saka pa
lamang tuminag sa pagkakatayo at sumunod sa sinabi niya.
Nangingiti pa rin siya habang tinatapos ang ginagawa. Masaya sa ideyang isa siyang
ginang ng tahanan.
Pagkatapos mahugasan ang mga pinagkainan ay nagtimpla siya ng tsaa. Ipaiinom niya
iyon kay Geralde upang hindi lamigin matapos niyang lagyan ng langis sa likod.
Samantala si Geralde naman ay nagtuloy sa terrace upang doon pababain ang kinain.
Habang pinagmamasdan ang ulan at kausap ang sarili.
"Irenea, ano ang ginagawa mong ito? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay para akong
isang bilanggo na kumain ng huling hapunan at pagkaraan ay bibitayin. Ano ang
kapalit ng ginagawa mo? Hihilingin mo na ba sa akin ang iyong kalayaan? Kung ganun
ay hindi na kita pahihirapan pa. Hindi ko nais na kaawaan mo o kaya naman ay ikaw
ang magdala ng bigat sa kunsensya dahil sa pagtalikod sa akin. Palalayain na kita.
Hangad ko ang iyong kaligayahan.", bulong ni Geralde.
Inayos pa ni Irenea ang sarili gamit ang isang kamay upang tiyaking magiging
maganda sa paningin ni Geralde at pagkaraan ay nakangiting naglakad papunta sa
kinaroroonan nito.
Agad niyang natanaw ang hinahanap. Nakatayo ito at pinanonood ang paglagaslas ng
ulan. Lalo siyang napangiti. Naisip na siguro ay napakasarap panoorin ng ulan
habang nakakulong sa bisig ng lalake ang kanyang katawan.
Muli niyang sinaway ang sarili sa malisyosang tinakbo ng isip at ipinagpatuloy ang
paglapit.
"Ipokrita ka, Irenea! Alam mo namang nandito si Geralde ay nagmamaang mangan ka pa!
Kaya nga dito ka dumiretso di ba?", usig niya sa sarili.
Lumingon sa gawi niya ang lalake at maagap siyang inalalayan. Lihim siyang kinilig.
"Bakit lumabas ka pa dito? Malamig ang hangin at mahamog.", puno ng pag aalalang
sabi ni Geralde.
"Dinalhan kita ng mainit na tsaa. Higupin mo na agad upang mainitan ang iyong
sikmura.", buong pagmamalasakit na sabi ni Irenea.
Bahagyang sumama ang loob ni Irenea nang ibaba lamang ni Geralde sa pasimano ang
tasa.
Napansin din niya ang malungkot na anyo ng lalake. Hindi siya nakatiis sa
pananahimik nito.
"Mukhang malalim ang iniisip mo. May bumabagabag ba sa iyong isipan?", tanong niya.
Ngunit nagitla siya sa mga sinabi nito! Hindi kaya namamali lamang siya ng dinig?
Ngunit paano niya itatanggi ang umieko sa kanyang tenga? Malinaw na ''palalayain na
kita'' ang naghuhumiyaw nitong sabi. .
Pinigil niya ang pag iyak. Hindi iyon ang nais niyang marinig. Ang hinihintay niya
ay ang sabihin nitong iniibig siya. Hindi ang siya ay palayain.
"Geralde, kung kelan kita natutunang ibigin ay saka mo pa ako nais paalisin.
Palayain? Ang nais ko ay dito sa piling mo mabilanggo habang buhay. Hindi ko kayang
iwanan ka. Mahal kita, pinakamamahal kita.", panangis ni Irenea.
Samantala....,
Naihanda na ni Roberto ang sasakyang gagamitin sa paglayo. Para sa isang linggong
arkila ang ibinigay niya. Ang sinabi niya ay may kalakal siyang dadalhin sa Maynila
at sa pagbabalik niya ay magbibigay pa siya ng karagdagang bayad kaya agad namang
pumayag ang may ari.
Matapos isukbit ang baril at ang isang punyal sa bewang ay nagsuot na siya ng
jacket na pinatungan pa ng makapal na plastic (pinaka kapote) na kulay itim.
Umuulan at kung hindi siya magsusuot ng pananggalang ay mababasa siya at tiyak na
lalamigin bago pa makarating kay Irenea.
"Tamang tama, pahating gabi na. Tiyak na walang makakapansin sa akin. Magsisigaw
man at humingi ng saklolo si Irenea ay walang makakarinig. Himbing na ang mga tao.
Idagdag pa ang tunog ng ulan kaya makakalayo kami na walang sagabal. Siya lamang
ang nasa bahay at sa ayaw at sa gusto niya ay sasama siya sa akin. Ilalayo ko siya
sa lugar na ito. Kung hindi siya susunod sa gusto ko ay wala na akong ibang
pagpipilian pa kundi ang patayin siya at itapon sa malayong lugar. Ganyan kita
kamahal, Irenea. Ang akin ay akin lamang hanggang sa huli. May dagdag pa, sapagkat
nasa sinapupunan mo ang anak ni Geralde. Mamatay kayo pareho sa aking mga kamay!
Kaya kung gusto mo pang mabuhay ay makabubuting sumunod ka na lamang sa lahat ng
gusto kong mangyari. Papunta na ako diyan, Irenea. Magkakasama na tayo!", nakangisi
at tila wala sa katinuang sabi ni Roberto.
Gamit ang isang maliit na lamparang may takip ay binagtas na ng lalake ang daan
patungo sa bahay kastila.
Nang matanaw ang sadya ay sandali pa itong tumayo at tiningala ang himpapawid.
Nakangising pinanood ang pagguhit ng matalim na liwanag. Pumikit ito at animo'y
siyang siya sa naririnig na tunog mula sa pingkian ng mga kidlat.
"Huh! Nakatulog na pala ako. Mabuti na lamang at nakapagtago ako dito. Kung
nagkataon ay mukha na ng mga demonyo sa impyerno ang makikita ko.", sabi niya.
Nilinga ni Butsoy ang paligid. Nag alala na baka nasa paligid ang matandang babae
na humahabol sa kanya.
"Wala ang pangit na matanda! Put****na, masyado akong nasindak ng hayup na yon.
Naunahan ako! Pero ngayong maigi na ang pakiramdam ko ay mapapalaban na siya sa
akin.", pagkasabi ay maingat siyang umalis mula sa kinalalagyan.
Mabilis na kinapa ng binata ang mga inumit na gamit sa loob ng suot na jacket.
"Ayos!", masayang sabi niya nang masigurong nasa bulsa pa rin ang hinahanap.
Patago at maingat na maingat siyang naglakad. Palihim niyang pupuntahan ang mga
kaibigan at aayaing umalis.
"Hindi kami ligtas dito sa loob. May toyo ang mga nakatira dito. Malamang ay may
mga kasama pa ang matandang yon at anytime na magkaroon ng chance ay pagpapatayin
kaming lahat. May baril si Pareng Josh at Pareng Aldo kahit paano ay makakalaban
kami. Kaya kailangang masabihan ko sila para hindi sila maunahan. Kapag nagaya sila
sa akin ay baka hindi na kami makalabas dito ng buhay! Malamang ay gising pa ang
mga yun."
Palinga linga siya nang biglang mapahinto. Nakita niya ang isang taong nagbubukas
ng gate.
"Anak ng...! Baka ito ang may ari ng bahay o kaya ay kasamahan ng matandang yon.
Nalintikan na!"
"Teka lang, bakit ganun ang buhok ni Pareng Josh? Parang ang bilis namang humaba?
At saka parang umitim siya? Pati ang jacket na suot.., wala siyang ganung jacket.
Panahon pa yata ni kopong kopong ang ganyang style. Hindi nagsusuot ng wala sa uso
si Pareng Josh lalo na ang sapatos. Si Josh nga ba ang taong ito? Pero bakit
magkamukhang kamukha sila?!"
Takang takang sabi ni Butsoy. Kinusot pa ng ilang ulit ang mga mata at sinipat
mabuti ang lalaking nakatayo at nagbubukas ng pintuan.
"Dito yata siya nakatira. Walang linga lingang pumanik na agad." , bulong ni
Butsoy. Muli nitong inilinga ang mata sa paligid at pagkatapos ay pumanik na rin.
"Nasaan kaya ang mga yon? Wala sila?! Put****na! Hindi ko gusto ang simoy ng hangin
dito! Baka nadale na ng matandang yon ang mga kaibigan ko!", pagkasabi ay bigla rin
siyang natigilan.
"Putang inaaaa! Wala ang mga bag nila! Umalis na yata ang mga tarantadong yon at
iniwanan na ako! Mga walanghiya! Hindi ako inalalang hanapin man lang!", galit na
galit na sabi ni Butsoy.
Nagmamadali siyang pumasok sa silid na para sa kanya. Kukunin niya ang kanyang bag
at aalis na rin.
"Anak ng..., nasaan ang bag ko? Bakit wala na dito? Ito ba ang silid na gamit ko?
Bakit iba ang ayos, pati ang bedsheet iba na ang kulay?!'', nagtatakang sabi ni
Butsoy.
"Sige, trip nyo yan ha. Kung ginu goodtime nyo man ako kayo ang bahala. Aalis akong
mag isa at bahala kayo sa mga sarili nyo!", pagkasabi ay maingat at palinga linga
na itong lumabas.
"Sasama ka sa akin!"
Parang nalunok ng binata ang dila. Nakikita niya si Reynalyn ngunit ang buhok at
pananamit nito ay iba. Ganun din ang kaibigang si Josh.
"Hindi ako maaaring sumama sa iyo, Roberto. Umalis ka na! Nakikiusap ako, umalis ka
na!"
"Irenea? Irenea naman ay si Reynalyn?! Anong kalokohan ang nagaganap na ito?! Totoo
ba ito, o nananaginip lang ako? Putang ina! Ano ito?!", nandidilat ang mga matang
tanong ni Butsoy.
Napaurong ng ilang hakbang ang binta nang makitang naglabas ng punyal ang kamukha
ni Josh. Bahagyang kumislap pa ang talim nito. Hindi pa man sumasayad sa kanyang
balat ay nahuhulaan na niyang magagawa ng punyal na paghiwalayin ang kanyang leeg
at katawan.
"Hindi! Mamamatay na muna ako bago mo ako mailabas sa loob ng bahay na ito!"
Isang malakas na sampal ang nakita niyang ginawa ng lalake sa babaeng kamukha ni
Reynalyn. Napahawak siya sa sariling pisngi na parang sa mukha niya dumapo ang
palad ng lalake. Nakita niyang pumutok ang labi ng babae at umagos ang pulang
pulang dugo. Ngunit walang awang sinampal pa uli ng lalake ang kawawang babae.
''Huwag! Tama na Roberto! Baka kung mapaano ang anak ko. Maawa ka sa kanya.",
paputol putol na pakiusap ni Irenea nang muling iamba ng lalaki ang kamao. Nakasapo
ito sa tiyan na nasaktan.
Muli itong lumapit. Hindi man sumuntok uli ay padaskol namang hinablot ang braso ng
nanghihinang si Irenea.
"Halikaaa...! Kapag sinabi kong sasama ka sa akin ay sasama ka! Naiintindihan mo,
ha?!", sigaw ni Roberto habang kinakaladkad ang nagmamakaawang babae.
Sa silid ni Geralde....,
Umiikot pa ang paningin niya. Marami rami rin ang nainom niyang alak dahil sa
gulung gulong isipan at nararamdaman.
"Bakit pati sa pagtulog ay naririnig ko pa rin ang iyong tinig?", tanong nito
patungkol kay Irenea.
Muli sana siyang pipikit ngunit may kung anong kumabog sa kanyang dibdib. Mabilis
niyang naidilat ang mga mata. Kahit mabigat na mabigat ang pakiramdam ay pinilit
niyang tumayo at maglakad.
Napansin niyang nakabukas ang pintuan ng silid nito. Nagmadali siya sa paglapit.
Bagsak ang balikat na pumasok siya sa loob ng silid. Tila ba sa ganoong paraan ay
mararamdaman pa rin niya na naroroon lamang ang babaeng pinalaya na niya.
Nag uunahang pumatak ang luha niya sa mukha. Napaupo pa siya sa kama ng babae at
nakayukong nanangis..., nang may mapansing patak ng dugo sa sahig!
Sa sala...,
"Walang Geralde na darating upang tulungan ka. Ayon kay Ising ay bukas pa darating
ang iyong kalaguyo. At maging si Ising ay wala rin. Iniwanan ka mag isa dito upang
kahit anong gawin ko sayo ay wala siyang alam. Siya din ang nagbigay sa akin ng
susi kaya nakapasok ako dito sa loob ng walaaaang kahirap hirap.", nakangisi at
nang iinis na sabi ni Roberto.
"O, Geralde nandiyan ka pala! Mainam naman at makakapag paalam kami ng mahusay sa
iyo ni Irenea bago umalis.", walang anumang sabi ni Roberto habang pasimple at
dahan dahang hinuhugot mula sa gawing likuran ang punyal na isinusuksok kanina bago
pa hilahing pilit pababa si Irenea.
Nakita ni Irenea ang ginagawa ng lalaking nakahawak sa kanya. Panay ang pag iling
nitong ginawa habang nakatingin kay Geralde na dahan dahang bumababa sa hagdanan.
Si Roberto naman ay aliw na aliw sa nakikitang paglapit ng karibal. May baril din
siyang dala ngunit mas gusto niyang patayin si Geralde sa unti unting pamamaraan.
Gusto niyang makita ni Irenea kung paano niya tatadtarin ng saksak ang pinagpalit
nito sa kanya.
Kailangang masiguro niya ang kaligtasan ni Irenea kaya nag isip siya ng mas mainam
na paraan upang lansihin ang dating kaibigan na parang asong ulol ngayon sa kanyang
paningin.
Tiim bagang siyang nagsalita. Kakausapin niya ang hindi imbitadong panauhin sa
kanyang bahay upang makahanap ng tyempong masunggaban ito.
"Malalim na ang gabi, Roberto. Bakit hindi nyo na lamang hintaying lumiwanag bago
kayo umalis ni Irenea? Mahirap para sa inyong dalawa ang maglakad sa gubat. Bukod
sa madilim na ay malakas pa ang ulan. Baka makasama sa kalagayan ni Irenea ang
malamigan.", sabi ni Geralde. Nakatingin ito ng tuwid sa mga mata ng kinakausap.
"Hindi iyan ang inaasahan kong maririnig buhat sa iyo, mahal kong kaibigan.", nang
uuyam na sabi ni Roberto.
Tumingin ang lalake kay Irenea. Ang mga mata nilang dalawa ang nag usap. Agad
namang naintindihan ng babae ang ibig sabihin ni Geralde sa kanya.
"Anong napag usapan?", tanong ni Roberto. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa
dalawa. Sa dating kaibigan at pagkatapos ay sa babaeng tangan.
"Magaling! Mahusay, Senyorito Geralde! Isasauli mo na sa akin ang iyong tira. Upang
pagkatapos ay mapagtawan mo lamang.
Baka akala mo ay hindi ko nalalamang buntis si Irenea! Hindi ako gago upang
tanggapin at akuin ang pagpapalaki sa hindi ko anak! Pagkatapos mong pagsawaan si
Irenea ay ipasasalo mo sa akin? Ikaw lamang ang kumain ng tira ko, Geralde! Ako ang
unang nagbuka sa magkabilang hita ni Irenea! Ako ang naunang pumasok sa makipot pa
niyang lagusan noon! Ako ang unang lumamutak sa matayog niyang dibdib habang
niyayamukos ng halik ang kanyang labi! Pinaliguan ko ng laway ang kanyang buong
katawan! Hindi lamang ilang beses, Geralde! Paulit ulit! Humahalinghing sa sarap si
Irenea habang niroromansa ko siya! Ikaw lamang ang kumain ng natira ko!", sinundan
pa ng malakas na halakhak ni Roberto ang sinabi.
Dong!
Nagulat si Roberto!
Hindi na rin nag aksaya ng panahon si Irenea. Agad na itinulak ang lalaking lumuwag
na ang pagkakahawak sa kanya!
Hindi na nagawang iangat ng huli ang hawak na punyal. Magkasamang sumadsad sa sofa
ang dalawa.
Nabitawan ni Roberto ang hawak nang bumaligtad ang malambot na upuan dahil hindi
kinaya ang lakas ng pagsalpok at bigat ng dalawang lalaking parehong may matipunong
pangangatawan.
Hindi malaman ni Irenea ang gagawin. Hindi makatakbo palayo ngunit hindi rin
makalapit. Hindi niya alam kung paano tutulungan si Geralde. Sanay sa mabibigat na
trabaho si Roberto kaya tiyak niyang higit ang lakas nito kung pagkukumparahin ang
dalawa.
Ngunit maagap na naiangat ni Geralde ang katawan at nailagan ang pag atake ng
kalaban!
Sinamantala ni Geralde ang pagkakataon. Tinaga ang leeg ni Roberto gamit ang kamay!
Walang nagawa ang hindi makahingang lalaki. Tinanggap lamang ang kamao ng dating
kaibigan.
"Walanghiya ka! Pati ang babaeng walang kalaban laban ay pinagbuhatan mo ng kamay!
Wala kang kwentang lalake! Hindi ko hahayaang mapunta sa iyo si Irenea! Hindi ka
karapat dapat sa kanyang pagmamahal! At lalong hindi ka nararapat maging ama ng
kanyang anak dahil hayup ka! Hayup ka!", namumula sa galit ang mukhang sigaw ni
Geralde.
Nang marinig ang boses ng babaeng bumanggit sa pangalan niya ay dagli siyang
napalingon. Huminto sa ere ang kamaong patatamain pa sanang muli sa mukha ng
lalaking nakabulagta na sa sahig.
"Irenea!", pagkasabi ay dali dali siyang umalis sa pagkakadagan kay Roberto ay agad
na nilapitan ang babaeng may iniindang masakit.
Mahigpit itong niyakap ni Geralde. "Hindi kita pababayaan, Irenea. Hindi ko kayo
pababayaan ng ating anak. Lakasan mo ang iyong loob. Makakaligtas kayo pareho.",
matapat niyang pangako.
A/N
Pasensya na f 2 chapter lang muna. 2 chapters pa sana ang nagawa kong draft pero
palaging nawawala. Nabubura.. ampotek! hirap na hirap ako kaka type taz di nasi
save. Pagtyagaan nyo na muna ito, ha. Tom ulit...
"Hintayin mo muna ako dito, tatawag ako ng tutulong sa atin upang madala ka sa
hospital. Sandali lang ako, babalik agad ako.", pagkasabi ay akmang tatayo na si
Geralde ngunit mahigpit na kumapit si Irenea sa kanya.
"Huwag mo akong iwanan dito, Geralde.", nakikiusap ang mga mata ni Irenea.
Umiling si Irenea at bahagyang ngumiti. Hinaplos naman ni Geralde ang mukha nito.
Habag na habag sa nakikitang paghihirap ng babaeng alam niyang pilit na
nagpapakatatag para sa sanggol na nasa sinapupunan.
"Sige, may kukunin lang ako sa taas. Sandali lang ako.", paalam ni Geralde.
"Pati si Pareng Aldo ay kamukhang kamukha rin ng tinatawag nilang Geralde! Anong
nangyari sa mga kaibigan ko? Sinaniban kaya sila ng masasamang espiritu? Nasaniban
kaya sila ng mga taong ito? Pero bakit hindi nila ako nakikita? Bakit ganito? Ano
ang nangyayari sa aming lahat?", gulo at takang takang tanong niya sa sarili.
Samantala sa gubat...,
Isang nilalang ang nagmamadali sa paglakad. Hindi nito alintana ang ulan ganun din
ang maputik na daan.
"Baka nga totoo ang narinig kong pinag uusapan ng mga kasama ko. Baka nga nakauwi
na siya. Baka makita niya ang pagtakas ni Roberto kay Irenea. Baka mapahamak si
Senyorito Geralde. Baliw na si Roberto, at magagawa nito ang pumatay! Hinde!, hindi
dapat masaktan si Senyorito Geralde. Baka may masama siyang gawin sa lalaking
sinasamba ko.'', puno ng pag aaagam agam na sabi ni Ising.
''Hindi kita mapapatawad, Roberto. Oras na may mangyaring di maganda kay Senyorito
Geralde ay mananagot ka sa akin! Hindi ko kayo patatahimikin ni Irenea!", galit at
paulit ulit na bulong pa rin ng dalagang tagasilbi.
Nanginginig ang katawan nito at mahigpit na nakakuyom ang dalawang palad. Ang mga
mata ay tila nag aapoy sa magkahalong pag aalala at poot na nararamdaman.
*********
"Ako si Geralde at dito ako nakatira. Akin ang bahay na ito.", paulit ulit na sabi
ni Aldo habang maingat na binabaybay ang pasilyo.
"Parang nangyari na ito. Parang nagawa ko na ang ganito.", nagtataka niyang tanong.
"Dito nga! Dito pumasok ang babaeng kausap ng kamukha ko kanina!", mulagat na sabi
niya sa sarili.
Tila may kung anong lumukob sa kanyang pakiramdam. Bumilis ang pintig ng kanyang
puso. Tahimik ang paligid at tanging ang malakas na pagkabog ng dibdib ang kanyang
naririnig.
"Hindi! Kung anuman ang namagitan sa kamukha ko at sa babaeng yon ay wala akong
kinalaman. Ang dapat kong unahin ay ang mahanap ang aking mga kaibigan. Hindi ako
superhero na mag isang tutulong sa kung anong nangyari sa kanila noon. Limitado
lang ang kaya kong gawin. May mga mas importante at dapat pa akong unahin at hindi
itong lintik na nararamdaman kong ito!", saway niya sa sarili.
Ipinihit niya ang katawan. Pahakbang na siya nang biglang umingit ang pintuan.
Bumukas ito at nagkaroon ng bahagyang siwang.
Hindi nagawang pigilan ni Aldo ang sarili. Muling pumihit ang kanyang katawan
paharap sa pintuan. Tila may sariling isip ang mga kamay. Dumikit ang kanyang palad
sa dahon ng pintuan at marahan itong itinulak.
Napipilan siya sa nakita.
Napangiti siya. Umahon sa puso ang labis na kagalakan. Hindi siya maaaring
magkamali!
Si Reynalyn man ay natigilan din. Naramdaman na niya ang yabag ng lalaki. Hindi din
nito maipaliwanag kung bakit kahit hindi pa man nakikita kung sino ang papalapit ay
parang kilala na niya ang may ari ng yabag na yon. Napangiti pa siya nang
maramdamang nakatingin ito sa kanya. Isang napakatamis na ngiti ang nanulay sa
kanyang mapupulang labi at saka unti unting humarap sa lalaking hindi pa man
nakikita ay ramdam na niyang ang puso niya'y ito ang nagmamay ari.
"Irenea..., ikaw si Irenea!", nakangiting sabi ni Aldo kahit nagluluha ang mga
mata.
May pagmamadali ang mga hakbang ni Aldo palapit sa dalagang sumalubong agad sa
kanya. Mahigpit silang nagyakap. Pakiramdam nila ay napakatagal na panahon nilang
hindi nagkita. Kapwa may luha ang kanilang mga mata.
"Saan mo nalaman ang pangalang yan? Kanino mo narinig..., sino ang nagsabi sa iyo?
Paano mo nakilala ang...", mga tanong ni Reynalyn na di makuhang tapusin.
"Kung ganun, ikaw si.. Ikaw nga si Geralde!", naluluhang sabi ng dalaga.
Sinapo ni Aldo ng magkabila niyang palad ang magandang mukha ni Reynalyn. Titig na
titig naman ang dalaga sa makisig niyang mukha.
"Akala ko ay hindi na tayo magkikita uli. Sinundan kita at nang bigla kang mawala
ay natakot ako. Hindi na ako papayag na mawala ka na naman. Mahal kita Reynalyn
ngayon na Irenea noon.", buong katapatang sabi ni Aldo sa dalagang matagal na
niyang nais pagtapatan ng damdaming pilit niyang itinago.
"Tinawag kita, ang akala ko ay di ka darating. Pero dumating ka, hinanap mo ako.
Ikaw ang mahal ko, Aldo ngayon na Geralde kahapon.", buong pusong sagot ni Reynalyn
sa lalaking akala niya ay hindi siya mapapansin.
Kapwa may luha ang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. Ang mga damdaming
matagal na nakakubli ay nagawa na nilang ipagtapat sa isa't isa. At pagkatapos ay
sinelyuhan ng matamis na halik habang ang mga katawan ay magkadikit.
Dahil sa ligayang nararamdaman ay hindi nila napansin ang isang pares ng mga matang
nanlilisik, tumutulo din ang luha nito..., dahil sa matinding selos at galit. Ilang
sandali pa at umalis na ito. Iniwanan ang dalawang magkayap na mahigpit.
"Anong gagawin natin ngayon, Aldo? Bakit pareho nating nakita ang nakaraan ng mga
taong nakatira sa bahay na ito? Bakit sila nagpakita sa atin? Ano ang ibig sabihin
nun?", tanong ni Reynalyn.
"Maaaring may gusto silang ipaalam sa atin. Baka may nangyari sa kanila na gusto
nilang mabigyan ng katarungan. O kaya ay may gusto silang gawin na di nila
nagawa.", sagot ni Aldo.
"Meron silang gustong ipagawa sa atin, ganun ba? Hindi kaya mayroon silang nagawang
mali noon at gusto nilang itama natin ngayon kaya nagpakita sila sa atin?", tanong
uli ni Reynalyn.
"Maaaring ganun nga, kaya nakarating tayo sa lugar na ito. Kaya may mga naramdaman
tayong kakaiba sa bahay na ito.", si Aldo.
"Ano kaya ang nangyari sa kanila? At ano ang gusto nilang gawin natin? Paano natin
sila matutulungan?", tanong uli ni Reynalyn.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko pa rin naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng
lahat. Sa ngayon ay hanapin muna natin sila Pareng Josh, Pareng Butsoy at Milen.
Sabihin natin sa kanila ang naranasan natin para matulungan nila tayong mag isip ng
gagawin.", mungkahi ni Aldo.
Sumang ayon naman si Reynalyn. Magkahawak kamay silang lumabas ng silid upang
hanapin ang mga kaibigan.
"Si Butsoy na lang ang kulang sa atin. Saan kaya siya napunta?", tanong ni Josh.
Nang malamang maging ang dalawa pa nilang kaibigan ay may mga nakita rin, nagkwento
na rin sila Aldo at Reynalyn sa nakita nila at naranasan.
Gulat na gulat si Josh matapos marinig ang pagsasalaysay ng dalawa. Nawalan ito ng
imik.
"Nang makita ko ang sarili ko na may katalik ay si Reynalyn ang babaeng nakita kong
kasama ng kamukha ko. Ang akala ko ay nakaramdam lamang ako ng li**g sa kanya kaya
na imagine kong siya yon. Pero kung yung Geralde ay kamukha ni Pareng Aldo at yung
Irenea naman ay kamukha ni Reynalyn, ang ibig sabihin ako naman yung Roberto na
unang kasintahan nung Irenea. Yung kamukha ni Aldo ang umagaw sa kasintahan nung
Roberto na kamukha ko!", kausap ni Josh sa sarili. Agad na nagsiklab ang galit sa
dibdib.
"Umalis na tayo sa bahay na to. Doon na lang tayo magpalipas ng magdamag sa loob ng
sasakyan.", sabi ni Josh.
"Hindi tayo maaaring umalis na hindi kasama si Pareng Butsoy. Hanapin muna natin
siya. Magkakasama tayong pumasok dito kaya magkakasama rin tayong lalabas.", sabi
naman ni Aldo.
"At saan natin hahanapin? Tayo nga ngayon lang nagkita kita matapos ang katakot
takot na kababalaghan.", pangil na sabi ni Josh.
"Kahit na! Hindi natin pwedeng iwanan si Pareng Butsoy. Kaibigan natin siya.
Nagkasundo tayo na walang iwanan.", sabi ni Aldo.
"Pabida ka na naman, Pareng Aldo! Ang desisyon mo lang ba ang laging tama at dapat
masunod? Kung gusto mo hanapin si Pareng Butsoy walang pipigil sayo. Sige, hanapin
mo! Ni hindi nga natin alam kung nauna pa sa ating umalis ang isang yon tapos
hahanapin natin? Kung gusto mong magpaka bayani, o e di sige! Pero huwag kang
magdesisyon para sa ating lahat.", namumula ang mukhang sabi ni Josh.
"O, bakit? Kakampihan mo si Pareng Aldo? Bakit kayo na ba?", tanong ni Josh kay
Reynalyn ngunit kay Aldo nakatingin. Ngumiti pa ito na tila nakakaloko.
"Hayaan mo siya Reynalyn. Matagal na sigurong kinikimkim ni Pareng Josh ang sama
niya ng loob sa akin. Mas maiging mailabas na niya ngayon.", sabi ni Aldo.
**********
Agad na natanawan ng lalake ang dating kaibigan at kasintahan. Muling sumulak ang
kanyang dugo. Pasimple niyang hinanap ang baril na maaaring tumilapon lang malapit
sa kanya. Ngunit hindi niya makita. Mahirap na para sa kalagayan niya ang makaungos
pa sa laban kung wala siyang hawak na armas.
Dahan dahan niyang pinagapang ang kamay. Tila elastiko ang braso na pilit inaabot
ang punyal na napasuksok sa gawing iyon.
Nawala ang pagkakangiwi sa mukha ni Roberto nang maidikit ang dulo ng daliri sa
puluhan ng patalim.
Matiyaga niyang inunti unti ang tila pagkalabit hanggang sa tuluyan na niya itong
mahawakan.
Maingat na maingat ang kilos niya. Hindi dapat makahalata si Geralde at Irenea na
gising na siya. Bahagyang nakapikit lamang ang kanyang mga mata kaya nakikita niya
ang dalawa sa may hagdanan.
Naramdaman niya ang pagbaba ng yabag sa hagdanan. Bahagya niya muling idinilat ang
mga mata. Nagtagis ang kanyang mga bagang sa nakikitang pagmamahalan ng dalawa.
Nang alalayan ni Geralde sa paglalakad si Irenea ay humanda na si Roberto. Mahigpit
niyang hinawakan ang punyal na nakatago sa gilid ng katawan.
Pinigil niya ang paghinga, pinakikiramdamang maigi ang yabag sa sementadong sahig.
Hindi siya maaaring magkamali sa pagkalkula. Walang puwang ang pagkakamali sa mga
oras na yon. Kailangang makasiguro siyang magiging tabla o kaya ay makalamang sa
kalaban.
Nang maramdamang nasa gawi na ng ulunan niya ang mga yabag ay bahagya niyang
idinilat ang mga mata. Nakapatalikod na sa kanya ang dalawa nang bigla niyang
igalaw ang kamay na may hawak na punyal!
"Geralde!", sigaw ni Irenea nang bumagsak sa sahig ang lalakeng kanina lamang ay
nakaalalay sa kanya.
Ngumingisi si Roberto habang painut inot na bumabangon. Iniinda pa rin nito ang
hilo at kirot ng namamagang mukha dahil sa suntok na tinamo.
Ngunit hindi naging sapat ang lakas upang mapabagsak ang kalaban.
Isang may kalakihang vase ang dinampot nito ay ubod lakas na ipinalo sa likod ni
Roberto!
Agad itong nasunggaban ni Geralde. Bagama't nanghihina dahil sa malakas na pag agos
ng dugo mula sa pinsalang tinamo ay nagawa pa rin nito ang suntukin si Roberto.
Hindi naman nagpadaig ang katunggali. Kahit nakakadama ng hilo ay umiigkas din ang
kamao nito.
Muli sanang dadampot ng isa pang vase si Irenea nang muling makaramdam ng matinding
pananakit ng puson at balakang.
"Hindi ko na masakyan ang mga nakikita ko! Baka mabaliw ako! Ayoko na, bahala na
kayo! Aalis na ako, uuwi na ako sa Maynila! Heto na! Isinasauli ko na ang lahat ng
ninakaw ko! Sa inyo na uli ang lahat ng ito!", sigaw ni Butsoy habang
pinagtatatanggal ang lahat ng laman ng bulsa.
Huli na upang magawa niyang itago ang sarili. Nakatingin ito sa gawi niya habang
mabilis at malalaki ang hakbang palapit sa kanya.
"Milen! Mabuti dumating ka! Hindi ko maintindihan ang nangyayari kila Pareng Aldo
at Pareng Josh! Naglalaban dun sa loob ng bahay yung dalawa! Hindi ko... ",
natigilan sa pagsasalita si Butsoy.
"Putang ina! Flip na ata ako! Hindi din si bebeng Milen ang babaeng ito!", gulung
gulong sabi ni Butsoy.
*********
Lumapit si Aldo upang akbayan ang kaibigan at ayaing mag usap na silang dalawa
lamang. Madalas na nilang gawin ang ganun kapag mayroong di pagkakaunawaan.
"Milen., awatin natin sila! Milen!", sigaw ni Reynalyn. Ngunit nang malingunan niya
si Milen ay nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Kung hindi ka umaarte arte kay Aldo ay ako na sana ang magugustuhan nya. May
Butsoy at Josh ka na pero pati si Aldo ay kinalantari mo pa! Santa santita pero mas
makati ka pa sa gabi! Isa kang ipokrita! Plastic!", pagkasabi ni Milen ay mabilis
nitong hinablot ang buhok ni Reynalyn.
*****************
Nadatnan ni Ising ang paglalaban ng dalawang lalake. Agad nitong nakita ang
nakakalat na dugo sa sahig na nagmumula sa paa ni Geralde.
"Hayup ka, Roberto! Bitiwan mo si Senyorito Geralde!", sigaw nito. Gusto mang
pigilan si Roberto at tulungan si Gerlade ay hindi naman makalapit.
"Ikaw! Ikaw ang pinagmulan ng lahat ng ito! Kundi ka dumating at nanggulo sa buhay
namin ni Senyorito Geralde ay masaya na sana kami at tahimik! Masyado kang harot!
Hindi ka pa nakuntento kay Roberto at pati si Senyorito Geralde ay nais mo pang
maging iyo! Halika ditooo...!", poot na poot na sabi ni Ising at pagkatapos ay agad
na hinablot ang buhok ni Irenea.
Hindi makapanlaban ang babae at panay lamang ang salag sa pagsampal na ginagawa ni
Ising. Iniinda pa nito ang patinding patinding pananakit ng balakang.
Nakita nito ang punyal sa sahig na pilit inaabot ng dalawang nagsusukatan ng lakas!
Agad nitong pinulot ang punyal at nanlilisik ang mga matang titig na titig kay
Irenea.
"Huwag, Ising! Maawa ka, huwag mong idamay ang sanggol sa aking sinapupunan.
Nakikiusap ako sayo. Wala siyang nagawang pagkakasala.", umiiyak na pakiusap ni
Irenea.
Mas abot niya si Irenea kung kaya hindi na siya nag dalawang isip pa!
Hindi matanggap na nagawa pang isakripisyo ni Roberto ang sarili para lamang
iligtas ang babaeng ang buong akala niya ay kinamumuhian na nito.
"Patawarin mo rin ako, Roberto. Hindi ko nagawang tuparin ang aking ipinangako.
Salamat sa pagnanais na maprotektahan ang ating anak.", umiiyak na sabi ni Irenea.
"Tama na Ising! Bitiwan mo si Irenea! Wala siyang pagkakasala sa iyo upang kamuhian
mo ng ganyan!", utos ni Geralde.
"Malaki ang kasalanan niya! Inagaw ka niya sa akin! Ako ang dapat na minahal mo
kung hindi siya dumating! Hindi ba ikaw ang unang lalake sa buhay ko, Senyorito
Geralde? Alam mo at ginusto mo ang namagitan sa ating dalawa. Ngunit matapos
makaalpas ang iyong pagnanasa ay ang pangalan ng babaeng ito ang iyong binanggit!
Nagkunwari kang walang natatandaan! Binalewala mo lamang ang lahat samantalang para
sa akin ay iyon ang pinakamahalagang pangyayari sa aking buhay!", tumutulo ang luha
ni Ising sa nanlilisik nitong mga mata.
"Walang kasalanan si Irenea. Ako ang may nagawang pagkakamali sa iyo. Sa akin ka
mamuhi, Ising. Ako ang iyong pagbayarin, ako ang iyong paghigantihan.", sabi ni
Geralde. Gumagapang ito palapit sa dalagang may hawak na punyal.
Ang punyal na para sana sa leeg ni Irenea ay sa sarili nitong sikmura bumaon
matapos sumadsad sa dingding!
"Irenea, patawarin mo ako. Hindi ko nagawang iligtas kayong mag ina. Patawarin mo
ako sa nagawa kong pagkakamali.", mahinang sabi ni Geralde.
"Shh..., wala kang nagawang pagkakamali. Marahil ay sadyang hanggang dito na lamang
ang lahat.", pabulong na sabi rin ni Irenea.
"Kung hindi man ngayon, sa muli nating pagsilang ay ipagpapatuloy natin ang ating
pagmamahalan. Hihintayin kita.", sabi ni Geralde. Unti unti na nitong ipinipikit
ang mata.
"Hihintayin kita.", sagot ni Irenea habang pilit na idinidilat ang mata upang
makita ang mukha ng lalaking mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay.
"Hindi ko kayo hahayaang magkasama! Sa muli ninyong pagsilang ay isisilang din ako
upang hadlangan ang kaligayahang gusto nyong makamtan. Hindi ko kayo papayagang
maging malaya!", sabi ni Ising sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin.
"Hindi ako lalaban! Alam kong nagkamali ako! Tinatanggap ko ang kaparusahan mo!
Balewala ang lahat ng pasa o putok na aabutin ng mukha ko basta mawala lang ang
galit mo! Ayokong mawalan ng isang mabuting kaibigan, Pareng Josh!", patuloy na
salita ni Aldo habang panay ang pag salag sa suntok na ang ilan ay tumatama sa
kanya.
Samantala...,
"Walanghiya ka! Kakalbuhin kitaaaa! Magpapaawa ka na naman ba, ha? Lumaban ka,
malandi ka!", galit na galit na sigaw ni Milen habang haltak haltak ang buhok ni
Reynalyn.
"I'm sorry, Milen. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Mahal kita. Ikaw ang aking
pamilya. Hindi lamang kita kaibigan, ikaw din ang aking kapatid. Ikaw ang
nagpapalakas ng loob ko sa twing natatakot ako. Ikaw ang umaaway sa mga nagtatawa
sa akin. Marami akong hindi kayang gawin kung wala ka. Ayokong magkagalit tayo,
Milen. I'm really sorry.", umiiyak na sabi ni Reynalyn.
"Hindi maaari ito! Kung hindi sila magpapatayan ay mapuputol ang sumpang ginawa
namin sa sinumang papasok sa loob ng bahay na ito!"
Nang gabing iyon ay sumunod kay Ising ang mga magulang nito at ilang tagasunod.
Kailangang maibalik nila ang dalaga sa kanilang pook sambahan upang maisagawa nito
ang huling ritwal. Ngunit nadatnan nilang patay na ang dalaga. Galit na galit ang
mga magulang nito at mismong sa lugar na iyon ay nagsagawa ng ritwal upang buhayin
ang anak. Ngunit nabigo sila. Ayon sa pinakamatandang taga panalangin ay
tinatanggihan ni Ising ang mabuhay muli. Ang nais nito ay buhayin din si Geralde na
hindi naman nila kayang gawin. Kaya naman taun taon ay nauulit ang lahat. Hanggang
hindi nito nakukuha ang pag ibig ng lalaking lahat para sa kanya.
Kaya nang makita ng matandang babae (isa sa kamag anakan nilang nangako ng walang
katapusang paglilingkod) ang mukha ni Milen na kamukhang kamukha ng kanyang ninuno
ay inakala niyang iyon na ang hinihintay nilang tamang panahon sa muling pagsilang
ni Ising.
Naisip ng matandang gumawa ng senyas upang matawagan ang kanyang mga kasama ngunit
mula sa likuran ay isang malaking kahoy ang tumama sa ulo nito!
Natigil ang pag aaway ng apat dahil sa biglang pagsulpot ni Butsoy. Hindi nito
nagawang umalis mag isa upang iligtas ang sarili. Binalikan nito ang mga kaibigan.
Nagkaunawaan ang apat. Matapos ang maayos na pag uusap ay nagyakapan ang mga ito at
nagkapatawaran.
"Parang hindi totoo ang lahat ng nangyari sa atin. Putang ina! Adventure sa bahay
ng Lagim!", natatawang sabi ni Butsoy.
"Umalis na tayo dito at baka magising na ang matanda!", sabi uli ni Josh.
Tiktilaok..! Tiktilaok...!
Naputol na nga kaya ang sumpa? Hindi na nga kaya muling maririnig ang pagtangis ni
Ising? Hindi na nga ba muling lilitaw ang bahay ng lagim sa gitna ng gubat? Alamin
natin sa muling pagsapit ng semana santa...
Wakas..
Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito. Mga bumoto, nag iwan ng
mga napaka inspiring comments and reactions.
Maraming maraming salamat po sa mga super solid supporters ng mga stories ko.. labs
na labs ko kayo!
Misteryo sa Wattpad
Bakanteng Nitso 3
Gamsahabnida!
Saranghaeyo!
ajeomma