Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MODYUL 1: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

(Una hanggang ikaapat na Linggo)

PANANALIKSIK

Introduksyon

Ang pananaliksik ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang disiplina sa edukasyon na


maaaring maging sandigan sap ag-unlad ng isang bansang naghihikahos na may kaugnayan sa
problema sa pananalapi, politika, sa kalakalan, pangkapayapaan, pangkabuhayan, gayundin sa
wika at iba pa. Ito ay makatutulong nang malaki sa paghahanap ng tumpak at wastong
katugunan na walang pag-aalinlangan na bunga ng matapat na pananaliksik sa iba’t ibang paksa
o suliranin.

Ang modyul na ito, ay naglalaman ng mga impormasyon na magpapakilala ng


Pananaliksik bilang isang mahalagang gawain na kailangang pagdaanan ng mga mag-aaral
upang magkaroon ng ganap na pagbibigay aplikasyon sa kabuuan ng mga aralin sa kursong
kanilang kinukuha. Bilang mag-aaral, kinakailangan na malaman nila ang kabuaan ng isang
pananaliksik gayundin ang mga katangian nito upang magamit nila sa pagkalap ng detalye sa
mga nais nitong kapanayamin. Ang aralin na ito ang magsisilbing gabay upang kanilang
matutunan ang mga balangkas ng pananaliksik na kanilang isasagawa.

Layunin:
Sa pagtapatpos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Mabatid ang kahulugan ng pananaliksik
2. Mabatid ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik
3. Maipabatid sa mga mag-aaral ang layunin kung bakit sinasagawa ang pananaliksik; at
4. Pagpapabatid sa katangian, kahalagahan at etika sa pananaliksik.

Subukin ito:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pananaliksik o bakit kailangan mong matutunan ang
pananaliksik?
Alamin:
Ano ang pananaliksik?

Ayon kay Good – Ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong


pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon para sa
kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.

Ayon kay Parel – Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat


tungkol sa isang bagay sa layunin sagutin ang ilang katanungan ng pananaliksik.

Ayon kay Treece at Truce – Ang pananaliksik ay pagtatangkang makakuha ng kalutasan


sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito’y paglilikom ng mga datos sa isang mahigpit at kontroladong
kalagayan sa layuning makapaghinuha o makapagpaliwanag.

Karagdagang Kahulugan ng Pananaliksik


1. Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag- imbestiga
sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na
penomenon.
2. Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat
o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at
lipunan.
3. Ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na
pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang
pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at
pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.

Katangian ng Pananaliksik
Nagtataglay ang pananaliksik ng mga katangiang higit pa sa makakapagpaunawa at
makakapagpaliwanag sa konsepto nito. Ito ay ang mga sumusunod:
(a) Obhektibo – Ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta-bastang pinagsasama-samang
mga binuod na akda o pinagdutong-dugtong na pahayag mula sa nakalap na impormasyon.
Bagkus ito’y mga nakalap na kaalaman at datos na isinaayos at inorganisa sa isang makaagham
na pamamaran ng ang bawat hakbang ay nakaplano.

(b) Mayaman sa mga ginagamit na datos – Hindi kailangang makontento sa isa o dalawang
sanggunian. Bigyan kasiyahan ang gawaing pananaliksik sa tulong ng mga nagpapanaligang mga
impormasyon.

(c) Angkop sa pamamaraan o metodolohiya – Sa bahaging ito ipaliliwanag ang partikular na


instrumentong ginamit na makatutulong sa ikahuhusay sa sulating pananaliksik.
(d) Dokumentado – Ang mga patotoo at ang validiti ng sulating pananaliksik ay nakasalalay sa
mga ihaharap na materyales bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

(e) Sistematiko - Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa


pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang
bagay na hinahanapan ng kasagutan.

(f) Kontrolado - Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano ito
nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng
isinasagawang pag-aaral. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala at
pinipili ang mga baryabol.

(g) Empirikal - Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga
ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong haypotesis. Ang
mga empirikal na datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

(h) Pagsusuri - Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.


Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na
ginamit samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuru-
kuro o interpretasyon. Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga
dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon. Ang mga datos na
sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at
iba pa.

(i) Lohikal at walang Kinikilingan - Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan
at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Ang mananaliksik ay dapat na walang
pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang naging resulta ng pag-aaral.
Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa resulta ng anumang pag-aaral.

(j) Ginagamitan ng haypotesis - Ang haypotesis ay pansamantala o temporaryong


pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring
naganap na o magaganap pa lamang. Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag
ng suliranin sa isasagawang pag- aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.

(k) Orihinal na akda ang pananaliksik - Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang
nakagawa sa nasabing pananaliksik. May sistema ang pananaliksik. Tulad ng iba pang
siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay may sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras,
panahon at salapi kung ang gawain ay nasa ilalim ng nararapat na proseso. Sa pagsisimula
hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik ay isang gawaing may proseso o sistema - hindi ito
natatapos na minamadali. Ang pananaliksik ay sumusunod sa maayos at makabuluhang
prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang bagay
na hinahanapan ng kasagutan.
(l) Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag- aaralan - Kung magsaliksik, siguraduhing may
mababasa kang impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man, magasin, o di kaya’y sa internet.
Hindi magastos ang paksa. Hangga’t maaari, pumili ng paksa na hindi gugugol ng malaking
halaga. Ngunit isaalang-alang din ang kalidad ng gagawing pag-aaral.

(m) Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot- kamay - Sa ikagaganda, ikahuhusay
at ikadadali ng anumang pag- aaral, mahalaga na ang datos ay madaling mahanap. Ang
mahalaga sa pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan ang mga katanungang inihanda.
Makatotohanan ang pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang siyentipikong gawain, marapat
lamang na ilahad ang totoong kinalabasan ng pag-aaral batay sa isinagawang pagsusuri at
istadistikong analisis. Sa madaling sabi, hindi dinoktor ang mga datos upang mapabuti ang
resulta ng pananaliksik.

Tingnan naman kung ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik...

Mga Layunin ng Pananaliksik


1. Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon o bagong kaalaman.
2. Makapagbigay ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dati nang ideya.
3. Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang
solusyon sa problema.
4. Makapagtotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang materyal o
dokumento hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
5. Makapagbigay ng mga ideya o suhestyon batay sa historical na persperktibo para sa isang
pangyayari o senaryo.
6. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
7. Makadetermina ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto
8. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o kabuuan ng isang bagay)
9. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya, regulasyon,
batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan
10. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik
11. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman
12. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
13. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo at
pagkatuto.
14. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina.

Bilang isang mananaliksik, ikaw din ay may mga tungkulin at responsibilidad. Dapat taglayin
ng isang mananaliksik ang mga katangiang makatutulong para sa maayos at organisadong
pagsasagawa ng pananaliksik. Alamin kung ano-ano ang mga ito…
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

1. Dapat ang isang mananaliksik ay mapagsiyasat – Sinusuri niyang mabuti ang dapat at di
dapat isama sa mga impormasyong nakuha upang magkaroon ng tiyak at wastong
interpretasyon ng mga datos na magagamit sa isinasagwang pananaliksik. Inaalam ng mga
mananaliksik kung may kaugnayan o may kabuluhan ang mga datos na napili sa paksang pinag-
aaralan.
2. Dapat ang mananaliksik ay masistema - Dapat nakaprograma at nakaplano lahat ang
isinasagawang pag-aaral. Nakaplano at organisado kung kalian gagawin ang lahat ng mga
nakalinyang gawain sa pananaliksik. Kung hindi gagawan ng plano o timeframe, baka hindi
matapos sa takdang panahon ang pagsasaliksik.
3. Dapat ang isang ay matiyaga – Ito ay isang pangunahing katangian ng mananaliksik upang
matamo niya ang isang tiyak, wasto at tumpak na kasagutan sa paksang pinag-aaralan. Dahil sa
dami ng impormasyong kakailanganin, dapat maging matiyaga, masipag at masikap ang isang
mananaliksik sa pagkalap ng mga datos.
4. Dapat ang mananaliksik ay masinop – Matapos makalap ang lahat ng impormasyong
kinakailangan, dapat ingatan at sikaping maayos at organisado ang pagtatala ng mga
impormasyon at isinop para maiwasan ang di magandang pangyayari dahil mahirap muling
magsimula sa paghahanap ng dokumento.
5. Dapat ang mananaliksik ay madiskarte - Dapat ay hindi palaasa ang isang mananaliksik, sa
halip ay magkaroon siya ng sariling disposisyon sa pagsasaliksik. Alam niya ang pasikot-sikot sa
bawat anggulp ng kanyang pag-aaral. Dapat din siyang mapamaraan.
6. Dapat ang mananaliksik ay may pananagutan – Tungkulin ng isang mananaliksik na kilalanin
ang mga manunulat na pinagkuhanan niya ng pahayag, prinsipyo o paniniwala, artikulo o
anumang bahagi ng kanilang sinulat bilang tanda ng paggalang at upang siya ay hindi
maparatangan ng plagiarism.

Kaya mo bang gampanan ang mga tungkuling ito kung ikaw ay mananaliksik? Kung hindi pa,
nawa ay maitakda sa iyong isip at maging determinado upang ikaw ay maging isang
responsableng mananaliksik sa paggampan ng mga tungkuling ito.

Basahin naman ang mga kahalagahan ng pananaliksik upan glalong maintindihan kung bakit
kailangang ang mga mag-aaral ay gumawa ng isang pananaliksik.

Kahalagahan ng Pananaliksik

1. BENEPISYONG EDUKASYONAL. Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang magsilbing


gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa
kanyang mga mag-aaral. Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga isyu,
metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan. Gayundin, kung nagsasagawa sila ng
pananaliksik o nakababasa ng mga resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay nila
ang mga natutuhang konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa paglutas ng suliranin
dahil ang pananaliksik ay pawang paghahanap ng solusyon sa mga suliranin.
2. BENEPISYONG PROPESYONAL. Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at nakapaghahanda
para sa kanyang pinapasok na karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa at mag-analisa ng
mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa kanyang propesyon.

3. BENEPISYONG PERSONAL. Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang


kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging matatag sa buhay.
Nakakaya niyang tumayong mag- isa, at masanay na siya sa paghahanap ng mga datos bilang
tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.

4. BENEPISYONG PAMBANSA. Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad ng


bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay
para sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakanang pambansa ay
batay sa resulta ng mga isinagawang pananaliksik.

5. BENEPISYONG PANGKAISIPAN. Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang


indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at pananaw

6. BENEPISYONG PANGKATAUHAN. Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa


ang kagalingan ng isang mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao. Nagbubunga ito ng kahusayan sa
pakikibagay at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Bukod dito, nalilinang ang kanyang tiwala
at pagmamalaki sa sarili lalo na kapag nagampanan niya nang maayos ang tungkuling hinarap.

Tunay nga na napakaraming maidudulot ang pananaliksik hindi lamang sa iyo na mananalisik
kundi pati na iyong bansa. Nais mo bang taglayin ang mga benepisyong ito?

Etika ng Pananaliksik
1. Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-ingat sa plagiarism o
pangongopya ng gawa ng iba. Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa kanyang
isinusulat at mapanindigan niya ang anumang produktong ginawa niya sa lahat ng oras.
Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa
rin ng mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang mambabasa ang pinagmulang
sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik.

2. Paggalang sa karapatan ng iba. Kung gagamitin bilang tagatugon ang isang pangkat ng mga
tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa
kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang
pahintulot.

3.Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential. Kinakailangang alamin ang lahat ng
datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan na confidential.

4. Pagiging matapat sa bawat pahayag. Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating


pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring
baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o
pangangailangan ng ilang tao.

Paghahambing ng Pananaliksik at Huwad na Pananaliksik

Pananaliksik Huwad na Pananaliksik


Ang akademikong gawain ay maymataas na gamit Naisasagawa gamit angmalikhaing isip
ng isip upagipahayag ang isa o higit pangideya ng tao ukol samga bagay sa kanyang
bilang batayan ngkarungungan. paligid.
Ito rin ay mga gawaing maykritikal na paghusga o Mga gawaing nagpapahayag
pag-analisasa mga kumplikadong ideya ngemosyon, kaisipan o opinion ngisang
atimpormasyon. tao.
May matibay na pinagbabatayanna datos, na Ito ay nakabatay sa mga
maaring galing samga umiiral na kaalaman o walangkatiyakang palagay mula sa may-
samga eksperimento ng mgasiyentipiko. akda at umaapela sa emosyon
opakiramdam ng mambabasa.
Isinusulat sa iskolarlingpamamaraan na may Makulay ang mga salitangginagamit at
pormal nabalangkas tulad ng estruktura ng thesis. hindi pormal.Maaaring ring
matatalinhagangsalita ang gamitin sa
paghahayag.
Malinaw at maikli subalitmalaman ang paglalahad Karaniwang nakabase sa personalo
ng mgaimpormasyon na nakapaloob samga pansariling paniniwala ang
akademikong gawain. mgatinatalakay sa isang di-akademikong
gawain.
Ang lahat ng mga gawain atsulatin sa mga Paligoy-ligoy ang paglalahad opagbibigay
akademikonggawain ay nakaugnay sa ng pinakapaksa ngisang gawaing di-
mgaakademikong disiplina. Ito ay akademiko.
angHumandidades, AghamPanlipunan, at Agham
Pisikal.
Ang pinakalayunin ngakademikong gawain Magbigay ng aliw o libang sa mga
aymagbigay ng patunay o pruweba sa mga ideya o mambabasa.
impormasyongukol sa mga akademikong disiplina.
Mga mananaliksik na propesyunal at estudyante. Maaari rin na magpalaganap
ngkamalayan sa isip ng
mambabsatungkol sa isang bagay, tao, o
pangyayari.
Mga siyentipiko sa iba’t ibang larangan. Mga manunulat tulad ngmanunulat ng
piksyon.
Mga pananaliksik na isinagawa ng mga Pagsulat ng piksyon at tula.
mananaliksik.
Mga akademikong sulatin.
Buod
Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at
paglutas sa isang suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga
ideya, konsepto, bagay, isyu, tao at iba pang nais bigyang linaw, patunayan o
pasubalian.

Batay sa mga pagpapakahulugan, masasabing ang pananaliksik ay:


 Maingat – dahil kinakailangan ang wastong paghanay ng mga ideya. Ang mga salitang
gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa.
 Masusi – dahil bawat detalye, datos, pahayag, o katwiran ay nililinaw at pinag-aaralang
mabuti bago gumawa ng anumang pasya.
 Mapanuri – dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri at tinataya.
 Tiyak – dahil kailangang patunayan ang mga nosyon, palagay, haka-haka o paniniwala sa
paraang sigurado o mapagbabatayan.

Tulad sa pananaliksik, kailangang tayo ay maging matiyaga sa paghahanap ng solusyon at


huwag mawalan ng pag-asa na darating ang panahong tayo ay makakasumpong din ng linaw
sa lahat ng suliraning pinagdadaanan. Laging isiping ang lahat ng problema ay may
solusyon, kaya huwag mawalan ng pag-asa.

Gawin ito:

Group reporting

Mga Sanggunian:

Angeles, Cristina. et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Mutya Publishing House, Inc.
2011
Acopra, J. A. (2015). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina (Introduksyon sa Pananaliksik).
Mindshapers Company.
Images: Facebook.com, iconfinder
MGA URI NG PANANALIKSIK
Introduksyon
Maraming pamamaraan upang makagawa ng isang pananaliksik, kung kaya’t dapat
alamin kung ano ang nararapat na gamiting paraan. Sa araling ito, makikita ang mga uri ng
pananaliksik na maaaring makatulong upang makatuklas ng ispesipikong uri na maaaring
magamit sa pag-aaral na gagawin.

Mga Layunin:

1. Maipamalas ang iba’t ibang uri ng pananaliksik;


2. Maipabatid ang kahalagahan ng bawat uri ng pananaliksik; at
3. Magbigay ng gabay kung paano itaguyod ang iba’t ibang uri ng pananaliksik.

Subukin ito:

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.


Ang mga kasanayan sa pagsusulat ay napakahalagang kasanayan para sa lahat ng uri ng
mga layunin, ngunit lalo na kapag sumusulat ng mga sanaysay. Napakahirap magsulat ng isang
magandang sanaysay nang walang wastong kasanayan sa pagsulat. Bagaman inaangkin ng lahat
na siya ay maaaring sumulat ng isang mahusay na sanaysay, maraming tao ang kulang sa mga
kinakailangang kasanayan na gumawa ng sanaysay na isang pinakintab na piraso ng pagsulat.
Para sa mga nag-aaral, ang mabisang pagsulat ay isang pangangailangan, hindi lamang
para sa tagumpay sa akademya, kundi pati na rin para sa aktibong pakikilahok sa ating lipunan.
Gayunpaman, maraming mga mag-aaral ay umaalis pa rin sa high school na kulang sa husay sa
kasanayang ito. Ang pagpapabuti ng kasanayan sa pagsusulat ng mga mag-aaral ay tumutulong
sa kanilang magtagumpay sa loob at labas ng silid aralan. Ang mabisang pagsulat ay isang
mahalagang bahagi ng nakamit ng mag-aaral sa pagbasa at pagbasa, at ang pagsulat ay isang
kritikal na kagamitan sa komunikasyon para sa mga mag-aaral upang makapaghatid ng mga
saloobin at kuro-kuro, ilarawan ang mga ideya at pangyayari, at pag-aralan ang impormasyon.
Sa katunayan, ang pagsusulat ay isang kasanayan sa habang-buhay na gumaganap ng isang
pangunahing papel sa tagumpay sa post-pangalawang tagumpay sa mga disiplina sa akademiko
at bokasyonal.

1. Sa iyong palagay, ano ang nilalayong malaman sa pag-aaral na ito? Bakit?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Magbigay ng 2 katanungan na nais mong masagot:


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Alamin:

Mga Pamamaraan ng Pananaliksik

Uri ng Pananaliksik Batay sa Pakay: Pag-usisa vs. Pakinabang

Ang lahat ng larangan ng kaalaman ay may dalawang dibisyon hinggil sa


pagsasagawa ng pananaliksik. Ito ay ang pangunahing pananaliksik at praktikal na
pananaliksik. Ano ang pagkakaiba ng mga ito?

1.Pangunahing Pananaliksik (Basic Research)


Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa isang
posibleng ideya; penomenon na mahirap ipaliwanag; suliraning nararanasan sa lipunan,
pagkatao at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di kaya’y mauunawaan lamang
kapag natapos na ang pananaliksik. May mga ilang tanong na wala talagang tiyak na kasagutan
sa kasalukuyan.
Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon
sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.

2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)


Umiikot ito sa hangaring matugunan at masolusyunan ang isang pratikal na suliranin sa
lipunan. Isinasagawa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan.
Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng
populasyon. Maaaring gamitin ng iba pang mga paaralan, barangay, at komunidad ang mga
resulta ng mga pananaliksik na ito. Kung hindi man, ang metodong ginamit ng mga mananaliksik
ay maaaring gayahin o nang kaunti ng iba pang mga mananaliksik upang magamit nila sa
pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang mga lugar.
Halimbawa:
a. Paano mas matututo ang mga kabataan sa loob ng bahay?
b. Ano ang paraan ng pagpapataas ng presyo ng palay?
c. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na matugunan ang pandemya?

Uri ng Pananaliksik Batay sa Proseso

1. Paglalarawan (Descriptive)
Isang pananaliksik na nakatutok sa pagpapakilala ng pangyayari o nangyari: kung paano,
kalian at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o
penomenon sa pamamagitan ng masusi at mabusising pangangalap ng datos o
impormasyon. Inilalarawan nito nang buo ang kwento, diskurso at penomenon ayon sa
pananaw at karanasan ng impormasyon o kalahok sa pananaliksik.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Ang Pagtaas ng Bilang ng Kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Ecija
b. Palay at Magsasaka: Kalagayan ng Agrikultura sa bayan ng Sto. Domingo

Mga Uri ng Plarawang Pagsasaliksik:


1. Sarbey
a. Kung nais ng isang mananaliksik na makakalap ng limitadong datos mula sa
isang antas ng kaso, gagamitin niya ang ganitong uri ng pananaliksik. Higit na
impormasyon ang makukuha tungkol sa mga baryabol sa halip na tungkol sa mga tao.
b. Ginagamit ang sarbey para sukatin ang isang umiiral na penomenon na hindi
kakailanganing alamin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.
c. Ang paggamit ng datos upang malutas ang umiiral na suliranin sa halip na
pagsubok sa haypotesis ang pangunahing layunin ng ganitong uri. Sensus at sampol ang
saklaw nito.
d. Sensus ang tawag kung sinasangkot ang buong populasyon samantala
ginagamit naman ang sarbey para itala ang payak na talahanayan ng mga tahas na bagay

2. Papaunlad na pag-aaral
a. Maaaring gamitin ang ang uring ito kung ang mananaliksik ay naglalayong
makakuha ng maaasahang impormasyon tungkol sa pagkakatulad ng mga bata na may
iba-ibang gulang, paano sila nagkakaiba-iba sa iba-ibang gulang at kung paano lumalaki
at umunlad. Ang disenyong ito ay nagbibigay ng sapat na panahon para pag-aralan ang
sikolohikal, intelekwal at emosyonal na paglaki ng mga bata.
b. Sa papaunlad na pag-aaral maaaring talakayin ang intelekwal, pisikal,
emosyonal at panlipunang pag- unlad.

3. Follow-up na pag-aaral
a. Kapag ang pananaliksik ay naglalayong sundan pa ang pag-aaral sa pag-unlad
ng mag-aaral pagkatapos na mabigyan ng tiyak na gawain o kalagayan, maaaring gamitin
ang uring ito.
b. Angkop ang pag-aaral na ito kung tinataya o pinahahalagahan ang tagumpay
ng isang partikular na programa tulad ng pamamatnubay, pagtuturo. pampangasiwaan
at iba pang programa.

4. Pagsusuri ng dokumento
a. Ang mga datos sa uring ito na kilala ding pagsusuri ng nilalaman ay makukuha
sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tala at dokumento.
b. Halimbawa, kung nais mong tuklasin kung hanggang saan ang saklaw ng mga
aklat tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao, maaaring suriin ang nilalaman ng aklat kung sa
anong mga aralin napapaloob ang pagpapakatao.

5. Pagsusuring pangkalakaran
a. Kung nais ng mananaliksik na mabatid ang magiging kalagayan sa hinaharap,
maaari niyang gamitin ang pamamaraang ito.
b. Halimbawa nito ay ang paghahanda ng plano ng mga paaralang pribado o
pampubliko, sa pagpapaunlad ng pisikal at intelekwal na pagpapaunlad halimbawa ng
mga gusaling kakailanganin, ang bilang ng mga silid- aralan at plano ng kurikulum at mga
kurso na kakailanganin sa mga darating na panahon.
c. Upang matiyak ang direksyon ng pagbabago, dapat na magkaroon ng sarbey
na siyang magiging batayan.

2. Eksperimental (Experimental)
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga siyentista upang kontrolin o manipulahin
ang isa o maraming varyabol at maipaliwanag ang kahihinatnan, sanhi-bunga, o
penomenon batay sa mga salik o varyabol na nakalatag sa disenyo ng pananaliksik. Maaari rin
itong gamitin sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng kontrolado at eksperimental na
grupo.
Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon
sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto ng Bata ng Kaniyang Unang Wika
b. Ang Puyat at iba pang Sanhi ng Stress ng Kabataan sa Gabi

3. Historikal (Historical)
Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga isyu o mga panyayari tungkol sa nakaraan.
May kahirapang gawin ang ganitong uri ng pananaliksik. Nangangailangan ito ng masusing
paghahanap at pagbabasa.

Narito ang ilang gawaing isinasaalang-alang sa pagbuo ng pangkasaysayang pananaliksik:


1. Pagpili at pagbalangkas ng suliranin Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang kakayahan
ng mananaliksik, ang mapagkukunan ng mga datos, ang tagal ng panahong maiuukol sa pag-
aaral, ang kagalingang pampropesyonal, ang sapat na mapagkukunan ng mga datos, at pagtiyak
na matatapos ng mananaliksik ang proyekto sa itinakdang panahon.
2. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos Ang mga datos ay maaaring makalap mula sa
mga kasulatan tulad ng mga opisyal at pampublikong dokumento, ang saligang-batas, mga
batas, mga dekreto, mga resolusyon at iba pa; mga materyales na naisalin na ng pasalita gaya
ng mga kuwentong- bayan, alamat at tradisyon; mga gawaing pansining tulad ng mga masining
na guhit, mga larawan, mga relikya at labi.
3. Kritikal na pagsusuri ng mga datos Ang pagsusuri ay maaaring panloob at panlabas na
isinasagawa upang mabatid ang pagiging tunay at pagkamakatotohanan ng mga pahayag dito.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Ang Makaagham Kasaysayan ng Lungsod Agham ng Muňoz
b. Nueva Ecija bilang Kabahagi sa Walong Sinag ng Araw

4. Pag-aaral ng isang Kaso (Case Study)


Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa pag-alam sa mga kaso gaya ng mga
pangyayari sa usaping panghukuman, pag-alam sa kaso ng isang pasyente na nagkakaroon ng
problema, sa mga dahilan kung bakit nawala sa sariling pag- iisip ang isang tao.
a. Sinusuri sa uring ito ang isang partikular na tao, pangkat o sitwasyon sa isang
tiyak na saklaw ng panahon. Ang masusing pagtatanong at pagsusuri sa kaasalan ng
isang tao, ang pagmamatyag kung paano nagbabago ang kaasalan ng tao upang ibagay
at itugon ang kanyang sarili sa kapaligiran ay pangangailangan sa ganitong uri ng
pananaliksik.
b. Dapat na tuklasin at kilalanin ang mga malayang baryabol na nakatulong sa
pag-unlad ng paksa. Dapat na mangalap ng mga datos na kaugnay ng nakaraang
karanasan at ng kasalukuyang kalagayan at kapaligirang pinag-aaralan.
c. Dapat na tuklasin kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga salik at kung
paano ang mga salik na ito ay makakaapekto sa kasong pinag-aaralan. Ang mga
pananaliksik sa pamamatnubay ay nagpapakita kung paano nakatutulong ang pag-aaral
ng kaso sa paglutas ng mga personal na suliranin ng isang tao.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Mental Health ng mga Kabataang Pilipino sa Panahon ng Pandemya
b. Homosexuality: Namamana o Impluwensiya?

5. Exploratory
Pananaliksik na nagtatagkang usisain ang nagyayaring penomenon. Kasalukuyan
ang lunan at panahon ng mananaliksik na ito. Nakikilahok ang mananaliksik upang sa
kaniyang direktang karanasan at pag-aaral, maunawaan niya ang paksa ng kaniyang
pananaliksik. Ang descriptive ay maaaring magbigay-daan sa isang pananaliksik sa exploratory
at vice-versa.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Ang pagkamaluho ng mga Kabataan sa Teknolohiya
b. Pananaw ng mga Magulang sa Modular na Pag-aaral ng mga Mag-aaral

6. Explanatory
Layunin ng pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga varyavol na
sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi lamang ito simpleng paglalahad ng datos
kundi pagpapaliwanag o pagsusuri sa penomenong pinag- aaralan.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Ang Epekto ng Cramming sa Uugali, Pag-iisip, at Kalusugan ng mga Estudyante
b. Ang Pagsipat sa Sinkroniko at Asinkronikong Moda ng Pagtuturo sa Panahon
ng Pandemya

7. Evaluative
Pananaliksik ito na ginagawa upang matukoy kung ang isang pananaliksik, proyekto,
programa, o polisiya ay naging epektibo o matagumpayan sa pagsasakatuparan nito.
Tinatawag din itong impact study.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Pagtataya sa Implementasyon ng MTB-MLE: Tugon sa Pagpapaunlad ng Kto12
Kurikulum
b. Ebalwasyon ng Pagpapatupad ng Asinkronikong Moda sa Pag-aaral ng mga
Estudyante ng Cental Luzon State University

8. Action Research
Ang pananaliksik na ito ay kadalasang ginagawa ng mga guro. Layunin ng pananaliksik na
ito na masolusyunan ang problemang kinahaharap sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-
aaral. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng
pananaliksik.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Talaturuan: Paggamit ng Talasalitaan sa Pagpapalwak ng Bokabyularyo ng mga Mag-
aaral
b. Seating Arrangement bilang Tugon sa Aktibong Pakikilahok ng mga Mag-aaral

9. Correlational Research
Isang pananaliksik na malalim ang iba’t ibang varyavol na magkakaugnay o may relasyon
sa isa’t isa sa target na populasyon.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Ugnayan ng Paggamit ng Unang Wika sa Aktibong Pagganap ng mga Mag-
aaral sa K to 3
b. Sinkroniko vs. Asinkroniko: Tugon sa Pagpapaunlad ng Akademik Perpormans
ng mga Mag-aaral

10. Quasi-experimental
Pinagsamang eksperimental at ebalwasyon na pag-aaral. Gamit ang eksperimental
at kontroladong grupo ay paghahambingin ito sa pamamagitan ng pagtataya tulad ng pre-test
at post-test.
Halimbawa ng mga paksa:
a. Lakbay-wika: Pagbuo at Balidasyon ng Sariling Linangan Kit (SLK) sa Filipino 9
b. Video Materials: Kagamitang Pampagtuturo ng Panitikan
11. Pananaliksik at Pag-unlad (Research and Development / R&D)
Isa itong malikhaing gawain na buhat sa masistemang pamantayan upang maragdagan
ang dating kaalaman, kabilang ang dating kaalaman ng tao, kultura at lipunan at ang gamit ng
kaalamang ito upang makaliha ng panibagong aplikasyon. Pokus nito ang pagbuo at
pagdebelop ng mga kagamitan na mapakikinabangan sa hinaharap at eksperimental na
pamamaraan upang makabuo at makapagpabalido ng binuong produkto.
Halimbawa ng mga paksa:
a. E-BAKADA: Interaktibong Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino bilang Ikalawang
Wika ng mga Dayuhang Mag-aaral
b. Pagbuo at Balidasyon ng Glosaryong Pangsosyal ng mga Katutubong Mahawang

Uri ng Pananaliksik Batay sa Saklaw ng mga Larangan


1. Disiplinari
Nakatuon ito sa isang larangan batay sa espesyalisasyon ng mananaliksik. Ang bawat
larangan ay may kani-kaniyang kalipunan ng kaalaman, metodo at mga teorya, at konseptong
tinatalakay at pinag-aaralan sa loob ng isang larangan.
Halimbawa:
a. Ang mga Bayaning Mandirigma ng Bayan ng Llanera sa Panahon ng Himagsikan
(larangan: Kasaysayan)

2. Multidisiplinari
Ito ang tawag kapag higit sa isang mananaliksik ang kabilang sa pananaliksik. Ang
mga mananaliksik ay mula sa magkakaibang larangan at nakatuon para sa pag-aaralan ang
isang paksa.
Halimbawa:
a. Ang Kapangyarihan ng Kababaihan sa Mundo ng Negosyo (pag-aaralan mula sa
pananaw ng sikolohista, sosyolohista, historyador, ekonomista, at political scientist)

3. Interdisiplinari
Ito ang kayarian ng pananaliksik kung ang isang mananaliksik ay may background
sa dalawa o higit pang larangan. Inter/multidisiplinari kung ang mga kalahok na mamanaliksik
ay may pagsasanay sa dalawa o higit pang larangan.
Halimbawa:
a. Ang Tinig ng Maralita sa Kanilang Panulaan (pag-aaralan ang isang iskolar na may
background sa edukasyon, literature, at antropolohiya)

4. Transdisiplinari
Ganito ang pananaliksik kapag tatahakin o pag-aaralan ng mananaliksik ang paksa na
kabilang sa larangang hindi niya gamay o espesyalisasyon. Sabay niyang tutuklasin ang larangan
at ang kaniyang paksang pinag-aaralan.
Halimbawa:
a. Ang Therapy at Poetika (pag-aaralan ng isang clinical psychologist habang pinag-
aaralan din niya ang panulaan/poetika at ang epekto nito sa makatang may sakit)

Naipakita at nalaman ninyo ang iba’t ibang uri ng pananaliksik na maaaring magamit ninyo sa
pagbuo ng inyong pananaliksik bilang pangunahing gawain ninyo sa subject na ito. Mas nalito
ba sa dami? Nawa naman ay hindi bagkus natuto at naway maging gabay ninyo ito upang
makapili kayo ng angkop sa inyong gagawing saliksik.

Iba pang mga uri ng pananaliksik


Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga pang-akademya, pang-agham,
pampamilihan, pang-edukasyon, pangkasaysayan, pangwika, at may pag-uugnayan ng mga
disiplina:[3]

Pang-akademya
Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga
mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante
upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang
ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang
gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang
maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.

Pang-agham
Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na
metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng
biyolohiya, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan
ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng
mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming
mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at
mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga
pananaliksik.

Pampamilihan
Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na
pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano
sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.[3]

Pang-edukasyon
May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik,
partikular na sa mga paaralan.[3]

Pangwika
Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano
ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang
pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.

Sa mga disiplina
May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga
kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang multidisiplinaryo, interdisiplinaryo,
at transdisiplinaryo. Sa antas na pang-multidisiplinaryo o maramihang mga larangan,
isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga
pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa
pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang
identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at
mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-
ugnayang panlarangang pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang (nagsasanib na) mga
larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga
epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teoriya ng Agham Pangtao.

Buod

Ang isang uri ng pananaliksik ay karaniwang ipinapagawa sa mga


estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang
akademiko ang pamanahong papel. Ito ay kadalasang nag sisilbing kulminasyon
ng mga pasulat ng mga gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso sa loob ng
isang panahon. Naglalaman ang kabanatang ito ng mga pamamaraan na gagamitin sa pagkuha
ng mga datos, instrumentasyon at pagsususri sa piniling paksa sa suliraning pananaliksik
Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik ang
internet, interbyu, library at iba pa. Sinusulat ng mananaliksik ang ginamit na pamaraan tulad
ng kung ang pag-aaral ay palarawan, pangkasaysayan o eksperimento. Dito ipinaliliwanag kung
bakit ang pamaraang iyon ang ginamit.

Hindi hadlang ang kahirapan o anumang sitwasyon ang kinakaharap mo sa ngayon upang
maabot mo ang iyong mga pangarap. Maraming paraan, kailangan lang ang tamang
gagamiting pamamaraan.

Gawin ito:

Kung ikaw ay mamimili ng isang uri ng pananaliksik, alin ang iyong pipiliin na sa
palagay mo ay magagamit mo sa iyong pananaliksik? Ipaliwanag ang iyong sagot
sa 5-8 pangungusap kung bakit ito ang iyong napili.

Mga Sanggunian:

Angeles, Cristina. et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Mutya Publishing House, Inc.
2011
Tangonan, R. B., Villanueva, V. M., & Zamora, N. A. C. L. (2016). Special Filipino Curriculum
(SFC): Isang mungkahing kurikulum sa Filipino para sa Dayuhang mag-aaral. The Normal Lights,
10(2).
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-pinal-na-sulating-pananaliksik/
https://www.studocu.com/ph/document/batangas-state-university/bs-accountancy/fildis-
aralin-2batayang-kaalaman-sa-pananaliksik/12760251
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik

You might also like