Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DZNN (Mata ng Bayan Boses ng Katotohanan)

Martin: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, ito ang


DZNN

Anchor 1 Ericka: Mga kaganapang nangyayari sa loob ng bansa


Anchor 2 Rhia Shane: Mga isyung tinututukan!

Martin: Ito ang DZNN!

Anchor 1 Ericka: Ang oras natin ngayon ay ___________


Anchor 2 Rhia Shane: Ika 11 ng Abril 2023

Anchor 3 Princess: Magandang Hapon Pilipinas


Anchor 1 Ericka: ito ang inyong tagapagbantay Ericka Faye Gannaban
Anchor 2 Rhia Shane: ito ang inyong kaagapay Rhia Shane
Anchor 1,2 at 3: at kayo’y nakikinig sa DZNN Mata ng katotohanan Boses ng
karamihan

Martin: para sa ulo ng nagbabagang balita

Anchor 2 Rhia Shane: Aborsyon sa Pilipinas tumataas


Martin: DZNN

Anchor 3 Princess: Matinding parusa sa pagpapalaglag itinulak sa kamara


Martin: DZNN

Anchor 1 Ericka: Aborsyon sa Pilipinas gagawin nabang legal sa pilipinas?


Martin: DZNN

Anchor 2 Rhia Shane:Aborsyon sa Pilipinas tumataas. Para sa detalye Angelica Mae


Apostol ibahagi mo

Angelica Mae: Talamak na ang abortion sa Pilipinas dahil umaabot na ang kaso sa
kalahating milyon taun-taon. Sa pag-aaral ng University of the Philippines
Population Institute, mayroong 300,000- 500,000 ang bilang ng aborsiyon
kada taon. Pangunahing dahilan ng aborsiyon ang pagbubuntis ng wala sa panahon
o unwanted pregnancies. Marami sa mga babaeng nagpapa-abort ay hindi
gumagamit ng contraceptives tulad ng pills.

Bagaman at kontra ang Simbahang Katoliko sa panukala, umaasa ang mga


mambabatas na nagsusulong nito na maging isang ganap na batas ito para na rin sa
kapakanan ng mga babaing sumasailalim sa abortion.

Hindi pabor sa aborsiyon ang panukala at sa halip ay pinipigilan nito ang pagbubuntis
ng wala sa panahon na humahantong sa pagpapalaglag ng sanggol.
Anchor 3 Princess: Matinding parusa sa pagpapalaglag itinulak sa kamara. Para sa
detalye Nicah Soriano ibahagi mo

Nicah Soriano: Dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpapalaglag na kababaihan,


mas matinding parusa laban sa aborsyon ang isinusulong ng isang mambabatas sa
kamara upang mapigilan ito.

Inihain ni Manila Rep. Amado Bagatsing ang House Bill 3201 kasunod nang mga ulat
na natatagpuang fetus sa mga basurahan.

John Danao as Manila Rep. Amado Bagatsing: "These fetuses are the unwanted
and uncared for unborn babies who have been wantonly murdered to hide the shame
of their mothers,"

Nicah Soriano: Sinabi ni Batagsing na naaayon sa batas na kailangang pangalagaan


ang buhay ng mga ina at ng kanilang mga nasa sinapupunan.

Habambuhay na pagkakakulong ang parusa sa mahuhuling sadyang nagpapalaglag,


habang 12 hanggang 20 taong pagkakakulong ang parusa sa mga ina.

Pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan ang parusa sa
abortion by violence unintentionally.
Makakasuhan din ang mga doktor, midwife at pharmacist na magbibigay ng mga
abortifacient na gamot sa mga buntis at magbabayad ng P100,000.

Anchor 1 Ericka: Aborsyon sa Pilipinas gagawin nabang legal sa pilipinas?


Isa sa mga napakainit na isyu ngayon sa buong mundo ay ang pagsulong na gawing
legal ang aborsyon, lalo na sa panahon ngayon kung saan lumulubo ang mabilis na
pagdami ng populasyon laganap na ang premarital sex at pabata ng pabata ang mga
nabubuntis, ang aborsyon ang nagiging takbuhan ng mga bata na hindi pa handa sa
obligasyon ng pagkakaroon ng pamilya.Kaya tayo’y nagtanong kung siya ba ay pabor
na gawing legal ang aborsyon sa pilipinas.

Kelly Mar : Para sa aking sariling pananaw at opinyon ukol dito, ako ay hindi sang-
ayon sa pagsulong na gawing legal ang aborsyon dahil ito ay isang krimen na hindi
mangatwirang pagpatay ng isang inosenteng may buhay at higit sa lahat ito ay labag
sa batas at kautusan ng Diyos.Ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ng ina ay
mahigpit at mariing linalabanan at kinokondena ng pamahalaan at ng simbahan.Ang
pagpapalaglag ay hindi solusyon sa mga problema at walang kasalanan ang sanggol sa
loob ng sinapupunan na may karapatang mabuhay. Ang buhay na inihandog sa atin ay
maituturing na isang regalo na karapat-dapat nating itanaw na utang na loob at
ipagpasalamat sa Diyos at ang buhay na ito na ibinigay sa atin ng Diyos ay kailangan
na ingatan at pahalagahan.
Bilang paalala sa lahat, kahit ano’t – ano pa man ang rason ng aborsyon, dapat nating
tandaan na bilang tao, ang bata na ipinagkaloob ng Diyos ay may malaking papel na
gagampanan sa buhay at sangkatauhan. Dapat itong mabigyan ng tyansa na mabuhay
at makita ang ganda ng sanlibutan.Huwag nating pangunahan ang Panginoon sa
napakagandang plano na kaniyang inihanda. Gawin natin ang tama, pahalagahan at
ingatan ang buhay.

Anchor 1 Ericka: Maraming salamat kelly mar sa iyong paalala.

Martin: DZNN Mata ng Bayan Boses ng Katotohanan


Anchor 1 Ericka: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong hindi
lamang naghahatid ng balitang sariwa.
Anchor 2 Rhia Shane: kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 3 Princess: Kami ang inyong tagapagbantay.

Anchor 1 Ericka: Ericka FAYE GANNABAN


Anchor 2 Rhia Shane: Rhia Shane Encarnacion
Anchor 3 Princess: Princess ederlyn babera

Anchor 1,2 at 3: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat

Martin: Ito ang DZNN

You might also like